Life is short. Buy the shoes.

Last month bago nagsara ang 2014, namakyaw ako ng shoepatos. . . ng flat shoes o doll shoes.

Yes Virginia, ganyan kaming mayayaman – namamakyaw ng sapatos! Hahahaha!

Sa mga hindi nakaka-knows, ako ang babaeng hindi nabiyayaan ng normal o average size ng paa.  Nasa 4 or 4.5 lang ang size ng paa ko. πŸ™ Pambata.

Sa Converse sneakers naman, size 1 aketch. πŸ™ Ang size 1 na β€˜to ay wala sa pang-adult kundi nasa kiddie section makikita. πŸ™

Hirap ako maghanap ng shoe size ko kasi kadalasan ang smallest size na abelabol sa ladies footwear section ng mga department store ay size 5. Kung meron man abelabol ay tsambahan lang talaga. Kaya madalas talaga ay hanggang tingin lang ako sa magagandang sapatos. Lalo na yung may mga heels.

Tulo-laway at hanggang pasukat-sukat lang ako kunyari kahit alam ko naman na walang magkakasya sa akin. Hehe! Minsan nga dahil sa bitterness ko, pinagpaplanuhan ko tuloy na guluhin na lang ang mga naka-display na mga sapatos sa mall para maimbyerna ang mga tindera sa pag-aayos. Kumbaga, damay-damay na! Hahahaha! 

dollshoes

Balik tayo sa pangyayari last month. Habang nasa mall kami ni Doter ay may napansin kaming nakatambak na ON-SALE na mga flat shoes or doll shoes. Mga pang teens na shoes! At KASYA suckin! Lol! Na-eksayt ako.

dollshoes (2)

At tig-198.00 petot lang!

Fotah, P198..00 lang! Aba, PAKYAWIN na yan β€˜kako! Joke! Hahaha!

dollshoes (3)

Ayun, umuwi akong may bitbit na pitong pares ng doll shoes. Ang saya ko. Para akong naka-ehem sa saya. Lol!

 

 

oOo

β€œShoes matter. Just ask Cinderella.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *