Aligaga

Mag be-bertdey ang isang apo ko sa pamangkin sa darating na Sabado at nakatoka ako na mamahala para sa Superhero theme kiddie party niya. Kaya eto ang Mamaru, aligagang-aligaga at ilang gabi ng puyaters ang alindog sa paggawa ng mga anik-anik.

So far, nag i-enjoy naman ako sa ginagawa ko…sabihin na natin na nami-miss ko rin kasi ang mga araw na bulingit pa noon si bebeboy at bebegirl ko. Nami-miss ko ang mga araw na yun kung saan sobrang aligaga ako sa pagiging nanay tuwing bertdey nila.

2014-03-04 09.38.40

O sha, diyan muna kayo at dito ako. BRB muna. Hahaha!

oOo

“Isa sa masarap na pakiramdam ay yung alam mong may taong bumubuo agad ng araw mo.”