New Look

Kung hindi ko man naaasikaso lagi ‘tong blog site kong inaagiw, at least ang mapalitan man lang ngayon ang kurtina theme o tsura ng header ay magawa ko.

Haays…nami-miss ko ang Maruism ko.

Nakaka-miss din yung mga araw na ang sipag kong chumika ng senseless dito sa blog ko. Those were the days na bisi-bisihan ako sa pagpapalaki…pag-aalaga o pagiging nanay ng dalawang anak kong nag-aaral. Ang dami kong kwento noon tungkol sa kung anik-anik lang sa buhay namin mag-nanay.

Pero mula nang grumadweyt sa pag-aaral ang panganay ko, nagtrabaho and totally lived independently, parang nabawasan ang daily excitement sa buhay ko bilang single mom. I mean, parang unti-unti nawalan ako ng mai-kwento.

Then, sumunod grumadweyt na din si doter ko sa college. Nagtatrabaho na rin sa ngayon. Medyo sinuswerte pa ako ngayon kasi wala pang plano si doter na magtrabaho sa ibang lugar at kasama ko pa rin siya dito sa bahay kubo namin hanggang ngayon. Buti na lang at hindi pa ako iniiwan mag-isa. Hu hu hu!

To be honest, I am dreading of the day that my household will soon become an empty nest. Hu hu hu! (again).

Nway, maiba ako. Gandang-ganda ako sa bagong blog header ko. Ha! 😛

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.