Mille Crepe

Ang mahal naman!

Yan agad ang reaction ko dito sa isang slice ng Ube Mille Crepe. P225.00 per slice. Hmp!

Tapos hindi man lang ako masyado nasarapan sa totoo lang.

In fairness naman, baka nakasanayan lang talaga ng Β dila ko ang kumain ng panghimagas na gawa lang sa bahay o kaya yung affordable lang kaya hindi ko ma-appreciate yung sarap (kung meron man) netong paper-thin handmade crepes na acclaimed to be among the best and finest desserts in Tokyo daw.

Hindi naman sa sinisiraan ko ang produkto na ‘to. Hindi lang din siguro ganun ka-sopistikada ang panlasa ng dila ko. Well, kung panghimagas din lang, never ko pa rin maipagpapalit ang leche flan ng Goldilocks. Hihi!

Mercoles

Dahil Wednesday ngayon (as if may konek), pineapple-papaya smoothie ang alay sa umaga galing kay Mamaru na halos tanghali na kung gumising.

Pero sabi nga nila, di bale na kung tanghali kung gumising kesa naman sa walang gising.

Oppss dagdag ko na ‘tong almusal ko. Hehe.

“Customized” fried rice with tuna flakes at longganisa. Customized daw o!