Come, Think Of It

so true

So true, kaya minsan sa airport, maganda talaga yung mas maaga ka ng dating sa flight schedule ng sasakyan mong erpleyn. Bukod sa makapagkuyakoy ka muna sa pre-boarding area, eh makakakita ka pa ng mahihigpit na yakapan at mga sinserong cheek to cheek na halikan ng pasahero at ng mga mahal nila sa buhay sa departure area. Minsan masarap din maging ususero noh. Hot smile

At totoo, mas maraming dasal ang nangyayari sa ospital kesa loob ng simbahan. Kaya pakakaisipin, hihintayin mo pa bang ma-ospital ka muna para maging madasalin? Angel 

Alien?!!

March Na!

It's March already! Ambilis ng panahon. Nyeta! Tiyak mapapabilis din matatapos ang buhay natin neto. Hahaha!

Uy, may tip ako sa inyo. Tip kung paano maging always feeling masaya para sulit ang buhay.

Paano?

Howel, simple lang. Siguraduhin ang sarili na palaging busog. Busog? Bakit dapat busog lagi? Eh kasi bihira akong makakita ng taong malungkot pag busog eh. :D Pansin nyo rin ba yun?

Hmmmn…may sense ba 'tong pinagsasabi ko?

Erase! Erase! Erase!

Aktwali gusto ko lang naman talaga bumati ng….

Maligayang Sabado to every Juan.

Smile!
Life is way better when you smile. :D

 

 

oOo

“TURN ON: Yung mga babaeng naka-braces pero walang ngipin.”

 

Just Take Your Time

Para sa kaibigan kong pumuyat sa akin kagabi na panay ang ngawa dahil sa pagiging gutay-gutay ng puso nya, gusto kong malaman mo na kaisa mo ‘ko sa kalungkutan mo ngayon. Galing na ako diyan o pinagdaanan ko rin ang sitwasyon mo ngayon kaya naiintindihan kita.

Enwey, etong para sa ‘yo, girl.

Pasasaan ba at malalagpasan mo rin yan at magiging maayos din ang lahat. Kapit lang.

 

oOo

“Wag mong isiping hindi ka na niya mahal kase hindi na nga talaga.”

 

%d bloggers like this: