Dahil Sa K-Drama

i love kdrama

Nakaka-stress yung naka-upo ka sa harap ng ‘pyuter, titig na titig sa blinking cursor ng blankong page ng monitor at walang maisip na mai-type na kwento o tsismis man lang.

“AJHDS USYF USYSU SUWYDWHDSJBS SKJAJD WEONFOIFOIJHX NS!” <—- yan palagi ang mga letrang nagrarambol sa loob ng bungo ko noon. Wala akong maiporma na saktong words. Punyeta!

Hays…minutes feel like hours. Hours feel like days. Days feel like months. Months feel like years!  Kelan kaya ako ulit sisigla sa pagbo-blog? Yan ang lagi kong tanong sa sarili.

Nagi-guilty na ako ng todo kasi puro jokes na lang ang laman ng blog ko. Kunsabagay, repleksyon din ‘to ng buhay ko ngayon, na parang isang joke lang. Naks!

May time na pag tinitingnan ko ‘tong blog ko, halos wala na syang pinagkaiba sa refrigerator namin na pag binuksan mo, puro tubig ang laman. Boring. Hindi mo man lang makuhang maglaway at ma-excite. Walang interesante.

Ilang beses din ako nagplanong pasiglahin ng konti ‘tong blog ko kasi mahal ko talaga ‘to. Kaso lagi naman akong sawi.

Tinatamad ako agad bago pa man mag umpisa! Ni hindi man lang ako makakuha ng GANA mag-type sa keyboard. O baka naman sabog lang talaga ako palagi netong mga nakaraang buwan, walang lakas kasi lagi akong bangenge!

Kasalanan ‘to ng mga KOREANS! Hmp!

Huh!?

Oo, ng mga koreano!

kdramas

Akalain mo ba naman na sa kapapanood ko ng mga online korean movies and dramanovelas ay biglang nabago ang takbo ng pamumuhay ko since June!

Naging SUGAPA ako watching k-dramas day and night, sa totoo lang. Uulitin ko, day and night!

Kinain nila ng todo ang oras at panahon ko. Tumigil bigla ang mundo ko sa iisang pwesto at wala na ako halos magawa.

Magkukwento pa ako sa inyo next time ha.

Samantala, till here na lang muna ako ha, dahil oras na naman para manood ng sinubaybayan kong online korean drama.

Annyonghi Gaseyo! (Haha! Kitams! Alam ko na ang GOODBYE in korean.)

 

P.S.

And to all my loyal Maruism readers… saranghe! Charot! 😀

 

 

oOo

“The one who loves more is the weak one. You’re the weak against the strong. But in love, the weak one is happier.” – from the series Emergency Couple