Homemade Hot Tsokolate

This is just so perfect to drink lalo na’t panay ulan ngayon.

IMG20170115124815

Yung sister-in-law ko from Samar, pag may chance din lang ay nagpapadala talaga ng “tablea”  o “cacao chocolate” dito sa sa amin. May isang garapon na yata akong naipon dito sa kusina ko.

IMG20170115121314-001

Sabi ko nga, nag-uulan ang panahon ngayon kaya naisipan ko ang gumawa ng maiinom na tsokolate…yung hot!

IMG20170115124753

Makabago na ang panahon ngayon at hindi na kelangan ang “batidor” para  makagawa ng rich tasty hot tsokolate.

Maglagay lang ng 1 cup milk sa mug. I used Alaska Condensed Creamer na nasa sachet.

IMG20170115123229-001

Ilagay ang tablea. I dropped 6 pieces. (Depende na sa ‘yo kung gaano ka-strong ang gusto mo. Malaki ka na at siguro naman ay alam mo na ang magtantiya. Lol!)

Ipasok sa  naka-HIGH na microwave for about a minute. Tapos hinalo-halo. Presto!!

 

Sa totoo lang, kung pag iisipan talaga, iba pa rin ang tsokolate yung gawa mula sa pure cacao kesa dun sa usong powdered chocolate mix na commercial at gamit ng mga sikat na fastfood chain.

Kung susuriin, magkakaiba ang lasa ng hot chocolate drink dahil sa fat content. Bukod sa gawang-bahay, mas malasa siempre ang tablea vs. powdered cocoa mix kasi andun pa yung sinasabing cocoa butter content.

IMG20170115130813

Simpleng inumin lang ‘to pero nag-enjoy ako kanina sa paghigop ng isang tasang homemade hot tsokolate ko… habang nanonood ng porn. Joke!

 

 

oOo

“Whatever you want to do, start doing it today. There are only so many tomorrows.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *