Bagong Beybi

Since wala pa rin akong kahit mumurahing digicam para mapagbigyan ko ang pagkahilig ko sa pagkokodak, dito na lang muna ako sa bagong beybi ko ngayon ang – digital scrapbooking. Pag walang kausap online, pag walang paid tasks o tapos na ang house chores ko, dito ako nagbibisi-bisihan ngayon Matagal ko na ‘to gustong gawin wala lang ako masyadong time noon.

Para akong nawawalan ng stress sa buhay habang nagbubutinting ng kung anik-anik sa mga scrapbooking websites. Nare-remind din ako ng elementary days ko kung saan nauubos ang baon ko noon sa kabibili ng mga colored papers, crayons at mga kung anong gamit para kaartehan lalo na para sa mga paper dolls ko. Nakow, adik ako sa paper dolls noong nene pa ako. Impernes, magaling ako gumunting ng mga damit para sa mga manikang papel. Kumpleto at siempre terno-terno mula sapatos, panty, bra ang suot ng mga paper dolls ko. 18 years old na ako ng magkaroon ng tunay na manika.

  • [singlepic=224,320,240,,] Click image for larger view.

Continue reading