March Na!

It's March already! Ambilis ng panahon. Nyeta! Tiyak mapapabilis din matatapos ang buhay natin neto. Hahaha!

Uy, may tip ako sa inyo. Tip kung paano maging always feeling masaya para sulit ang buhay.

Paano?

Howel, simple lang. Siguraduhin ang sarili na palaging busog. Busog? Bakit dapat busog lagi? Eh kasi bihira akong makakita ng taong malungkot pag busog eh. :D Pansin nyo rin ba yun?

Hmmmn…may sense ba 'tong pinagsasabi ko?

Erase! Erase! Erase!

Aktwali gusto ko lang naman talaga bumati ng….

Maligayang Sabado to every Juan.

Smile!
Life is way better when you smile. :D

 

 

oOo

“TURN ON: Yung mga babaeng naka-braces pero walang ngipin.”

 

Mamaru Sans MakeUp

Uma-aura ang Mamaru today! Hihihi!

May pa sans-sans meyk ap pa. As if naman may nagbago sa fez ko. FYI, I don’t wear make up talaga. Lipstick lang po.

Alam nyo bang wish ko talaga makita ang fez ko na naka-heavy make up?  Yun bang tipong tina-transform. Yun bang meron BEFORE and AFTER achuchu. Yun bang pagkatapos ay may magtatanong ng, “Mamaru, statue?”  :D

Curious ako kung ano chura ko. Hays…siguro, ang ganda-ganda ko. Sureness yun! Yun lang naman kasi ang meron ako bilang imortal – ganda lang. Wahahaha! Syet! Napalakas yata ang singhot ko nung bagong brand ng katol lately! Lakas maka-feeler! Ramdam ko ang kafal ng fez ko.

Pero seryoso,  kababawan na maituturing siguro pero gusto ko talaga makita ang sarili kong inaayusan ako ng isang magaling, sushal at mahal ang bayad na make-up artist. Gusto ko yung inaayusan ako habang alayb pa ako ha – at hindi yung nakahiga ako at inaayusan ng isang mortician. Waaah!

2014-02-03 13.29.13

oOo

“Don’t judge me  if you don’t know me.”

Kevin Turns 23

Today, my bebeboy Kevin turns 23!

Siya ang unang dahilan kung bakit natigil ang maningning na showbiz career ko noonkahit nasa rurok na ako ng tagumpay at kasikatan ko noon.  Charot!

Kaya sa mga pans ko noon… sorrrry pooo.  Charot ulit!

kevintot

Pers taym na hindi dito sa bahay magbe-bertdey si Bebeboy. Nasa ibang lokasyon at punto na sya ng life nya ngayon na sinisimulan ang pagiging independente at pagdidiskubre kung ano ang meron sa buhay. O ha! Lumelebel up na si Bebeboy.

Nakaka-miss din siya. Haaays…

Enwey, nagtext-text na lang muna kami.

Screenshot_2014-02-22-08-32-55

Wish ko kay Bebeboy ko… sana mas maging mabuti pa syang anak, kuya, pamangkin, pinsan, apo, kaibigan, ka-trabaho, laberboy sa gf nya, maging matinong citizen ng Pinas at higit sa lahat…mas maging “closer” sila ni Lord. :D

 

oOo

“Dear son, be strong enough to stand alone, smart enough to know when you need help, and brave enough to ask for it.”

Parapol

Klap klap, Hurey!

Nanalo ako ng plantsa!

Hahaha! Ang saya-saya ko nang malaman kong nanalo ako ng consolation prize na plantsa sa isang pa-raffle kembular ng isang beauty product sa isang grocery dito sa Iligan.

Na-excite kaya ako ng todo. :D

Eh kasi naman, parang I can’t bilibit.

Ako kasi yung tao na hindi swertehin sa mga parapol ek-ek, sa mga pataya gaya ng ending at lotto, sa mga sugal… o kahit sa pag-ibig. Chos!

Plantsa lang ‘to pero pakiramdam ko parang nanalo na rin ako ng haws en lat. (OA!)
Ngayon, wala na talaga akong dahilan para hindi maplantsa ang mga medyas ng anak ko, mga see-thru nighties ko, at ang mga lace and silk bra and panties ko. :D
Ang ganda ng tiempo, kasi matagal ko na talaga balak bumili ng bagong plantsa at palitan na ‘tong 48 years old plantsa namin na pwede ng i-display sa museum.
Kalawangin na eh!
Pero gumagana pa naman siya. I mean, umiinit pa naman siya. Yun nga lang yung hawakan na yung umiinit. Joke!
Scary na talaga ‘tong plantsa namin. Look nyo naman ang cord. Nakailang beses ng naputol ang cord at ilang beses ko na rin inayos.
Kung tititigan nyo ang pagkadugtong ng putol na cord,  halata bang trabahong pang-single mom? “Pulidong-pulido”.
Wag pintasan ang pagiging trying hard electrician ko. Magandang tao lamang po ako at hindi perpekto. Hihi!
oOo
“Minsan kailangan ituro sayo ng mundo ang tama sa paraang masasaktan ka para tigilan mo ang MALI at malaman ang pinagkaiba sa DAPAT at HINDI.”

Walang Katotohanan

Isang malaking kasinungalingan!

Inuulit ko, hindi po totoo ang kumakalat na tsismis sa social media na mahilig ako mag-SELFIE!

Hindi po totoo at wala silang ‘PROVES’! :D

2014-02-17 16.52.32

2014-02-17 16.52.07

2014-02-17 16.55.25

Susmaryosef!

Ni wala akong kaalam-alam sa mga ‘pose-pose’ na yan noh! :P

 

oOo

"Kapag may challenges, dapat para kang LRT station. You have to be taft."

Feeling Loved

Sino may sabi na ang Balentayms ay para lang sa mag- jowa?

Alaws akong jowa pero doesn’t mean walang may labs sa akin. Naks!

Tsaka ang sarap din isipin na hindi ko kelangan hintayin na ma-deds muna ako para alayan ng bulaklak! Hehe!

Dahil kahit papano ay hindi ako nakalimutan ng bebegurl Keziah ko sa Araw ng mga PUSO na itey. Aktwali paalala nya lang ulit ‘to sa akin na labs nya ako. Awww!

Ang babait talaga ng mga anak ko. Walang istir!

imageSweet!

image

Happy Valentines to all Single Moms out there!

oOo

“Masaya ang buhay, lagi kang ngumiti at matutong ngitian ang problema. At the end of the day, always remember that you are always blessed.”

Posted from WordPress for Android

%d bloggers like this: