Para Sa Puso

2 bags (10 lbs) of Quaker Oats Old Fashioned, “110+ servings”, eto ang naka-print sa gilid ng box. Hungdami!

Quaker Oats1

Walang problema sa akin kahit oatmeal lang ang ipakain sa akin sa almusal.

Kadalasan walang sugar, walang milk kung lantakan ko ‘to dahil yun na ang nakasanayan ko. Kaso sa dami nitong binigay sa akin, hindi ko na yata alam kung paano ko ‘to uubusin. Hindi kaya mapurga ako nito? Whew

Quaker Oats2

Heniweys, sa totoo lang ay nakakaumay din ang panay oatmeal. Pero ang iniisip ko na lang, pag naubos ko ‘to lahat… pag hindi pa gumanda ang Red heart ko nito, ewan ko na lang!

Thank you, Nick! Sa oatmeal. Love Struck

Kanina ko lang binuksan ang kahon na ‘to kasi inubos ko muna yung old stock ng instant oatmeal ko. Para sa akin, mas masarap ang lasa nitong old fashioned oats kesa dun sa mga instant at quick-cooking oats.

10 Awesome Health Benefits Of Oatmeal

1. Oatmeal Lowers Cholesterol

Oatmeal is a rich source of soluble fiber, which is also found in apples, pears, prunes and barley. Soluble fiber inhibits the body’s absorption of low-density-lipoprotein, or LDL, which is known as the bad cholesterol. One-and-a-half cups of oatmeal contains more than five grams of fiber, which is enough to reduce your cholesterol level.

2. It Can Reduce The Risk Of Developing High Blood Pressure

Since oatmeal is high in fiber, which is heart-healthy, it offers many cardiovascular benefits, including a reduced risk of developing high blood pressure. It’s recommended that postmenopausal women, who tend to develop high blood pressure, should eat six servings of oatmeal or other whole grains on a weekly basis. Studies show that men can also reduce their risk of heart failure if they eat one bowl of whole grain cereal or oatmeal, per day.

3. It’s Full Of Antioxidants

Oatmeal contains a special type of antioxidant called avenanthramide. Avenanthramides fight off free radicals that attack high-density lipoproteins, or HDL, which is known as the good cholesterol. They also protect LDL cholesterol from oxidizing from copper, which reduces the risk of developing cardiovascular disease.

4. It Prevents The Arteries From Hardening

Avenanthramides not only protect against heart disease, they also prevent the arteries from hardening. Those antioxidants suppress the production of molecules that allow monocytes to adhere to the walls of the arteries. Research has shown that postmenopausal women who eat six servings of whole grains a week reduced their risk of developing atherosclerosis, which is the build-up of plaque along the passageways of the arteries, and slowed the progression of stenosis, which causes the passageways of the arteries to narrow.

When paired with vitamin C, the cardiovascular benefits of oatmeal are enhanced, so drink a glass of orange juice or eat some citrus with your oatmeal.

5. Oatmeal Can Prevent The Development Of Breast Cancer

Studies have shown that women who take in a high amount of fiber have a reduced risk of developing breast cancer, especially if the fiber comes from whole grains. The insoluble fiber in whole grains will attack carcinogens as well as lower levels of estrogen in the body and this can protect the body from the development of cancer. A study conducted in the UK found that pre-menopausal women reduced their risk of developing breast cancer by 41 percent just by eating fiber from whole grains.

6. It Stabilizes Blood Sugar

The benefits from fiber don’t stop with cancer prevention. A high fiber diet will stabilize blood sugar levels and won’t cause the mid-morning slumps, which comes from eating a lot of sugar and carbs in the morning.

7. It Will Also Prevent The Development Of Diabetes

Aside from fiber, oatmeal is also a good source of magnesium, which regulates the body’s insulin and glucose levels. It’s been shown that, over the course of eight years, women who eat a diet rich in whole grains can reduce their risk of developing diabetes by up to 31 percent. To up the ante, add milk to the oatmeal. The boost of low-fat dairy can also lower the risk for diabetes.

8. It Gives The Immune System A Boost

Oatmeal contains a certain type of fiber called beta-gluten fiber. This fiber protects against heart disease and also revs up the immune system. It helps the immune cells seek out and repair areas or the body that may be fighting a bacterial infection.

9. Eating Oatmeal Can Prevent Weight Gain

Eating food to not gain weight sounds like the perfect kind of diet, right? Because oatmeal is so rich in fiber, it will make you fuller for a longer period of time. Fiber will increase the viscosity of the stomach’s contents so that it will take longer to empty. Feeling full for a longer period of time will also prevent the need to snack on sugary or salty foods throughout the day. Research has linked a lower risk of obesity to children who regularly eat oatmeal.

10. Those Who Can’t Eat Gluten Can Eat Oatmeal

Adults and children who have celiac disease cannot eat gluten, but studies show that they can eat oatmeal although it contains a small amount of gluten.

Keep in mind that the best way to reap the benefits of oatmeal is through regular oatmeal and not the instant stuff, which is full of sugar and sodium. To add flavor without adding an onslaught of calories, mix in some fruit like apples, cranberries or blueberries or add a tablespoon of brown sugar for a touch of sweetness.

 

** Source

 

oOo

"Pahalagahan mo ang taong nagmamahal sa ‘yo ng sobra, dahil pag yan nawala mahirap ng humanap ng isa pang TANGA."

Pampaputi Ng Pechay

Sa tindahan, hindi na nakakagulat ang makakita tayo ng mga produktong may whitener lalo na sa hilera ng mga produktong pampaganda.

Andiyan yung mga lotion with whitener, facial wash with whitener, body wash with whitener, facial moisturizer with whitener, toothpaste with whitener, whitening soap, etc, etc., etc.!

Ewan ko ba, lahat na lang yata halos may whitener na!

Hindi ako magtataka kung someday ay may maidagdag din na produktong hair shampoo with whitener o kaya hair conditioner with whitener, Zonrox bleach with whitener. Hehe!

Aktwali pati rice may whitener na rin, di ba? Calocah!

At eto pa. Alam ko hindi na ‘to bago kasi matagal ng lumabas ang produktong ‘to sa merkado. Pero bago ‘to para sa akin kasi kabibili ko lang neto.

New LACTACYD White Intimate.

LACTACYD user talaga ako at pers taym ko na gagamit ng feminine wash na may whitener. Blushing

DSC07893_2

Ang hindi ko maintindihan nang makita ko ‘to ay kung bakit pati feminine wash ay may pampaputi na rin! Kelangan ba talaga?

Anoveh! Sinadya bang ginawa ‘to dito sa Pinas dahil sa maiitim ang pekpek ng mga Pinay? Laughing

Oo bumili kaya ako. Lol! Curious akong malaman kung epektib itey o baka ini-echos lang tayo ng kumpanya na may gawa nitey.

Pero may problema ako.Sad

Gusto ko sana mapapatunayan sa inyo kung may EPEK o TALAB  ang whitener na ‘to sa Lactacyd kasi ang sabi nga eh…”FAIRER WITHIN 4 WEEKS” daw. (Ows? trulagen kaya na within 4 weeks lang?)

Ayoko mag-endorse ng produkto na ganito kasi baka naman PALPAK o EK-EK lang ‘to. Sisihin nyo pa ako noh! Kelangan may patunay.

Heniweys, para maging kredibol ako at para may ebidins…ibig bang sabihin ay kelangan mag-post ako dito ng “BEFORE and AFTER” pictures ng pechay ko? Rolling on the floor

Sumagot kayooooooooooo!

 

 

 

oOo

“Hindi mo naman mami-miss ang isang tao kung hindi sya mahalaga sa ‘yo.”

Pigil-Tanders

Haays…buti na lang mula pa noong 2010, ay tinigilan ko na ang magpabunot at magpa-landscape ng kilay ko.

Eh tama lang pala na hindi ko na pinapakialaman ang lay-ki ko ngayon. Kasi dun sa nabasa ko kanina tungkol sa How to look ‘forever young’ without going under the knife, ayun sa banal na kasulatan ng Yahoo. com

Basa!

Grow out your eyebrows. Thicker, more defined eyebrows makes you look younger but also more sophisticated. Pencil thin brows are a no-no as they age you, and even more so when they are obviously penciled in. As early as your thirties, keep your tweezers in your make-up kit and only use them to remove strays, not to re-shape to make brows thinner. You’ll regret it when your older and the hair stops growing.

Kunsabagay kung nilalandi ko man ang kilay ko noon, eh paminsan-minsan lang yun. Hindi naman kasi kapalin ang tubo ng mga hair ko sa wankata ko.

Scary pala! Baka sa kabubunot ko, baka tuluyang maging panot na ang kilay ko at magmukha akong kontrabidang matrona na walang panty sa sobrang nipis. Oh noes!

Eto pa, tungkol naman itey sa crowning glory naming mga pechay.

Block out black. Long, straight jet black hair looks really attractive on young women, but the older you get, the more black will age you even more. The darkest brown shade might look better and soften your features more. Your hair also ages so be more war of using too much product or over-processing your hair.

Inaamin ko, tumatanders na rin ang Mamaru. Kaya tama lang din pala ang desisyon kong magpaka-pogi….ang magpa-iksi ng hairlalu ko at magbudbod ng konting agua oxinada sa bungo. :P Nagmumukha lang kasi akong losyangers pag long hair.

Captured Videos1 Captured Videos

Yown lang pow.

 

Via: http://ph.she.yahoo.com/how-to-look–forever-young–without-going-under-the-knife.html

 

oOo

“Huwag mong DILIGAN ang hindi mo halaman. At wag mo din TIKMAN ang hindi mo naman ulam.”

Kapeng Barako

.

Health Benefits of Coffee

A growing body of research shows that coffee drinkers, compared to nondrinkers, are:

  • less likely to have type 2 diabetes, Parkinson’s disease, and dementia
  • have fewer cases of certain cancers, heart rhythm problems, and strokes

via www.webmd.com

  • Heart Disease (up to 25% reduction in mortality risk (for women))
  • Diabetes (up to 60% reduced risk)
  • Dementia (up to 65% reduced risk)
  • Colon Cancer (up to 25% reduced risk)
  • Cirrhosis (up to 80% reduced risk)
  • Gallstones (almost 50% reduced risk)
  • Parkinson’s Disease (up to 80% reduced risk – probably because of caffeine)
  • Headache Relief (because of the caffeine)
  • Asthma Relief (caffeine again)
  • Cavity Protection (because of anti-bacterial and anti-adhesive properties of compounds within coffee)

via www.about.com

Bisyo ko ang lumaklak ng kape. Pero kung ikukumpara ko ang pagka-sugapa ko noon sa ngayon, kahit papano ay medyo nababawasan ko na ngayon ang magpakalunod lagi sa pag-iinom ng kape. Kung noon ay halos isang balde ang tinutungga ko, now ay 2 tabo na lang sa isang araw. Eh kasi mga teh, kahit may magandang benefits na mage-gets sa paglaklak ng kape, eh dapat in moderation pa rin daw ang arte. Minsan alternate ko na lang pagnomo ng coffee tsaka tea.

Pagdating sa kapeng barako, masarap daw tumagay sa Tagaytay. (Uy! Nag-rhyme!)

Kaya noong nagawi ako noong Pasko dun sa syudad ng Tegeytey ay mega-buy ang Mamaru ng kapeng barako sa isang pasalubong store.

Nakakatuwa. Kasi sa bukod sa hindi sha mahalia sa presyo, may kasama pang libreng patawa ang fuckaging nya. Havey talaga!

Ang sarap.. Yahoooo!!!

To protect Cancer! Always Drink Coffee Barako

Kalurkey! To protect cancer daw. Meganun? Hehe! Halatang walang ka-nerbyos-nerbyos sa katawan ang nakaisip gumawa sa packaging na itu.

 

oOo

I don’t have a problem with caffeine.  I have a problem without caffeine!  ~Author Unknown

Sa Ngalan Ng Kagandahan

Mula nang matuto akong mag-inarte sa buhok ko, meaning noong nagpa-hair rebond at nagpakulay, tuloy-tuloy na rin ang naging problema ko sa paglagas at pagnipis ng hair ko.  Matindi talaga ang epek sa buhok ng mga commercial hair colors at nung mga medisinang gamit sa pagpapa-rebond. Tapos paplantsahin pa ang buhok ng ilang oras! Tsk! Tsk! At ewan ko lang ha, siguro sadyang tumatanders lang ako pero nagsulputan na rin bigla ang mga grey hair ko mula noong nagpa-rebond ako.

Malaki-laki na rin ang nagastos ko dun sa mga shampoo na nagyayabang na nagpapakapal daw sila ng buhok at pumipigil sa pagkalagas. Ay naku leche sila! Ang sisinungaling nila! Hindi naman mga epektib!  Ayoko na talaga magpapaniwala diyan sa mga TV/print ads.

Matagal na ako naa-alarma sa pagnipis ng buhok ko. At eto na yata ang kasagutan na hinihintay kong solusyon nang minsan ay nakapag usap kami ng friend kong Indian. Nabanggit ko kasi na magpapakulay ako ng hair ko kasi naaasiwa na ako sa dumadaming grey hair ko. Suggestion nya gumamit daw ako ng henna for hair. Mas safe daw kasi gawa yun mula sa mga herbs, organic, at mas maganda raw ang epek. Kahit sya na lalaki, he uses it to hide his grey hair.

Marami pa syang chuva sa akin about henna for hair. Ako naman eh nakikinig lang din. At para mas maintindihan ko pa lalo…kumunsulta na rin ako siempre kay bespren Google. Kung saan saan ako napadpad na site para magbasa. Bah! mukang tama nga si friendship – OK nga ang henna!

Continue reading

Sadistang Masahista

Biyernes ng gabi: Nag text pamangkin ko, nagtatanong kung gusto ko magpa-masahe dun sa kakilala nya. Garantisado daw na sulit ang ibabayad ko na 120 petot.

“P120? Dati sabi mo P75 lang!” Pabarat kong text back. Sumagot si pamangkin: P120 kasi home service naman daw, whole body at magbabayad pa sa pamasahe sa jip papunta dito sa bahay.

Hindi pa rin humuhupa pagiging barat ko. Reply ako: “Pag dun bahay ba nya ako magpamasahe, P75 lang? At Pag half-body lang ba, 75 lang?”.

Napa-hehehe na lang sa akin pamangkin ko pero kinukumbinsi talaga ako na subukan ko kasi magaling nga daw.

Ayoko nga sana kasi balak ko talaga na dun sa suking SPA clinic ako pupunta at magpapa-ventosa therapy na rin ako. Kaso naisip ko…P120 versus P350 (plus tip pa). Hmmn…sige na nga, dun na ako sa P120! Nanaig din pagiging kuripot ko.

Puke ng ina! Magaling nga ang masahista! Magaling manakit!

Nalamog lang naman katawan ko sa sakit ng paghihilot nya at masahe. Josko! Aminin ko, mataas ang pain tolerance ko. Ilang beses na rin ako nagpa-massage at bihira akong maringgan ng reklamo ng mga attendant.

Pero ibang klase ‘tong nairekomenda sa akin ng pamangkin ko. Sa loob ng mga 45 minutes, para akong arina na ginagawang monay! Nilamas-lamas! Nilamukos buong katawan ko! Parang tinupi-tupi ang mga masels ko! At parang binaklas-baklas at nire-arrange ang pwesto ng mga kalamnan ko. Nalamog pati pwet ko sa sobrang lamas nung ale! Waaa! Tangina talaga!

Napapa-aaahhh ako sa sobrang sakit talaga lalo na sa nung minamasahe nya binti at hita ko. Ilang beses ko sinabihan na dahan-dahan kaso napapangiti lang ang impakta! Parang nasisiyahan pa yata sya na napapangiwi ako. Amp! Sadista!

Sabado, buong araw: Sa sobrang sakit ng buong katawan ko, nakahiga lang ako sa kama most of the time. Talo ko pa ang  kagagaling lang ginahasa ng paulit-ulit ng dalawang pugante! (awww, 3some!) Lol! Bugbog na bugbog ako!

I know this is too much info, pero I always have my period every first week of the month. Pero sa sobrang hilot yata sa may bandang balakang ko sa likod…syet, nagkaroon ako ngayon dalaw ng wala sa oras! Napaaga!!!

Linggo: Impernes naman dun sa ale, naalis naman nya yung mga lamig-lamig ng katawan ko. Pero, mamatay na lahat ng pusa dito sa bahay, HINDING-HINDI na ako uulit na magpa home-service sa kanya! Nakakadala!

Sa ngayon, medyo magaan na ang pakiramdam ko, salamat sa Advil.

Nagamot nga siguro agad ang pananakit ng buong katawan ko pero palagay ko ay matagal-tagal pang magagamot ang pagiging BARAT at KURIPOT ko. Hays…nasa buto ko na yata eh. :(

Higanteng Chikinini

After ng chikahan namin sa isang coffee shop the other day (I’m with my sis Millette, brother Evan who is here in Iligan for a business trip and niece Tweetums), ay nagkayayaan kaming magpa-body massage.

This is my second time na nagpa-body massage with Ventosa or Cupping therapy at ang saraaaaaaap! Pakiramdam ko may sampung Dracula ang nasa likod ko at may sinisipsip na mga anu-ano sa likod ko. Hehe!

Dati yung combi na Swedish, Thai and Shiatsu lang ang ina-avail ko na masahe. Pero mula nung sinubukan ko yung Ventosa or Cupping therapy…hanep! parang gusto kong gawin monthly ang pagpapahigop at pagpapalagay ng higanteng chikinini sa likod.

Yup! sa likod lang pwede gawin ang suction dahil kung gagawin ang cupping na ‘to sa harap o sa dibdib – pucha! baka may gatas na lumabas! Hahaha!

Aktwali hinihigop ng Ventosa ang mga lamig-lamig sa katawan mo at siempre may kasamang body massage din kaya pagkatapos ng session, talaga naman ang gaan-gaan ng feeling mo.

Ano nga ba ang Ventosa or Cupping therapy? According to the web articles that I have read:

“Ventosa or Cupping therapy is one of the ancient way therapies. Warmed glass are used to suction out toxins or what they call in Tagalog “lamig” and helps in improving blood circulation.”

“Cupping is an ancient Chinese method of causing local congestion. A partial vacuum is created in cups placed on the skin either by means of heat or suction. This draws up the underlying tissues. When the cup is left in place on the skin for a few minutes, blood stasis is formed and localized healing takes place.

ecucup

Cupping has also been found to affect the body up to four inches into the tissues, causing tissues to release toxins, activate the lymphatic system, clear colon blockages, help activate and clear the veins, arteries and capillaries, activate the skin, clear stretch marks and improve varicose veins. Cupping is the best deep tissue massage available. Cupping, the technique, is very useful and very safe and can be easily learned and incorporated into your family health practices.”

Eto ang kinalabasan na itsura ng likod ko pagkatapos ng session. Parang mga higanteng chikinini.
Image015

 

 

 

 

 

 

 

 


Continue reading

Plastik. Paltik.

Marami akong glossy magazines dito sa bahay. Women, men, gadget, food, home and living magazines and etc, sandamakmak meron ako dito.

At pwede ko sabihin sayo, kahit ikulong mo ko sa kwarto ng isang linggo ng kahit walang sex TV, basta may magazines  solb na ako (opps! plus internet nga pala).

Pag nakakaluwas ako ng Manila, andun yung naghahakot pa ako ng mga back issues of glossy magazines mula sa Filbars at Book Sale. At kahit mabigat ay inuuwi ko talaga yun dito sa probinsya.

Sobrang eye-candy ang mga cover girls ng mga glossies ngayon…josko, talaga naman ang gaganda nila. Para silang mga JOSA, as in!! Ang papayat, kikinis, mga kutis-porselana at halos perpek na talaga.  

Pero kung nag isip ka naman andun yung mapapatanong ka ng….TOTOO ba tong mga itetch? Siempre alam naman natin na resulta lang halos ang lahat ng mga yan ng mga magagaling sa Adobe Photoshop.

Naglipana na ang mga plastic na tao ngayon. Hindi lang sa ugali kundi pati sa itsura. Ang daming Paltik! Andun yung paltik na suso, paltik na nguso, paltik na kuko, paltik na kilay,  paltik na pwet, paltik na kulay ng buhok, kulay ng balat, paltik na ilong at may paltik pa na pekpek!!! Kahit sa sex, andun din yung paltik din na orgasm. Hayssss…

Mukang pahirapan na yata ngayon ang makakita ng natural na ganda at makatagpo ng tunay na tao a.

Sa ngayon, ang may pinaka bonggang-bongga at pinakamalaking kita na propesyon sa buong mundo ay ang mga plastic surgeons yata. Kung ikaw ay nag aaral ng medisina at nagbabasa ng blog ko ngayon, kung ako sa ‘yo, magpaka dalubhasa ka na sa pag ma-magic ng mukha at katawan…yung maging ekspert sa aesthetic surgery or cosmetic plastic surgery Itaga mo sa bato, yayaman ka ng todo, sigurado yan! 

Isa sa mga nalalaman kong dahilan ng mga pasyente na nagpapa-retoke ng anyo nila ay para daw siempre gumanda at magkaroon ng confidence sa sarili.

Howel, siguro nga may tama sila. Pero sabi nga ng isang doktor dun sa Brgy.Taboneknek (hindi si Doc Aga); despite all the work they get done to their cheekbones, their pouty lips and their boobs, they’re still the same insecure person inside.

Ka date-date nga siguro ang mga ganitong babae kasi nga naman nakakalibog o pamatay sa shape ng katawan o ayos ng mukha. Sa porma pa nga lang daw eh ulam na at talaga naman kinukuyog ng mga lalaki. 

Pero sabi nga ulit nung doktor na taga Brgy. Taboneknek, kadalasan naman daw after ng mga ilang oras ng blah blah blah sa date o mga dalawang tagay ng mga drinks na nakakataranta, ayun, lalabas at lalabas pa rin daw talaga ang insecurity ng tao sa sarili o yung totoong kulay nila. Kumbaga, yung physical attractiveness nila at pagiging interesante ay hindi nagiging long lasting. So ayun, wala rin pala. Olats pa rin!

May mga natural na bagay o katagian  ang tao na hindi talaga pwedeng baguhin. Gaya na lang ng good character, sense of humor, intelligence o kaya yung sex appeal mismo ng tao. Ay naku, hindi pwede pekehen ang mga ‘to.

Speaking of sex appeal – fifty-fifty yan. 50% ay yung natural na meron ka talaga, at 50% ay yung TINGIN ng mga tao na meron ka.  Para naman sa akin, it’s either you have it or none at all. Walang pipti-pipti.

Teka, bakit nga ba nakapag-blog ako ng ganito ngayon? Halatang bang bitter ako? Paksyet kasi yung cover ng magazine na nakita ko kanina. Habang tinititigan ko bigla akong nainsecure! Tehehe!

Kodak, Kodigo, Kape, Kuya

  • Nami-miss ko na ang komodak at sumali ulit sa Litratong-Pinoy. Naka-apat na Huwebes lang yata ako noon at hindi na ako nakapag-post pa ulit ng litrato. Ang hirap kasi wala akong sariling camera at nanghihiram lang ako noon sa kapitbahay. Kakainis, dahil tuwing nag-uumpisa ako mag-ipon ng datung para makabili ng kahit de-uling na camera – tsaka naman biglang may susulpot na gastusin o babayaran. Hay buhay… uber talaga sa pahirapan bago makamtan ang paisa-isang bagay na nagugustuhan.
  • Tuwing maggo-grocery ako…gumagawa muna ako ng kodigo para sa mga bibilhin. Andun yung excited ako kasi kasama siempre nakalista ang mga pang personal kong kailangan. Kaso naman pagdating ko sa grocery store o sa palengke, kadalasan kanselado ang mga bibilhin ko para sa sarili. Ipinapagpaliban ko na lang muna para lang magkasya ang budget ko. Bakit kaya ganun, andun yung nahawakan ko na yung item na gustong gusto ko pero biglang ibabalik sa istante dahil biglang may maaalala na kelangan pala ni Kevin ang ganito, ganun…nagpapabili nga pala si Keziah ng ganito ganun…kelangan pala sa bahay ng ganito ganun,… etsetera etsetera. Hays, at ako na rin ang sumagot sa katanungan ko — nanay nga pala ako.
  • Sabi ko sa sarili ko… one of this days, pag medyo naka-alwan sa gastusin – magpapa body scrub ako at magpapamasahe ako – yung magbabayad ako ng tao para kuskusin ang pwet ko at mga kasingit-singitan ko. Hehe! Trit ko sarili ko kasi deserve ko naman ang i-pamper ko sarili ko paminsan-minsan. Howel, as usual…kahit sa sarili ko hindi ko natutupad ang mga pangako ko at mukhang malabo na nga na mangyari pa kaya kanina, namataan ko yung binigay sa akin nung last Xmas na kapeng-barako galing Cavite.

Ano pa nga ba ang ginawa ko kundi ang nagkulong sa banyo na may dalang mixtures of coarsely ground coffee, brown sugar and olive oil. Hindi ako nagkape sa loob ng banyo. Nagtaboy ako ng stress sa pamamagitan ng pagkuskos. Nabasa ko kasi na bukod sa nakakatulong sa pagbawas ng formation ng cellulite at varicose ang coffee scrub. Magaling din na exfoliant.

Ayun, mahigit isang oras lang naman ako sa banyo at dun ko na ginawa ang coffee body scrubhomemade spa treatment. hehehe! Siempre tiyaga-tiyaga lang sa pagkuskos ng mixture sa buong katawan pero i swear, as in maniwala kayo sa akin – super kinis o smooth ng skin nyo pagkatapos. Pag hinagod mo balat mo….parang bagong kiniskis ng papel de liha o bagong varnish ang katawan mo! Langit ang pakiramdam paglabas ng banyo. Ang gaan! Sa sobrang kinis sa pakiramdam, parang gusto ko tuloy maglakad-lakad ng naka-borles hanggang kanto. Joooke!

  • Nalulungkot ako sa balitang na-stroke ang kuya ko na nasa Surigao. Hanggang ngayon naghihintay pa rin ako ng update kung ano na talaga ang tunay na kalagayan niya. Kung may maitutulong lang sana ako. Tsk! Pero bahala na si Batman. Hindi naman din sa pang-aano, kuya ko kasi…sunog-baga din kasi yun. Hindi na rin ako nagugulat, sa totoo lang. Yang paninigarilyo talaga at pag iinom, mapa-lalaki o babae man…darating at darating din talaga ang araw na maniningil sa katawan ang bisyo na yan.
  • Pero kahit ano man ang mangyari….tuloy lang ang buhay. Matira na ang matibay. Lahat naman tayo eh nakikiraan lang. (emo ang lola)

Iwas Kutis-Betlog

Bisi-bisihan ako sa pagdeliver ng mga polvoron ko dun sa Cagayan De Oro Airport kahapon.

Uy, pipol of da pilipins! Baka makapag-biyahe kayo papuntang Cagayan do Oro at baka maghanap kayo ng maipa-pasalubong nyo pauwi…abelabol po ang polvoron ko sa isang pasalubong stall dun. Hehe! Shameless plugging ang hitad!

O, baka magkaroon kayo ng business trip o kaya gusto nyo maki-fiesta sa CDO on August 28, abah eh tikman nyo naman ako este yung polvoron ko. Madali lang hanapin ang LaFemme Polvoron kasi dadalawa lang naman ang tindahan dun sa mismong pre-departure area ng airport.

Tangkilikin nyo ang kumikitang-pangkabuhayan ni Mamaru ng may maipang-tustos naman ako sa mga lalaki ko. Joke!

Nung pauwi na ako ng Iligan City, as usual naka-tsikahan ko ang driver ng taxi na sinakyan ko. Si Manong hindi mapigilan maglitanya, kesyo hirap na hirap na daw silang mga driver kasi nga naman sobrang mahal na ng gasolina.

Kesyo pinahinto na lang daw nya ang yung isang bagets nya sa pag-aaral kasi sya lang daw ang naghahanapbuhay. Hindi na daw kaya ng powers at kita nya. Eh kasi Yung misis naman daw nya eh nasa bahay lang at nagpapalaki lang ng pekpek. Wahaha! Uy oo, as in ganun talaga pagkasabi nya. Naaliw tuloy ako sa wentuhan namin ni Manong.

Ramdam ko ang paghihirap ni Manong kaya pakiramdam ko nadadagdagan ang ringkols ko sa fez habang nakikinig. Pati ako parang nangunsumisyon na rin. Kaya pagdating ko sa bahay at bago natulog eto ang ginawa ko:

Wahaha! Ensigidaaaaa! Nag facial mask agad ang lola nyo para kahit papano maagapan ang pangungunsumi ng mukha ko sa hirap ng buhay at mahal ng mga bilihin ngayon.

Kaya kayong mga nanay na gaya ko, since mahal na ang pumunta ngayon sa mga facial center – mag-stock na lang kayo ng mga facial mask para in case of emergency, salpak nyo na lang yan. Kelangan madiskarte na rin tayo sa pagsugpo, sa pagkontra laban sa kutis-betlog ng mga fez natin. Mura lang naman mga yan sa Watson.

Para mas tipid din, minsan sa umaga pag nagluluto ako ng itlog pang almusal, yung mga tira-tirang eggwhites sa eggshells sinasalpak pinampapahid ko na rin sa mukha ko. Tapos siempre nilalagyan ko rin ng mantika at asin ang fez ko. Jokeeee!

Kaya bawal ako kausapin ng mga bagets ko habang nagluluto ng itlog dahil magkakabitak-bitak ang eggwhites sa fez ko pag nagsalita ako. O di ba, isang paraan din to para makatipid ako ng pang-facial mask ko.

Hay buhay!

P.S.

Puting itlog po ng manok ang tinutukoy ko dito at hindi yung puti na lumalabas sa itlog ng lalaki.