Miss Na Kita

Miss na miss ko na siya ng sobra.

Uo

Pero hindi man lang nagte-text ang kurimaw.  Hmmp!

417088_2588848850113_1521345785_31945095_1394259326_n

O kaya tumawag man lang. Hmmp ulit!

Nakaka-miss din ang may lalaki sa bahay. :(

t1

Uy, uwi ka rin paminsan-minsan, ha?

 

 

oOo

“A mother thinks about her children day and night, even if they are not with her and will love them in a way they will never understand.”

 

Keziah @18

Susmio! Mga 3 araw na lang at matatapos na ang month of March.

Aabutan na ako ng April eh hindi ko man lang nai-post agad ‘tong importanteng ganap sa buhay ng bebegirl ko na nangyari last March 15.

Nilumot na nga yata ‘tong mga piktyur sa draft section ng blog ko.

Eh kasi naman, bisi-bisihan ang alindog ko sa mga anik-anik. Dami kong pinagkakaabalahan na mga walang kwenta. Hehe!

Heniwey, ayan! It’s opisyal na. Wala na akong menor de edad na junakis kasi my unica hija has turned 18 na.

Last month lang, yung panganay kong bebeboy turned 23 ….at dis month naman, 18 na ‘tong bebegirl ko. Waaaah! Ang laki na nga nila. Ako lang talaga ang hindi lumaki.

Parang aykent bilibit na 23 years na rin pala akong single mom.

Pero uulit-ulitin kong sasabihin, I don’t have any single regret na naging single parent ako. Hindi ko ipagpapalit sa kanino man o sa kahit ano man ang pagiging solong nanay ko sa mga junakis ko.

Kulang ang isang araw para mag-emote o kaya i-chika ko ang lahat-lahat na journey ko as single mom sa dalawang nilalang na nagmula sa matris ko. Lol.  Pero, teka! Bawal muna ako mag-emote ngayon kasi espasyo ‘to ng bebegirl ko.  Sa ibang araw na lang ang sariling kadramahan ko.

Lesgobak to my bebegirl.

Keziah @18

Keziah @18

Noong kapanahunan ko, wala akong ideya sa debut-debut na yan. Pramis, ni hindi ko na-experience ang magkaroon ng selebrasyon talaga tuwing birthday ko noon. Kaya naman, wala din akong maalala kung ano ang ganap noong 18th birthday ko. Ni hindi ko nga ramdam na babae ako noon sa totoo lang. Lol!

Wel, napag isip-isip ko, parang ayoko naman mangyari ang ganun sa anak ko – yung wala man lang naaalala. Haha!

Hindi ko sinasabi na bibigyan ko ng bonggacious na party ang 18th bday ng anak ko dahil obyus naman na hindi ko afford ang ganun. Oo, aminado ako, mayaman ako. Pero hindi sa pera. Sa ideya lang. Hehe!

Sa mga hindi nakakaalam, simula’t sapul ay hindi po ako yung klaseng single  mom na sustentado ng mga tatay ng anak ko.

(Click images for larger view.)

Enwey, napaka-fulfilling sa pakiramdam na kahit sa SIMPLENG paraan,  ay nagawa kong maging MEMORABLE sa doter ko ang 18th birthday nya.

Oo, hindi ako nabigo.

Ows? Talaga bang nagawa kong maging masaya ang anak ko sa debut nya? OO  naman! ( Nakita ko sa fez nya. Tsaka nanay ako kaya alam ko. Haleer! :D)

Naging magastos ba yung party ng anak ko? HINDI!

Natapyas ko ng halos kalahati ang gastusin. (Klap klap naman diyan!)

Paano ko naiwasan maging magastos? – Eh puro D.I.Y. kasi ang mga ginawa namin ni Keziah sa mga ibang detalye ng selebrasyon. :D At siempre, naging praktikal din ako.  Kako, hindi naman kelangan maging maluho. Ang maging simple at disente ay sapat na.

Mga one month din ang naging preparation namin. Maliban sa main course (food) at sa cake niya…the rest, puro collaboration na namin mag-nanay. I mean mga sariling gawa na lang namin.

Yung mga invitation cards, mga party decors gaya ng pompoms, buntings, origamis, photo booth props...mga sariling gawa na yun ng doter ko.  Ideya na rin nya ang party theme na Parisian Hipster.

Swerteng maituturing na simpleng tao lang ang anak ko. Simple lang ang mga gusto. Sabi nya, ayaw nya ng typical na debut party na may cottilon kembular at 18 roses chenelyn. Tsaka pang engrande na yun noh. Ayaw nya ng masyadong formal. Gusto nya yung chillax lang ang lahat. Higit sa lahat, ayaw nya ng magastos. Ayun! Swak sa akin yun! Kako, tamang-tama kasi wala din kasi kaming panggastos. Alam nya yun. Hehe.

(Click images for larger view.)

Ako na mismo ang dumiskarte sa pagluluto para mabuo ko ang  dessert buffet at sa pag set up ng candy bar nya.  DIY din ang party favor at yung ibang kaartehan.

(Click images for larger view.)

It was a very intimate dinner party. Guest of 30 lang. Mga ka-close na kaklase lang talaga ang nandun, kaya walang OP. Andun din yung 3 best amigas nya, at siempre…ang mga pinsan at kamag-anak. Sa awa ni Bathala, naging masaya naman ang selebrasyon. Lahat ay umuwi na nakangiti dahil lahat ay may nabitbit sa mga naging pakulo namin.

(Click images for larger view.)

Sa loob ng one month bago ang birthday nya,  I’m sure isa sa  hindi makakalimutan ni Keziah ay yung pagpa-praktis namin na mag-nanay as event planner kuno.

Impernes, ang dami namin natutunan. As in kaming dalawa lang kasi talaga ang nagplano at kumilos. Yung buong preparation, mula sa paglilista ng pangalan ng iimbitahin, pagbili ng mga supplies, yung palitan namin ng ideas, paggawa ng mga butingtings, hanggang sa pag-aayos ng venue mismo, kaming dalawa lang talaga ang nagpakapagod.

Natapos ang party na alam kong naging kuntento ang bebegirl ko. Higit pa sa mismong selebrasyon o doon sa loob ng apat na oras na kasayahan, alam kong memorable din sa kanya ang naging bonding namin sa pag aasikaso para mairaos ang 18th birthday nya.  At sana nga kung ano man ang mga natutunan nya dun sa naging experience namin na yun ay maikwento at maituro nya sa mga magiging anak nya in da future.

(Click images for larger view.)

Haaays, sa totoo lang, nakakapagod din yung paghahanda namin. Ilang gabi din akong puyat noon.

Gayunpaman, eto lang ang masasabi ko….

Masarap ang pa rin maging nanay! Bow!

oOo

“A single mother has backbone made of steel and a heart made of gold.” 

Kevin Turns 23

Today, my bebeboy Kevin turns 23!

Siya ang unang dahilan kung bakit natigil ang maningning na showbiz career ko noonkahit nasa rurok na ako ng tagumpay at kasikatan ko noon.  Charot!

Kaya sa mga pans ko noon… sorrrry pooo.  Charot ulit!

kevintot

Pers taym na hindi dito sa bahay magbe-bertdey si Bebeboy. Nasa ibang lokasyon at punto na sya ng life nya ngayon na sinisimulan ang pagiging independente at pagdidiskubre kung ano ang meron sa buhay. O ha! Lumelebel up na si Bebeboy.

Nakaka-miss din siya. Haaays…

Enwey, nagtext-text na lang muna kami.

Screenshot_2014-02-22-08-32-55

Wish ko kay Bebeboy ko… sana mas maging mabuti pa syang anak, kuya, pamangkin, pinsan, apo, kaibigan, ka-trabaho, laberboy sa gf nya, maging matinong citizen ng Pinas at higit sa lahat…mas maging “closer” sila ni Lord. :D

 

oOo

“Dear son, be strong enough to stand alone, smart enough to know when you need help, and brave enough to ask for it.”

Bebeboy

Balik-work at balik-Manila na bukas ang bebeboy Kevin ko na umuwi lang dito sa Iligan netong weekend para asikasuhin ang ilang school papers na kelangan sa kumpanyang pinapasukan nya.  At para na rin magsunog ng balat nya sa kalalaro ng frisbee sa loob ng dalawang araw.

Haays…I will miss my bebeboy na naman.

2014-02-09 20.20.03

2014-02-09 20.19.52

 

 

oOo

“The bad news is, time flies really fast. The good news is, we are the pilot.”

Hamishim

being-independent 20 days na ang nakakalipas mula ng lumuwas ng Manila ang unico hijo ko.

En hamishim olredi. :(

Pagkatapos ng klase ni Kevin last semester, pumunta na agad sya ng Manila para sa work interview na naghihintay sa kanya.

Enwey, sa wakas ay nakatapos din ng kolehiyo ang panganay ko. Ngayon ay may work na siya. One week lang ang pinaghintay nya sa Manila at nagsimula na agad syang mag-work. Kaya naman…Oh Bathala, maraming salamat po! Tenkyuberimats talaga!

Eh musta naman ngayon ang Mamaru?

Natutuwa na nalulungkot ako sa true lang. Natutuwa, dahil eto na ang simula ng independence nya. Nalulungkot, dahil simula na rin ‘to ng realidad na hindi ko na sya makikita o makakasama ng araw-araw gaya ng dati.

Imagine, 22 years din kaming magkasama ng unico hijo ko. Pero simula ngayong month na ‘to ay malamang tuwing bakasyon o mga okasyon gaya ng Pasko ko na lang sya makikita at makakasama dahil nga sa may work na siya.

Howel, ganito talaga ang buhay. Lumalaki at tumatanda din ang mga anak ko. Second year college na rin si unica hija ko. Magda-drama pa ba ako eh alam ko naman na darating talaga ang araw na they will start spreading their wings at magkakaroon na ng sariling buhay. Kaya dapat ngayon pa lang ay magsanay na ako sa magiging absence nila.

Gustuhin ko man mag-emote eh wag na lang. Dapat maging masaya at magpasalamat na lang ako dahil kahit isa akong SINGLE MOM o walang katuwang sa buhay simula pa nung pinanganak ko sila eh buong maipagmamalaki ko na naitaguyod ng alindog ko (with flying colors, kembot at tumbling) ang mga anakis ko. Taraaaaay!

oOo

“There comes that time in life when a child will leave the nest. We must send them off with love and a prayer and leave to God the rest.”

Aleluya!

Konting kembot pa at mga ilang tambling ko na lang, ga-gradweyt na rin sa wakas ang unico hijo kong si Kevintot!

kevin

Si Kevin, mi hijo mayor es gwapito. Hihihi! Tamang-nanay lang.

Well, kanino pa nga ba naman sya magmamana kundi sa mama mia nyang con todo hermosa, deliciosa, preciosa, grandiosa, echosera, charotera y malandicia ensiguida! Bow!

Last semester na ni Kevin sa college ngayon. So, malamang kung pagpapalain ni Bathala, pagkatapos ng Oktubre ay baka makapag-aplay na siya. May naghihintay na work sa kanya bago matapos ang year na itey.

At kung sakaling mangyari ang lahat na ‘to dis year, juice ko, malamang pwede na akong mag-cartwheel dito sa gitna ng national highway namin na naka-stiletto. Mga apat na ikot ng tambling siguro…sabay taas ng dalawang kamay….sabay SPLIT! Tsaka sisigaw ng – ‘ALELUYAAAA’!

 

oOo

“There are two lasting bequests we can give our children.  One is roots.  The other is wings.  ~ Hodding Carter, Jr.

Make Your Mama Proud

Kagabi, sinabihan ako ng amo kong babae na gusto nya mag-bake ng chocolate cookies.

Me: “Bakeeet?”

Trip daw nya magdala para i-share sa mga dating high school girlfriends nya. Magkita-kita daw sila today.

Hmmn… natuwa naman ako sa narinig ko kasi magandang senyales yun na may interest syang matuto ng baking. Aminin na natin, iba pa rin siempre ang babaeng marunong mag-bake ng kahit cookies lang. Kahit papano may ganda points yun, di ba? Lol!

So kagabi, before hitting the bed, saglit na nagdemo ang Mamaru kay unica hija kung paano gamitin ang stand mixer.

Impernes, pinag-aralan din talaga niya ang recipe na binigay ko.

At ang aga nya gumising kanina ha!

Pers taym na magbi-beyk si anakis kaya hinayaan ko lang sya sa diskarte nya maliban na lang dun sa paghahanda/pagpapainit na ng oven.

Eto na yung finished product nya.

image

O ha! Masisisi nyo ba kung isang Proud Mama ang peg ko ngayon? :P

wpid-DSC_0281.jpg

At nag-effort pa talaga sya na maging makulay ang box nya ha!  Pa-kyut! Hehe!

Have a Blessed Monday, everyone! 

 

Posted from WordPress for Android

 

 

oOo

“Once you lose someone. It is never exactly the same person who comes back.”

Diez Y Siete

Sa sobrang kabisihan ko buong araw. . . hindi ko man lang maisingit ng maaga-aga ang pagbati ko sa UNICA HIJA ko na isang diez y siete na sa araw na itey.

Heniweys, hindi pa naman din huli kaya. . .

Feliz cumpleaos, Keziah!

Scrapbook_2013-03-15_19.51.52

Abrazos y besos de su hermosa madre, Mamaru. Charot! (Translation: Hugs and kisses from your beautiful mom. Lol!)

 

 

oOo

I believe in the sun even if it isn’t shining. I believe in love even when I am alone. I believe in God even when He is silent.

Bente Dos

Ika-BENTE DOS ng Pebrero ngayon at BENTE DOS anyos na rin ang unico hijo ko!

O ha! Akalain mo yun!

Scrapbook_2013-02-22_13.42.51 

Buti na lang may natira akong mini custard cake sa ref para pagtusukan ng kendel. Ayus! Nakapag-blow din ng bertdey kendel si amo kong lalaki kanina. Birthday Cake

 

Buon Compleanno, son! Love Struck

 

 

 

oOo

"The smile on my face doesn’t mean my life is perfect. It means I appreciate what I have and what God has blessed me with."

I Love You Sabado

Nood kami kanina ng movie na Hunger Games sa DVD dito lang  sa mansion namin.

Halatang bang “updated” kami sa mga movies?  :P Aktwali, ako lang naman palagi ang napag-iiwanan sa panonood ng mga bagong movies.

Maalala ko, yung AVATAR nga, 1 year muna ang nakalipas bago ko napanood yun. Halos kupas na ang mga kulay ng napanood ko yun.  Echos!

Buti nga ‘tong Hunger Games mga ilang buwan pa lang ang nakakalipas muna ng i-release sa mga sinehan. Kumbaga, di pa masyadong panis.

Etong Hunger Games, hindi rin napanood ni Kevin sa sinehan pero matagal na niya nabasa sa book. Si Keziah naman, siya lang yata ang tapos na makapanood.

Heniweys, sinamahan pa rin nila ako nanood kanina. Gustong-gusto ko silang kasabay nanonood kasi pag may hindi ako naiintindihan na “english” o kaya mga eksena sa kanila ako nagtatanong. (Minsan SLOW si Mamaru eh)

 hungergames

Eto ang OK pag sa bahay lang nanonood. Pwesto kung pwesto! Kahit anong ayos mo eh OKs lang.

Sa umpisa, ganito pa ang ayos ng dalawang bagets ko.

hungergames-001

Maya-maya lang, ganito na sila. Si Lalaki, nakasampay na mga paa sa sofa. Si Babae naman (na naka-jammies pa) eh nakasandal na rin ang mga paa sa sofa.

hungergames-002

FEEL at HOME ‘ika nga! Pati electric fan ay itinaas na at itinutok talaga ni Kevintot sa may bumbunan nya para feel na feel ang buga ng hangin. ‘La sya pakels kung hindi kami naaanggihan ng hangin.

At tingnan nyo naman ‘tong dalawa. Naka-”holding hands” pa while watching. O ha! Sweeet noh?

hungergames-003

Aktwali, hindi yan ka-sweetan. Naririndi lang si Ziah sa kakulitan at walang humpay na paglalambing ng Kuya nya na gustong magpamasahe ng mga kamay nya. At para matigil, pinagbigyan na lang ni little sister.

hungergames-004

Balik tayo sa Hunger Games, hmmmn…GUSTO ko sya. Danda!

HAPPY LONG WEEKEND EVERYONE! :D

oOo

“Sa panahon ngayon, ASO na lang ang nakakaintindi ng salitang STAY.”