Sa Ngalan Ng Kagandahan

Mula nang matuto akong mag-inarte sa buhok ko, meaning noong nagpa-hair rebond at nagpakulay, tuloy-tuloy na rin ang naging problema ko sa paglagas at pagnipis ng hair ko. Matindi talaga ang epek sa buhok ng mga commercial hair colors at nung mga medisinang gamit sa pagpapa-rebond. Tapos paplantsahin pa ang buhok ng ilang oras! Tsk! Tsk! At ewan ko lang ha, siguro sadyang tumatanders lang ako pero nagsulputan na rin bigla ang mga grey hair ko mula noong nagpa-rebond ako.

Malaki-laki na rin ang nagastos ko dun sa mga shampoo na nagyayabang na nagpapakapal daw sila ng buhok at pumipigil sa pagkalagas. Ay naku leche sila! Ang sisinungaling nila! Hindi naman mga epektib! Ayoko na talaga magpapaniwala diyan sa mga TV/print ads.

Matagal na ako naa-alarma sa pagnipis ng buhok ko. At eto na yata ang kasagutan na hinihintay kong solusyon nang minsan ay nakapag usap kami ng friend kong Indian. Nabanggit ko kasi na magpapakulay ako ng hair ko kasi naaasiwa na ako sa dumadaming grey hair ko. Suggestion nya gumamit daw ako ng henna for hair. Mas safe daw kasi gawa yun mula sa mga herbs, organic, at mas maganda raw ang epek. Kahit sya na lalaki, he uses it to hide his grey hair.

Marami pa syang chuva sa akin about henna for hair. Ako naman eh nakikinig lang din. At para mas maintindihan ko pa lalo, kumunsulta na rin ako siempre kay bespren Google. Kung saan saan ako napadpad na site para magbasa. Bah! mukang tama nga si friendship – OK nga ang henna!

Continue reading

Sadistang Masahista

Biyernes ng gabi: Nag text pamangkin ko, nagtatanong kung gusto ko magpa-masahe dun sa kakilala nya. Garantisado daw na sulit ang ibabayad ko na 120 petot.

“P120? Dati sabi mo P75 lang!” Pabarat kong text back. Sumagot si pamangkin: P120 kasi home service naman daw, whole body at magbabayad pa sa pamasahe sa jip papunta dito sa bahay.

Hindi pa rin humuhupa pagiging barat ko. Reply ako:“Pag dun bahay ba nya ako magpamasahe, P75 lang? At Pag half-body lang ba, 75 lang?”.

Napa-hehehe na lang sa akin pamangkin ko pero kinukumbinsi talaga ako na subukan ko kasi magaling nga daw.

Ayoko nga sana kasi balak ko talaga na dun sa suking SPA clinic ako pupunta at magpapa-ventosa therapy na rin ako. Kaso naisip ko…P120 versus P350 (plus tip pa). Hmmn…sige na nga, dun na ako sa P120! Nanaig din pagiging kuripot ko.

Puke ng ina! Magaling nga ang masahista! Magaling manakit!

Nalamog lang naman katawan ko sa sakit ng paghihilot nya at masahe. Josko! Aminin ko, mataas ang pain tolerance ko. Ilang beses na rin ako nagpa-massage at bihira akong maringgan ng reklamo ng mga attendant.

Pero ibang klase ‘tong nairekomenda sa akin ng pamangkin ko. Sa loob ng mga 45 minutes, para akong arina na ginagawang monay! Nilamas-lamas! Nilamukos buong katawan ko! Parang tinupi-tupi ang mga masels ko! At parang binaklas-baklas at nire-arrange ang pwesto ng mga kalamnan ko. Nalamog pati pwet ko sa sobrang lamas nung ale! Waaa! Tangina talaga!

Napapa-aaahhh ako sa sobrang sakit talaga lalo na sa nung minamasahe nya binti at hita ko. Ilang beses ko sinabihan na dahan-dahan kaso napapangiti lang ang impakta! Parang nasisiyahan pa yata sya na napapangiwi ako. Amp! Sadista!

Sabado, buong araw: Sa sobrang sakit ng buong katawan ko, nakahiga lang ako sa kama most of the time. Talo ko pa ang kagagaling lang ginahasa ng paulit-ulit ng dalawang pugante! (awww, 3some!) Lol! Bugbog na bugbog ako!

I know this is too much info, pero I always have my period every first week of the month. Pero sa sobrang hilot yata sa may bandang balakang ko sa likod…syet, nagkaroon ako ngayon dalaw ng wala sa oras! Napaaga!!!

Linggo: Impernes naman dun sa ale, naalis naman nya yung mga lamig-lamig ng katawan ko. Pero, mamatay na lahat ng pusa dito sa bahay, HINDING-HINDI na ako uulit na magpa home-service sa kanya! Nakakadala!

Sa ngayon, medyo magaan na ang pakiramdam ko, salamat sa Advil.

Nagamot nga siguro agad ang pananakit ng buong katawan ko pero palagay ko ay matagal-tagal pang magagamot ang pagiging BARAT at KURIPOT ko. Hays…nasa buto ko na yata eh. 🙁

Higanteng Chikinini

After ng chikahan namin sa isang coffee shop the other day (I’m with my sis Millette, brother Evan who is here in Iligan for a business trip and niece Tweetums), ay nagkayayaan kaming magpa-body massage.

This is my second time na nagpa-body massage with Ventosa or Cupping therapy at ang saraaaaaaap! Pakiramdam ko may sampung Dracula ang nasa likod ko at may sinisipsip na mga anu-ano sa likod ko. Hehe!

Dati yung combi na Swedish, Thai and Shiatsu lang ang ina-avail ko na masahe. Pero mula nung sinubukan ko yung Ventosa or Cupping therapy,hanep! parang gusto kong gawin monthly ang pagpapahigop at pagpapalagay ng higanteng chikinini sa likod.

Yup! sa likod lang pwede gawin ang suction dahil kung gagawin ang cupping na ‘to sa harap o sa dibdib, pucha! baka may gatas na lumabas! Hahaha!

Aktwali hinihigop ng Ventosa ang mga lamig-lamig sa katawan mo at siempre may kasamang body massage din kaya pagkatapos ng session, talaga naman ang gaan-gaan ng feeling mo.

Ano nga ba ang Ventosa or Cupping therapy? According to the web articles that I have read:

“Ventosa or Cupping therapy is one of the ancient way therapies. Warmed glass are used to suction out toxins or what they call in Tagalog “lamig” and helps in improving blood circulation.”

“Cupping is an ancient Chinese method of causing local congestion. A partial vacuum is created in cups placed on the skin either by means of heat or suction. This draws up the underlying tissues. When the cup is left in place on the skin for a few minutes, blood stasis is formed and localized healing takes place.

ecucup

Cupping has also been found to affect the body up to four inches into the tissues, causing tissues to release toxins, activate the lymphatic system, clear colon blockages, help activate and clear the veins, arteries and capillaries, activate the skin, clear stretch marks and improve varicose veins. Cupping is the best deep tissue massage available. Cupping, the technique, is very useful and very safe and can be easily learned and incorporated into your family health practices.”

Eto ang kinalabasan na itsura ng likod ko pagkatapos ng session. Parang mga higanteng chikinini.
Image015

 

 

 

 

 

 

 

 

Hindi ko nakita ang aktwal na ginawa sa akin kasi nakadapa ako at hindi ko malingon. Basta nararamdaman ko na lang na parang may inihelerang coins sa likod ko,may sinindihan at inilagay na apoy tapos may ipinatong na baso. Pagkalagay ng baso, naramdaman ko agad yung higop ng mga basong nakalinya mula sa may balikat ko hanggang sa may “cleavage” ng wetpaks ko.

Image016Hindi naman masakit. Paglabas ko ng massage clinic, feeling ko nasipsip lahat ang rabies at tetano ng katawan ko. Lol! At pati yata yung kakaunting asim na naiwan sa bodylicious ko ay nahigop din. Waaaaaa!

BS090500719061811

Kahapon which is the day after the body massage/theraphy, may unsightly marks pa rin ako. Pero temporary lang naman “to.

Napansin ko….ang macho ko pala pag nakatalikod. Taena, di ba parang katawan ng lalaki ang likod ko?

Quote of the Day:
“Your body is a temple, but only if you treat it as one.” ~Astrid Alauda

Plastik. Paltik.

Marami akong glossy magazines dito sa bahay. Women, men, gadget, food, home and living magazines and etc, sandamakmak meron ako dito.

At pwede ko sabihin sayo, kahit ikulong mo ko sa kwarto ng isang linggo ng kahit walang sex TV, basta may magazines, solb na ako (opps! plus internet nga pala).

Pag nakakaluwas ako ng Manila, andun yung naghahakot pa ako ng mga back issues of glossy magazines mula sa Filbars at Book Sale. At kahit mabigat ay inuuwi ko talaga yun dito sa probinsya.

Sobrang eye-candy ang mga cover girls ng mga glossies ngayon,josko, talaga naman ang gaganda nila. Para silang mga JOSA, as in!! Ang papayat, kikinis, mga kutis-porselana at halos perpek na talaga.

Pero kung nag isip ka naman andun yung mapapatanong ka ng…TOTOO ba tong mga itetch? Siempre alam naman natin na resulta lang halos ang lahat ng mga yan ng mga magagaling sa Adobe Photoshop.

Naglipana na ang mga plastic na tao ngayon. Hindi lang sa ugali kundi pati sa itsura. Ang daming Paltik! Andun yung paltik na suso, paltik na nguso, paltik na kuko, paltik na kilay, paltik na pwet, paltik na kulay ng buhok, kulay ng balat, paltik na ilong at may paltik pa na pekpek!!! Kahit sa sex, andun din yung paltik din na orgasm. Hayssss!

Mukang pahirapan na yata ngayon ang makakita ng natural na ganda at makatagpo ng tunay na tao a.

Sa ngayon, ang may pinaka bonggang-bongga at pinakamalaking kita na propesyon sa buong mundo ay ang mga plastic surgeons yata. Kung ikaw ay nag aaral ng medisina at nagbabasa ng blog ko ngayon, kung ako sa ‘yo, magpaka dalubhasa ka na sa pag ma-magic ng mukha at katawan, yung maging ekspert sa “aesthetic surgery or cosmetic plastic surgery!” Itaga mo sa bato, yayaman ka ng todo, sigurado yan!

Isa sa mga nalalaman kong dahilan ng mga pasyente na nagpapa-retoke ng anyo nila ay para daw siempre gumanda at magkaroon ng confidence sa sarili.

Howel, siguro nga may tama sila. Pero sabi nga ng isang doktor dun sa Brgy.Taboneknek (hindi si Doc Aga); despite all the work they get done to their cheekbones, their pouty lips and their boobs, they’re still the same insecure person inside.

Ka date-date nga siguro ang mga ganitong babae kasi nga naman nakakalibog o pamatay sa shape ng katawan o ayos ng mukha. Sa porma pa nga lang daw eh ulam na at talaga naman kinukuyog ng mga lalaki.

Pero sabi nga ulit nung doktor na taga Brgy. Taboneknek, kadalasan naman daw after ng mga ilang oras ng blah blah blah sa date o mga dalawang tagay ng mga drinks na nakakataranta, ayun, lalabas at lalabas pa rin daw talaga ang insecurity ng tao sa sarili o yung totoong kulay nila. Kumbaga, yung physical attractiveness nila at pagiging interesante ay hindi nagiging long lasting. So ayun, wala rin pala. Olats pa rin!

May mga natural na bagay o katagian ang tao na hindi talaga pwedeng baguhin. Gaya na lang ng good character, sense of humor, intelligence o kaya yung sex appeal mismo ng tao. Ay naku, hindi pwede pekehen ang mga ‘to.

Speaking of sex appeal – fifty-fifty yan. 50% ay yung natural na meron ka talaga, at 50% ay yung TINGIN ng mga tao na meron ka. Para naman sa akin, it’s either you have it or none at all. Walang pipti-pipti.

Teka, bakit nga ba nakapag-blog ako ng ganito ngayon? Halatang bang bitter ako? Paksyet kasi yung cover ng magazine na nakita ko kanina. Habang tinititigan ko bigla akong nainsecure! Tehehe!

Kodak, Kodigo, Kape, Kuya

  • Nami-miss ko na ang komodak at sumali ulit sa Litratong-Pinoy. Naka-apat na Huwebes lang yata ako noon at hindi na ako nakapag-post pa ulit ng litrato. Ang hirap kasi wala akong sariling camera at nanghihiram lang ako noon sa kapitbahay. Kakainis, dahil tuwing nag-uumpisa ako mag-ipon ng datung para makabili ng kahit de-uling na camera – tsaka naman biglang may susulpot na gastusin o babayaran. Hay buhay… uber talaga sa pahirapan bago makamtan ang paisa-isang bagay na nagugustuhan.
  • Tuwing maggo-grocery ako…gumagawa muna ako ng kodigo para sa mga bibilhin. Andun yung excited ako kasi kasama siempre nakalista ang mga pang personal kong kailangan. Kaso naman pagdating ko sa grocery store o sa palengke, kadalasan kanselado ang mga bibilhin ko para sa sarili. Ipinapagpaliban ko na lang muna para lang magkasya ang budget ko. Bakit kaya ganun, andun yung nahawakan ko na yung item na gustong gusto ko pero biglang ibabalik sa istante dahil biglang may maaalala na kelangan pala ni Kevin ang ganito, ganun…nagpapabili nga pala si Keziah ng ganito ganun…kelangan pala sa bahay ng ganito ganun,… etsetera etsetera. Hays, at ako na rin ang sumagot sa katanungan ko — nanay nga pala ako.
  • Sabi ko sa sarili ko… one of this days, pag medyo naka-alwan sa gastusin – magpapa body scrub ako at magpapamasahe ako – yung magbabayad ako ng tao para kuskusin ang pwet ko at mga kasingit-singitan ko. Hehe! Trit ko sarili ko kasi deserve ko naman ang i-pamper ko sarili ko paminsan-minsan. Howel, as usual…kahit sa sarili ko hindi ko natutupad ang mga pangako ko at mukhang malabo na nga na mangyari pa kaya kanina, namataan ko yung binigay sa akin nung last Xmas na kapeng-barako galing Cavite.

Ano pa nga ba ang ginawa ko kundi ang nagkulong sa banyo na may dalang mixtures of coarsely ground coffee, brown sugar and olive oil.Hindi ako nagkape sa loob ng banyo. Nagtaboy ako ng stress sa pamamagitan ng pagkuskos. Nabasa ko kasi na bukod sa nakakatulong sa pagbawas ng formation ng cellulite at varicose ang coffee scrub. Magaling din na exfoliant.

Ayun, mahigit isang oras lang naman ako sa banyo at dun ko na ginawa ang coffee body scrubhomemade spa treatment. hehehe! Siempre tiyaga-tiyaga lang sa pagkuskos ng mixture sa buong katawan pero i swear, as in maniwala kayo sa akin – super kinis o smooth ng skin nyo pagkatapos. Pag hinagod mo balat mo….parang bagong kiniskis ng papel de liha o bagong varnish ang katawan mo! Langit ang pakiramdam paglabas ng banyo. Ang gaan! Sa sobrang kinis sa pakiramdam, parang gusto ko tuloy maglakad-lakad ng naka-borles hanggang kanto. Joooke!

  • Nalulungkot ako sa balitang na-stroke ang kuya ko na nasa Surigao. Hanggang ngayon naghihintay pa rin ako ng update kung ano na talaga ang tunay na kalagayan niya. Kung may maitutulong lang sana ako. Tsk! Pero bahala na si Batman. Hindi naman din sa pang-aano, kuya ko kasi…sunog-baga din kasi yun. Hindi na rin ako nagugulat, sa totoo lang. Yang paninigarilyo talaga at pag iinom, mapa-lalaki o babae man…darating at darating din talaga ang araw na maniningil sa katawan ang bisyo na yan.
  • Pero kahit ano man ang mangyari….tuloy lang ang buhay. Matira na ang matibay. Lahat naman tayo eh nakikiraan lang. (emo ang lola)

Iwas Kutis-Betlog

Bisi-bisihan ako sa pagdeliver ng mga polvoron ko dun sa Cagayan De Oro Airport kahapon.

Uy, pipol of da pilipins! Baka makapag-biyahe kayo papuntang Cagayan do Oro at baka maghanap kayo ng maipa-pasalubong nyo pauwi…abelabol po ang polvoron ko sa isang pasalubong stall dun. Hehe! Shameless plugging ang hitad!

O, baka magkaroon kayo ng business trip o kaya gusto nyo maki-fiesta sa CDO on August 28, abah eh tikman nyo naman ako este yung polvoron ko. Madali lang hanapin ang LaFemme Polvoron kasi dadalawa lang naman ang tindahan dun sa mismong pre-departure area ng airport.

Tangkilikin nyo ang kumikitang-pangkabuhayan ni Mamaru ng may maipang-tustos naman ako sa mga lalaki ko. Joke!

Nung pauwi na ako ng Iligan City, as usual naka-tsikahan ko ang driver ng taxi na sinakyan ko. Si Manong hindi mapigilan maglitanya, kesyo hirap na hirap na daw silang mga driver kasi nga naman sobrang mahal na ng gasolina.

Kesyo pinahinto na lang daw nya ang yung isang bagets nya sa pag-aaral kasi sya lang daw ang naghahanapbuhay. Hindi na daw kaya ng powers at kita nya. Eh kasi Yung misis naman daw nya eh nasa bahay lang at nagpapalaki lang ng pekpek. Wahaha! Uy oo, as in ganun talaga pagkasabi nya. Naaliw tuloy ako sa wentuhan namin ni Manong.

Ramdam ko ang paghihirap ni Manong kaya pakiramdam ko nadadagdagan ang ringkols ko sa fez habang nakikinig. Pati ako parang nangunsumisyon na rin. Kaya pagdating ko sa bahay at bago natulog eto ang ginawa ko:

Wahaha! Ensigidaaaaa! Nag facial mask agad ang lola nyo para kahit papano maagapan ang pangungunsumi ng mukha ko sa hirap ng buhay at mahal ng mga bilihin ngayon.

Kaya kayong mga nanay na gaya ko, since mahal na ang pumunta ngayon sa mga facial center – mag-stock na lang kayo ng mga facial mask para in case of emergency, salpak nyo na lang yan. Kelangan madiskarte na rin tayo sa pagsugpo, sa pagkontra laban sa kutis-betlog ng mga fez natin. Mura lang naman mga yan sa Watson.

Para mas tipid din, minsan sa umaga pag nagluluto ako ng itlog pang almusal, yung mga tira-tirang eggwhites sa eggshells (sinasalpak pinampapahid) ko na rin sa mukha ko. Tapos siempre nilalagyan ko rin ng mantika at asin ang fez ko. Jokeeee!

Kaya bawal ako kausapin ng mga bagets ko habang nagluluto ng itlog dahil magkakabitak-bitak ang eggwhites sa fez ko pag nagsalita ako. O di ba, isang paraan din to para makatipid ako ng pang-facial mask ko.

Hay buhay!

P.S.

Puting itlog po ng manok ang tinutukoy ko dito at hindi yung puti na lumalabas sa itlog ng lalaki.

Tea-Tea Kayo Diyan

Pansamantalang nahinto ang araw araw na pag inom ko ng kape sa umaga mula noong pinabaunan ako ng sandamakmak na mga teabags ng brader kong si Evan.

Nawala sa grocery list ko ang pagbili ng coffee kaya happy ang lola kasi nakatipid. 😀 At ang maganda neto, parang naaadik na rin ako sa tea ngayon na mas maganda sa katawan kumpara sa kape. Siempre hindi na sekreto sa atin na madaming health benefits ang makukuha sa pag inom ng tsaa. Gumanda nga takbo ng metabolism ko eh….at gumanda akong tumatakbo papuntang cr. hehe!

teabags.jpgMga 3 times a day ako uminom ng tea sa ngayon. Baka eto na lang siguro ang gagawin kong bagong bisyo. Magpapaka-sugapa na lang ako sa tsaa. Imperness, madalang sumakit ang ulo ko mula nung nagpapakalunod ako sa tea. Nakakawala nga daw ng hypertension ‘to. Kaya tea na rin kayo ng tea diyan.

tea_bag.jpg

Reyna Banidosa

Habang gumagawa ng mga sponsored post at nagbo-bloghopping, nakabalot na naman ng shower cap tsaka towel ang ulo ko. Sabi ko naman eh, from now on ay mas aalagaan ko pa ang sarili ko. Mas mamahalin ko pa si ako. Kaya halos inaaraw -araw na yata ‘tong deep conditioning ko ng buhok at kung anik-anik pa na ka-artehan sa katawan ko.

Susubukan ko rin yung na-google kong hair treatment kagabi, yung tungkol sa pinaghalong beer at isang binateng itlog ng lalaki itlog.

Siempre i-apply daw sa crowning glory ang mixture at hayaan ng mga 15 minutes na pagkababad bago banlawan. Pampakintab daw ‘to ng buhok. Trulili kaya ‘to o eklavu? Hmmn, aber masubukan nga bukas.

Since maiksi naman ang buhok ko, malamang sobra sobra ang isang bote ng beer at itlog para dito sa kapipiranggot kong ulo. Yung sobra ay itotoma ko na lang siguro. Sayang eh.

Ewan ko ba, pagdating talaga sa pag aalaga ng buhok ay kulelat ako kaya kakaririn ko na talaga ‘to at titingnan ko kung may pag asa pa akong maging model ng isang brand ng shampoo bago matapos ang 2008. Hahaha! Syet men! Tigas ko! Asa pa ko!

Mamaya, ipo-foot scrub ko naman ang fez ko. Juk lang. Matagal tagal na rin akong hindi nakapag-kuskos ng paa at nagmumukhang luya na sya. December 2007 pa ang huling kuskos ko neto. Dito ko lang naman sa bahay ginagawa ang lahat ng mga ka-ek ekan ko sa katawan dahil wiz ko afford ang maglabas masok sa mga spa clinic o parlor.

Pagdating naman sa katawan, loyal ako sa pag gamit ng loofah at yung pinaghalong olive oil at brown sugar na ipinangkukuskos ko sa katawan. Try nyo yung brown sugar at olive oil, ang kinis haplusin ng skin pagkatapos. Talo pa yung bagong varnish o bagong kiskis ng sandpaper ang epek sa balat nyo na syang gamit ko dati.

Kelangan daw talaga ang magkuskos ng katawan hanggang sa mga kasingit-singitan para matanggal ang mga dead skin at siempre ang mga libag. Kaya ang isa sa mga heavenly moments ko talaga ay yung tuwing lalabas ako ng banyo na bagong body scrub ako.

Pakiramdam ko kasi eh virgin ako ulit sa kalinisan. Na tuwing titingin ako sa salamin ng hubo’t hubad eh para akong sahig na bagong floor wax, na ang ang kintab kintab ko. Na para akong bituin na maningning! Exajs! At siempre sarap din yung bagong shave rin sa wekwek kasi fresh na fresh ang feeling. Walang sabit! 😆

Sana magtuloy-tuloy ‘to at wag akong sumpungin ng katamaran. Bah! Malamang bago matapos ang taon may bagong titulo na ako. Ako na bagong si Reyna Banidosa.

Nga pala, Madalas na rin akong mag totbras ngayon at maghugas ng pwet. Cool.

Morning Exercise

i feel i’m gaining weight and i’m determined (kuno) to shed some pounds. i woke up so early around 5:15 am. for the first time, i did a total of 32 minutes (yeah i had it timed) brisk walking from my house and suppose to be public market ang destination ko. di ko nga lang alam kung ilang kilometro ang binaybay ko. mahina ako sa math eh. lol. basta malayo talaga narating ko. wala akong plano na sumakay ng jeepney kaso umangal na mga munting paa ko bago ko narating ang palengke. hindi kasi tama ang suot kong sapatos… hindi sport shoes. no choice ako pero imbes na sumakay ng dyip….hehehe eto ang nakita ko – calesa!
whoa! the last time i rode a calesa siguro mga high school pa ako nun. na-excite ako bigla at sabay pinara ko si mamang kutsero. hehehe! sa five pesos fare eh narating ko po ang palengke namin. enjoy ang trip ko! sarap!