Sabi ko nga dun sa Twitter ko, lumelevel-up na ang beautyness ko. Kung dati sa Rizal Park/Luneta lang ako namamasyal at Manila Cathedral lang ang pinakamalaking simbahan na napasukan ko … abah! ibahin nyo ko ngayon. Sa Milan, Italy na ako namamasyal ngayon! Say nyo! O di vah, ang angas kooooo! Lol!

Smile lang ng smile kahit nangangatog na ang baba ko sa sobrang lamig. Siempre… tiis-ganda to the max ako.

Kulang ang pasyal mo sa Milan, Italy kung wala kang picture na kunyari nakikipaghabulan ka sa mga kalapating mababa ang lipad gaya ng ginagawa ko.

POSE! Kung inaakala ni Claudine Barretto na sya lang ang may K na pomorma sa may Milan Cathedral, TSE!!! kaya ko rin noh!

Deadma ang ulan. Tuloy-tuloy lang ang kodakan.

Bellisima Mamaru!

Ang hipag kong si Angie na winner lagi sa dami ng pictures sa bawat lugar na pinasyalan namin.
Eto ang “stolen shot” ng grupo namin.

Milan Cathedral


The Emmanuel Gallery 


Uyy! Abelabol pala ang SMART load sa Italy. Load na, kabayan!

Dun sa Gallery, may inaapakan dun na isang pic ng kabayo sa sahig at ang sabi ay pwede ka raw mag wish ng kahit ano habang iniikot mo yung sakong ng paa mo.
Siempre, GO ako! Nag wish ako ng dalawa. Matupad naman kaya yung isang wish ko na sana ay tumangkad ako?
* * * * *
Quote of the day:
“What is the fatal charm of Italy? What do we find there that can be found nowhere else? I believe it is a certain permission to be human, which other places, other countries, lost long ago.” – Erica Jong