Argo

Kelan lang nang magkasakit ang isa sa mga furkids ko, si Argo.

Napansin ko syang matamlay  palabas ng bahay para sana sa morning walk namin. Tapos bigla na lang ayaw maglakad. La ako nagawa kundi ang buhatin sya pabalik ng bahay. Giniginaw ng ipinasok ko sya sa pwesto niya kaya kinumotan ko na agad at pinainom ng gamot.

May diarrhea din sya kaya sinigurado kong may halong dextrose powder ang inumin nyang tubig para iwas-dehydration.

Sa mga ganitong sitwasyon, nai-stress ako. Hindi ako napapakali kaya binabantayan ko talaga mga alaga ko pag nagkakasakit. Hindi rin ako masyadong nakakatulog. Ewan ko ba, eh mahal na mahal ko talaga mga alaga ko. Parang mga anak ko na kasi. Tsaka ganun nga yata talaga ang nagmamahal. Chos!

Sa awa ni Lord, hindi naman nagtagal at gumaling agad si Argo. Isang buong araw din syang panay higa lang ang ginawa niya noon.

Birth Date

Nag-bertdey ang Mamaru last month.

Oi, wag na magtanong kung ilang taon na ako, at ang masasabi ko lang – “Wala pa po akong Senior Citizen Card, mga bakla!”.

Peksman, di ako takot tumanda. Aba siempre karangalan para sa akin ang matawag na Senior Citizen someday noh. Sa panahon ngayon kung saan ang aga o ang babata pa ng mga nade-deds na mga otaw… maituturing na swerte na kung umabot ka pa sa edad na 60. Kaya wish ko lang talaga ay umabot ako sa edad na kung kelan pwede akong magpakasasa ako sa 20% discount privilege ng mga tanders. Ay! Ang saya siguro kasi araw-araw akong kakain sa Jollibee. ­čśŤ

Balik tayo noong araw ng bertdey ko.

Iba na talaga pag malalaki na ang mga junakis mo… yung gradweyt na sa pag aaral at marunong na dumiskarte kung paano magtrabaho at kumita ng sariling datung. Eh kasi naililibre na ako. Nakaka-proud.

My only daughter Keziah, treated me to a fancy meal noong bertdey ko. At may konting pa-shopping na datung naman ang ipinadala ng unico hijo kong si Kevin.

Ziah and I went to Marianos, a very small resto here in Iligan City.

Kaming dalawa lang nga doter ang nag-deyt. I enjoyed chit-chatting with her over yummy food. Wala na akong ibang piktyur ng mga kinain namin kasi tinamad na ako. Nakaka-istorbo lang kasi ang mag kodak-kodak pa. Lol!