Hamishim

being-independent 20 days na ang nakakalipas mula ng lumuwas ng Manila ang unico hijo ko.

En hamishim olredi. 🙁

Pagkatapos ng klase ni Kevin last semester, pumunta na agad sya ng Manila para sa work interview na naghihintay sa kanya.

Enwey, sa wakas ay nakatapos din ng kolehiyo ang panganay ko. Ngayon ay may work na siya. One week lang ang pinaghintay nya sa Manila at nagsimula na agad syang mag-work. Kaya naman…Oh Bathala, maraming salamat po! Tenkyuberimats talaga!

Eh musta naman ngayon ang Mamaru?

Natutuwa na nalulungkot ako sa true lang. Natutuwa, dahil eto na ang simula ng independence nya. Nalulungkot, dahil simula na rin ‘to ng realidad na hindi ko na sya makikita o makakasama ng araw-araw gaya ng dati.

Imagine, 22 years din kaming magkasama ng unico hijo ko. Pero simula ngayong month na ‘to ay malamang tuwing bakasyon o mga okasyon gaya ng Pasko ko na lang sya makikita at makakasama dahil nga sa may work na siya.

Howel, ganito talaga ang buhay. Lumalaki at tumatanda din ang mga anak ko. Second year college na rin si unica hija ko. Magda-drama pa ba ako eh alam ko naman na darating talaga ang araw na they will start spreading their wings at magkakaroon na ng sariling buhay. Kaya dapat ngayon pa lang ay magsanay na ako sa magiging absence nila.

Gustuhin ko man mag-emote eh wag na lang. Dapat maging masaya at magpasalamat na lang ako dahil kahit isa akong SINGLE MOM o walang katuwang sa buhay simula pa nung pinanganak ko sila eh buong maipagmamalaki ko na naitaguyod ng alindog ko (with flying colors, kembot at tumbling) ang mga anakis ko. Taraaaaay!

oOo

“There comes that time in life when a child will leave the nest. We must send them off with love and a prayer and leave to God the rest.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *