Gumanda ang araw ko dahil sa mga fans ko. To all my fans, kung hindi dahil sa inyo, wala ako ngayon dito. Maraming salamat.
At maraming salamat sa PR manager ko, Mart Lasquite. Hahahaha! #SumoShowbiz
Gumanda ang araw ko dahil sa mga fans ko. To all my fans, kung hindi dahil sa inyo, wala ako ngayon dito. Maraming salamat.
At maraming salamat sa PR manager ko, Mart Lasquite. Hahahaha! #SumoShowbiz
Napuyat na naman ako kagabi nang tumambay ako sa Twitter account ko. Nangalay ang panga ko sa katatawa dito sa hashtag: #FoodPornMovieTitles. Ang masaklap eh mag isa akong tumatawa na parang timang.
Henewey, leme sherdistoyo.
P.S.
LIKE-LIKE din ulit pag may time ha? Tsaka, kung ok lang sa inyo, SHARE-SHARE nyo rin. La lang,i-share para pampa-good vibes lang bagah. Yun ay kung ok lang naman sa inyo, pero kung hindi ok, SHARE nyo pa rin. Hihi!
Tsaka, Rated SPG itey ha. Share nyo lang dun sa mga may kulay ang brain (preferably, green) at dun sa mga makabagong tao. Wag dun sa mga makaluma.
oOo
“Life is short. Time is fast. No replay. No rewind.. So enjoy every moment as it comes.”
Galing Twitter.
Kapag ako yumaman. . .
oOo
“Ang tunay na mayaman, nagtitipid. Ang feeling-mayaman, gumagastos magmukha lang mayaman.”
Galing Twitter.
Huwag mahiyang mag-LIKE kung nakaka-relate ha? 😀
PASAHERO: “Manong Para po.” (Hindi huminto ang jeep.)
PASAHERO: “Para!!!! Mamang bingi!”
IKAW: “Maaaaa, bayad po!”
PEOPLE: *Pretending to do something*
IKAW: “Bayad po!”
PEOPLE: *stares at you*
IKAW: “Manong, sa LRT po yang bente.”
DRIVER: “Sa LRT?”
IKAW: “Hinde, sa puso mo. Pa ulit-ulet?”
Ikaw, while super conyo sa jeep:
IKAW: “My payment, brother dear.”
DRIVER: “Saan to?”
IKAW: “Corner of 711.”
IKAW: “I’m going down na po.”
IKAW: “Para po…”
.
.
.
IKAW: “Manong, Paraaaa!”
.
.
.
EVERYBODY NOW: “Para daw!!!”
PASAHERO: “Para po!”
DRIVER: “Bababa?”
PASAHERO: “Hindi sasakay ulet!”
BARKER: “O! MOA! MOA!”
IKAW: “Chup chup?”
oOo
“Life is better when you’re laughing.”
Kaya minsan parang nakakatamad mag-login sa FB, kasi imbes maging GOOD VIBES ang buong araw mo eh may sisingit pang kashitan sa buhay kang mababasa sa FB newsfeed mo.
Pero “resilient” daw ang mga pinoy eh….kaya sige na nga, keribels na.
Maging resilient na rin tayo sa pagbabasa ng kanya-kanyang kalungkutan ng mga otaw sa FB. Hmp!
Courtesy of kbrosas instagram.
oOo
“Always set your mood positively every morning. Because the best way to do everything is to start something while SMILING.”
Yung feeling na ang sarap sa pakiramdam pag may nakaka-MISS sa ‘yo pag nakaka ilang araw ka ng BULAKBOL sa pag-update ng blog mo…
Yung feeling na nakakabilib dahil hindi naman kinakailangan na maging personal na kakilala o ka-close mo talaga ang isang tao, pero hindi nag-aatubili na i-express ang sarili nya sa pagbibigay ng APPRECIATION sa blog mo…
Yung feeling na …….ahhhh basta!
Basta ang HIGH ng feeling ko ngayon.
Salamat, Carl N Peachy! 😀 Pinaganda mo ang araw ko kahit sobrang nakaka-Stress Drilon ang sitwasyon ko ngayon.
oOo
"A Nestea is the best Policy"
Paminsan-minsan, pag may time ay sumisilip ako dito sa Live Traffic Feed na nakalagay sa sidebar ko.
At pag medyo maluwag pa ang time ko ay binubusisi ko na rin kung ano ang hinahanap ng mga pumapasok na visitors dito sa blog ko. O kaya gusto ko malaman kung paano sila dinala ni bespren Google dito.
Eto halimbawa, kanina lang ay may pumasok na taga ‘merika at naghahanap ng kung paano daw ang paraan ng paggawa ng choco cupcakes…
*Click images for larger view.
Hmmn…hindi na ako nagulat sa hanap nya kasi meron naman talaga akong recipe na pinost noon ng tungkol sa choco cupcakes.
At eto naman, keywords na “paggawa ng gelatin” naman ang search ng isang visitor kaya dinala sya ni bespren Google dito.
I think may post din ako dito noon na tungkol sa gelatin. So oks lang yan. Walang nakakagulat.
Pero eto, hindi ko kinaya ang isang ‘to…
May mga keywords na bumubulaga sa traffic feed ko na nakakawindang talaga!
Hindi ko alam kung bakit dito sila napapadpad. At nasasagot din naman kaya ng blog ko ang mga katanungan nila? Lol!
Eto pa ang isang muntik ko na ikahimatay. Charot!
Haysss…ewan ko sa mga Pinoy! Kung anu-ano ang mga naiiisip hanapin sa internet.
oOo
“Time will tell and people will soon start to show their true colors.”
Eto ang latest post ko today sa Instagram account ko na naka-auto share sa FB ko.
Picture ni Django, isa sa mga tuta ko…nakabulagta na natutulog.
“Sa sobrang init ng panahon, hindi na alam ni Django panu ipupwesto ang sarili sa pagborlog mapreskuhan lang.” #HalayPose
.
Maya-maya may notification text akong na-receive sa selpon ko. Isang FB comment.
Myko commented on your photo.
“Madame, parang pareho po yung pose nyo sa profile pic nyo at pose ni Dja…”
Hmmmn…bitin ang text.
So sinundan ko na lang yung notification link papuntang FB account ko mismo para mabasa ng buo. Kaso nung tsinek ko, dinelete na pala yung comment! Bakeeeeet?
Hindi ko alam kung bakit dinelete ni Myko ang comment nya.
Pero sa totoo lang ang lakas ng tawa ko sa sinabi nya. Napatingin tuloy ako sa display profile pic ko sa FB at kinumpara sa pic ni Django.
Ampotah! Pwedeeeee! May hawig! Mahalay pose! Haha!
Posted from WordPress for Android
oOo
“Pinakamalaking kabobohan sa mundo, yung alam mong maraming may gusto sayo pero nagagawa mo pa ring maghintay sa pinaka-manhid na tao.”
Naks! Nadagdagan ng isang miyembro ang kulto ko. Aliw!
Ang mga masasabi ko:
1. Bigyan ng jacket si Antipolo Fan!
2. different father po ung sa akin dahil nagpagkatanga ako Sweetie pie, same boat tayey pero hindi pagpapaka-shunga yun. Kasalanan ba natin kung irresistible ang mga gaya natin? Dios mio, dapat magbunyi ka noh! Lol! Ang saya nga eh.
3. Bukod sa bertdey ng unica hija ko ngayon, sobrang napangiti din ako ni letter sender sa araw na itey. (Pasensya na dun sa iba na nagpapadala ng email kung hindi ko naibo-blog) Maraming salamat sa yo, dear! At sana nga may kapulutan kang kapaki-pakinabang dito sa blog ko, tho alam ko naman kung saan ka aliw — sa mga green jokes na mga sinusuplay sa akin ni Mike noh? Amininnnn!
oOo
Someone who doesn’t realize how special you are probably doesn’t deserve to be with you anyway."