Parapol

Klap klap, Hurey!

Nanalo ako ng plantsa!

Hahaha! Ang saya-saya ko nang malaman kong nanalo ako ng consolation prize na plantsa sa isang pa-raffle kembular ng isang beauty product sa isang grocery dito sa Iligan.

Na-excite kaya ako ng todo. 😀

Eh kasi naman, parang I can’t bilibit.

Ako kasi yung tao na hindi swertehin sa mga parapol ek-ek, sa mga pataya gaya ng ending at lotto, sa mga sugal… o kahit sa pag-ibig. Chos!

Plantsa lang ‘to pero pakiramdam ko parang nanalo na rin ako ng haws en lat. (OA!)
Ngayon, wala na talaga akong dahilan para hindi maplantsa ang mga medyas ng anak ko, mga see-thru nighties ko, at ang mga lace and silk bra and panties ko. 😀
Ang ganda ng tiempo, kasi matagal ko na talaga balak bumili ng bagong plantsa at palitan na ‘tong 48 years old plantsa namin na pwede ng i-display sa museum.
Kalawangin na eh!
Pero gumagana pa naman siya. I mean, umiinit pa naman siya. Yun nga lang yung hawakan na yung umiinit. Joke!
Scary na talaga ‘tong plantsa namin. Look nyo naman ang cord. Nakailang beses ng naputol ang cord at ilang beses ko na rin inayos.
Kung tititigan nyo ang pagkadugtong ng putol na cord,  halata bang trabahong pang-single mom? “Pulidong-pulido”.
Wag pintasan ang pagiging trying hard electrician ko. Magandang tao lamang po ako at hindi perpekto. Hihi!
oOo
“Minsan kailangan ituro sayo ng mundo ang tama sa paraang masasaktan ka para tigilan mo ang MALI at malaman ang pinagkaiba sa DAPAT at HINDI.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.