Pinay

proud to be pinay

Photo courtesy of Google

May nakausap akong porener. (Matinong foreigner). Diborsyado. At naghahanap ulit ng jowang makakasama sa buhay and this time kung papalarin, gusto nya i-share ang nalalabing buhay nya sa mundo, sa isang PINAY.

“I don’t see myself with an american woman again.” Yan ang kuda ng kausap ko.

(Palibhasa nagka-syota na ng Pinay dati kaya hinahanap-hanap na nya ang aruga at pagmamahal ng isang Pinay.)

Tinanong ko, why Pinay? Sabi ko, cuties din naman ang mga moret na galing sa ibang parte ng Asia gaya ng Thailand o kaya Vietnam. Bakit Pinay?

Ang sagot ng lolo nyo…

“most of the filipinas I know are very loyal, smart, petite, love life, love their families.”

“most filipinas speak wonderful english, other asians do not.”

O di vah! Ang taray  ng lahing-Pinay. Bukod sa pagiging masarap, iba talaga ang hagod o haplos ng pagmamahal at alaga ng isang Pinay.

Di na bago ang ganyan na mga hirit ng mga porener tungkol sa mga Pinay. Narinig na natin yan. Gayunpaman, simple lang ang mga Pinay pero – ROCK!

Simple lang ang beauty ng mga Pinay…mga pang Miss World lang naman. 😀

Kaya sa mga kalahi kong Pinoy na may jowang Pinay, ang suswerte nyo, mga pre!

Kaya pahalagahan nyo ang mga asawa nyong Pinay. Mahalin nyo ng tunay, ng walang pag-iimbot at maging kapaki-pakinabang!

May mga dayuhan na nagkukumahug basta makapag-asawa lang ng Pinay. Dumadayo talaga sila dito. Sa totoo lang, hindi naman sa ano pa, pero minsan mas mabuti pa nga ‘tong mga foreigner kasi naa-appreciate nila ang pagiging Pinay namin. Nakikita nila ang kakaibang katangian ng Pinay na madalas ay balewalain lang ng mga Pinoy.

May ilan akong mga kilalang mga married Pinoys na kung i-take for granted nila ang mga asawa nila eh wagas! I myself, dumaan sa pagkawarak ng puso ng todo-todo courtesy ng Pinoy.

Although I still love my own kalahi, minsan kainis lang talaga ang mga kalalakihang-Pinoy.  Masyadong ma-pride na wala sa lugar. Yung iba ang yayabang pa. Kapal nga ng mga fez eh, andun pa yung nakukuhang manloko sa misis nila.

At eto pa, ma-EGO pa! Eh liit naman ng titi. Lol! Juklang! Uy, hindi ko naman nilalahat ha? Baka kasi kuyugin nyo ko. Hehe!

Enwey, someday…paglaki ko…mag-aasawa din ako. At ang aasawahin ko ay – Pinay. 😛

oOo

“Walang may gusto na masaktan. Hanggang sa nagmahal sila.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *