Posted from WordPress for Android
Category: YM Buddies
Relief Goods Daw
Si Moo o si DEFPOTEC, ang blogger na naging pinaka-close na yata sa akin.
Medyo mahaba na rin ang pinagsamahan namin ni Moo online at kahit sa personal o real life. Nagsimula ang friendship namin noong 2007 pa.
Mabait kung sa mabait si Moo. Ma-chika, matalino, superb ang sense of humor at matulungin. Kaso nga lang pagdating sa akin, trip nun ang palaging pahihirapan muna ako bago tumulong.
Hmmmn…minsan may na-curious at nagtanong sa akin. “Gwapo ba si Moo?” Nyahaha! No comment ako! Op kors! Wag nya aasahan na sasabihin kong gwapo sya! No way! Neknek nya!
Heniweys, pagdating sa pikunan, aaminin kong hindi ako umuubra kay Moo. The guy is such a PRICK! Hindi ko na yata mabilang kung ilang beses akong napaiyak sa sobrang pagkapikon noon. Ang konswelo ko lang kay Moo noon, pag alam nyang napaiyak na nya ako dahil sa matinding pagka-bwiset, kahit papano eh marunong din naman manuyo ang chekwa.
Madalang na lang ngayon kung magka-chat kami ni Moo. Kahit sa pagti-text, bihira na rin kami mag text maliban na lang kung may mga napapabalitang mga pangyayari sa mga lugar-lugar namin. Andun yung nagkukumustahan pa rin kami kahit papano. Halimbawa na lang noong nasalanta ang Iligan City ng bagyong Sendong. Isa si Moo sa mga iilan na nagtext at kinumusta kami. Kaso may kasamang pang-aasar ang text, as usual.
Pahirapan ng pagbili ng malinis na tubig dito noong na-Sendong kami. At impernes, nag-offer si Moo noon na punta lang daw kami sa sales office/warehouse ng Asia Brewery dito sa Iligan CIty at kumuha lang daw kami ng kahit ilang kahon ng mineral water at sya na ang bahala, sagot nya. Naks naman!
Ilang eroplano din na puno ng relief goods, karamihan ay bottled water ang pinadala at pinamigay ni ninong Lucio Tan last December sa Iligan at CDO. Pero hindi rin kami nakakuha kasi wala kaming masakyan noon. Nga pala, pag-aari ni ninong Lucio Tan ang Asia Brewery at kamag anak ni Moo si ninong.
Speaking of relief goods, maniwala ba kayo na gitna ng kalamidad na dulot ni Sendong last December ay nakuha pa rin mang-goodtime ni Moo sa akin?
Nag-text ang chekwa. Kesyo may ipapadala pa syang dagdag na mga relief goods via Air21 at i-follow up ko daw.
Josko! Ako naman si uto-uto, nag-aksaya pa ng cellphone load, tinawagan ang Air21 at nag-follow up kahit sobrang BUSY talaga kami noon dahil sa mga evacuees dito sa bahay ko. Siempre, akala ko naman seryosohang “relief goods” na para sa pangkalahatan kasi may kalamidad nga eh.
Well, dumating nga ang relief goods!
Eto sila…
Taenang chekwa na yun! Lakas talaga mang-goodtime! Tatlong pirasong relief goods nga ang ipinadala!
Isang pakete ng tisyu paper…
Isang maliit na lata ng Piknik…
At isang bote, 8 oz. Absolute Distilled Water.
At nag-effort pang markahan muna ang mga goods bago ipadala!
Hays…basta makapang-asar lang talaga ang peg ni Moo.
“1. Water”
“2. Pwede panligo”
“3. Pandilig”
“4. Panghugas”
“5. Pang Luto”
“6. Merry Christmas”
“7. Bawal pikon”
“8. Ok?”
Tawanan dito sa bahay ng makita ang padala ni Moo!
Ngayon ko lang nai-blog ang tungkol dito kasi nang inaayos ko ang maliit kong pantry cabinet kanina, nakita ko ulit ang mga ‘to.
Natawa ako at naalala ko si Moo.
Ma-sentimyento din kasi akong hitad. Itinago ko talaga ang mga ‘to at hindi ko binubuksan hanggang ngayon. Parang naging souvenir tuloy ang dating ng mga relief goods ni Moo. 😛
oOo
“MENOPAUSE!” – Sabi ng Jejemon sa lolo at lola niya nung nag-mano siya.
Pizza From Canada
Second day na ng trangkaso ko ngayon. Full-blown na trangkaso, mga ateng! ðŸ™
Wala akong gana kumain dahil wala akong panlasa pero kahapon may nagpahatid ng lafang kay Mamaru dito sa tinutuluyan ko sa Mandaluyong at siempre hindi ko itu pinalagpas.
O ha! Labs na labs ako netong friend ko at ayaw akong matigok na lang basta sa gutom. Since hindi ako makalabas ng bahay, eh ipinag-order ako ng lafang thru internet. And take note inorder pa ‘tong pizza and spaghetti all the way from Toronto, Canada. Ang tarush di ba?
My long time canadian friend Ronnie Jimenea ordered this pizza via online. Gulat ako. Pwede na pala mag order ng pagkain ang mga taga abroad tapos ipa-deliver dito sa Pilipins in an hour.
Well, dapat in an hour ay delivered na ang pizza. Kaso medyo naligaw daw yung delivery man (gasgas na alibi) kaya halos 2 hours din ang inabot bago nailapag sa mesa namin ‘tong pizza.
Nways, Ronnie dear…if you’re reading my blog, thank you so much! This is sweet, really! Sa susunod ulit ha? Hehehe! Kafal!
Defpotec’s Birthday
Araw Ni Cabron
Importanteng araw ngayon ng idol blogger kong si Jon Cabron kasi bertdey nya. Bakit importante? Eh kasi sabi nya.
Dapat nga holiday ngayon kasi Araw Ni Cabron ng Kagitingan din kaso ginawang advance na nung lunes. Kung ako lang sana ang presidente ng Pilipinas ngayon… ipapasara ko ang EDSA dahil Araw Ni Cabron.
Kaya Nyo Ba ‘to?
Naikwento sa akin ni Moo aka Defpotec Jones ang tawag/utos ng bossing nya habang nasa Cubao sya kahapon:
Bill Gates (code name ng bossing ni Moo): “Bilhan mo ako mac…abonohan mo muna…”
Defpotec Jones: “big mac?”
Bill Gates: “Bobo muka ba akong kumakain ng burger? Yung laptop!”
Defpotec Jones: “sori sir! Asap po!” “(malay ko ba? Mas lalo naman wla sa muka mo na marunong ka mag computer! At nasa muka ko bang kaya ko mag abono ng Mac?)”
Kahit DVD player ay hindi marunong mag play bossing ni Moo. Text naman agad sa akin si Moo.
Defpotec Jones: “Moo, pachek naman magkano ang Macbook Pro 17″ sa Apple.com yung pinaka high end.”
Kahit Saglit Lang
Sandaling nabanggit namin kanina ng friend ko ang bakasyon. Napagusapan saglit na pareho pala kami nagkaka problema sa tulog. May mga kanya-kanyang dahilan kung bakit nagiging mailap ang mahimbing na tulog lately. Daming rason. Pero oo nga naman, bakit nga ba parang ang hirap ngayon makakuha ng eksakto at magandang pamamahinga sa gabi?
Friendternet
Friendternet
friends made via the internet, often never to be met in person but sometimes resulting in meeting and developing “real life” friendships.
(source: Urban Dictionary)
Hindi na tayo nagkakausap na gaya ng dati. Bihira na rin ang kulitan natin. Mahaba din pinagsamahan natin noon sa chatroom. Ok lang, alam ko bz ka lagi sa work mo. Pero minsan usap naman tayo gaya ng dati para alam ko kung sino-sino na ulit ang mga chikababes na pinopormahan mo ngayon.
He’ll Be Back Very Sawn
I miss Sawn. More that I miss Sawn’s Pasakalye blog. Paano ba naman hindi mo mami-miss ang blog nya eh galing ng mga ginawa nyang mga erotic stories dun. Itsura lang ni Xerex sa galing nya magsulat. Talaga naman mawiwindang ka sa kai-imagine at pag dinibdib mo pa ang mga entries – baka manghina tuhod mo pagkatapos mo basahin mga kwento nya.