Camwhoring Ulit?

Its Sabaders again, madlang pipol!

As of this writing, comatose mode pa ang dalawang amo ko pati na rin ang buntis kong aso.

snapshot-006

Sabado, meaning walang pasok sa school. Walang dapat pagmadalian sa pagluluto ng breakfast.

Kaya  pa-kape-kape muna ang Mamaru – the kasambahay. 😀

snapshot-002

At konting laro-laro at landi-landi pose din sa cam. . .

Siempre kelangan wag maingay kasi tulog pa ang amo kong babae sa likuran ko.

snapshot-005

Oppss! narinig yata ako. Gumalaw-galaw ang ulo ng babaeng nakahiga. Lol!

Teka nga

snapshot-004

Hihihi!

Wala lang.

Gusto ko lang umarteng retarded sa mga moment na to.

 

HAVE A NICE WEEKEND, EVERYONE!

 

 

oOo

Hoy! Ikaw na nakatingin sa screen. OO, IKAW, naligo ka na ba?

Gandang Lunes

Its Monday again!

Eight days before Christmas at excited na akey, as in!

Gandang Lunes po sa inyong lahat!

Pagbati mula sa bagong gising, walang hilamos at walang suklay na mag-amo!

DSC08002 DSC08001_2

Love! Love! Love!

 

 

oOo

Ang pag-ibig ganyan talaga. Buwis buhay, laslas pulso, talon 7th floor, sisid dagat, kain bubog. Kaya dapat tibayan ang loob.

Moment With Adele

May one month schedule ng rotating brownout dito sa pinagkukutaan ko ngayon. Oo, araw-araw ay may two and half hours brownout kaming pagdudusahan.

At dahil sa madalas na interruption ng kuryente dito sa amin, ayan, naaantala at hindi matuloy-tuloy ang pagyaman ko sa pagbebenta ng mamisong yelo dito sa lugar namin. Leches! Hehe!

One time, imbis na pairalin ko ang INIS dahil sa kawalan ng kuryente, ginamit ko na lang ang madilim na moment para namnamin ang lyrics ng mga kanta ni Adele. (Namnamin daw o!) Mga kanta lang kasi ni Adele ang tanging nasa playlist ng selpon ko. Eto ang naging paraan ko para hindi mainip. Ang makipag-moment with Adele.

Heniweys, try nyo. Kung fan kayo ng mga songs ni Adele, mas masarap pakinggan ang mga kanta niya pag nasa dilim. 😀 Nanonoot at tagos sa puso ang mga lyrics lalo na pag broken-hearted ka. Sa kaso ko, at dahil sa iyakin akoayayay, ilang minuto lang, with matching crayola agad ang naging arte ko. Ensigueda! Wahaha! Hindi ko makalimutan ang moment na yun, kahit papano naging therapeutic din sa akin.

Habang brownout, nabigyan ko rin ng panahon ang hilig ko sa pagpicture-picture dito sa mga lumang kandila namin.

 www.maruism.com 

www.maruism.com

www.maruism.com

www.maruism.com 

Mood: Ka i-emote lang.

 

oOo

Never ever beg someone na mahalin ka."

Photo A Day: Kevin and Sang

Si Kevin at ang bunso kong si Sang habang nanonood ng TV.

Bisyo na ng doggie namin ang kinakamutan sya lagi sa tiyan kaya ipagpatawad nyo na kung slightly ay may kahalayan ang porma ng alaga namin dito sa photo. Nakabukaka lang naman ang lekat! Kita wekwek!

kev and sang

Hindi lang yan. Pucha! Habang tinititigan ko ang piktyur na to, ang anak kong panganay at ang bunso namin, parang. . .parang. . . parang. . . magkakamukha na yata sila! Waaaahaha!

Peace tayo, Kevintot! 😛

 

oOo

Hindi mo malalaman kung gaano ka kalakas kung palagi kang masaya.