Kevin Turns 23

Today, my bebeboy Kevin turns 23!

Siya ang unang dahilan kung bakit natigil ang maningning na showbiz career ko noonkahit nasa rurok na ako ng tagumpay at kasikatan ko noon.  Charot!

Kaya sa mga pans ko noon… sorrrry pooo.  Charot ulit!

kevintot

Pers taym na hindi dito sa bahay magbe-bertdey si Bebeboy. Nasa ibang lokasyon at punto na sya ng life nya ngayon na sinisimulan ang pagiging independente at pagdidiskubre kung ano ang meron sa buhay. O ha! Lumelebel up na si Bebeboy.

Nakaka-miss din siya. Haaays…

Enwey, nagtext-text na lang muna kami.

Screenshot_2014-02-22-08-32-55

Wish ko kay Bebeboy ko… sana mas maging mabuti pa syang anak, kuya, pamangkin, pinsan, apo, kaibigan, ka-trabaho, laberboy sa gf nya, maging matinong citizen ng Pinas at higit sa lahat…mas maging “closer” sila ni Lord. :D

 

oOo

“Dear son, be strong enough to stand alone, smart enough to know when you need help, and brave enough to ask for it.”

Bebeboy

Balik-work at balik-Manila na bukas ang bebeboy Kevin ko na umuwi lang dito sa Iligan netong weekend para asikasuhin ang ilang school papers na kelangan sa kumpanyang pinapasukan nya.  At para na rin magsunog ng balat nya sa kalalaro ng frisbee sa loob ng dalawang araw.

Haays…I will miss my bebeboy na naman.

2014-02-09 20.20.03

2014-02-09 20.19.52

 

 

oOo

“The bad news is, time flies really fast. The good news is, we are the pilot.”

Hamishim

being-independent 20 days na ang nakakalipas mula ng lumuwas ng Manila ang unico hijo ko.

En hamishim olredi. :(

Pagkatapos ng klase ni Kevin last semester, pumunta na agad sya ng Manila para sa work interview na naghihintay sa kanya.

Enwey, sa wakas ay nakatapos din ng kolehiyo ang panganay ko. Ngayon ay may work na siya. One week lang ang pinaghintay nya sa Manila at nagsimula na agad syang mag-work. Kaya naman…Oh Bathala, maraming salamat po! Tenkyuberimats talaga!

Eh musta naman ngayon ang Mamaru?

Natutuwa na nalulungkot ako sa true lang. Natutuwa, dahil eto na ang simula ng independence nya. Nalulungkot, dahil simula na rin ‘to ng realidad na hindi ko na sya makikita o makakasama ng araw-araw gaya ng dati.

Imagine, 22 years din kaming magkasama ng unico hijo ko. Pero simula ngayong month na ‘to ay malamang tuwing bakasyon o mga okasyon gaya ng Pasko ko na lang sya makikita at makakasama dahil nga sa may work na siya.

Howel, ganito talaga ang buhay. Lumalaki at tumatanda din ang mga anak ko. Second year college na rin si unica hija ko. Magda-drama pa ba ako eh alam ko naman na darating talaga ang araw na they will start spreading their wings at magkakaroon na ng sariling buhay. Kaya dapat ngayon pa lang ay magsanay na ako sa magiging absence nila.

Gustuhin ko man mag-emote eh wag na lang. Dapat maging masaya at magpasalamat na lang ako dahil kahit isa akong SINGLE MOM o walang katuwang sa buhay simula pa nung pinanganak ko sila eh buong maipagmamalaki ko na naitaguyod ng alindog ko (with flying colors, kembot at tumbling) ang mga anakis ko. Taraaaaay!

oOo

“There comes that time in life when a child will leave the nest. We must send them off with love and a prayer and leave to God the rest.”

Bente Dos

Ika-BENTE DOS ng Pebrero ngayon at BENTE DOS anyos na rin ang unico hijo ko!

O ha! Akalain mo yun!

Scrapbook_2013-02-22_13.42.51 

Buti na lang may natira akong mini custard cake sa ref para pagtusukan ng kendel. Ayus! Nakapag-blow din ng bertdey kendel si amo kong lalaki kanina. Birthday Cake

 

Buon Compleanno, son! Love Struck

 

 

 

oOo

"The smile on my face doesn’t mean my life is perfect. It means I appreciate what I have and what God has blessed me with."

I Love You Sabado

Nood kami kanina ng movie na Hunger Games sa DVD dito lang  sa mansion namin.

Halatang bang “updated” kami sa mga movies?  :P Aktwali, ako lang naman palagi ang napag-iiwanan sa panonood ng mga bagong movies.

Maalala ko, yung AVATAR nga, 1 year muna ang nakalipas bago ko napanood yun. Halos kupas na ang mga kulay ng napanood ko yun.  Echos!

Buti nga ‘tong Hunger Games mga ilang buwan pa lang ang nakakalipas muna ng i-release sa mga sinehan. Kumbaga, di pa masyadong panis.

Etong Hunger Games, hindi rin napanood ni Kevin sa sinehan pero matagal na niya nabasa sa book. Si Keziah naman, siya lang yata ang tapos na makapanood.

Heniweys, sinamahan pa rin nila ako nanood kanina. Gustong-gusto ko silang kasabay nanonood kasi pag may hindi ako naiintindihan na “english” o kaya mga eksena sa kanila ako nagtatanong. (Minsan SLOW si Mamaru eh)

 hungergames

Eto ang OK pag sa bahay lang nanonood. Pwesto kung pwesto! Kahit anong ayos mo eh OKs lang.

Sa umpisa, ganito pa ang ayos ng dalawang bagets ko.

hungergames-001

Maya-maya lang, ganito na sila. Si Lalaki, nakasampay na mga paa sa sofa. Si Babae naman (na naka-jammies pa) eh nakasandal na rin ang mga paa sa sofa.

hungergames-002

FEEL at HOME ‘ika nga! Pati electric fan ay itinaas na at itinutok talaga ni Kevintot sa may bumbunan nya para feel na feel ang buga ng hangin. ‘La sya pakels kung hindi kami naaanggihan ng hangin.

At tingnan nyo naman ‘tong dalawa. Naka-”holding hands” pa while watching. O ha! Sweeet noh?

hungergames-003

Aktwali, hindi yan ka-sweetan. Naririndi lang si Ziah sa kakulitan at walang humpay na paglalambing ng Kuya nya na gustong magpamasahe ng mga kamay nya. At para matigil, pinagbigyan na lang ni little sister.

hungergames-004

Balik tayo sa Hunger Games, hmmmn…GUSTO ko sya. Danda!

HAPPY LONG WEEKEND EVERYONE! :D

oOo

“Sa panahon ngayon, ASO na lang ang nakakaintindi ng salitang STAY.”

Eto Lang Muna

Napatitig ako dito sa “high end” cellphone units ng mga anakis ko. Ang gagara di ba? Chos!

Mga luma na ‘to. Phased out na nga yata ang model na ‘to eh. Nabili ko ‘to two years ago sa halagang 900 petot lang ang dalawang piraso.

Oo, Buy One Take One itey ng binili ko. Bale, lumalabas na tig 450 petot lang ang isa noon.  Hindi ko alam kung anong model ng Samsung ‘to. Basta ang alam ko, ‘flashlight’ lang ang meron ‘to. Walang camera at iba pang kembular chenelyn ek-ek features! Haha!

samsung cellphone1

Tig-isa si Kevin at Keziah sa selpon na ‘to.

O di ba, para HIS and HER lang ang arrive ng bigay kong selpon. :D

Habang tinititigan ko ang mga selpon nilang ‘to na nakalagay sa mesa, napag-isip isip ko, ang SWERTE ko talaga sa mga anak ko kasi ang babait. Matataas ang Emotional Intelligence. Imagine, sa dinami-dami ng mga bago at sobrang high tech na mga brand and model ng mga cellphone ngayon sa merkado, nanatiling hindi nagpapa-apekto ang mga anak ko.

Ibig kong sabihin, ni minsan hindi nila akong kinulit o pinilit na bilhan sila ng mamahalin na selpon.Sa edad ng mga anak ko ngayon, sigurado akong mas magaganda at mas mamahalin ang selpon ng mga kaibigan o classmates nila. Nagpapasalamat ako dahil sa pagdating sa peer pressure, HINDI nagpapa-apekto ang mga anak ko. MEYNTEYN!

Wa sila pakels kahit mumurahin lang ang bitbit nilang unit. Walang hiya-hiya at walang inggit-inggit na kadramahan.

samsung cellphone2

Obyus naman na sa gamit nilang unit na ‘to, hindi sila makakapag-Facebook o Twitter dito. Eh usong-uso pa naman ngayon ang social networking sa mga kabataan. Ni wala ngang camera di ba?! Again, bukod sa ringtones and alarm, flashlight lang talaga meron ‘to.

Siempre, sa loob-loob ng mga junakis ko, siguro nagwi-wish din sila na sana may mga latest gadgets din silang pag aari gaya ng iba. Kaso, grateful ako kasi naiintindihan nila na hindi ko naman kaya ibigay sa kanila ang mamahaling materyal na bagay kasi hindi ko naman afford yun. Eh yung cellphone unit nga ni Mamaru na gamit ngayon, “donated by”  lang din ang pinanggalingan nun. :D

Alam ko may ibang mga magulang na kasehodang ipagpangutang nila, basta maibigay lang sa anak ang mga materyal na luho para hindi rin mapag-iwanan sa uso. Naiintindihan ko naman ang mga magulang na yun kasi minsan ang hirap din talaga tiisin ang anak pag may hinihingi.

Basta sa ngayon, nagpapasalamat ako kay Kevin and Keziah ko. Natututo silang makuntento lang muna kung ano meron kami ngayon at mas iniisip nila na mas importante yung may nagagamit silang unit para nakakapag-text kami sa isa’t isa.

Well, pasasaan ba at darating din ang panahon na magkakaroon din sila ng mga bonggels na bagay pag nakapag-tapos sila ng pag-aaral at kumikita na ng para sa sarili nila.

Sa ngayon, maganda yung natututo muna silang mangarap para maging pursigido din silang magsumikap. Para sa akin, hindi kawawa ang mga anak ko. Mas kawawa yung mga taong hindi marunong mangarap.

Basta, ang masasabi ko lang. Ang swerte ko sa ANAK!

Yun lang pow. Bow!

 

 

oOo

“Kung ano ang meron, pagyamanin. Kung ano ang kulang, pagtrabahuhan.”

Nairaos Din

Parang ang halay yata ng title ko a. :(

Heniweys, four days ng nakatingga sa cellphone ko ang mga high school graduation pictures na ‘to ng unica hija ko. Bago pa man mapanis, kelangan ma-upload at mai-post ko na ang mga kodak na ‘tu dito sa blog ko para dokumentado eklavu kuno.

Isa ‘to sa mga importanteng “ganap” sa buhay namin mag-nanay.

Sa loob ng 21 years kong pagiging single mom, pang-6th na graduation ng mga bagets ko ‘tong dinaluhan ko. (Kindergarten, Elementary and High School x 2).

Haays…mga dalawang graduation na lang sa college ang bubunuin at paaabutin ni Mamaru. Siguro pag nakatapos na sila ng college, (si Kev mga one year na lang) eh siguro ay pwede na akong matigok at bumalik na lang dun sa kaharian naming mga engkantada/diyosa. Hehe!

Minsan kasi parang nakakapagod na rin ang maging mortal eh. Charot!

**(Click images for larger view)

Bago ko makalimutan, gusto kong pasalamatan ang waffu kong friend ko na si Roderick sa pagpapautang sa akin ng pambili ng graduation shoes ni Keziah. Taos-puso po ‘tong pagte-tenkyu ko sa ‘yo, mah friend. As in!

Dapat lang na i-acknowledge ko ang taong ‘to dahil sya lang ang tanging naging takbuhan ko last week. Hehe!

Siempre graduation eh, expected na limas na limas ang milyones na datung ni Mamaru sa dami ng binayaran sa school. Wa istir itu en I don’t have shy to telled you dis becoz its trulalu. Wahihi! Eh ganyan talaga ang mga buhay ng mga solong-magulang.

Well, kahit papano ay nakaraos din sa High School ang dalawang bagets ko.

Pero ang lahat-lahat na mga kaganapan na ‘to sa buhay namin mag-nanay, ay higit na ipinagpapaSALAMAT ko/namin dun sa itaas – kay Bathala!

Maraming salamat po! Kitang-kita ko po na hindi Nyo kami pinababayaan. Bow!

oOo

“It doesn’t matter kung hindi naa-appreciate ang effort mo, as long as masaya ka habang ginagawa ang mga yon para sa mga taong mahal mo.”

%d bloggers like this: