Simpleng Happy Meal

Inabutan ako ng gutom nang namalengke ako kanina sa mall. Tiempo nasa tapat ako ng McDonalds kaya pumasok na ako para bumili ng kahit ano lang para maibsan yung gutom ko.

Umorder ako ng Crispy Chicken sandwich, Blueberry Sundae tsaka isang basong tubig.

crispy chicken sandwich

blueberry sundae

 Photos courtesy of Google

Hindi ko maipaliwanag pero habang hinihintay kong ibigay sa akin yung food ko – nai-EXCITEEE ako! Hihihi! Para akong timang na nangingiti. As in deep inside me talagang happy ang feeling ko. 😀

Parang bagong-bago sa akin yung ginawa ko kanina. Para bang perstaym ko sa McDo.

Ewan ko ba, di ko maintindihan! Di ko alam kung saan ako nai-excite. Sa food? Sa Mcdo?  O dahil maiibsan na ang gutom ko? Lol!

Nway, habang ngumunguya, ayun, napag isip-isip ko na kaya siguro ang OA ng pakiramdam ko eh kasi na-realize ko na ang tagaaaaal ko na pala hindi na ti-treat ang sarili ko ng kahit burger lang. Kanina lang ulit ako kumain na mag-isa sa labas. Hays, kaya pala naninibago ako.

Eh kasi panay ang tipid ko. Hehe! Tsaka kasi naman, pag solo parent ka…talagang iisipin mong laging panghuli ang para sa sarili mo.

Haynaku, na imagine ko tuloy, ano pa kaya kung i-treat ko ang sarili ko sa isang fine dining noh? O kaya kumain sa isang sushal na resto na may mamahalin na food? Hindi kaya ako himatayin? Haha! Exaj!

Pero panigurado yun, kung hihimatayin man ako, tiyak dahil yun sa nanghinayang ako sa bayad ko. Tsaka malabong mangyari yun na ililibre ko sarili ko. Dahil wa ko rin afford yun.

P.S.

Hindi masarap ang Blueberry Sundae ng McDo. La kwenta! Kahit konting lasa ng blueberry eh – waley!

oOo

“Happiness is having to not care what people think of you.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *