Tenkyow

For 3 consecutive years, walang palya tong FB amiga kong si Pryss na iparamdam sa akin na – I Am Loved. Love Struck

From Pryss

Nga pala, ang tinutukoy ni Pryss na pangyayari ay yung nakakalungkot na panloloob sa bahay namin. Eh kasi, nanakawan kami last week. Crying

Natangay lang naman ang pinakamamahal kong cellphone, pulseras at Apple Macbook ng niece ko. Hindi ko nakuhang mai-blog ang masaklap na pangyayaring yun kasi naninikip lang ang dibdib ko.

Siempre mahalaga sa akin ang cellphone kong yun dahil malaki ang naitulong nun dito sa blog ko at siempre mahal ko rin ang taong nagbigay nun sa akin. Pero sa totoo lang, mas awang-awa ako sa pamangkin ko.

Kaya pag pasensyahan nyo na muna kung hindi ako makapag-post ng maraming jokes ngayon  kasi nga walang cellphone ang Mamaru. Hindi makapag-supply ng SMS jokes sa akin ang dear friend kong si Mike.

Heniweys, naging pampalubag ng loob ko ang Xmas gips (better late than never) na to ni Pryss na natanggap ko noong Lunes.

 The Body Shop Chocomania

THE BODY SHOP CHOCOMANIA SHOWER CREAM

Parang mas gusto kong haluan ng gatas, gawin chocolait, at tunggain ng minsanan lang imbes na ipangligo ang Shower Cream na itey. 😀 Tsalap ng amoy.

The Body Shop Moringa

Super-like ko rin tong TBS MORINGA BODY BUTTER. Sa amoy pa lang, nakaka-engganyo na maligo ng maligo.

Juice ko! Nai-imagine ko na magiging ganito kasarap ang amoy ko sa mga susunod na araw, kaya yari na naman ako nito ng imaginary husband ko. Charot!

Witty Will Save The World Planner

Dear Pryss, nag tig-isa kami ni Keziah dito sa dalawang Witty will Save the World Diary/Planner na bigay mo.

Wish ko lang na sana narinig mo ang mga hagikhik namin ni Ziah habang binabasa ang mga witty one-liner na naka-imprinta sa loob. Baklang-bakla! Super aliw, as in!

Maraming salamat sa thoughtfulness

kahit minsan ay parang umaasta kang may sayad at adik eh ibang klase ka rin talaga, girl! Haha!

Again, TENKYOW!

 

HAPPY VALENTINES!

 

 

oOo

Ngayon Valentines Day, magsuot ng t-shirt na may nakalagay na "MAGHIHIWALAY DIN KAYO!" at mag-ikot sa mall.

Thank You, Ladies!

Wala man  akong jowa o fafa na pwedeng magbigay sa akin ng compliments para pagandahin ng bonggels ang araw komay avid blog readers/bagong FB buddies naman akong alam na alam kung paano ako pangitiin ng abot hanggang tenga sa simpleng paraan na alam nila! 😀

Bear me, hindi ko pwedeng palagpasin to, at mas lalong hindi ako nagdadalawang isip na bigyan ng espasyo ang mga ganitong MENSAHE sa akin tungkol sa blog ko.

Kahit naman sinong blogger, siguro tagumpay na maituturing ang malaman na kinatutuwaan, kinaaaliwan at kahit papano ay may nakukuhang kabuluhan ang mga blog post nila. Lalo na pag binabalik-balikan sa pagbisita. 😛 (O baka ako lang ang may interpretasyon na ganitey o baka sadyang mababaw lang ako.)

Ayoko na pahabain pa ang mga chuchuchuchu ko, MASAYA lang talaga ako sa mga appreciation ng mga readers kong gaya nina CRISTINA at PRINCESS.

Aliw ako! FYI, kasalukuyang lapot na lapot at nababalutan ng kolesterol ang buong PUSO ko sa mga sinabi nyo.

6-27-2012 7-57-39 PM

6-27-2012 7-54-41 PM

Ladies, THANK YOU so much!

 

 

oOo

As you start and end your day, say "Thank you" for every little things in your life. And you will come to realize how blessed you truly are.

Relief Goods Daw

Si Moo o si DEFPOTEC, ang blogger na naging pinaka-close na yata sa akin.

Medyo mahaba na rin ang pinagsamahan namin ni Moo online at kahit sa personal o real life. Nagsimula ang friendship namin noong 2007 pa.

Mabait kung sa mabait si Moo. Ma-chika, matalino, superb ang sense of humor at matulungin. Kaso nga lang pagdating sa akin, trip nun ang palaging pahihirapan muna ako bago tumulong.

Hmmmnminsan may na-curious at nagtanong sa akin. Gwapo ba si Moo? Nyahaha! No comment ako! Op kors! Wag nya aasahan na sasabihin kong gwapo sya! No way! Neknek nya! 

Heniweys, pagdating sa pikunan, aaminin kong hindi ako umuubra kay Moo. The guy is such a PRICK! Hindi ko na yata mabilang kung ilang beses akong napaiyak sa sobrang pagkapikon noon. Ang konswelo ko lang kay Moo noon, pag alam nyang napaiyak na nya ako dahil sa matinding pagka-bwiset, kahit papano eh marunong din naman manuyo ang chekwa.

Madalang na lang ngayon kung magka-chat kami ni Moo. Kahit sa pagti-text, bihira na rin kami mag text maliban na lang kung may mga napapabalitang mga pangyayari sa mga lugar-lugar namin. Andun yung nagkukumustahan pa rin kami kahit papano. Halimbawa na lang noong nasalanta ang Iligan City ng bagyong Sendong. Isa si Moo sa mga iilan na nagtext at kinumusta kami. Kaso may kasamang pang-aasar ang text, as usual.

Pahirapan ng pagbili ng malinis na tubig dito noong na-Sendong kami. At impernes, nag-offer si Moo noon na punta lang daw kami sa sales office/warehouse ng Asia Brewery dito sa Iligan CIty at kumuha lang daw kami ng kahit ilang kahon ng mineral water at sya na ang bahala, sagot nya. Naks naman!

Ilang eroplano din na puno ng relief goods, karamihan ay bottled water ang pinadala at pinamigay ni ninong Lucio Tan last December sa Iligan at CDO.   Pero hindi rin kami nakakuha kasi wala kaming masakyan noon. Nga pala, pag-aari ni ninong Lucio Tan ang Asia Brewery at kamag anak ni Moo si ninong.

Speaking of relief goods, maniwala ba kayo na gitna ng kalamidad na dulot ni Sendong last December ay nakuha pa rin mang-goodtime ni Moo sa akin?

Nag-text ang chekwa. Kesyo may ipapadala pa syang dagdag na mga relief goods via Air21 at i-follow up ko daw.

Josko! Ako naman si uto-uto, nag-aksaya pa ng cellphone load, tinawagan ang Air21 at nag-follow up kahit sobrang BUSY talaga kami noon dahil sa mga evacuees dito sa bahay ko. Siempre, akala ko naman seryosohang relief goods na para sa pangkalahatan kasi may kalamidad nga eh.

Well, dumating nga ang relief goods!

Eto sila

DSC05905_2

Taenang chekwa na yun! Lakas talaga mang-goodtime! Tatlong pirasong relief goods nga ang ipinadala!

Isang pakete ng  tisyu paper

Isang maliit na lata ng Piknik

At isang bote, 8 oz. Absolute Distilled Water.

At nag-effort pang markahan muna ang mga goods bago ipadala!

Haysbasta makapang-asar lang talaga ang peg ni Moo.

DSC05906

1. Water

2. Pwede panligo

DSC05907

3. Pandilig

4. Panghugas

DSC05908

5. Pang Luto

6. Merry Christmas

DSC05909

7. Bawal pikon

8. Ok?

Tawanan dito sa bahay ng makita ang padala ni Moo!

Ngayon ko lang nai-blog ang tungkol dito kasi nang inaayos ko ang maliit kong pantry cabinet kanina, nakita ko ulit ang mga to.

Natawa ako at naalala ko si Moo.

Ma-sentimyento din kasi akong hitad. Itinago ko talaga ang mga to at hindi ko binubuksan hanggang ngayon. Parang naging souvenir tuloy ang dating ng mga relief goods ni Moo. 😛

 

 

oOo

MENOPAUSE!Sabi ng Jejemon sa lolo at lola niya nung nag-mano siya.

#ArtistaFoodNames

Kanina lang, super-aliw ako reading trending topic/tweets about Artista Food Names sa Twitter ko.

artista food names

  1. Bagnet Medved
  2. Empanada Montenegro
  3. Kris Poqui-Poquino
  4. Solenn HeuSapsap
  5. HalaAnne Curtis
  6. GGna Wilson
  7. Puto BumBong Revilla
  8. Lani Mechado
  9. Pansit Molo Revilla
  10. Shamcey Soup-Soup
  11. Ces Sirloin
  12. Julius Salpicao
  13. Kare-Karen Davila
  14. BaBoy Abunda
  15. Prito Sotto
  16. Baked Sotto
  17. Joey de Lechon
  18. Choco Martin or Cocoa Martin
  19. Choco Diaz
  20. Bulalu De Leon
  21. Jennylyn Mechado
  22. Luis Mansanas
  23. Magic Sarap Geronimo
  24. Annabelle Ramen
  25. Zsazsa Paella
  26. Lechon Kawali Bayola
  27. Lumpia Guanio
  28. Flat Pops Fernandez
  29. Bea Banana
  30. Cake Vargas
  31. Okra Winfrey
  32. Lea Salonganisa
  33. Rice Ganda
  34. Imelda Muffin
  35. Congee Domingo
  36. Dominic Biscochoa
  37. Maja Blanca Salvador
  38. Korina Sancheescake
  39. Philipit Younghusband
  40. Lovi POEtato
  41. Taylor Swift Corned beef
  42. Patupatricia Javier
  43. Kaymito Diaz
  44. Diningdingdong Dantes
  45. Robin Pastillas
  46. Jessica Suha
  47. Charice Pimiento
  48. Angel Condensada
  49. Iza Arrozcaldo
  50. Cheese Escudero
  51. Mariah Kare-Kare
  52. April Boy Relleno
  53. Pilinut Coralles
  54. Adovhong Navarro
  55. Pritong Pascual
  56. Michael de Miso
  57. Yogurt Bautista
  58. Piolobster Pascual
  59. Shrimpy de Leon
  60. Marvin Mangustin
  61. Atsara Geronimo
  62. Xian Liempo
  63. John Fruits
  64. Camille Fruits
  65. Amy Peras
  66. Angeline Prito
  67. Pauline Tuna
  68. Isaw Seguerra
  69. Melai Kuntsintaveros
  70. Cake Abad
  71. John Lloyd Cheese
  72. Bangus Garcia
  73. Sweet Lapu-lapuz
  74. Pata Tim Yap
  75. Nora Knorr
  76. Tart Evangelista
  77. Shanghaina Magdayao
  78. Ube Domingo
  79. Matteo Guid-spaghetti
  80. Cake Cuenca
  81. Wafer Cruz
  82. Chicharo Cuneta
  83. Coffee Jelly de Belen
  84. Katuray Celis
  85. Vina-goongan Morales
  86. Zanjoe Menudo
  87. Biko Belo
  88. Tessie Mang Tomas
  89. Kathryn Beernardo
  90. Carbonara Mina
  91. Mo Twister Fries
  92. German Morelieno
  93. Togue Alcasid
  94. Sisig Lucero
  95. Nadine Sayote
  96. Rico J. Macapuno
  97. Ginger Bread Conejero
  98. KFC Concepcion
  99. Sam Milky
  100. TaLong Mejia

O di vah! Kahit nagbabasa lang eh parang nakakabusog na ang mga names ng mga ta-artis.

Parang nakaka-Boy Abundat pala sa dami. Kaya hindi na ako magtataka kung nag-Fart Evangelista ka at napatakbo sa Sharon Kubeta. 😛

 

oOo

Kung ikaw ay mataba, wag kang malungkot. Isipin mo na lang na mahirap kang kidnapin.

#TypicalTeleserye

Bago nag-trend noon ang #SignsYourSonMightBeGay sa Twitter, naging trending topic din ang tungkol sa mga eksena ng isang #typicalteleserye. Naaliw ako sa kababasa.

Bilang isang jologs na Stay-At-Home-Mom, nakagawian ko rin ang manood ng teleserye gabi-gabi pag weekdays. Yun nga lang, di ako nanonood sa ibang channel at solid Kapamilya lang talaga ang Mamaru. Eh kasi di hamak na mas magaganda naman yata ang mga teleserye ng ABS-CBN sa primetime kumpara sa iba. At mas sikat ang mga artista nila, di ba? 😛

Kung gusto nyo komontra sa sinabi ko, pwes ipa-blotter nyo na lang ako kung gusto nyo kasi di ko babawiin ang sinabi ko. Hehe!

maging sino ka man (2006)Heniweys, eto daw ang mga tipikal na eksena ng mga teleserye dito sa Pinas. Kalurkey!

  1. Mahirap pero kutis mayaman.
  2. Batang pulubi pero malusog at mataba.
  3. Nagkaka- heart attack si Senyor o si Senyora.
  4. Kapag BROKEN HEARTED ang BIDA. Magda-drive habang umiiyak tapos mababangga sa malaking trak pero mabubuhay pa din!
  5. Laging huli ang pagresponde ang mga pulis.
  6. Si Congressman, Mayor or Gobernador ay masamang tao.
  7. PANGIT na BABAE na nagkagusto sa isang GWAPO na LALAKI, tapos biglang GAGANDA. Magic!
  8. May bading na bestfriend.
  9. Pag dumuduwal sa lababo buntis. Pag may dugo mamamatay.
  10. Pag may naaksidente, tiyak magkaka-amnesia.
  11. Pag may sumpa sa bida, laging yung ka-loveteam ang makakapagpagaling!
  12. Mayaman pero daig pa naputulan ng kuryente sa dilim ng bahay.
  13. Naging mayaman lang kahit nasa bahay naka make-up at mega outfit pa!
  14. Iiyak sa shower after ng rape scene tas unti-unting mapapaluhod at sabay sabi ng linyang "Ang dumi-dumi ko!"
  15. Ang mga goons pag may hinahanap na TAO (oo, tao!) sa bahay, hahalughugin pati drawers, itutumba ang mesa, pati mattress babaliktarin.
  16. May mahabang commercial bago ang last part na aabutin lang ng 5mins para matapos.
  17. Kapag need ng bida ng blood transfusion, sa kalabang pamilya lang makakakita ng match na dugo.
  18. Nasa hospital, tapos paglabas ng Doctor, susugod sa kanya ang pamilya para tanungin ng "Doc, ok lang po ba ang anak ko?"
  19. Ang mayayaman, laging nakapang-PARTY, kahit nasa BAHAY lang. Kung makapag ALAHAS, akala mo Christmas tree.
  20. Pag may problema yung bida magkukulong sa kwarto. Tas hahatidan ng pagkain ni yaya or nanay. Pero walang ganang kumain.
  21. Pag kontrabida kulot! Pag bida straight lang ang hair.
  22. Aakayin yung naghihingalong artista, tititigan lang. Pag napikit, sisigaw. E kung tumawag na lang kaya ng ambulansya?
  23. Lalaki si Piolo Pascual.
  24. Pag mayayaman kailangan may illegal na ginagawa.
  25. Mag-aaway si Girl at Guy, sa sobrang inis ni Guy, hahalikan niya si Girl.
  26. Pag mag ex na ang mga bida, hindi nawawala ang linyang "Mahal na mahal pa rin kita"
  27. Da best talaga to, madudulas si bida, sasaluhin ni leading man at slow motion pa. Tas may background music.
  28. Sasabog ang sasakyan ni bida, aakalain patay na. Yun pala buhay pa. Sasabihin nakatakas bago sumabog.
  29. May kikidnapin tapos ang kapalit pera. Tapos sasabihin ng kidnapers na wag magsumbong sa pulis kundi papatayin ang bihag.
  30. Hindi sabay sabay binubugbog ng mga goons yung bida. Hintayan sila.
  31. Masasagasaan na nga. Di pa iiwas. Sisigaw lang.
  32. Mamamatay na lang, dami pang satsat!!
  33. Kasalan lagi ang ending. Yung kontrabida kundi bumabait eh nababaliw. At laging may nawawalan ng anak.
  34. Pag may nakidnap, tatawagan si General.
  35. Hindi nag-e-english si Marian Rivera. Laging tagalog lang ginagamit kahit mayaman na ang role niya.
  36. Umiiyak habang nag i-slide ang likod sa dingding or pintuan.
  37. Kapag naaksidente, sa hospital na ang gising at laging may flag ng JAPAN sa ulo.
  38. Ang mga babaeng kontrabida, mala-demonya kung tumawa. Pag lalaki ang kontrabida, it’s either sanggano o hayok sa laman.
  39. Kapag may kikidnapin, laging 15million pataas ang hinihinging ransom.
  40. Kapag mayaman, laging "hindi bibigyan ng mana" ang panakot.
  41. Ang mga katulong ay mas maganda, maalindog at mas makatas pa sa mga amo! Na kahit pagod sa maghapong work, beauty pa rin!
  42. Pinapatay halos lahat ng characters! Kahit na nasampal lang ng kaaway, dapat bukas, patayin o ipapatay na s’ya!
  43. Marami kuno pagkain sa lamesa pero hindi naman kinakain. Daldal lang ng daldal! Diet lang?
  44. Si Madam’ inatake na. Pero di pa yan mamamtay kasi wala na ibang kontrabida.
  45. Laging may tsismosang katulong na magsusumbong sa bidang inaapi!
  46. Lahat ng masama ginagawa ng kontrabida alak, drugs, yosi, sugal habang naka suot ng jacket kahit mainit.
  47. Kelangan baduy manamit ang mga mahihirap na bida. Pahabaan ng saya ito!
  48. Sa Amerika madalas pumunta ang bida/kontrabida.
  49. Orange juice palagi ang binibigay sa bisita.
  50. Pilot episode: Lahat ng bida, bata pa na naglalaro sa umaga. Pagdating ng gabi, masusunog bahay nila.
  51. Kontrabida si step bro, step sis, step dad, step mom.
  52. Laging matataba ang mga pulis at antukin ang mga gwardya.
  53. Barilan scene: KALABAN 100 putok walang tinamaan, BIDA, 1 putok lima patay.
  54. Mag i-slow motion tapos PALATASTAS na.
  55. Ang finale ay kidnapping scene sa abandonadong lugar. At least isa sa mahalagang karakter ang mamamatay.

Dami ko tawa sa number 9, 14 at 37.

 

oOo

Ang love parang pagsakay sa JEEP, hindi lahat nasusuklian kaya wag kang magbigay ng BUO.

#SignsYourSonMightBeGay

Bumangon ako kaninang mga 1am para mag-wewe nang mapasilip ako sa Twitter account ko sa napabayaang bukas kong ‘pyuter.

Avah! Trending topic ang #SignsYourSonMightBeGay! Nakngpuyat! Parang interesante basahin kaya di ako agad nakabalik ng tulog.

Kalurkey at natawa naman ako ng slight!

 b2b holding hands

Ilan lang ‘to mga libo-libong nabasa kong senyales daw dun sa trending page ng #SignsYourSonMightBeGay:

  1. …kapag walang buhok sa legs at kili-kili.
  2. …kapag meryenda kundi bananaque eh footlong ang binabanatan.
  3. …kapag tumatambay sa Starbucks with matching jeje pictorial pa.
  4. …kapag colored ang cover ng phone.
  5. …kapag bet na bet nyang kumain ng Magnum.
  6. …kapag napadaan sa gym tapos bumagal maglakad.
  7. …kapag mahilig magpicture sa sarili at ia-upload sa FB at everyday mag update ng status.
  8. …kapag may sakit, nagagamot ng Penisillin and Bayagesic.
  9. …kapag matagal magsalamin sa cr ng mall at ang mga mata ay nagmamasid sa palagid.
  10. …kapag iba kulay ng mukha sa leeg.
  11. …kapag inipit ang brief sa may puwet para magmukhang t-back.
  12. …kapag mahilig sa mga koreanovela.
  13. …kapag may nakita syang magandang chiks sabay taas ng kilay.
  14. …kapag inaaway nagsusumbong sa nanay.
  15. …kapag gusto mag laro ng bahay bahayan at sasabihin siya ang nanay.
  16. …kapag nagbabasa ng dyaryo, didiretso agad sa showbiz.
  17. …kapag active member siya of any fans club.
  18. …kapag cologne ang gamit instead of men’s perfume.
  19. …kapag more than 3 pairs of Havaianas.
  20. …kapag mahilig manood ng America’s Next Top Model.
  21. …kapag alam na alam o memorize nya ang complete lyrics of "Super Bass".
  22. …kapag prefers nya ang white iPhone4s.
  23. …kapag naglalagay ng letter "h" sa namesung niya. ex: jhake, jhoey, Bhoy etc.
  24. …kapag nakikinig sya sa music ni Lady GaGa.
  25. …kapag waka-waka ang fave childhood song nya.
  26. …if he has posters of Justin Bieber or the Jonas brothers hanging above his bed.
  27. …kapag he likes taking his photo of himself topless then posting it as his new profile picture.
  28. …kapag super fave niya si Princess Aurora para sa design ng cake nya kesa Kay Batman.
  29. …kapag nag i-enjoy makipag-siksikan sa MRT/LRT.
  30. …kapag inaamoy ang used brief ng kanyang bayaw.
  31. kapag alam niya yung mga birit portion ng mga kanta ni Whitney and Mariah!
  32. …kapag nakakita ng gwapong lalaki sabay nganga!
  33. …if he screams to death when there’s COCKroach!
  34. …kapag nglalaro ng Chinese Garter at nanonood ng Sailor Moon nung bata.
  35. …kapag sya ay laging nasa gayway este Gateway!
  36. if he wants to "crack the egg." And asks "what’s siksik mama?"
  37. …kapag nawawala ang kurtina nyo sa bahay at makikita mong nasa room nya, ginamit ng gown sa fashion show.
  38. …if he eats banana very slowly or passionately.
  39. …kapag pakiramdam niya long hair siya kapag may towel na mahaba sa ulo niya.
  40. …if he lost his virginity to a carrot.
  41. …if his farts don’t make any noise.
  42. kapag milk tea addict.
  43. …kapag extra small shirts nya and super slim jeans nya.
  44. …kapag knows  nya lahat ng Ms. Universe winners…pati winning lines.
  45. …kapag mas malinis pa KUKO nya kesa sa totoong babae at naka COLORLESS na!
  46. kapag matagal siya sa Mens underwear section ng Bench!
  47. if he eats a whole banana without chewing.

Hindi ko kinaya ang number 30 at 40. Hahaha! Astig!

Baka may gusto pa kayong idagdag? 😀

 

oOo

Ang tunay na lalake nilulunok ang pride para sa taong mahal niya.

Gunggong!

My golly! Hindi ko akalain na until now at hanggang sa FACEBOOK ay may nagpapakalat pa rin ng mga ganitong klaseng kabobohan! *%$#@!!!!

Pagkaalam ko, matagal ng naLAOS ang mga ganitong pa-eklat, pa-uso noon sa email at sa text! Pukingina! Nagulat ako at may natitira pa palang mga GUNGGONG hanggang sa ngayon! Sadyang may mga tao yatang nabiyayaan nga ng utak pero di naman pinapagana ng maayos! Obyus mga BUGOK lang ang gumagawa ng ganito! Pero eto ang mas hindi kapata-patawad — ang taong PUMATOL at NAGPAGAMIT para IKALAT kahunghangan ng ibang tao!

May IQ nga ba ang mokong na ‘to? At kung meron man, malamang one-digit lang o below sea-level ang IQ para mag-effort pang ipasa!

Mapagpasensya akong dyosa tao. Pero kanina nabwisit talaga ako dito sa nagmessage sa akin sa FB ko. Hindi ko kilala ang gunggong na ‘to pero naka-add sa akin. Isa lang ang masisiguro ko, hindi ako ang nagrequest para ma-add sya sa listahan ko. Nga pala, walang pic ang avatar ng tinutukoy ko dito kasi naka-block na sa akin ngayon.

Aminin ko, uminit ulo ko! Bukod sa walang kabuluhan ang mensahe, nahirapan pa akong basahin at intindihin ang pagka-type!

Wala rin siguro ako magawa kanina kaya pinatulan ko na. Alam kong pwede ko naman sana sya pagsabihan na lang sa pagka-irita ko, pero pinili ko ang AYOKO! Gusto ko maramdaman nya ang pagka-bwisit ko.

Ang sabi, ipasa daw sa 20 katao. Dahil mamalasin daw pag hindi. Pwes! Ngayon pa lang mamalasin ko sya!

Siempre alam ko na ang pakiramdam pag nakakatanggap ng mga ganitong ka-lechehan at ayokong maka-purwesyo o mambuwisit pa sa ibang tao. Kaya ang naging resbak ko? 20 beses ko ibinalik sa nagpasa sa akin ang ka-ULOLan nya! Leche sya!

 3-20-2012 8-22-29 PM

Marami at mahaba yan. Sinipagan ko talaga ang pag-copy paste. Flooding na kung flooding! Basta ibinalik ko lang sa kanya ang pagka-bwisit ko. Chura lang ng babaeng nire-regla sa init ng ulo ko!

Heniweys, medyo na-bwisit nga yata kasi napansin ko na nag-offline bigla ang mokong habang nagpa-flood ako. Hahaha!

Sched ko today ang magpa-Ventosa kaya nag-logout muna ako.

Pagbalik ko, pucha! Nakuha pang mag-message sa akin! Amp! #%$^&*@!

3-20-2012 8-25-00 PM

Ay! Tinuturuan pa ako ng ayuf! Ah ganun! Huy! Hindi porke’t ipinasa lang sayo eh ipapasa mo rin sa iba.

Mas lalo akong binubwisit ha!

Kaya mas lalong kampanteng itinuloy ko ang pagpa-flood. 😛

3-20-2012 8-26-28 PM

*ganito

Ayun! Sabay BLOCKED ko na agad! Hihi!

Bago ko nga pala ibinasura ang mokong na ‘to, sinilip ko ang profile. Tragis! Nag-aaral daw sya sa Ateneo De Manila! Ateneo? Ateneo De Manila My Ass!!!

Aruuuu! Walang duda sa Jejemon University ‘to nag aaral!

Well, sa mga mahihilig ng chain-chain kashitan na yan! Pleaaseeeeee! Wag nyo ko padadalhan! Kung nabubwisit ako sa mga apps invite ek-ek ng mga online games sa FB, mas lalo naman ayoko ng mga ganyang chain mails/messages chuchu na yan.

Current mood: INIS Veneracion

 

oOo

“Hindi ako MARGIN, na laging mag a-ADJUST sa katarantaduhan mo.”

Dear Mamaru

Bukod sa mga anakis ko, ang pagbo-blog o ang Maruism na yata siguro ang sumunod na may may pinakamalaking kunswelo na naibigay sa buhay ko. Wa charot itey!

Hindi ko na mabilang (pero siguro mga lima yun) ang mga nakukuha kong emails mula sa mga mambabasa ko na sobrang nakaka-cholesterol ng puso ang mga sinasabi. Dati, hindi ko mapigilan ang tuwa ko at madalas ko nga i-share kay Kups ang mga natatanggap kong emails from my readers. Sarap kasi ng feeling. 😀

Dear MamaruMarami nagsasabi na by reading eh natutuwa, napapangiti, naaaliw, at nai-inspire ko daw sila dito sa blog ko. O ha! Ewan ko kung bakit nila nasabi yun. Siguro yung iba ay charot lang nila yun. Hehe!

Ang totoo nyan, palagay ko naman ayaw lang nila ako deretsuhin. Na ang totoong dahilan ay – GANDANG-GANDA talaga sila sa maalindog kong pagkababae kaya sila andito. Bwahahahaha!

Fotah! As in ang lakas ng tawa ko habang nagta-tayp ngayon. Shet! Nagulat na naman si Sang sa biglang-tawa ko!

Seryoso, siguro nga ay gasgas na ang linyang to na kesyo may mga bagay na hindi nabibili ang pera. Eh totoo naman.

Ang mga emails, messages sa FB, sa Twitter, mga comments tungkol sa Maruism na nakukuha ko ay halos galing lahat sa mga STRANGERS. Mga hindi ko kilala sa personal. Ang kasiyahan na nakukuha ko sa mga positive feedback nilayun nga yata ang hindi basta-basta matutumbasan ng datung at mga papuri na hindi agad-agad mabibili sa pinakamalapit na sari-sari store.

Nagpapasalamat ako na kahit papano naman sa loob ng 6 years ay hindi pa naman ako gumimik dito sa blog ko ng mga pa-raffle o mamigay ng anik-anik na pa-premyo para LANG dayuhin ako dito. O para lang tumaas ang blog trapik ko. Bumabalik ang readers ko dahil sa gusto nila. Yun yun! Naks!

Pero ang totoo, trip ko rin talaga ang mamudmod ng gifts (gaya ng round trip ticket ng LRT Monumento-Baclaran o kaya Trip to Jerusalem) sa mga readers ko bilang pasasalamat.  Howel, malay ko naman at may mag-sponsor. Maybe someday.

Heniweys, ang haba na ng post intro kembular ko. Andiyan pa ba kayo? Hehe!

Gusto ko lang i-share ang request sa akin ng isang reader ko, itago natin sya sa pangalan na Weng Gwen. Nga pala, paminsan-minsan ay nagbibigay din po ako ng libreng payo. Oo! Bilibit or not, kahit aminado akong isang lukaret, may mga member sa kulto ng Maruism ang humihingi din ng advice sa akin. Ewan ko, pero siguro naniniwala lang sila na KERI ko ang mag-Dear Mamaru o magbigay ng payo kahit isa akong lucresia.

Kakatuwa kasi nagtitiwala sila suckin.

Mahaba ang naging exchange of emails namin sa Facebook ni Weng tungkol sa suliranin nya sa LOVELIFE. Gustuhin ko man i-post ang buong kwento eh sobrang haba, kaya yung pasasalamat na lang ni Weng ang ilalagay ko dito kasi yun din ang request nya.

Unahan ko na kayo, baka ang maging arrive neto sa inyo ay pagbubuhat ko ng sarili kong bench ha. Well, bahala kayo! Wala kayo magagawa eh hindi nyo naman ako pwede i-impeach! Tse! Ang importante ay pinagbigyan ko dito si Weng.

Weng, wereber yo ar, para sa yo ang post na to.

    mam kahit ung thank you message na lang po ang ipost nyo sa blog nyo para naman malaman ng mga fans nyo na once again, may natulungan na naman po ang pambansang fairy godmother ng blogosphere hihihi;) kung pwede nga lang po na ipagsigawan ko sa buong mundo ang pasasalamat ko po sa inyo. exaggerated po ba? hehehe.talaga lang pong sobrang nainspire po ako sa kindness nyo mam, at sobrang thankful po talaga ako sa inyo. maaaring hindi nyo po naiisip, pero napakalaking bagay na po ang nagawa ninyo para sa akin. thanks po ulit.

Weng Gwen

 

Continue reading

Tenkyu, Pryss

Sa nakaraang Pasko, pers taym na hindi namin ginawa ang nakasanayang tradisyon sa pamilya namin ang mag exchange gift. Nag-PASS muna kami. Sus, pinaka-highlight pa naman namin ang bigayan ng gips tuwing Pasko.

Eh kasi nga, oo at nagpapasalamat kami na BUO kami noong Pasko pero sa totoo lang, napakahilaw ng kasayahan namin. Hindi kami makapagsaya ng todamax o makapag partee-partee.

Sa dami ba naman ng nawalan ng buhay at bahay dito sa Iligan City noon dahil kay Sendong eh nakakakonsensya na magpakasaya talaga habang yung iba ay nagluluksa.

Pers taym na 10pm pa lang yata ng gabi bago sumapit ang Noche Buena, eh sleeping na ang beauty ni Mamaru.

Heniweys, sumapit at lumipas ang Pasko 2011 na kahit papano ay hindi naman naging betlog ang iskor ko sa pagtanggap ng regalo. Kahit papano ay may isang nilalang na siguro ay MAHAL na nya ako kahit di pa kami nagkikita sa personal. Hindi ko tuloy masabing ordinaryong Maruism reader lang siya.

Ewan ko ba sa babaeng bruhilda na to. May pagnanasa yata sa alindog ko. Lesbiana ata ang hitad at trip ako. Hehe!

Itatago ko na lang sya sa pangalan na Pryss. Taga-Davao. Ka-FB, taga suporta ng Maruism at siguro nga ay talagang isang kaibigan na maituturing. Na-amaze ako sa thoughtfulness ng girl na to sa akin kahit noon pa man.

Ang totoo, sino ba naman ako para pag aksayahan ng pera at panahon ng belat na to noh? Eh ganda lang naman ang tanging meron ako. Shet!

Minsan ko na sya ginawan ng blog post dito noon bilang pasasalamat din sa knick-knacks na pinadala nya sa akin. Kaso pinatanggal nya kasi nag-wori sya at baka daw sumikat sya. Charot!

I swear, hindi lang napakaganda ng ineng na to. Napaka-sweet pa.

Dumating ang LBC pouch ni Pryss sa mismong pagliwanag ng araw pagkatapos na nileche-leche ni Sendong ang syudad ng CDO at Iligan.

Bukod sa mga pinadalang stuff na to ni Pryss, eto ang hindi ko kinaya. As in lembot na lembot ang puso ko sa effort na ginawa nya. Shes the only person who did this to me last December. She called me up para kumustahin kung naapektuhan ba daw kami ni Sendong. At kesyo kung may kailangan daw kaming tulong eh shoutout lang daw ako at wag mahihiya sa kanya. Pers taym na nagka-chikahan kami sa selpon. TATS ako. 🙁

Hay naku! Di ko maipaliwanag ang pagkabilib ko. Dahil hindi naman talaga kami close ni Pryss. Nagkakilala lang kami dahil dito sa blog ko.

Sabi nga nila, malalaman o makikilala mo ang mga taong may malasakit sa yo sa panahon ng kalamidad at kalungkutan. Sa mga naging epekto ng bagyong Sendong, maraming salamat sa mga nagpakita ng concern sa amin, sa Facebook, sa Twitter at dito sa blog ko. Alam nyo kung sino kayo.Tenkyu.

Gayunpaman, Pryss.alam ko mababasa mo to.

BOW ako sa yo.

MARAMING SALAMAT sa sinseridad mo kay Mamaru. At ibubulong ko talaga kay Lord, nasa sana ay pagpalain ka pa Niya. Na sana ay menteyn pa rin ang ganda mo, inside and out gaya ni Mamaru. Chos!

Maraming salamat din dito sa mga bag tags na binigay mo.

Eto, at nakasabit na agad ang isa dito sa backpack ni Kevin,

bag tag1

At tig-isa din naman kami ni Keziah dito.

bag tag

At siempre THANK YOU din dito sa wedge shoes na binigay mo. Nakakapanghinayang lang dahil malaki sa akin. Sabi ko nga sa yopang-duwende ang size ng mga paa ko. Pero dont wori. May sasalo naman. Si Keziah. 😛

wedge shoes2

Again, Tenkyu!

Pa-kiss! Mwah!

 

oOo

Ang mga kaibigan ay parang mga prutas. May dalawang klase yan, ang seasonal at for all seasons.