Mahirap Bang Gawin Ang Tama?

Etoh na nman puh aq. Iritang-iritah n nman s lecheng txt speak n yn!

Ewan ko ba, hindi talaga ako makapag-getober sa pa-usong text speak na yan hanggang ngayon. Mga naka-ilang beses na rin ako nag-post ng tungkol dito noon.

Kanina lang sa YM ko ay may bumulaga sa akin para makipag-chat pero wa ko knows kung sino siya. I usually don’t respond to strange handles na wala naman sa contact list ko. Blame it to my hormones pero kanina pinatulan kong sagutin ang jejemon na ‘to. 😛

 

7-26-2011 9-38-40 AM

 

Hanggang diyan lang ang nakayanan kong i-reply. Kalurkey! Kahit medyo iritado ay natawa pa rin ako habang sumasagot kanina.

Ang post na ‘to ay hindi tungkol dun sa mga sinabi ni Kolokoy na seksi ako kasi alam ko na po yan, fetus pa lang ako – seksi na. Charoz! Ang gusto ko lang i-punto dito ay yung style/klase ng pagta-type nya ng mga words…ng mga spelling.

If you read this aloud, “syang aman apakaseksi mu p aman….”, maiisip mong ngongo ang ka-chat ko. Kaya naman sinagot ko rin siya ng pa-ngongo. Kitams, siya man ay hindi nya maintindihan ang sagot ko. 😀

Kung 1983 isinilang ‘tong ka-chat ko, ibig sabihin 28 years old na siya ngayon at hindi na bagets. Tanders na rin maituturing ang 28 years old, di ba? Pero parang walang pinagkatandaan. Hehe!

Hindi ko talaga lubos maisip, bakit ba hindi natin makuha ang mag-type ng BUO, SAKTO at TAMA na mga salita sa chat at sa mga social networking site?

Eto na naman ako sa mga tanong ko. Bakit ba tinitipid ang paggamit ng mga vowels? Ang madalas na katwiran eh shortcut daw yan. Para daw mabilis o mapadali. Eh, bakit ba kelangan madaliin ang pagta-type ng TAMA? May karera ba para magmadali? May humahabol?

Ok lang kung sa phone o sa Twitter ay iniiklian ang mga words kasi limited lang talaga ang characters na pwedeng i-type dun. Pero bakit kelangan ibahin o I-MALI ang TAMANG spelling ng mga salita?

AKO – AQ?

MASYADO – MAXXADO?

MO – MU?

PO – PU? PUH?

Tuloy, namimihasa tayo sa MALI.

Hindi nyo ba napapansin, ang nagiging epekto nyan ay hindi na rin natin natututunan ang tamang paggamit gaya halimbawa ng:

NG vs NANG

RIN vs DIN

RITO vs DITO

THEIR vs THERE

YOUR vs YOU’RE

Aminado ako, guilty din ako. Oo, andun yung nakakalimutan ko rin ang paggamit ng mga TAMANG salita. Nai-engganyo rin ako minsan mag-text speak kahit sa chat. Pero excuse me…hindi naman po ako yung tipong gumagamit ng xxobra-xxobra at maxxadong-maxxado – yung nakakasakit na ng ulo pag binasa. Nakakabobo na kaya yun!

Seryoso, huwag sana natin kunsintihin ang mga sarili na masyadong masanay sa MALI. Sana pilitin pa rin natin ang maging matiyaga pa rin na mag-type ng mga salita kahit sila ay mahaba. Doon po tayo sa TAMA. Kahit mahirapan basta natututo. Yun lang. Bow!

 

 

oOo

“Sana ang PAGMAMAHAL ay parang paglilinis ng BAHAY, na kahit PAGOD ka na, ipahinga mo lang. Magiging OKEY na!”

Paano Umiwas Sa Mga Tanong Na Ayaw Mo

SOLUSYON: Sagutin mo rin ng tanong.

SAMPOL:

flarepit: ilan taon k ng single?
M A R U: 20
flarepit: tgal n pla
flarepit: 20 yrs k din wlang k partner s bed?
M A R U: bakit mo tinatanong?
flarepit: ask lng nmn
M A R U: u must have ur reason. why is that?
flarepit: gusto ko lng malaman
M A R U: para?
flarepit: ndi k b nghhnap?
M A R U: bakit ako maghahanap?
flarepit: cyempre may mga nids tau bilang tao
M A R U: talaga?
flarepit: oo
M A R U: sino may sabi?
flarepit: ako
M A R U: at bakit daw?
flarepit: basta
M A R U: bakit? ano ano ba yung mga nids ng tao?
flarepit: nver mind
M A R U: hahahaha

 

 

oOo

"Sa mundong ito, kapag hindi ka natuto lumaro, mamamatay kang mahirap! Kuha mo?" – Xyriel Manabat, 100 Days To Heaven (2011)

Usap 011

It feels so great talking again to old chat room friend. A friend who really knew me and showed fondness, respect to Mamaru all through the years.

Here’s a friend who really takes his time, goes out of his way just to say: "HELLO" to me every now and then.

Isa ‘to sa iilan kong mga kaibigan na nabuo sa internet…kaibigan na ni minsan ay hindi nagtago sa likod ng internet o sinamantala ang makabagong teknolohiya para makapang-loko o mambastos sa kausap nilang babae gaya ng karamihan.

Bihira akong maka-feel ng tunay na sinseridad ng isang lalaki sa net, kaya naman ang taas din ng respeto ko sa friend kong ‘to. Walang yabang sa sarili at napakatotoo. Takbuhan at sumbungan ko ‘to NOON ng mga sama ng loob ko lalo na pagdating sa lablayp ko…pero noon yun. Noon yun pag tinatamad ako pumunta ng presinto para doon magreklamo. Tehehe!

To you, Milord (he calls me Milady)…sana hindi ka magbago at sana magtagal at humaba pa ang pagkakaibigan natin.

dslasher_battousai2004: what year na si kevin? at anong course?

M A R U: computer science
M A R U: 4th year irregular

dslasher_battousai2004: oh okay…
dslasher_battousai2004: lapit na pala gumarad… what are his plans?

M A R U: di ko pa alam
M A R U: basta wait  and see na lang kami pag nagtapos sya

dslasher_battousai2004: okay… sana everything will fall into plans for you.
dslasher_battousai2004: i cant make any promises as of yet, but kung ma irefer ako works for him, i will let you know, aight.

M A R U: sure
M A R U: gusto nga rin nya mag work agad
M A R U: pero tsaka na lang yun
M A R U: ayoko sya ma pressure

dslasher_battousai2004: well, it would be great kung makapagtrabaho nga siya agad. alam mo, which am sure you do. i am truly proud of you of how you took care of your family and your kids.

M A R U: di ko nga alam gagawin ko pag nagtapos na sila
M A R U: la na ako aasikasuhin
M A R U: hhahaha

dslasher_battousai2004: i have been a silent witness to your life. and am awed by your sense of purpose and commitment. alam mo, you are a rare example of how great mom and a person can be.

M A R U: sarap naman basahin nyan
M A R U: salamat po. eh masaya ako sa ginagawa ko. di naman ako nagkamali sa desisyon ko

dslasher_battousai2004: thats how great you are, you made the right decisions, despite being said otherwise.

M A R U: weeeee

dslasher_battousai2004: anong weeee?

M A R U: wala akong masabi eh

dslasher_battousai2004: ah okay…
dslasher_battousai2004: anyway… i just wanted you to know that.

M A R U: thank u, milord

dslasher_battousai2004: that your life is being appreciated by others.
dslasher_battousai2004: and that you are being appreciated for the greatness you have become.

M A R U: naman…parang ang bongga bongga naman ng pagkatao ko nyan. hahaha

dslasher_battousai2004: you are most welcome…
dslasher_battousai2004: i hope before we all wilt and be dust, i get to meet you and your family…and be honored by their presence.

M A R U: nyahahhaha malay mo

dslasher_battousai2004: yeah… malay natin.

Pagkatapos ng chat namin kanina …may isang bagay akong napag-muni-munihan. Malapit na nga pala magtapos si unico hijo ko sa kolehiyo, ga-graduate na rin sa high school si Doter at totoo yung sagot ko na: “di ko nga alam gagawin ko pag nagtapos na sila…la na ako aasikasuhin”.

Since birth ng mga anakis ko, nakatuon na sa kanila ang mga ginagawa ko araw-araw. Iniwan ko ang trabaho ko noon sa abroad para makasama, maalagaan at matutukan sila. Pag nagtapos na sila pareho ng pag-aaral…ano na ang gagawin ko? Re-retire na rin ba ako bilang julalay ng mga anakis ko?

Paano na yung nakasanayan kong paggising sa umaga para ipaghanda sila ng almusal? Ibig ba sabihin nun eh mawawalan na rin ako ng problema gaya na lang ng  kung saan ko kukunin ang perang pambaon nila sa school araw-araw at pambayad sa tuition? Waaaah! Hindi ko yata kaya yun – ang mawalan ng problema! Haha!

 

oOo

"Masarap din pala ‘yung pakiramdam na importante ka." – Jodi Sta Maria, 100 Days To Heaven (2011)

Ate

katsumot0_14: hi sex
katsumot0_14: sexy
katsumot0_14: hehehe
katsumot0_14: mali

M A R U: hi
katsumot0_14: hehehe
katsumot0_14: asl mo?
katsumot0_14: now lng ulit kc ko nag ym eh
katsumot0_14: nkalagay k sa frends ko

M A R U: di ka nakalagay sa friends ko
katsumot0_14: ganun ba
katsumot0_14: eh bkit sakin nkalagay ka?

M A R U: ma!
katsumot0_14: wat po b name mo
M A R U: ano ba nakalagay sau?
katsumot0_14: intrepid mruja
katsumot0_14: ?
katsumot0_14: wat po b real name mo ate

M A R U: george
katsumot0_14: hehehe
katsumot0_14: lalake k pla

Hindi ko maintindihan kung bakit tinatanong agad ang real name ko. Kaya nga gumagamit tayo ng pseudonym sa chatting ay para maitago ang real identity natin di ba? Para saan pa ang todong pag-iisip natin kung anong alias ang gagamitin kung ilaladlad lang din agad ang tunay na pangalan?

And take note, tinawag akong “ate”! Gusto ko sana syang tanungin ng: “kapatid ba kita?” Pagkakaalam ko ay wala akong kapatid sa labas. Lol!

Wala naman sa akin kung tawagin akong ate, kaso meron iba diyan habang nakikipag chat…tatawagin kang “ate” pero maya-maya lang ay manghahalay pala. I mean, mamanyakin ka! Taena! May ate bang minamanyak?

Ate ha! Mga ‘indot!

Ako’y Tunay

Paminsan-minsan sa YM, naglo-login ako dun sa kabilang ID ko para i-tsek kung may mga offline messages na galing sa mga “pans” ko. Lol.

Kanina lang, kumbaga sa pinto eh kapipihit ko pa lang ng door knob ng YM ay may bumulaga na agad sa akin na message. Uulitin ko lang ha, hindi na bago sa akin ang mga ganitong hirit ng kalibugan ng mga kurimaw sa YM kaya imbes na tadjakan ko sila ng katarayan, ganitetch na lang ang ginagawa ko:

Continue reading

Ang Tanong

jeremy esperanza (7/14/2008 9:10:23 AM): pwede po ba mag tanong?
M A R U (7/14/2008 9:10:45 AM): what?
jeremy esperanza (7/14/2008 9:11:08 AM): sana di ka po magagalit, 
M A R U (7/14/2008 9:11:56 AM): stop buzzing me please
jeremy esperanza (7/14/2008 9:12:21 AM): sorry po! may tanong lng ako plz
M A R U (7/14/2008 9:12:37 AM): ano nga yun!
jeremy esperanza (7/14/2008 9:13:49 AM): na curious lng po ako eh! sorry po ah, are you still a virgin? sorry for the question po!
M A R U (7/14/2008 9:14:01 AM): yeah im still a virgin
M A R U (7/14/2008 9:14:05 AM): and i have 2 kids
M A R U (7/14/2008 9:14:13 AM): my son is 17 years old
M A R U (7/14/2008 9:14:22 AM): my daughter is 12 years old
M A R U (7/14/2008 9:14:25 AM): satisfied?

sana makatulong sa rollback ng gasolina ang sagot kong virgin pa ako. 

 

Kaya Nyo Ba ‘to?

Naikwento sa akin ni Moo aka Defpotec Jones ang tawag/utos ng bossing nya habang nasa Cubao sya kahapon:

Bill Gates (code name ng bossing ni Moo): “Bilhan mo ako mac…abonohan mo muna…”

Defpotec Jones: “big mac?”

Bill Gates: “Bobo muka ba akong kumakain ng burger? Yung laptop!”

Defpotec Jones: “sori sir! Asap po!”(malay ko ba? Mas lalo naman wla sa muka mo na marunong ka mag computer! At nasa muka ko bang kaya ko mag abono ng Mac?)”

Kahit DVD player ay hindi marunong mag play bossing ni Moo. Text naman agad sa akin si Moo.

Defpotec Jones: “Moo, pachek naman magkano ang Macbook Pro 17″ sa Apple.com yung pinaka high end.”

Continue reading

Friendternet

Friendternet

friends made via the internet, often never to be met in person but sometimes resulting in meeting and developing “real life” friendships.

(source: Urban Dictionary)

Hindi na tayo nagkakausap na gaya ng dati. Bihira na rin ang kulitan natin. Mahaba din pinagsamahan natin noon sa chatroom. Ok lang, alam ko bz ka lagi sa work mo. Pero minsan usap naman tayo gaya ng dati para alam ko kung sino-sino na ulit ang mga chikababes na pinopormahan mo ngayon.

Continue reading

Invictus

Whenever i turn on my yahoo messenger, it’s not only a tsunami of spam messages from my autistic booter from Austria greets me welcome. Most of the time, i am also bombarded with messages galing sa kung sinu-sinong herodes na kadalasan pag kinakausap ko naman eh mahaba na ang 3 minuto para bitawan ang walang kamatayan at gasgas na linyang – “pa view ka naman ng cam”“naka-on ba ang webcam mo?”“magpapa view ka ba ngayon?” and etc.

Hindi ko naman masisi ang mga kolokoy kung yan lang LAGI ang halos alam nilang i-type dahil aminado ako na madalas din naman talaga ako magpa view ng cam sa chatroom NOON.

Walang masama sa ganung pagtatanong. Ang nakakarindi lang ay yung pag sinagot ko na “hindi” o “wala akong cam” o “hindi ako magpapa view” … abah! magtatanong pa ng “bakit?”, “eh kelan pala?”. Amft! @#$%* Halerrr!!! Ano akala nila sa sarili nila?!! Presinto?!! At kelangan ko pa magpaliwanag?!!

Ang nakakainis pa ay kung sino pa ang hindi ko mga close na chat buddies o kaya hindi ko man lang kilala … eh yun pa ang mga maaangas magtanong o makapag mando. Grrr! Kaya madalas para akong rereglahin sa init ng ulo eh. hehehe!

Nways, hindi ko naman nilalahat. May mga araw na nakaka tiempo din ako ng mga makabuluhang chatter. Yun bang kahit papano may natutunan ako sa katangian nila habang nakikipag kwentuhan.

Gusto ko magpasalamat kay Jem Teodoro for allowing me to copy paste a part of our convo kanina. Siempre nagpaalam ako na ibo-blog ko sya.

Wala naman kakaiba sa naka-chat kong ‘to. Kumbaga wala naman bago sa kwento ng buhay nya. Pero ayaw ko lang palampasin ang pagkakataon para express ang paghanga ko sa kanya lalo na sa pagpili nya ng tamang daan para kahit papano eh maiba naman at umangat ng kahit konti ang buhay niya.

Here’s an excerpt of our chat convo:

. . . .

[04:August:] jemteodoro: so what makes you busy? aside from updating ur blog
[04:August:] intrepid_maruja: a lot
[04:August:] jemteodoro: like what?
[04:August:] intrepid_maruja: i am a single mom
[04:August:] intrepid_maruja: so i manage the whole world. **

[04:August:] jemteodoro: really?
[04:August:] intrepid_maruja: i carry the whole world. **
[04:August:] jemteodoro: im proud of you
[04:August:] intrepid_maruja: lols
[04:August:] jemteodoro: ur like my mom in a way
[04:August:] intrepid_maruja: single mom?
[04:August:] jemteodoro: i came from a broken family
[04:August:] jemteodoro: yes
[04:August:] intrepid_maruja: uh huh
[04:August:] intrepid_maruja: how many wounded lambs?
[04:August:] jemteodoro: 4
[04:August:] jemteodoro: im the 3rd
[04:August:] intrepid_maruja: ahh
[04:August:] jemteodoro: but im only one who manage to finish my studies
[04:August:] intrepid_maruja: what happen?
[04:August:] jemteodoro: nagloko silang lhat
[04:August:] jemteodoro: early marriage
[04:August:] intrepid_maruja: how are they doing now?
[04:August:] jemteodoro: and some got addicted to drugs
[04:August:] intrepid_maruja: sorry to hear that
[04:August:] jemteodoro: its ok
[04:August:] jemteodoro: that’s life
[04:August:] intrepid_maruja: life is what we maketh
[04:August:] intrepid_maruja: tayo lang naman din ang may kagagawan. our choices.
[04:August:] jemteodoro: that’s why i choose to finish my studies
[04:August:] jemteodoro: ur ryt
[04:August:] intrepid_maruja: thats great!
[04:August:] jemteodoro: and now im working as System Administrator
[04:August:] jemteodoro: an IT
[04:August:] intrepid_maruja: bravo!

(** drama ko. amp! lols!)

Jem my friend, let me share to you one of my favorite poem from William Ernest Henley sana magustuhan mo ‘to. Parang bagay eh. 😀 Madalas ko rin ‘tong basahin pag minsan pinanghihinaan ako ng loob.

Out of the night that covers me,
Black as the Pit from pole to pole,
I thank whatever gods may be
For my unconquerable soul.

In the fell clutch of circumstance
I have not winced nor cried aloud.
Under the bludgeonings of chance
My head is bloody, but unbowed.

Beyond this place of wrath and tears
Looms but the horror of the shade,
And yet the menace of the years
Finds, and shall find, me unafraid.

It matters not how strait the gate,
How charged with punishments the scroll,
I am the master of my fate:
I am the captain of my soul.

** invictus: latin word for “unconquered”