Inspired

Inspired ako ngayon sa kusina.

Ganado ako magtadtad ng magtadtad.

Parang gusto kong tadtarin na lang ang lahat na bagay na nakikita ko. Chos.

Eh panu ba naman, bago kaya ang mga tadtaran ko noh. 😛 Bigay ‘to sa akin ng sister ko last month.

chopping boards 3-29-2014 6-38-14 PM

Ganyan lang naman ka-julius babaw ang kaligayahan ko.

Bagong tadtaran lang eh haping-hapi na ang lola nyo.

Wait nyo pag nagkaroon din ako ng bagong kutsilyo.

Malamang maging inspired din akong manghiwa, manuli, o kaya….manaksak. Lol! (knock on wood)

 

 

oOo

“Nakakabored pala maging bored. Sobrang boring!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.