Wednesday Humor 03.19.14

batman

Sa graduation ng kindergarten, lahat ng mga bata nagdala ng mga regalo para sa guro nila. Ibinigay ng anak ng Florist ang kanyang regalo.
GURO: “Bulaklak siguro ito?”
BATA1: ” Opo.”
Sumunod nagbigay ang anak ng gumagawa ng tsokolate.”
GURO: “Siguro chocolate ito?
BAA2: “Tama po.”
At sumunod ang anak ng wine store. Nang inabot ng bata, nakita ng guro na may tumulo at tinikman niya ito.
GURO: “Hmmm… Beer ba to?”
BATA3: “Hindi po.”
GURO: (Tinikman muli) “Medyo maasim. Champagne ba?”
BATA: “Hindi po. Tuta iyan.”

SOPAS?
Hindi ba Tagalog nuon ay SOBRANG BILIS?

 

An apple a day is dangerous..
PROOFS:
Eve corrupted by an apple.
Snow White went into coma.
Microsoft damaged by Apple.

At a gay wedding, the mayor was confused on how to declare the two men as husband and wife. After a long silence, the mayor said, “I pronounce you Man-United!”

Ano ang mas masarap na feeling?
a. Makahanap ng nagmamahal sayo at mamahalin mo.
b. Makahanap ng malinis na banyo kapag ihing-ihi ka na.

Don’t try to understand women..
Women understand women and they hate each other.

NANAY: “Buknoy! Bakit nawawala yung laruan mong espada, eh kakabili lang natin nun ah!”
BUKNOY: “Di ko po alam inay! Tanungin niyo po si Inday.”
NANAY: “At bakit naman si Inday aber?”
BUKNOY: “Siya lang po mahilig magtago ng sandata ni Tatay.”

Ano daw ang religion ni Chris Tiu ?
Edi IGLESIA NI CHRIS TIU.

NOON: Pag tulog ka di ka uutusan, bubuhatin kapa sa kama.
NGAYON: Kahit puyat na puyat ka, gigisingin ka may hampas pang kasama.

**All of the above jokes courtesy of MIKE.

oOo

“Hindi ka matututo kung hindi ka madadapa, at hindi ka madadapa kung hindi ka tatanga-tanga. “

‘La Lang

  • Maaga akong nagpahinga (Ang pangit ng term na “nagpahinga”. Parang “deds” na ang dating sa akin) natulog kanina. At naisipan kong sa sofa na lang mahiga, por a tseyns.
  • Siempre, kung saan ang amo nakapwesto, dun din ang mga alaga. Siksikan.
  • Kaso eksaktong 1am, nagising ako. Ang iniiiiiit ng sofa. Nagising ako na pawisan ang likod ko. Ayun! Lipat at balik ako sa kwarto ko. Siempre, sunuran din ang anim kong mga alaga ng walang karekla-reklamo na naistorbo ko tulog nila.
  • Ang siste, eto na…as of this writing, it's 3:17am na. At di na ako makatulog. Waaaaaah! Ayaw na akong dalawin ng antok. Batet kaya? May nag iisip kaya sa akin? Tsarot!
  • Sinilip ko mga roommates ko, tulog na tulog sila. Inggit much akey.
  • Heniwey, pansin ko, malamok ngayon sa kwarto ko. Pakiramdam ko kelangan ko ng blood transfusion bukas dahil parang mauubos dugo ko ngayon sa kakakagat nila. Exags! Di bale, pramis bukas bibili na talaga ako ng kulambo. Yung pink ang kulay. Para lab lab lab.
  • Matagal ko na balak bumalik sa pagkukulambo. Parte ng kabataan ko ang paggamit ng kulambo pag natutulog. Gusto kong balikan ang pakiramdam na yun.
  • Ayan, parang inaantok na ako. Ayus!
  • Good mornight, mortals.