First Aid Pouches

20 pieces of First Aid pouches for my niece in Vancouver…natapos din. Inumpisahan kong tahiin kahapon at natapos kaninang umaga.

Whew! Napuyat ako dahil dito ha!

Mukhang di pa tapos ang pamangkin ko sa pamimigay ng first aid kit para sa mga friendship niya. Ganito din ang pinamigay niya last Christmas at sa akin din niya ipinagawa.

Argo

Kelan lang nang magkasakit ang isa sa mga furkids ko, si Argo.

Napansin ko syang matamlay  palabas ng bahay para sana sa morning walk namin. Tapos bigla na lang ayaw maglakad. La ako nagawa kundi ang buhatin sya pabalik ng bahay. Giniginaw ng ipinasok ko sya sa pwesto niya kaya kinumotan ko na agad at pinainom ng gamot.

May diarrhea din sya kaya sinigurado kong may halong dextrose powder ang inumin nyang tubig para iwas-dehydration.

Sa mga ganitong sitwasyon, nai-stress ako. Hindi ako napapakali kaya binabantayan ko talaga mga alaga ko pag nagkakasakit. Hindi rin ako masyadong nakakatulog. Ewan ko ba, eh mahal na mahal ko talaga mga alaga ko. Parang mga anak ko na kasi. Tsaka ganun nga yata talaga ang nagmamahal. Chos!

Sa awa ni Lord, hindi naman nagtagal at gumaling agad si Argo. Isang buong araw din syang panay higa lang ang ginawa niya noon.

Birth Date

Nag-bertdey ang Mamaru last month.

Oi, wag na magtanong kung ilang taon na ako, at ang masasabi ko lang – “Wala pa po akong Senior Citizen Card, mga bakla!”.

Peksman, di ako takot tumanda. Aba siempre karangalan para sa akin ang matawag na Senior Citizen someday noh. Sa panahon ngayon kung saan ang aga o ang babata pa ng mga nade-deds na mga otaw… maituturing na swerte na kung umabot ka pa sa edad na 60. Kaya wish ko lang talaga ay umabot ako sa edad na kung kelan pwede akong magpakasasa ako sa 20% discount privilege ng mga tanders. Ay! Ang saya siguro kasi araw-araw akong kakain sa Jollibee. 😛

Balik tayo noong araw ng bertdey ko.

Iba na talaga pag malalaki na ang mga junakis mo… yung gradweyt na sa pag aaral at marunong na dumiskarte kung paano magtrabaho at kumita ng sariling datung. Eh kasi naililibre na ako. Nakaka-proud.

My only daughter Keziah, treated me to a fancy meal noong bertdey ko. At may konting pa-shopping na datung naman ang ipinadala ng unico hijo kong si Kevin.

Ziah and I went to Marianos, a very small resto here in Iligan City.

Kaming dalawa lang nga doter ang nag-deyt. I enjoyed chit-chatting with her over yummy food. Wala na akong ibang piktyur ng mga kinain namin kasi tinamad na ako. Nakaka-istorbo lang kasi ang mag kodak-kodak pa. Lol!

Almond Jelly

Iced almond jelly of Mann Hann. Ang sherep-sherep. Gawa ako neto sa bahay balang araw. #foodtrip #phonephotography

Pukeko

Kababalik lang ng oldest sister ko sa Pilipinas galing sa 4 weeks na pamamasyal sa New Zealand. At siempre, hindi nawawala sa mga pinoy ang magdala ng pasalubong. Eto ang isa sa mga pasalubong sa akin ng ate ko.

A decorative figurine of a bird.

O sha! Yun lang. Wag kinky ang isip ha?

Wednesday Humor 02.20.2019

Si Lilia sa library, lumapit sa counter at kinausap ang librarian…

LILIA: “GUSTO KO NG CHEESEBURGER, FRIES AT COKE!”

LIBRARIAN: “Madam library po ito…”

LILIA: ” (PABULONG).gusto ko ng cheeseburger, fries at coke”

Si Tekla, isang grade one student…

TEACHER:” Sino nakaka alam ng 5+5?”

TEKLA:” Nine po ma’am”

TEACHER :” Alisin mo muna mga kamay mo sa loob ng panty mo! Ngayon magbilang ka uli, gamit ang daliri mo! Now, 5+5 equals?”

TEKLA: ”Hihihi”

Bumaba si KAMATAYAN at sinusundo na si Gorio..

GORIO: “Hindi mo ako makukuha, alam kong wag lang akong pahipo sa iyo ay di mo ako maisasama”

KAMATAYAN: “Syet! Ang galing mo!, natuklasan mo na kung paano mabuhay ng habang panahon! APPEAR TAYO!

AT NAKIPAG APPEAR ANG TANGA….

Pinag uusapan ng mga nanay ang kanilang mga DAUGHTERS..

NANAY1 :”Nakita ko sa bag ng anak ko shabu, di ko alam na addict siya huhuhu”

NANAY2:”Ako vibrator, do ko alam sex addict siya…”

NANAY3:” Nakita ko sa bag nya condom…di ko alam may titi siya…”

Sa mental….

NURSE :” Saan ka pupunta? Ano yang dala mo sa supot?”

BALIW :” Sa garden….buto ito”

NURSE :” Uy ang galing mo naman….tama yan itanim mo para pag dating ng araw may aanihin ka”

BALIW :” Hindi siguro”

NURSE :” Bakit?

BALIW:” Buto ng BABOY to, tanga netu!”

Over The Weekend

Weekend well spent para sa amin mag-sisters at pamangkin ang magtipon-tipon sa house ng Ate Ellen ko para kumain ng sama-sama, mag chikahan, siempre ang magpuyat ng dahil sa mahjoooooong! Lol! (Eh kasi naman bihira na lang kami nagkakasama-sama na kumpleto noh.)

Natapos ang weekend at umuwi ako sa bahay ko na may napanalunan six million hundred pesos lang naman. Hehe! Uy, hindi na masama di ba? Nagkapera na, nag super-enjoy pa!

Selfie With Will

Taken this morning.

Eto yung furkid na taga-gising ko tuwing umaga.

As early as 4am, magsisimula na sya sa pagkahol na para bang sinisigawan ako ng “Hoy madir! Gising na! Rampa na tayo!”.

Talo pa neto ang alarm clock ng selpon ko. Araw-araw yan. Walang paltos. Minsan sobrang aga talaga kung manggising at pag ayaw ko pang bumangon o hindi pa oras ng paglabas namin, isang sutsot ko lang ay tatahimik na yan. Bait. 🐕