‘La Lang

  • Maaga akong nagpahinga (Ang pangit ng term na “nagpahinga”. Parang “deds” na ang dating sa akin) natulog kanina. At naisipan kong sa sofa na lang mahiga, por a tseyns.
  • Siempre, kung saan ang amo nakapwesto, dun din ang mga alaga. Siksikan.
  • Kaso eksaktong 1am, nagising ako. Ang iniiiiiit ng sofa. Nagising ako na pawisan ang likod ko. Ayun! Lipat at balik ako sa kwarto ko. Siempre, sunuran din ang anim kong mga alaga ng walang karekla-reklamo na naistorbo ko tulog nila.
  • Ang siste, eto na…as of this writing, it's 3:17am na. At di na ako makatulog. Waaaaaah! Ayaw na akong dalawin ng antok. Batet kaya? May nag iisip kaya sa akin? Tsarot!
  • Sinilip ko mga roommates ko, tulog na tulog sila. Inggit much akey.
  • Heniwey, pansin ko, malamok ngayon sa kwarto ko. Pakiramdam ko kelangan ko ng blood transfusion bukas dahil parang mauubos dugo ko ngayon sa kakakagat nila. Exags! Di bale, pramis bukas bibili na talaga ako ng kulambo. Yung pink ang kulay. Para lab lab lab.
  • Matagal ko na balak bumalik sa pagkukulambo. Parte ng kabataan ko ang paggamit ng kulambo pag natutulog. Gusto kong balikan ang pakiramdam na yun.
  • Ayan, parang inaantok na ako. Ayus!
  • Good mornight, mortals.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.