Euro Tour 09 – Milano, Italia

Sabi ko nga dun sa Twitter ko, lumelevel-up na ang beautyness ko. Kung dati sa Rizal Park/Luneta lang ako namamasyal, at Manila Cathedral lang ang pinakamalaking simbahan na napasukan ko , abah! ibahin nyo ko ngayon. Sa Milan, Italy na ako namamasyal ngayon! Say nyo! O di vah, ang angas kooooo! Lol!

DSC02696

Smile lang ng smile kahit nangangatog na ang baba ko sa sobrang lamig. Siempre, tiis-ganda to the max ako.

DSC02738

Kulang ang pasyal mo sa Milan, Italy kung wala kang picture na kunyari nakikipaghabulan ka sa mga kalapating mababa ang lipad gaya ng ginagawa ko.

DSC02736

POSE! Kung inaakala ni Claudine Barretto na sya lang ang may K na pomorma sa may Milan Cathedral, TSE!!! kaya ko rin noh!

IMG_6187

Deadma ang ulan. Tuloy-tuloy lang ang kodakan.

IMG_6150

Bellisima Mamaru!

IMG_6158-1

Ang hipag kong si Angie na winner lagi sa dami ng pictures sa bawat lugar na pinasyalan namin.

IMG_6256 Eto ang “stolen shot” ng grupo namin.

IMG_6238

Milan Cathedral

DSCF5121

DSCF5119

The Emmanuel GalleryDSCF5122

DSCF5128

IMG_6269

Uyy! Abelabol pala ang SMART load sa Italy. Load na, kabayan!

IMG_6166 IMG_6168 DSC02708

Dun sa Gallery, may inaapakan dun na isang pic ng kabayo sa sahig at ang sabi ay pwede ka raw mag wish ng kahit ano habang iniikot mo yung sakong ng paa mo.

Siempre, GO ako! Nag wish ako ng dalawa. Matupad naman kaya yung isang wish ko na sana ay tumangkad ako?

* * * * *

Quote of the day:

“What is the fatal charm of Italy? What do we find there that can be found nowhere else? I believe it is a certain permission to be human, which other places, other countries, lost long ago.”Erica Jong


Ferney, France

Saturday morning, pagkatapos namin mag grocery sa Ferney, France, mga 15-20 minutes drive from Geneva.

With Raymund, Anthony and Evan

Raymund, Anthony, Moi and Evan

Tanaw sa kinauupuan ko ang Geneva Airport

DSCF4753

With Anthony, Katrina, and my brother Evan

Anthony, Katrina, Moi and Evan

BENCH model. Ang tarush!

BENCH model

A cutie pie Lol!

a cutie

Raymund and Katrina, host/sponsor sa buong Euro tour namin. Both working at Philippine Mission to the United Nation, Switzerland. Super nice couple.

raymund and katrina

Have known Raymund since 1990s, nung binata pa siya. Katrina his wife is such a gracious lady.

Europe Tour

O ha! Lumelevel-up na si Mamaru! Hehehe! Biyaheng Europe ako kasama mga kapatid ko for 15 days.

DSCF4612

Nangangalumata na ako sa eroplano pa lang. Halata bang eksayted?

3-hour stopover namin sa Abu Dhabi.

a cutie at abu dhabi

Kodak mode at the Duty Free Shop, Abu Dhabi.

free WIFI

Ayus! Free-WIFI sa boarding area.

DSCF4664

Siempre, naki-hilera ako. Ako fah!

DSCF4667

With my brother Evan.

evan and moi @ AUH airport

Evan, my sister Millette and Moi.

evan, millette and moi @AUH airport

With my sister in law Angie and sis Millette while waiting for our plane to Geneva.

angie,millette and moi @AUH airport

Meme mode.

meme mode

So Excited

In two weeks time, I will be out of the country and will be experiencing the much-awaited European tour with my siblings. Of course, I am excited; I know this Europe trip will be just different. I have been preparing myself to travel this time – with the right attitude. I wanted this once in a lifetime trip to become a richer, memorable and eye-opening experience. My dream for a European tour is just few days away, someday, God willing, I wish I would have an opportunity to go for orlando vacations also.

Ang Saya-Saya

Habang ang karamihan ng mga pinoy ay aligaga sa kani-kanilang noche buena noong December 24, yung kapatid kong si Evan ay aligaga din sa pagbo-book ng mga ZERO-FARE flights ng CPA. Lahat ng bookings na ginawa nya noong bisperas ng Pasko ay – CONFIRMED! Hehe!

Kaya last saturday, Feb 7,  mga walo kaming sumakay from Cagayan de Oro to Manila. Buong pamilya ng sister kong si Millette, ako, at si Keziah. Kasama sana ang only bigatin son ko…kaso he backed out kasi may mga exams sya sa school.

Ang saya-saya! Isang barangay kaming lumuwas ng Manila dahil nakapag-avail kami ng ZERO-FARE ng Cebu Pacific Airlines. As of this writing, andito ako at nakikilanghap ulit ng fresh air ng Manila.

ticket

Eh sino ba naman ang hindi masisiyahan sa biyahe naming ‘to…bawat isa sa amin ay P56.02 lang ang binayaran – ROUND TRIP na!  Kaya sus, saan ka pa! Ang regular fare ng one-way ticket cdo-mla ay mahigit P3T kaya!

Kung para saan yung P56.02 na babayaran namin ay di ko na inalam. Yun nga lang…dapat hand-carry lang dapat ang bagahe mo. Well, kahit saan naman ang destination mo ay mas ok talaga if you just travel light. Tsaka mga 6-days lang naman bakasyon namin kaya OK na yun na naka-backpack lang kami.

Dahil sa Zero-Fare na gimik ng CPA, ang brother kong si Evan ay bisi din sa kabibiyahe. He spent his birthday last Feb 4 sa Cebu kasama wifey nya. Mga 2 days lang sila. At sa last week naman ng February…lilipad at mamamasyal ulit sya with his son sa Davao naman. They will spend a weekend there.  Halos lahat ng mga biyahe nila ay ZERO-FARE rin! Laking-tipid talaga.

Sana next time na magbigay ulit ang CPA ng ZERO-FARE flights….at sana maka-avail kami ulit. :D

 

Hagdan, Hagdan, Bakit Ka Ginawa?

Tapos na ang extended days-off ko. I didn’t feel fully rejuvenated pero ok na rin. Kahit papano nagkaroon ako ng break sa daily routine ko as domestic engineer. Kahapon, pauwi na lang ako ay na-imbyerna pa ako ng todo sa huling araw ng bakasyon ko. May mga tao talaga na kasiyahan na yata ang makapang asar! May mga talent silang palpak dahil palaging wala sa tyempo ang pang-aasar na ikapipikon mo talaga hanggang buto. Katatapos lang ng period ko pero parang duduguin ako ulit sa sobrang inis ko kahapon.

Anyways…hindi tungkol diyan ang topic ko. Eto yun.

“…puro yabang. pasikat! Palpak naman!”

Yan ang narinig ko sa kasabayan kong pasahero sa eroplano. Napalingon ako. Nakaismid at kitang-kita ko sa mukha ni kolokoy na dismayado na naman sa sistema ng Cebu Pacific Air sa pagpapaalis ng mga pasahero nila. Medyo natatawa pa ako kasi pareho kami ng nararamdaman – parehong INIS!

Medyo ok naman ang experience ko sa unang apak ko sa pinakabago at pinakamalaking airport ng bansa – ang NAIA 3 noong August 25. Maayos naman. Pero ARRIVAL yun.

Kahapon sa departure namin pabalik ng Mindanao ang nakakadismaya. Eh kasi naman. Kung bibilangin ko ang akyat-panaog na ginawa ko sa NAIA 3 … naka-apat na beses yata na yun ang ginawa ko. Matutuwa na sana ako dahil sa wakas nasa NAIA 3 na ang terminal ng Cebu Pacific. Siempre naman world-class na ang airport eh. Pag tiningnan mo nga sa labas eh masasabi mong may panama talaga at pwede na rin ihilera sa malalaking airport ng ibang bansa. Maganda kung sa maganda. Hindi mo na ikakahiya.

Ini-expect ko na pag pumasok ako ng NAIA 3…malamang maya-maya lang ay hindi ko na mapapansin na nasa loob na pala ako ng eroplano. Ganun naman dapat yun di ba?

Nag excess ng 7 kilos sa baggage ang ate ko kaya nag volunteer akong bitbitin na lang yung isang maliit na trolley bag niya. Maliit at hindi naman kabigatan at walang problema kahit bitbit ko rin ang laptop bag ko. “Kaya ko ‘to” sabi ko.

Sabi ng boarding pass namin, nasa gate 116 naka-assign  ang eroplanong sasakyan namin pauwi ng Cagayan de Oro. Pagpasok namin sa Gate 116…nyay! more or less may 15 steps yata kaming bababaan na hagdan papuntang boarding area. Hmmmmn…syet! parusa ‘to kasi nga may bitbit akong trolley! Pero oks lang. Since  medyo maaga naman ang check-in namin ng ate ko, eh inutusan muna ako para bumili ng coffee. So la magawa, akyat ako ulit palabas ng boarding area at baba ulit nung bumalik. Hays…

Eto na, mga 20 minutes before boarding time, inanunsyo na ang lahat ng pasahero bound for CDO ay pinalilipat sa Gate 120. Naknampekpek! Ibig sabihin aakyat na naman ako dun sa hagdan na yun?

Nways, sige. Again, ‘la ako magawa eh. Akyat ulit.

Gate 116 to Gate 120….may kalayuan din pero ok lang dahil sabi ko nga, maganda naman ang loob ng NAIA 3.  Sarap maglakad pag bago ang carpet. Shushal!  Ayus lang din naman ang daan papasok sa tube. Habang naglalakad, naalala ko tuloy ang ibang airport na napuntahan ko nung nagwo-work pa ako sa abroad. Nag-summon up pa ako ng sandali sa nakalipas ko. Lols. Siempre, since nasa tube na kami so isip-isip ko ilang segundo na lang eh nasa loob na kami ng eroplano.

Pero teka, hindi eh!

Sa dulo ng tube…bakit wala akong makitang pintuan ng eroplano? Ay Puta! Hagdan! May hagdan? At bababa na naman kami sa hagdan? Mga ayuf! Parang gusto ko magpatihulog na lang para ilang saglit lang nasa ibaba na ako agad. Lols. Taena! Biglang pumangit ang tingin ko sa bagong NAIA 3!

At pagbaba namin naghintay pa kami ng bus para isakay kami papunta na mismo sa kung saan nakaparada ang eroplano. Josko! So hila…buhat…bitbit…hila na naman ako sa trolley ng ate ko. At yun nga…naririnig ko na ang mga kasama ko sa may likuran na nagrereklamo na. Ang hassle kasi eh! Ang init pa.

Naiinis na ako habang nasa bus. ‘Tong ginagawa ng Cebu Pacific Air, kumbaga sa pelikula…ok na sana. Gandang-ganda ka na sa istorya kaso sa may ending biglang naging LOUSY. Biglang pumangit! Gusto mo sumigaw ng “Harang!” “Boooo!”

Ilang minuto pa, sa wakas nasa ibaba na kami ng eroplano. Tumingala muna ako bago umakyat ng hagdan ng plane, naghagilap ng konting lakas sa pagbitbit ulit ng bag at habang bumubwelo, isip-isip ko siguro naman huling akyat ko na ng hagdan ‘to.

Pinagpawisan ako, tsongggg! Pagpasok ko sa door ng eroplano, nakahinga nga ako ng maluwag pero kasabay naman nun ang pakiramdam na parang nasa may tuhod ko na ang matris ko! Tangna! Parang bumaba ang matris ko sa pagod. Natagtag ako!

World-class daw! World-class my ass!

Alaala Ng Boracay

Anim na taon na ang nakakalipas ng nakapunta ako ng Boracay Island. At hindi ko alam kung kelan ulit ako makakapunta. Kakainis nga kasi di man lang ako nakapag-suot ng 2-piece nung nakapunta ako dun. Lols. Asa pa ako. Eh kasi naman, shy pa ako noon. Shy daw o! Pero masaya ang experience ko kahit dalawang araw lang ako dun. Mas ninamnam ko ang mga magandang tanawin dun kesa maligo sa dagat.

Sa sobrang ganda ng isla…naitanong ko noon sa sarili ko na ano na lang kaya ang ganda nya nung isang virgin island pa sya? Walang katapat siguro. Noong wala pang kuryente ang isla, noong wala pa masyadong dumadayo dun, noong wala pa ang mga mga nakahilerang bars and restaurant na parang mga kabute na nagsulputan dun ngayon, noong wala pa ang mga magagarang hotel dun. Siguro wapak talaga ang kagandahan ng Boracay.

IMG_1062

Taga Kalibo, Aklan mismo ang nag imbita sa akin noon na pumunta ng Boracay at marami silang kwento sa akin noong hindi pa masyado dinadayo ang lugar. At talaga naman daw na yung mga kakaunting turista na nakakarating noon… hangang-hanga at tuwang-tuwa sa mga puca shells, at mga starfish na talagang naglipana lang sa dalampasigan.

IMG_1060

Sa ngayon kasi, wala ka ng makikitang mga shells at naubos na. At kung meron man…ibinebenta na. Yung puti at pinong buhangin na parang Lafemme Polvoron (naks! plugging) na lang ang siempre na andun. Lahat na lang yata dun ay may bayad na eh.

Kahit ako nung pagpunta ko dun…kahit pinagbabawal ang magbaon ng buhangin palabas ng isla, aysus! nag take-home kaya ako ng buhangin. Wahaha! Pinagtiyagaan ko bitbitin ang isang 1.5 na basyo ng Coke na punong-puno ng buhangin ng Boracay! Pinagtawanan pa ako nung ng mga kaibigan kong taga-Kalibo.

IMG_1061

Iba na siempre ang may ebidensya ako sa mga kaibigan ko noon na nakarating na ako sa isla.

Hanggang ngayon ay naka-garapon pa rin dito sa bahay ang naiuwi kong buhangin at corals mula sa Boracay. Kalahati na lang kasi yung iba ay ginawa kong palamuti sa ginawa kong handmade photo frames na binudburan ng buhangin at dinikitan ng mga shells.

photo-frame1.jpg

(Sensya na sa kuha…selpon cam lang gamit ko dito )

Biyaheng-Langit

 

 

 

 

 

 

 

 

Last month lang lumipad ako from Cagayan De Oro to Manila via Cebu Pacific Air.

Nai-blog ko na rin ang hinaing ko tungkol sa ka-kuripotan ng eropleyn na ‘to. Pero impernes naman, kunswelo na rin ang palaging pag-assign nila sa akin sa may window seat kahit hindi ko nire-request upon check-in. Peborit ko kasi umupo sa may bandang bintana.

Nagkaroon din ako ng memorable moment sa huling sakay ko ng CebuPac kasi naman, sa pagkakataon na yun I was able to witness the grandeur of God’s creation – the view of the SUNSET sa ere! Ganda! Iba talaga ang dating sa akin ng sunset. Habang pinapanood ko ang paglubog ng araw sa himpapawid, para na rin akong nakaharap sa isang napakalaking canvass ng pinakamagaling na pintor ng sanlibutan – si God.

Kainis nga lang, nakaharang ang malaking pekpek pakpak ng eropleyn ng kinunan ko nung piktyur.

Since last flight ang naging sched ko . . . gabi na nung lumapag kami sa domestic airport. Teks ko agad si brader ko para sunduin ako. Nag reply naman. Nakow, male-late daw ng mga isang oras sa pagsundo.

Eh nakalabas na kaya ako ng arrival area kaya no choice kundi ang tumambay sa labas at maghintay ng mahigit isang oras kay bro. Paunti-unting nagsi-alisan na ang mga kararating lang na pasahero. Halos wala ng tao…yung mga jaguar (gwardya) na lang at ako ang naiwan.

Mga oras na ganun eh marunong na rin ako dumiskarte para hindi mainip kahit walang makausap. Sabay ng pagsalampak ko ng upo sa baggage trolley, hinugot ko selpon ko. Ayun! Inaliw-aliw ko na lang sarili ko sa pag kodak-kodak gamit ang selpon camera.

Kami na lang ni mamang guard ang naiwan. Hmmmn… at masama pa yata ang tingin sa legs ko ni mamang jaguar. Jokeee! Kunyari lang! Feeling ko lang yun. Wahihi!

Yan…kinodakan ko na rin fez ko na mukhang gutom na talaga sa kahihintay.

  • Return Flight

Kung noon ay nasa last flight ang biyahe ko papuntang Manila…nasa first flight naman ang sched ko nung umuwi ako. Mas mura kasi ang rate sa ganitong oras ng biyahe. :D Kung boring ang biyahe ko sa Cebupac papuntang Manila… kabaliktaran naman ng return flight ko to Cagayan De Oro when i took the Philippine Airlines.

As early as 4am nasa Terminal 2 na ako. Medyo naging kakaiba ang experience ko na ‘to sa pagsakay ko ng PAL. Pag check-in ko pa lang baggages ko, abah! Hindi na ako pinapila. Pinaderetso na ako dun sa isang counter na ako lang ang inaasikaso. Kakagulat! hihihi!

Ayos ‘to, sabi ko. Para akong VIP. (Very Idiotic Person)

Tinimbang bagahe ko, hala! Excess ako ng more than 2 kilos! Pero deadma lang nila at hindi na ako pinagbayad. Hmmmn… isip-isip ko, siguro may kras sa akin yung mama sa may counter kaya hindi na pinabayaran sa akin. Lolz.

Uy! with matching PRIORITY tag pa ang ikinabit sa mga bagahe ko. Weee! Feeling-VIP na talaga ako!

At eto pa, pagka abot sa akin ng boarding pass ko, abah, napansin ko may note pa sa gilid ng boarding pass ko. “ok to Mabuhay Lounge“. Sabay bigay na rin ng instruction sa akin kung saan ako dadaan papunta sa lounge. Naks! Astig ako!

Hindi eto ang una kong biyahe sakay ng PAL, pero pers taym ko mapadpad sa Mabuhay Lounge nila. O di ba, bongga? Eh domestic lang naman ang biyahe ko tsaka nasa promo rate pa ang tiket ko. Halatang nagtitipid.Lolz!

Pagpasok ko sa Mabuhay Lounge, asus ka-daming lafang! Mabuhay talaga! Pero sa totoo lang nagtanong muna ako dun sa loob kung libre ang food. Hahaha! Hindi lang ako jologs – ignuramus ko pa. ‘Langya! Naniniguro lang ako at baka kasi singilin ako, eh alam naman natin kung ano ang presyo sa airport – doble lagi. Oo daw. Abaw gid! Tamang-tama, wala pa akong almusal. Coffee ang una kong sinunggaban. Hindi pwede simulan ang araw ko ng hindi nagkakape.

Well, nalito lang naman ang kamay at pati tinidor ko kung ano una kong titikman sa buffet table. Di ko na kinunan ng pics ang lahat kasi tinablan na ako ng hiya. Basta nasarapan ako sa Mango Crepe nila at sandwiches.

Kumuha din ako ng rich in potassium na saging kasi naalala ko si Annie BANANA at ang avatar niya. Hahaha!

Kainis lang kasi pagdating sa kainan, mahina ako. Madaling makuntento bituka ko kaya di ko rin natikman lahat ng food dun. Tsk!Tsk!Tsk! Free pa naman. Gayunpaman, nagpakabusog pa rin talaga ako. :lol:

Promo rate airfare lang ang kinuha ko sa PAL pero kahit inabot ng 48 years ang Air21 sa pag deliver ng ticket sa akin – napasakamay ko naman ang tiket ko ng LIBRE! At kung nalibre … na upgrade man o naging privileged passenger ako sa biyahe ko nung sunday ay dahil sa kabutihang-loob ng taong ‘to —> si Optimus Prime aka Defpotec! Whoa!

Moo, grabe ka – mahahalikan ko talaga pwet mo! At kung powers din lang ang pag uusapan. Salamat at naambunan mo ko ng powers mo. Tenk kyu, tenk kyu sa walang kapaguran mong pang so-sorpresa sa akin lagi. Tunay kang gimikero! Swerte ng babaeng magiging syota mo sa walang kupas mong ka ek-ekan. Kaya koling-koling sa mga babaeng maliligawan ni Moo – sagutin nyo agad, wag nyo na pakawalan ang mokong na ‘to at hindi kayo magsisisi! Tingnan nyo naman ang pic nya – likod pa lang ulam na. Sarap higaan sa lapad. :lol:

Moo, madalas mo kong sampolan ng kabaliwan mo pero honestly, eto ang isa sa mga nagustuhan kong pang gu-gudtaym mo sa akin. Bwahahaha!

Maraming salamat sa libreng biyaheng-langit.

kurifot na eropleyn

John Gokongwei Jr. is the 6th Forbes Asia Top 10 Richest Filipinos. Tuwing napapadaan ako sa Ortigas Center…di ko maiwasan pilipitin ulo ko para tingalain ang nagtataasang building na yung iba ay pagmamay-ari ng mga Gokongwei.

Grabe! Ang yaman-yaman nila. Di ko nga ma-picture sa utak ko kung ano ang itsura ng bilyones nilang pera. At ano kaya klaseng pamumuhay meron sila? Kumakain din kaya sila ng isdang-paksiw na may amplaya? O kaya pritong galunggong na may sawsawan na toyo at kamatis? Ginto kaya etchas nila? Wahihi. Nakapikit din kaya mata nila kung natutulog? O baka naman sa kaiisip kung papano pa palalakihin negosyo nila eh walang tulugannnn na.

Ang di ko lang maintindihan ay kung bakit sa laki ng yaman nila, bakit di nila makuhang magpa-meryenda man lang sa mga pasahero sa pag-aari nilang Cebu Pacific Air.

Suki na ako ng Cebu Pacific Air kahit noong hindi pa uso ang promo fares nila. At kahit noon pa man eh tipid na tipid na sila sa inflight snacks hanggang sa tuluyang hindi na nga sila nagbibigay ngayon. Sabi nga ni brader ko, kahit nga daw yung international flights nila alaws din daw lafang.

Sus, naturingan pang sila ang isa sa pinakamalaking manufacturer ng mga junk foods o chichirias ng bansa – ang Universal Robina Corp. Kainis, di man lang nila makuhang magbigay ng kahit tig isang Chiz Curls o kaya Maxx menthol candy para naman hindi mapanis ang laway. O kaya kahit Boy Bawang na lang para may manguya ang mga pasahero.

Wag na wag ka sana sumpungin ng pagka uhaw habang nasa biyahe… kasi hindi libre at bibilhin mo ang tubig sa kanila. Pinakamaliit na bote ng mineral water ay singkwenta pesos! Nakmanpepe! Balak ko na tuloy magbaon na lang din ng sarili kong tubig, kanin at ulam sa susunod na sasakay ako sa kanila.

Napaghahalata bang mahilig ako tsumibog? Hehehe! Ang sa akin lang naman ay—halos pareho lang naman sila ng promo rates ng karibal nilang Airphils tsaka PAL pero bakit ang mga ‘to eh merong naibibigay na makukukot sa pasahero?

Di ako magtataka kung balang araw pati pag wewe sa lavatory ng CebuPac ay may bayad na rin na P5. At MAS lalong hindi ako mabibigla kung isang araw pagpasok ko sa loob ng eroplano eh electric fan na lang ang gamit ng CebuPac para talagang todo-tipid sila sa gas! Ayos!