Yung Feeling Na…

Yung feeling na ang sarap sa pakiramdam pag may nakaka-MISS sa ‘yo pag nakaka ilang araw ka ng BULAKBOL sa pag-update ng blog mo…

Yung feeling na nakakabilib dahil hindi naman kinakailangan na maging personal na kakilala o ka-close mo talaga ang isang tao, pero hindi nag-aatubili na i-express ang sarili nya sa pagbibigay ng APPRECIATION sa blog mo…

Yung feeling na …….ahhhh basta!

Basta ang HIGH ng feeling ko ngayon.

Salamat, Carl N Peachy! 😀 Pinaganda mo ang araw ko kahit sobrang nakaka-Stress Drilon ang sitwasyon ko ngayon.

Carl N Peachy   Messages

 

oOo

"A Nestea is the best Policy"

Magkapareho Ba?

 

Eto ang latest post ko today sa Instagram account ko na naka-auto share sa FB ko.

Picture ni Django, isa sa mga tuta ko…nakabulagta na natutulog.

Django

“Sa sobrang init ng panahon, hindi na alam ni Django panu ipupwesto ang sarili sa pagborlog mapreskuhan lang.” #HalayPose

.

Maya-maya may notification text akong na-receive sa selpon ko. Isang FB comment.

Myko commented on your photo.

“Madame, parang pareho po yung pose nyo sa profile pic nyo at pose ni Dja…”

Hmmmn…bitin ang text.

So sinundan ko na lang yung notification link papuntang FB account ko mismo para mabasa ng buo.  Kaso nung tsinek ko, dinelete na pala yung comment! Bakeeeeet?

Hindi ko alam kung bakit dinelete ni Myko ang comment nya.

Pero sa totoo lang ang lakas ng tawa ko sa sinabi nya. Napatingin tuloy ako sa display profile pic ko sa FB at kinumpara sa pic ni Django.

moi

wpid-DSC_0242.jpg

  Ampotah! Pwedeeeee! May hawig! Mahalay pose! Haha!

 

Posted from WordPress for Android

 

 

oOo

“Pinakamalaking kabobohan sa mundo, yung alam mong maraming may gusto sayo pero nagagawa mo pa ring maghintay sa pinaka-manhid na tao.”

Tenkyow

For 3 consecutive years, walang palya tong FB amiga kong si Pryss na iparamdam sa akin na – I Am Loved. Love Struck

From Pryss

Nga pala, ang tinutukoy ni Pryss na pangyayari ay yung nakakalungkot na panloloob sa bahay namin. Eh kasi, nanakawan kami last week. Crying

Natangay lang naman ang pinakamamahal kong cellphone, pulseras at Apple Macbook ng niece ko. Hindi ko nakuhang mai-blog ang masaklap na pangyayaring yun kasi naninikip lang ang dibdib ko.

Siempre mahalaga sa akin ang cellphone kong yun dahil malaki ang naitulong nun dito sa blog ko at siempre mahal ko rin ang taong nagbigay nun sa akin. Pero sa totoo lang, mas awang-awa ako sa pamangkin ko.

Kaya pag pasensyahan nyo na muna kung hindi ako makapag-post ng maraming jokes ngayon  kasi nga walang cellphone ang Mamaru. Hindi makapag-supply ng SMS jokes sa akin ang dear friend kong si Mike.

Heniweys, naging pampalubag ng loob ko ang Xmas gips (better late than never) na to ni Pryss na natanggap ko noong Lunes.

 The Body Shop Chocomania

THE BODY SHOP CHOCOMANIA SHOWER CREAM

Parang mas gusto kong haluan ng gatas, gawin chocolait, at tunggain ng minsanan lang imbes na ipangligo ang Shower Cream na itey. 😀 Tsalap ng amoy.

The Body Shop Moringa

Super-like ko rin tong TBS MORINGA BODY BUTTER. Sa amoy pa lang, nakaka-engganyo na maligo ng maligo.

Juice ko! Nai-imagine ko na magiging ganito kasarap ang amoy ko sa mga susunod na araw, kaya yari na naman ako nito ng imaginary husband ko. Charot!

Witty Will Save The World Planner

Dear Pryss, nag tig-isa kami ni Keziah dito sa dalawang Witty will Save the World Diary/Planner na bigay mo.

Wish ko lang na sana narinig mo ang mga hagikhik namin ni Ziah habang binabasa ang mga witty one-liner na naka-imprinta sa loob. Baklang-bakla! Super aliw, as in!

Maraming salamat sa thoughtfulness

kahit minsan ay parang umaasta kang may sayad at adik eh ibang klase ka rin talaga, girl! Haha!

Again, TENKYOW!

 

HAPPY VALENTINES!

 

 

oOo

Ngayon Valentines Day, magsuot ng t-shirt na may nakalagay na "MAGHIHIWALAY DIN KAYO!" at mag-ikot sa mall.

Thank You, Ladies!

Wala man  akong jowa o fafa na pwedeng magbigay sa akin ng compliments para pagandahin ng bonggels ang araw komay avid blog readers/bagong FB buddies naman akong alam na alam kung paano ako pangitiin ng abot hanggang tenga sa simpleng paraan na alam nila! 😀

Bear me, hindi ko pwedeng palagpasin to, at mas lalong hindi ako nagdadalawang isip na bigyan ng espasyo ang mga ganitong MENSAHE sa akin tungkol sa blog ko.

Kahit naman sinong blogger, siguro tagumpay na maituturing ang malaman na kinatutuwaan, kinaaaliwan at kahit papano ay may nakukuhang kabuluhan ang mga blog post nila. Lalo na pag binabalik-balikan sa pagbisita. 😛 (O baka ako lang ang may interpretasyon na ganitey o baka sadyang mababaw lang ako.)

Ayoko na pahabain pa ang mga chuchuchuchu ko, MASAYA lang talaga ako sa mga appreciation ng mga readers kong gaya nina CRISTINA at PRINCESS.

Aliw ako! FYI, kasalukuyang lapot na lapot at nababalutan ng kolesterol ang buong PUSO ko sa mga sinabi nyo.

6-27-2012 7-57-39 PM

6-27-2012 7-54-41 PM

Ladies, THANK YOU so much!

 

 

oOo

As you start and end your day, say "Thank you" for every little things in your life. And you will come to realize how blessed you truly are.

Espesyal Na Bati

Move over Manay Lolit Solis.

Kasi. . .BABATI ako!

.

.

Gusto kong batiin ang pumapangalawa sa ganda ko, isa sa mga echosera slash charotera pero muy paborito kong reader from Singapore – si Naino! Hahaha!

10-3-2011 8-47-49 PM 

O ha! Kung makabati ang Mamaru parang sa teevee lang.

Naino dearie, sensya na kung napaka-waley ng energy ko. Antokyo japan (antok) na kasi ang lola mo. (sign of tanders) Hihihi! Pero SALAMAT sa suporta ha?

Siempre gini-greet (kaway) ko na rin ang ibang members ng kultong Maruism, internationally at universally. Chos!

O sha, GOODNIGHT mga taga-lupa, comatose mode na muna ang engkantada. 😛

 

 

oOo

What is Beauty if I have Money.

Bagsik Ng Tinola

Last June 17, nag-message sa akin ang isang FB buddy ko. Hindi ko na babanggitin ang real name at ibang pang detalye tungkol sa kanya kasi sabi nga nyapribadong tao sya.

Hmmmnteka, ano ba i a-alias ko sa kanya para maitago? Hmmmn

Pwes, itatago na lang natin sya sa pangalang MR. SINGIT – para tagong-tago talaga! O di ba, bagay! Kasi ang singit natin ay hindi ini-expose, dapat iniipit at itinatago lang. 😀 Heniweys, char-char lang yun. Itatago ko na lang si charming friend ko from FB sa initials na K.S.

 

17 Jun
K. S.

@maruism salamat sa tinola recipe from your blog. girlfriend loved it.

17 Jun
Maru Ism

@K.S., tel ur gf marry ka na nya at dabest na ang tinola mo.

 

Kanina, pagbukas ko ng FB ko:

10 hours ago
K. S.

   hi mamaru mukhang magkakatotoo yung sinabi mo about sa tinola wehehe
    i hope youre doin fine 🙂

2 hours ago
Maru Ism

ha? what do u mean?
   Ur getting married na?

about an hour ago
K. S.

    i cant wait na nga e. lols kaso my rock is still under certification sa belgium. definitely i’m proposing before this world, este, year ends. isa kang anghel, dahil meron kang dilang anghel. wihi. salamat. 🙂 musta na?
    i hope you’re doin fine. basta pag nakita mo yung visitor mo sa live traffic feed mo sa maruism na may flag ng S**** A*****, ako yun, or yung mga naimpluwensyahan ko dito na naging fan mo na rin, haha. God bless at ingats. keep inspiring people. and stay pretty 🙂

4 minutes ago
Maru Ism

    OMG! Sing-laki ba ng olive ang bato na yan at manggagaling pa ng Belgium? Ang bonggacious. Shet! Bigla akong nainggit. Sana kahit bato na panghilod man lang ay may magbigay din suckin. Wee!
    Di nga, diyaske ka! Pinaganda mo ang Monday ko. Hays…sarap isipin ng mga kwentong-PAG IBIG ng gaya ng sa ‘yo. Goodluck, dear. Basta pag nagtuloy-tuloy yan, promise me to take good care of your woman ha? Don’t ever break her heart.
    Keep me posted ha? 😀

 

Grabe! Ay kent bilibit! Buhay pa pala ang PAG-IBIG sa mundo. At ang bagsik ng Tinolang Manok Na May Mais ko ha! Chos!

Netong weekend lang, panay basa ko ng mga news tungkol sa lugmok na ekonomiya ng US at iba pang bansa ng Europe ngayon. Nakakabahala kasi siguradong may domino effect yan hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Kaya naman, ang makatanggap ng medyo naiibang email galing kay K.S., is kinda refreshing. 😀

Kinilig lang naman ako sa email ni K.S. na may halong inggit din. Sori naman, magandang tao lang po ako, marunong din ako mainggit pero siempre mas lamang yung haplos sa na-feel kong SAYA kasi imadyin, hindi magtatagal eh matutupad na rin ang gusto ni friend K.S. para kay ineng nya ang makapag-honeymoon agad magkasama sila habangbuhay.

Sana invited ako pag umabot na sa kasalan. Joke!

 

oOo

love is in the air

LOVE is in the air!