No Winner

Year 2014  nang nagsimula akong ma-adik manood ng mga Korean tv drama series at movies sa internet. Mula noon hanggang ngayon, hindi ko na nakuhang manood pang muli ng Pinoy teleserye gaya ng dati dahil para sa akin, pagdating sa entertainment value and etc, eh ang layo ng agwat kung pagkukumparahin ang 2 bansa. Olats na olats ang mga gawang-Pinoy.

Hindi lang yan, kahit ang mga primetime TV news ng ABS CBN at GMA dito sa Pinas, eh hindi na rin ako nanonood hanggang ngayon.

Pag gusto kong malaman ang mga bali-balita mapa-lokal man o buong mundo, sa  Twitter ako nagbababad at nakikibalita. Mas ayos ang Twitter kasi real time ang dating ng mga pangyayari at mas nauuna pa kesa TV o mga newspaper. Higit sa lahat, naaaliw akong magbasa lalo na sa mga tweet replies ng  mga netizen sa mga anik-anik na topic. 😛

Gaya na lang neto…

Last night, sa hangad siguro ng Rappler na maunang makapag-post sa Lotto result na pinaka-aabangan ng mga netizens, ayan pumalpak tuloy sila sa chika nilang NO WINNER daw!

Ewan ko ba, pero sobrang natawa ako sa tweet reply ng James The Answer na ‘to. Lalo na dun sa “first come. first serve. lol” na banat nyaHaha! Mema lang ang dating noh?!  At parang makapagtalak lang against sa Rappler. Haha!

Eh kasi naman, eto naman kasing Rappler, ewan ko ba diyan. Bakit kasi hindi na lang sila magsara! Haha!

Enwey, ewan ko sa inyo basta ako,  naaliw ako last night.

“Tok!”

Been wearing eyeglasses since time immemorial. Pag nasisira ang salamin ko, madalas ang dahilan ay naipit sa bag ko, nahulog o ningatngat ng alaga kong aso ang temple part ng eyeglasses. First time ‘to nangyari – na naupuan ko ang salamin ko!

“Tok!”, yan lang naman ang narinig kong tunog mula sa puwetan ko kanina ng umupo ako sa gilid ng bed ko.

Wala lang. Gusto ko lang ‘tong i-blog.

‘K thnx bye!

Pasaporte

August 2019 pa ang expiry ng passport ko. Pero madami na akong naririnig na kesyo pahirapan ang pagkuha ngayon ng appointment slut slot for passport application/renewal. Ewan ko kung bakit. Wala akong time para i-text pa at tanungin ng deretsahan si DFA Secretary Alan Peter Cayetano kung bakit pahirapan ang pagkuha ng appointment. Charot!

Heniwey, balak ko as early as January 2019 ay iba-balandra ko na ang pagmumukha at ipaparamdam ko na ang presensya ko sa office ng  DFA-CDO para mag-aplay ng bagong passport. May kasabihan di ba na…, “daig ng maaga ang masipag”  (meron nga ba?)

Ngayon pa lang, kumuha na ako ng panibagong kopya ng birth certificate ko na kakailanganin ulit sa pagpapalit ng pasaporte. Uy, malaking tulong yung online delivery service ng National Statistic Office sa pagkuha ng copy ng BC. Fast and hassle-free indeed. Hindi ko na kelangan ang pumila pa sa opis ng NSO.

Sana lang, maging stress and hassle-free din ang pag-process ng passport renewal ko next year.  Gudlak, Mamaru!

Christmas Again

More or less one month na lang eh Pasko na! Mga ilang tulog at kembot na lang yun ha. Bilis talaga ng mga oras ngayon eh di na natin namamalayan ang paglipas ng araw.

Ako, aminado akong favorite kong holiday eh Christmas. Kaya naman go kami ng mga kapatid ko kanina para umiskor o bumili ng mga anik-anik na pang krismas na dekorasyon sa bahay.

Isa ‘to sa mga napagtripan namin – ang magsayang ng pera sa mga halaman na may kinalaman sa Pasko.

Full Belly

Yung iba busog sa pagmamahal.

Ako, busog na busog din . . . sa food nga lang.

Sa araw na ‘to, nagdiriwang na naman ang mga alaga ko sa tiyan.

Dami ko na naman nakain.

 

1. Leche. Minsan Flan, minsan ikaw.

Leche! Paubos na!

2. Ang petmalu na Pichi-pichi ng Amber.

3. Don’t be upsetti. Eat some Spaghetti!

Onli in da Philippines, kung saan may hotdog ang spaghetti. 

4. Music is Life. But food is Lifer! Ahhhh! Pork Barbecueeee!

Mille Crepe

Ang mahal naman!

Yan agad ang reaction ko dito sa isang slice ng Ube Mille Crepe. P225.00 per slice. Hmp!

Tapos hindi man lang ako masyado nasarapan sa totoo lang.

In fairness naman, baka nakasanayan lang talaga ng  dila ko ang kumain ng panghimagas na gawa lang sa bahay o kaya yung affordable lang kaya hindi ko ma-appreciate yung sarap (kung meron man) netong paper-thin handmade crepes na acclaimed to be among the best and finest desserts in Tokyo daw.

Hindi naman sa sinisiraan ko ang produkto na ‘to. Hindi lang din siguro ganun ka-sopistikada ang panlasa ng dila ko. Well, kung panghimagas din lang, never ko pa rin maipagpapalit ang leche flan ng Goldilocks. Hihi!