Maalala ko, unang araw ng Bagong Taon, nang maglinis at nag-ayos ng closet nya ang unica hija ko. Impernes, hindi ko sya inutusan ha.
Sikreto naman akong nasiyahan sa pagkukusa ng doter ko na maging maayos sa mga gamit nya.
Sana lagi nya maalala na, ayos ang maging maayos. Dahil talaga naman makakaiwas tayo sa stress ng daily living pag less clutter ang palibot natin.
Kahit sa mga uniform nya sa school, ako lang ang naglalaba pero never naman ako pinaghanda at pinagplantsa ng mga uniform nya. Sa gabi pa lang bago matulog si Doter, inihahanda na ang mga isusuot at gamit nya.
Sinilip ko ulit ang locker nya kanina. Hmmmn…kahit papano medyo maayos pa rin naman ang pagkalagay ng mga damit at mga abubot nya.
Kunsabagay, proud naman ako kay Keziah ko kasi malinis, maayos at hindi burara sa mga gamit nya.
Kumpara kay Kevin? Ayyy! Pass! No comment ang madir!
oOo
"Ang PAG-IBIG ay parang pera, pag hindi totoo, hindi tinatanggap."





