Rainbow Pans

Ayay! Dumating na yung gift ko para sa sarili ko. I ordered new set of cooking pans from OShopping. Kelangan ko na i-dispatsa yung mga luma kong kawali na inabot din ng ilang taon ang pagsisilbi sa akin.

Bukod sa egg pan na kulay violet, lahat ay 28 cm. ang sukat.

Nakailang beses na rin ako umorder ng cooking pans sa OShopping. Nagustuhan ko talaga tong kaldero/kawali na produkto o gawang-Korea. Kuntento ako.

Dahil inorder ko ang mga non-stick cooking pans ko noong Father’s Day…naka-avail ako ng free items nila.

Isang whistling kettle.

At isang 20 cm. na non-stick frying pan.

Di na masama, di ba?

Mag Alaga Ay Di Biro

Dioskopo! Sobrang nabugbog ako sa gastos ngayon.  Akala ko magbubuhay-petiks na lang ako dahil tapos na sa pag aaral ang dalawa kong anak at may kanya-kanya ng mga trabaho. Hindi pa pala. Nakalimutan ko may 6 pa akong binubuhay na aso. Nope, hindi naman sa nagde-demand ang mga alaga ko na pag aralin ko sila. Heh!  

The other week may fever si Will, isa sa apat kong male dogs.


First time na may nagka-fever sa mga alaga ko at siempre worried ako kasi hindi kumakain at nanghihina. Nai-stress ako kaya takbo kami agad sa vet. Buti na lang wala masyadong complication ang lagay nya pero dumaan pa rin sya sa mga lab test. Buti na lang at nakabawi agad ang mokong, gumaling at okay na ngayon. Check up lang at test pwera gamot, siningil ako ng vet ng P750.00.

After 5 days,  si Sang-sang naman ang nagpakita ng inactivity.

Ayaw kumain at laging nakahiga at nanghihina. Takbo na naman sa vet. Lab test ulit at kelangan i-ultrasound kasi may duda ang vet na baka may Pyometra (infection in the uterus). Positive. May early sign of Pyometra si Sang. Total bill: P1,200.00

   

Lethal ang Pyometra sa mga female dog pag hindi naagapan ang paggamot. At ang tanging solution? Surgery. Spaying.

Miyembro na ng pamilya ko ang mga aso ko. Sila na lang ang mga kasama ko ngayon at kung magagawan ng paraan…ayokong may masamang mangyari sa kanila.

Nag decide ako agad na ipa-opera si Sang.  Believe me, I prayed hard na maging maayos ang operation nya. This time, inabot ng P9,700+ ang bill ko. Pero kebs. Anak na ang turing ko sa mga alaga ko.

Ngayon ay nasa bahay na ang operada at nagpapagaling.

But wait, there’s more! Di pa matatapos ang gastusin ko kasi bukod na kelangan kong ipa-distemper shot ang mga alaga ko sa susunod na mga araw, plano ko rin ipa-spay ang isa kong girl at ipa-neuter naman yung 4 na lalaki.

Malaki ang naitutulong sa akin ng mga alaga ko bukod sa mga naibibigay nilang kasiyahan sa akin. Pero ang mag-maintain ng mga alaga ay di biro. Seryoso ako.

Waaaah! Kaya wag kayo magugulat kung mabalitaan nyong nagtutulak na pala ako ng droga para may panggastos ako sa mga aso ko. Charot!

Summer Na!

Successfully installed my new window wood blinds — take note, all by myself. Pawer! Ang astig ko, Char!

Summer na nga! Painit ng painit na ang panahon. Yung mismong araw pakiramdam ko eh nasa gate lang namin. Kaya kelangan ko talaga ang panangga sa sikat ng araw na tumatagos sa loob ng living room ko.

 

Christmas Again

More or less one month na lang eh Pasko na! Mga ilang tulog at kembot na lang yun ha. Bilis talaga ng mga oras ngayon eh di na natin namamalayan ang paglipas ng araw.

Ako, aminado akong favorite kong holiday eh Christmas. Kaya naman go kami ng mga kapatid ko kanina para umiskor o bumili ng mga anik-anik na pang krismas na dekorasyon sa bahay.

Isa ‘to sa mga napagtripan namin – ang magsayang ng pera sa mga halaman na may kinalaman sa Pasko.

Full Belly

Yung iba busog sa pagmamahal.

Ako, busog na busog din . . . sa food nga lang.

Sa araw na ‘to, nagdiriwang na naman ang mga alaga ko sa tiyan.

Dami ko na naman nakain.

 

1. Leche. Minsan Flan, minsan ikaw.

Leche! Paubos na!

2. Ang petmalu na Pichi-pichi ng Amber.

3. Don’t be upsetti. Eat some Spaghetti!

Onli in da Philippines, kung saan may hotdog ang spaghetti. 

4. Music is Life. But food is Lifer! Ahhhh! Pork Barbecueeee!