Eto Lang Muna

Napatitig ako dito sa “high end” cellphone units ng mga anakis ko. Ang gagara di ba? Chos!

Mga luma na ‘to. Phased out na nga yata ang model na ‘to eh. Nabili ko ‘to two years ago sa halagang 900 petot lang ang dalawang piraso.

Oo, Buy One Take One itey ng binili ko. Bale, lumalabas na tig 450 petot lang ang isa noon.  Hindi ko alam kung anong model ng Samsung ‘to. Basta ang alam ko, ‘flashlight’ lang ang meron ‘to. Walang camera at iba pang kembular chenelyn ek-ek features! Haha!

samsung cellphone1

Tig-isa si Kevin at Keziah sa selpon na ‘to.

O di ba, para HIS and HER lang ang arrive ng bigay kong selpon. 😀

Habang tinititigan ko ang mga selpon nilang ‘to na nakalagay sa mesa, napag-isip isip ko, ang SWERTE ko talaga sa mga anak ko kasi ang babait. Matataas ang Emotional Intelligence. Imagine, sa dinami-dami ng mga bago at sobrang high tech na mga brand and model ng mga cellphone ngayon sa merkado, nanatiling hindi nagpapa-apekto ang mga anak ko.

Ibig kong sabihin, ni minsan hindi nila akong kinulit o pinilit na bilhan sila ng mamahalin na selpon.Sa edad ng mga anak ko ngayon, sigurado akong mas magaganda at mas mamahalin ang selpon ng mga kaibigan o classmates nila. Nagpapasalamat ako dahil sa pagdating sa peer pressure, HINDI nagpapa-apekto ang mga anak ko. MEYNTEYN!

Wa sila pakels kahit mumurahin lang ang bitbit nilang unit. Walang hiya-hiya at walang inggit-inggit na kadramahan.

samsung cellphone2

Obyus naman na sa gamit nilang unit na ‘to, hindi sila makakapag-Facebook o Twitter dito. Eh usong-uso pa naman ngayon ang social networking sa mga kabataan. Ni wala ngang camera di ba?! Again, bukod sa ringtones and alarm, flashlight lang talaga meron ‘to.

Siempre, sa loob-loob ng mga junakis ko, siguro nagwi-wish din sila na sana may mga latest gadgets din silang pag aari gaya ng iba. Kaso, grateful ako kasi naiintindihan nila na hindi ko naman kaya ibigay sa kanila ang mamahaling materyal na bagay kasi hindi ko naman afford yun. Eh yung cellphone unit nga ni Mamaru na gamit ngayon, “donated by”  lang din ang pinanggalingan nun. 😀

Alam ko may ibang mga magulang na kasehodang ipagpangutang nila, basta maibigay lang sa anak ang mga materyal na luho para hindi rin mapag-iwanan sa uso. Naiintindihan ko naman ang mga magulang na yun kasi minsan ang hirap din talaga tiisin ang anak pag may hinihingi.

Basta sa ngayon, nagpapasalamat ako kay Kevin and Keziah ko. Natututo silang makuntento lang muna kung ano meron kami ngayon at mas iniisip nila na mas importante yung may nagagamit silang unit para nakakapag-text kami sa isa’t isa.

Well, pasasaan ba at darating din ang panahon na magkakaroon din sila ng mga bonggels na bagay pag nakapag-tapos sila ng pag-aaral at kumikita na ng para sa sarili nila.

Sa ngayon, maganda yung natututo muna silang mangarap para maging pursigido din silang magsumikap. Para sa akin, hindi kawawa ang mga anak ko. Mas kawawa yung mga taong hindi marunong mangarap.

Basta, ang masasabi ko lang. Ang swerte ko sa ANAK!

Yun lang pow. Bow!

 

 

oOo

“Kung ano ang meron, pagyamanin. Kung ano ang kulang, pagtrabahuhan.”

Nairaos Din

Parang ang halay yata ng title ko a. 🙁

Heniweys, four days ng nakatingga sa cellphone ko ang mga high school graduation pictures na ‘to ng unica hija ko. Bago pa man mapanis, kelangan ma-upload at mai-post ko na ang mga kodak na ‘tu dito sa blog ko para dokumentado eklavu kuno.

Isa ‘to sa mga importanteng “ganap” sa buhay namin mag-nanay.

Sa loob ng 21 years kong pagiging single mom, pang-6th na graduation ng mga bagets ko ‘tong dinaluhan ko. (Kindergarten, Elementary and High School x 2).

Haays…mga dalawang graduation na lang sa college ang bubunuin at paaabutin ni Mamaru. Siguro pag nakatapos na sila ng college, (si Kev mga one year na lang) eh siguro ay pwede na akong matigok at bumalik na lang dun sa kaharian naming mga engkantada/diyosa. Hehe!

Minsan kasi parang nakakapagod na rin ang maging mortal eh. Charot!

**(Click images for larger view)

Bago ko makalimutan, gusto kong pasalamatan ang waffu kong friend ko na si Roderick sa pagpapautang sa akin ng pambili ng graduation shoes ni Keziah. Taos-puso po ‘tong pagte-tenkyu ko sa ‘yo, mah friend. As in!

Dapat lang na i-acknowledge ko ang taong ‘to dahil sya lang ang tanging naging takbuhan ko last week. Hehe!

Siempre graduation eh, expected na limas na limas ang milyones na datung ni Mamaru sa dami ng binayaran sa school. Wa istir itu en I don’t have shy to telled you dis becoz its trulalu. Wahihi! Eh ganyan talaga ang mga buhay ng mga solong-magulang.

Well, kahit papano ay nakaraos din sa High School ang dalawang bagets ko.

Pero ang lahat-lahat na mga kaganapan na ‘to sa buhay namin mag-nanay, ay higit na ipinagpapaSALAMAT ko/namin dun sa itaas – kay Bathala!

Maraming salamat po! Kitang-kita ko po na hindi Nyo kami pinababayaan. Bow!

oOo

“It doesn’t matter kung hindi naa-appreciate ang effort mo, as long as masaya ka habang ginagawa ang mga yon para sa mga taong mahal mo.”

Tribute To Parents Kembular

Status update ko itey sa Fezbuk last Thursday, March 22, 2012

3-26-2012 3-08-37 PM

So, at 1pm, GO na ang young, fresh and delicious na mudrax sa skulalu ng doter para umatend ng Tribute To Parents kembular.

Wag malokah kung naka-shorts at tsinelas lang ang madir. Sabi ni doter OK lang daw, kasi waley naman nakalagay sa invitation na may dress code na dapat sundin. Tsaka Summer na gayud noh! Ka-init na sa panahon! Pesteng-yawa gayud!!

Tangkad ko! Shet!

 Me and Ziah

As usual, dalawa ang Gate Pass ko. Pang-Mr and Mrs Chuvachuchu bagah.

Well, what’s new? Eh since Kindergarten days pa ng mga kiddos ko, lagi naman akong uma-attend sa mga school activities at graduation nila ng MAG-ISA lang talaga.

empty monoblock

As expected, naka-nganga lagi ang upuan sa tabi ko. As in bakante.

Haays, kelan kaya masasagot ang FILL-IN THE BLANK na itey sa buhay ko? Asapako! Lol!

Letter/Rose

Hindi ‘to ang pers taym na umatend ako ng ganitong kaganapan sa school nila bago mag-Graduation Day. Aktwali alam ko na may “pa-iyakan portion” sa dulo ng program. Alam ko na laging may inaabot ang anak sa magulang bago magsi-uwian.

Before leaving the venue, Ziah handed me a rose and a letter. Sweet!

Share ko sa inyo, an excerpt of my daughter’s letter:

“All that I am, or hope to be, I owe to my angel MOTHER.” – A quote from Abraham Lincoln that struck me.

Ma, thank you for putting up with me all the time. I am entirely grateful to God because He gave me an amazing mother. (Sa mga hindi nakakaalam, isa po akong Fil-Am. Half Filipina, Half Amazing! Chos!)

I know raising me up is not easy. I can be really stubborn at times. I commit mistakes, but you are always there to correct me. You molded me to become the person who I am now. I will graduate in High School in a few days because of you. I would’ve never made it without an inspiration. You helped me to be where I am and wanted to be. For all those times when you wake up really early just to help me prepare for school, thank you very much.

And for all the rest, for everything, thank you. I love you very much, Ma.

Siempre, teary-eyed ang madir. Kakahiya naman kung wala akong maramdaman di ba? So, pinatulo ko ang luha sa may right eye lang. Prinaktis ko na yan. Ako feh!

Keziah

Last Thursday, ay last day rin ng unica hija ko na naka-school uniform. So, pina-pose ko siya saglit para kodakan.

Palabas at pauwi na kami, nang biglang naging nostalgic naman ang Mamaru sa mga nadaanan na tanawin sa loob ng campus. Can’t help eh. Tsarots!

LSA Football Field

Sino ba naman ang hindi?

Dito sa lumang court na ‘to unang natuto maglaro ng basketall ang unico hijo kong si Kevin noong elementary.

Sa may di kalayuan, diyan sa football field naman na yan nag umpisa din ang interest ni Kevin sa larong Frisbee na hanggang ngayon ay kinakarir pa rin nya ang paglalaro. Dumadayo pa nga sa kung saan-saan na tournament. Naging Frisbee Team Captain sya noong High School.

La Salle Academy

Dito naman sa upper floor ng building na ‘to matatagpuan ang school chapel. Dito ko una nakita si Kevin noon na nag-speech, kusang nagpabinyag ng SOLO para maging Katoliko. Napanganga ang madir! Gulat ko, eh pinabinyagan ko naman sya noong baby pa sha. Paulit-ulit?

Sa chapel din na yan, diyan ko sinusundo si Kevin/Keziah tuwing natatapos ang Recollection chenes nila noon.

Higit sa lahat, mami-miss ko ng todomax ang Cashier’s Office na nasa ground floor lang ng same building!!!!

Jusko! Paano hindi ko mami-miss ang Cashier’s Office eh SUKI ako sa pagbibigay ng Promissory Note sa kahera tuwing bayaran na ng school fees. Hehe!

Mami-miss ko rin siempre ang School Comptroller na ang bait-bait tuwing humihingi ako ang Promissory Note. Hehe ulit!

La Salle Academy

Bago ko ma-forget, gusto ko rin banggitin ang pasasalamat ko sa mga La Salle bothers lalo na kay Brother Rey na sobrang naging close sa binata ko. Ang laki ng utang na loob ko sa mga brothers at sa mga naging teachers ng mga anak ko sa school na ‘to.

Mamatay na ang sinungaling pero hindi madali ang maging Single Mom.

Pero dahil sa maayos pagga-guide ng mga teachers at ng school admin sa mga junakis ko, nakatulong talaga ng malaki sa akin. Kumbaga, parang sila ang naging katuwang ko sa pagiging Single Mom ko since Day One ni Kevin sa Kindergarten hanggang sa nakapagtapos nga ang dalawa kong anak ng High School. Maganda ang influence ng school sa kids ko.

Maniwala ba kayong nagsisimba ang mga anak ko tuwing Linggo at ako ay hindi?

Yup! Mas practicing catholic ang mga anak ko kesa sa akin. 😛

 La Salle Academy

Howel, wa na ko sey pa.

Animo La Salle! Tenkyu!

 

oOo

motherhood

Bente Uno

Dahil BERTDEY mo ngayon.magpapansit tayooooo! Lol!

21st birthday

21 is so much more than just an age. It’s totally a time for fun, great times, and looking ahead to the wonderful things yet to come!

Happy 21st Birthday to my unico hijo, Kevin!

 

oOo

You have a lifetime to work, but children are only young once.  ~Polish Proverb

Mi Hijo Hermoso

I like my son’s sense of humor. Ilang beses na rin nya ako napatawa sa mga hirit at kwento nya. At nagpapasalamat ako dahil bukod sa naging magandang lalaki sya, courtesy op kors of yours truly, namana nya dahil sa taglay kong gandang-orihinal (chos!),  eh natural pa ang pagiging funny ng unico hijo ko. 😀

Aminin na natin, plus pogi-points talaga sa lalaki pag may sense of humor, di vah?

Kaya nakakatuwa at parang tumataas na yata ang market value ng anak ko. Sa mataas at tamang halaga ay malamang pwede ko nga siguro sya maibenta o maibugaw sa matrona o bakla balang araw. Jooooke!

DSC05808

 La madre bonita y hermosa con su hijo hermoso. Charos! Punyemas!

Kahapon lang, binulaga na naman nya ako sa pagpasok dito sa kwarto ko.

KEVIN: "Ma, may joke ako."
AKO: "Hmmmn ok, ano?"
KEVIN: 
             "ANAK: ‘Nay, asan ba ang Pacific Ocean?"
            "NANAY: Yan! Yan na nga ba ang sinasabi ko! Kung saan-saan nyo kasi iniiwan. Tapos, pag nawawala na, sa akin nyo hinahanap! @#%^&$#!"

 

Happy Friday lovelies!

 

oOo

Tatlong bagay lang naman ang masarap sa mundo, ang LIBRE, ang BAWAL at AKO!

Usap 012

 

Kaninang umaga.

KEVIN: (kagigising lang at kumukuha ng maiinom sa ref) "May Isyu na naman pala ang tungkol sa Spratlys ngayon,’Ma ‘no?"
AKO: (nagkakape) "Oo. Bakit? Gusto mo bilhin?"
KEVIN: "Sana. Kaso may praktis ako ngayon e."

 

Tsk! Sayang at sobrang busy sa Frisbee practice ang anak ko. Kung nagkataon, wala na sanang pagtatalunan pa ang mga Chekwa at Pinoy kung kanino dapat mapunta ang Spratly Island.

I just love the sense of humor of my son.

 

 

oOo

"Ang buhay parang gulong… minsan nasusunog" Ruffa Mae Quinto, BOOBA (2001)

Bente Ka Na

 

 2-22-2011 8-01-40 AM

Pero ngayon eto ka na.

kevin@20

Bente anyos ka na nga! Binata na at ang laki mo na! Dami na nagbago sa yo.

Oppsss! May nagbago nga ba? Kasisilip ko lang ng kwarto mo kanina, at ganito ka pa rin

 Kevsbedroom

After 20 years, burara at makalat ka pa rin sa mga gamit moooo!! At wits end

Heniways, kahit maging sino at ano ka manako pa rin ang tangi mong madir (as if may choice ka ha!) na tanggap na tanggap ka at ako pa rin ang tangi mong taga-hanga! HALABYU!

 

HAPPY BIRTHDAY, SON!

oOo

Never say goodbye. Because saying goodbye means going away and going away means forgetting. -J.M. Barrie (Peterpan)

 

Diskarte at Handa

Sa Feb 22 pa ang 20th birthday ng unico hijo ko. Pero last week mega-request na ang mokong: "Ma, pwede bang mag-advance birthday treat ako this coming Sunday? Kahit mag lasagna ka lang at spaghetti ok na. Papuntahin ko sana ang Frisbee teammates ko dito sa bahay. More or less mga 20 kami."

Nawindang ako sa dami and to think na mostly sa kanila eh mga barako. Siempre I said OK. Parang na-stress ako sa kaiisip kung paano ako maghahanda eh mag-isa lang ako at walang katulong.

Esep-esep ang Mamaru. Kako kelangan pag-isipan ng diskarte para naman hindi ako mabugbog sa pagod sa pagluluto. Kahit lasagna lang at spaghetti ang request ng junakis ko…siempre nag isip pa rin ako kung ano pa ang ibang pwede i-serve sa mga ka-prendship nya.

Andun yung nag-isip ako na magbi-bake ng cupcakes at lagyan ng butter icing instead na bumili ng birthday cake sa labas. Para kako makita naman ng junakis ko ang special na effort ko. Andun yung maglu-lumpia, andun yung anik-anik pa ang mga binalak kung lutuin at gawin. Pero sa kahuli-hulihan, naging kabado ako sa mga binabalak ko. Eh kasi parang kakapusin ako sa oras ng paghahanda dahil may Confirmation din si Keziah noong Sabado.

Buong Sunday morning lang ang meron ako para magprepare dahil darating ang mga bisita ng mga 2pm. Ang pinaka-ayoko sa lahat ay yung dadatnan pa ako ng mga bisita na aligaga pa rin sa pagluluto sa kusina at nanlilimahid ang itsura ko. Gusto ko…pag dumating ang mga friendlalu ng anak ko…mag-iinit na lang ako sa mga dapat initin na food. O kaya magse-serve na lang ang cutiepie na madir ni Kevintot sa mga bisita. Ahihi!

Hays…trulili, sa pagpa-plano pa lang ng diskarte ay parang napagod na ako. Ako lang kasi ang kikilos sa pagluluto.

Suddenly parang may bumbilya na umilaw sa tapat ng bungo ko. (na may matching background sound na "toink!") Naisip ko bigla ang salita ng namayapang Cory Aquino. Nai-save ko ang quote na yun sa selpon ko.

Eto yung talak ng dating Presidente Cory Aquino sa doter nyang si Kris nang magbalak mag-enrol ni Kristeta ng baking noon. Diniscourage siya ni Madam Cory.

Sometimes we unnecessarily complicate our lives because we think that the more effort we put into something the better it turns out, or the more special it becomes. And yet we fail to see that there is beauty in simplicity. It is often the most simple things that turn out to be truly beautiful. True. Why torment ourselves. Time is often the best gift we can give to our families. When we waste that time unnecessarily, then we lose what we could have given in the first place.

Ayun! Nahimasmasan ako. Bakit ko pa nga ba naman pahihirapan ang sarili ko? May mga paraan naman para mapadali sa mga gagawin at makakatipid sa oras. Bakit nga ba hindi ko na lang simplehan?

Ang isang diskarte na ginawa ko? Bumili ako ng McCormick Hot and Spicy Chicken Marinade para dun sa binili kong chicken drumsticks at McCormick Chicken Pandan Marinade naman para sa chicken thighs.  Ayus! Solb na kako. Marinade lang at mababawasan na ang hirap ko. Sabado pa lang, binabad ko ng magkahiwalay ang drumsticks at thighs. Hinayaan ko syang marinated for more than 24 hours.

Kinabukasan, Linggo, magkasunod-sunod kong ni-roast sa oven ang mga hiwa ng manok…then isinunod ang lasagna….then imbes na spaghetti…nag carbonara ako.

collage

Yung cake at ibang food? Ay naku! Binili na lang namin sa labas noh! Pareho lang naman din yun. Haha!
Ayun! Wala pang alas onse ng umaga….tapos na ako sa pagluluto. Nagkaroon pa ako tuloy ng oras para makapagtampisaw at maligo sa ulan. Hehe! Nauna ko nga lang nai-post dito sa blog yung ligo ko sa ulan.

Kevin had a good time with his friends here at home last Sunday. Pwera sa pasta carbonara na may konting natira, ubos ang handa! Dabest daw yung roasted chicken. Dabest daw yung lasagna ko. Naks! Pero ang pinaka-dabest sa nangyari noong Linggo ay ang makita ko ang bagets kong masaya at kuntento sa ginawa kong pagtupad sa hiling nya…kahit napaka-simple lang preparasyon namin.

Sarap maging nanay, pramis!

 

5 simple rules to be happy: Free your heart from hatred. Free your mind from worries. Live simply. Give more. Expect less.

Usap 009

Habang nagdi-dinner kami kagabi (alangan naman dinner sa umaga, hello!), napag-usapan namin ng mga bagets ko ang tungkol sa nangyayari sa Egypt.

Bisaya salita namin kaya translate ko na lang sa tagalog ha?

KEVIN: "Ma, ano ba talaga ang nangyayari dun sa Egypt, ano ba dahilan ng civil unrest dun?"

MAMARU: (nagdunong-dunungan at ipinaliwanag ang tunay na dahilan ng gulo. ahem!) "Blah! Blah! Blah!…"

MAMARU: "Tsk!…pati nga internet dun na-cut na din eh."

KEVIN: "Oo nga daw. ‘La na internet kaya dapat iba na ang itawag sa kanila."

MAMARU: "Huh? Ano?"

KEVIN: Imbes E-gyptians, dapat Gyptians na lang. Hee hee

MAMARU: Frustrated

 

oOo

Don’t hold anything against those who did you wrong, ask GOD for peace. Let go of grudges make LIFE easier. -Alex Jeanty