Tuesday Humor 09.09.14

evolution-of-a-filipino-politician

Best Answer Kapag Mag-aabot ng Pamasahe sa JEEP.
1. #MedyoJinggoy na sagot.
DRIVER: “Saan galing ang P20?”
PASAHERO: “Manong, wag nyo kong husgahan please. Ang perang yan ay hindi galing sa gobyerno.”

2. #MedyoParanoid na sagot.
DRIVER: “San yung bente?”
PASAHERO: “Ano? Kaaabot ko lang nawala agad yung bente ko?”

3. #MedyoMayabang na sagot.
DRIVER: “Estudyante?”
PASAHERO: “Mechanical Engineer. 2010 Board Passer.”

4. #MedyoHarotToTheNthPower na sagot.
DRIVER: “Estudyante?”
PASAHERO: “Opo. 2nd year high school. Hindi pa nireregla pero may anim na crush na.”

5. #MedyoDumadamoves na sagot.
DRIVER: “Ilan dito sa P20?”
PASAHERO: “Dalawa po. Isang manhid at isang nagmamahal ng palihim.”

6. #MedyoHarotPart2 na sagot.
DRIVER: “Saan galing?”
PASAHERO: “Nag group study po. Tapos alam niyo ba andun din yung crush ko. Magdamag niya akong tinuruan sa math. Tapos nung nag exam kanina, zero nakuha ko. Hihihi!”

7. #MedyoDefensive na sagot.
DRIVER: “Saan galing?”
PASAHERO: “Nagmotel. 3 hours kami dun. At wag kayong judgmental please. Gumawa lang kami ng loombands.”

8. #MedyoNakahithitNgPentelpen na sagot.
DRIVER: “Saan ang baba ng bente?”
PASAHERO: “Tung-inuhhh!! Naglalakad yung bente!!”

9. #MedyoHighblood na sagot.
DRIVER: “Saan ang baba?”
PASAHERO: “Sa gitna ng kalsada. Para patay ako tapos kulong kayo.”

10. #MedyoEmoH3artZ na sagot.
DRIVER: “Ilan dito sa P20?”
PASAHERO: “Isa lang. Wag nyo na din sanang itanong kung bakit. Sanay na ako na palaging iniiwan. Kaya nasanay na rin akong mag-isa. Keep the change.”

11. #MedyoSenti na sagot.
DRIVER: “Walang barya?”
PASAHERO: “Yan tayo eh. Sobra sobra na nga ang binigay, pero parang kulang pa rin. Parang pag-ibig.”

Knock! Knock!
Who’s there?
June!
June who?
Wag June! Wag June! May kiliti ako June! Wag June!

BABAE: “Hahalikan mo pa ba ako kahit na pangit ako?”
LALAKI: “Oo naman, Goodbye kiss.”

10 SIDES: Decagon
100 SIDES: Hectogon
1000 SIDES: Chiliagon
10,000 SIDES: Myriagon
1M SIDES: Gagomeganon?

TANONG: Anong english ng ATIS?
SAGOT: Eh di SISTERS.

ATOY: “Bruno, may urine test kami bukas.”
BRUNO: “Ah ganun ba.”
ATOY: “Anong gagawin ko?”
BRUNO: “Ano pa nga ba, eh di magreview ka!”

MGA NAKAKALOKO, NAKAKATAWA, NAKAKAINIS AT WALANG KWENTANG TANONG:

1. Saan ka pumupunta pag hindi ka umaalis? (Hindi nga umalis di ba?)
2. Anong ginagawa mo pag wala kang ginagawa? (Eh wala ngang ginagawa di ba?)
3. Sinong kinakausap mo pag wala kang makausap? (Siguro sarili ko, close kami eh.)
4. Ilan kayong pupunta kung wala kang kasama? (Malamang ako lang.)
5. Kung rereypin ka ng crush mo, payag ka? (May choice pa ba ako, eh rape nga yun!)
6. Nagso-softdrinks ka ba pag coffee break? (Bakit, bawal?!)
7. Ang hirap siguro bumili ng “Happy Meal” pag malungkot ka noh? (Buset ka!)
8. Nanonood ka ba ng morning news sa umaga? (Hindi, sa gabi!)
9. Paano pag wala kang bahay, saan mo gagawin homework mo? (Try mo sa sanga ng malunggay!)
10. Bakit kaya ang init pag summer? (Kasi hindi winter!)

 

oOo

“Hindi lahat ng matigas ay nasa freezer, yung iba, nasa loob ng zipper.”