EsttoRi Boc

Graveeh! Parang kapipikit ko lang yata ng mga mata ko para matulog noong July 31, tapos ngayon pagdilat ko, August 6 na agad? Tsk! Parang naka-Fast Forward lang ang mga araw ngayon.

Hays…paulit-ulit ko na lang yata sinasabi na ang bilis ng mga araw ngayon. As in hindi maubos-ubos ang gulat ko. Eh, totoo naman kasi.

Ang mga araw, parang mga uban ko lang sila sa buhok ko. Parang may karera ang mga linsyak na uban sa pag-uunahan paglabas para ipagsigawan sa world na isa na akong tandercat! Putana!

Buti na lang talaga bago pa man sumulpot noon ang  mga grey hair ko, ay maaga na ako nakapag-retire mula sa corporate world. Charot! Maaga akong nakapag-kuyakoy sa buhay.

Hindi nga. Buti na lang, kinder pa lang si Keziah ko noon ng mag decide ako na tumigil mamasukan bilang pribadong empleyado at nagpaka-fulltime na lang aketch as kasambahay slash julalay slash muchacha slash alila ng mga bagets ko. Gradweyt nga pala ang Mamaru ng Accounting.

FYI, ni minsan hindi ako nagsisi na maaga akong tumigil sa pagta-trabaho sa mga upisina. Etong buhay ko ngayon kasi ang pini-piktyur ko sa sarili ko kahit noon pa. Kako, paglaki ko gusto ko maging young, fresh and delicious stay-at-home homemaker. Syet! Hihi! At pursigido akong i-pursue ang gusto ko sa buhay. Kako. magka-mister man o wala, kever! Gusto ko nasa bahay lang ako. Para sa akin, bahay ko, paraiso ko. Ako ang hari/reyna ditey!

Heniweys, nostalgic ng slight ang mood ko ngayon dahil sa nakita kong pirasong papel na ‘to habang nag-aayos ng mga gamit ng anakis ko.

Kaya nasabi kong it’s so bilis the days now kasi parang kelan lang eh nag-uumpisa matuto si Keziah ko mag sulat. Parang kailan lang ay excited much si doter at halos lahat ng mga gamit nya ay sinusulatan ng name nya. Ngayon kasi ay college na sya.

DSC02460_thumb[2][1]

Galing ‘to sa first Bible Story Book ni Keziah.

Nangingiti ako lagi pag nababasa ko ‘tong “EsttoRi Boc” nya. Pati name nya eh wrong spelling! Kesiah imbes na Keziah. K-2 lang sya neto noon.

At nang tumuntong sya sa Grade School, siempre dahil sa nag-level up na si unica hija ko, pero binalikan at sinulatan nya ulit ang esttori boc nya. Impernes, yung TAMA na!

DSC02457_thumb1

Pinamigay ko na ang Bible Esttori Boc ng anak ko para naman mapakinabangan din ng iba. Pero bago ko binigay, pinilas ko muna ang page na ‘to. 😀

 

oOo

“Find a woman who makes you feel more alive. She won’t make life perfect but she’ll make it infinitely more interesting.”

Nairaos Din

Parang ang halay yata ng title ko a. 🙁

Heniweys, four days ng nakatingga sa cellphone ko ang mga high school graduation pictures na ‘to ng unica hija ko. Bago pa man mapanis, kelangan ma-upload at mai-post ko na ang mga kodak na ‘tu dito sa blog ko para dokumentado eklavu kuno.

Isa ‘to sa mga importanteng “ganap” sa buhay namin mag-nanay.

Sa loob ng 21 years kong pagiging single mom, pang-6th na graduation ng mga bagets ko ‘tong dinaluhan ko. (Kindergarten, Elementary and High School x 2).

Haays…mga dalawang graduation na lang sa college ang bubunuin at paaabutin ni Mamaru. Siguro pag nakatapos na sila ng college, (si Kev mga one year na lang) eh siguro ay pwede na akong matigok at bumalik na lang dun sa kaharian naming mga engkantada/diyosa. Hehe!

Minsan kasi parang nakakapagod na rin ang maging mortal eh. Charot!

**(Click images for larger view)

Bago ko makalimutan, gusto kong pasalamatan ang waffu kong friend ko na si Roderick sa pagpapautang sa akin ng pambili ng graduation shoes ni Keziah. Taos-puso po ‘tong pagte-tenkyu ko sa ‘yo, mah friend. As in!

Dapat lang na i-acknowledge ko ang taong ‘to dahil sya lang ang tanging naging takbuhan ko last week. Hehe!

Siempre graduation eh, expected na limas na limas ang milyones na datung ni Mamaru sa dami ng binayaran sa school. Wa istir itu en I don’t have shy to telled you dis becoz its trulalu. Wahihi! Eh ganyan talaga ang mga buhay ng mga solong-magulang.

Well, kahit papano ay nakaraos din sa High School ang dalawang bagets ko.

Pero ang lahat-lahat na mga kaganapan na ‘to sa buhay namin mag-nanay, ay higit na ipinagpapaSALAMAT ko/namin dun sa itaas – kay Bathala!

Maraming salamat po! Kitang-kita ko po na hindi Nyo kami pinababayaan. Bow!

oOo

“It doesn’t matter kung hindi naa-appreciate ang effort mo, as long as masaya ka habang ginagawa ang mga yon para sa mga taong mahal mo.”

Tribute To Parents Kembular

Status update ko itey sa Fezbuk last Thursday, March 22, 2012

3-26-2012 3-08-37 PM

So, at 1pm, GO na ang young, fresh and delicious na mudrax sa skulalu ng doter para umatend ng Tribute To Parents kembular.

Wag malokah kung naka-shorts at tsinelas lang ang madir. Sabi ni doter OK lang daw, kasi waley naman nakalagay sa invitation na may dress code na dapat sundin. Tsaka Summer na gayud noh! Ka-init na sa panahon! Pesteng-yawa gayud!!

Tangkad ko! Shet!

 Me and Ziah

As usual, dalawa ang Gate Pass ko. Pang-Mr and Mrs Chuvachuchu bagah.

Well, what’s new? Eh since Kindergarten days pa ng mga kiddos ko, lagi naman akong uma-attend sa mga school activities at graduation nila ng MAG-ISA lang talaga.

empty monoblock

As expected, naka-nganga lagi ang upuan sa tabi ko. As in bakante.

Haays, kelan kaya masasagot ang FILL-IN THE BLANK na itey sa buhay ko? Asapako! Lol!

Letter/Rose

Hindi ‘to ang pers taym na umatend ako ng ganitong kaganapan sa school nila bago mag-Graduation Day. Aktwali alam ko na may “pa-iyakan portion” sa dulo ng program. Alam ko na laging may inaabot ang anak sa magulang bago magsi-uwian.

Before leaving the venue, Ziah handed me a rose and a letter. Sweet!

Share ko sa inyo, an excerpt of my daughter’s letter:

“All that I am, or hope to be, I owe to my angel MOTHER.” – A quote from Abraham Lincoln that struck me.

Ma, thank you for putting up with me all the time. I am entirely grateful to God because He gave me an amazing mother. (Sa mga hindi nakakaalam, isa po akong Fil-Am. Half Filipina, Half Amazing! Chos!)

I know raising me up is not easy. I can be really stubborn at times. I commit mistakes, but you are always there to correct me. You molded me to become the person who I am now. I will graduate in High School in a few days because of you. I would’ve never made it without an inspiration. You helped me to be where I am and wanted to be. For all those times when you wake up really early just to help me prepare for school, thank you very much.

And for all the rest, for everything, thank you. I love you very much, Ma.

Siempre, teary-eyed ang madir. Kakahiya naman kung wala akong maramdaman di ba? So, pinatulo ko ang luha sa may right eye lang. Prinaktis ko na yan. Ako feh!

Keziah

Last Thursday, ay last day rin ng unica hija ko na naka-school uniform. So, pina-pose ko siya saglit para kodakan.

Palabas at pauwi na kami, nang biglang naging nostalgic naman ang Mamaru sa mga nadaanan na tanawin sa loob ng campus. Can’t help eh. Tsarots!

LSA Football Field

Sino ba naman ang hindi?

Dito sa lumang court na ‘to unang natuto maglaro ng basketall ang unico hijo kong si Kevin noong elementary.

Sa may di kalayuan, diyan sa football field naman na yan nag umpisa din ang interest ni Kevin sa larong Frisbee na hanggang ngayon ay kinakarir pa rin nya ang paglalaro. Dumadayo pa nga sa kung saan-saan na tournament. Naging Frisbee Team Captain sya noong High School.

La Salle Academy

Dito naman sa upper floor ng building na ‘to matatagpuan ang school chapel. Dito ko una nakita si Kevin noon na nag-speech, kusang nagpabinyag ng SOLO para maging Katoliko. Napanganga ang madir! Gulat ko, eh pinabinyagan ko naman sya noong baby pa sha. Paulit-ulit?

Sa chapel din na yan, diyan ko sinusundo si Kevin/Keziah tuwing natatapos ang Recollection chenes nila noon.

Higit sa lahat, mami-miss ko ng todomax ang Cashier’s Office na nasa ground floor lang ng same building!!!!

Jusko! Paano hindi ko mami-miss ang Cashier’s Office eh SUKI ako sa pagbibigay ng Promissory Note sa kahera tuwing bayaran na ng school fees. Hehe!

Mami-miss ko rin siempre ang School Comptroller na ang bait-bait tuwing humihingi ako ang Promissory Note. Hehe ulit!

La Salle Academy

Bago ko ma-forget, gusto ko rin banggitin ang pasasalamat ko sa mga La Salle bothers lalo na kay Brother Rey na sobrang naging close sa binata ko. Ang laki ng utang na loob ko sa mga brothers at sa mga naging teachers ng mga anak ko sa school na ‘to.

Mamatay na ang sinungaling pero hindi madali ang maging Single Mom.

Pero dahil sa maayos pagga-guide ng mga teachers at ng school admin sa mga junakis ko, nakatulong talaga ng malaki sa akin. Kumbaga, parang sila ang naging katuwang ko sa pagiging Single Mom ko since Day One ni Kevin sa Kindergarten hanggang sa nakapagtapos nga ang dalawa kong anak ng High School. Maganda ang influence ng school sa kids ko.

Maniwala ba kayong nagsisimba ang mga anak ko tuwing Linggo at ako ay hindi?

Yup! Mas practicing catholic ang mga anak ko kesa sa akin. 😛

 La Salle Academy

Howel, wa na ko sey pa.

Animo La Salle! Tenkyu!

 

oOo

motherhood

Sweet Sixteen

Kahapon, ubos ang maghapon ko sa pag-bake netong Cookies and Cream No-Bake Cheesecake, nire-ready ko lang, eh kasi BERTDEY lang naman ngayon ng unica hija ko.

DSC06403_2

To my Sweet Sixteen.
Take chances. Go for the person you’re in love with.
Stand up for what you think is right.
Laugh all the time.
Stay confident. Have amazing friendships.
Be yourself. Sleep late on the weekends. Try new things.
Take amazing pictures. Make great memories.
Live your life to the fullest.

Always remember, me, Kuya and Sang, we love you so much! 😛

 ziah1 ziah6

 ziah10  ziah4

 ziah7  ziah9

ziah8 ziah3

 

 

oOo

Commitment ang pinakamagandang regalo kapag nagmamahal tayo."

Ayos Ang Maging Maayos

DSC05879Maalala ko, unang araw ng Bagong Taon, nang maglinis at nag-ayos ng closet nya ang unica hija ko. Impernes, hindi ko sya inutusan ha.

Sikreto naman akong nasiyahan sa pagkukusa ng doter ko na maging maayos sa mga gamit nya.

Sana lagi nya maalala na, ayos ang maging maayos. Dahil talaga naman makakaiwas tayo sa stress ng daily living pag less clutter ang palibot natin.

Kahit sa mga uniform nya sa school, ako lang ang naglalaba pero never naman ako pinaghanda at pinagplantsa ng mga uniform nya. Sa gabi pa lang bago matulog si Doter, inihahanda na ang mga isusuot at gamit nya.

Sinilip ko ulit ang locker nya kanina. Hmmmnkahit papano medyo maayos pa rin naman ang pagkalagay ng mga damit at mga abubot nya.

Kunsabagay, proud naman ako kay Keziah ko kasi malinis, maayos at hindi burara sa mga gamit nya.

Kumpara kay Kevin? Ayyy! Pass! No comment ang madir!

 

 

oOo

"Ang PAG-IBIG ay parang pera, pag hindi totoo, hindi tinatanggap."

Kulot-Kulutan

Noong kapanahunan ko bilang teenager (dekada nobenta po. charot!), ni minsan hindi ko naalalang gumamit ako ng rollers sa buhok ko. Susme! ni magsuklay nga ng buhok ko noon ay tamad ako, eh magsabit pa kaya ng mga bagay na parang mga battery sa hairlalu ko?

Pero tong anakis ko ngayon, si Ziah, bilib ako ha – ang tiyaga at ang sipag! Antotink, fifteenkinse anyos lang ang edad nya! Josko! Ano pa kaya pag nasa 20s na siya?

Hindi naman ako ganyan mag-inarte noon, so kanino siya nagmana? Anak ko nga ba siya, Lord? Chos!

Babaeng-babae nga tong bagets ko dahil sa ngalan ng kaartehan eh magtitiis yan na matutulog na naka-rollers ang ulo. Ewan ko kung nakakatulog sya ng maayos na may ganyan ang ulo nya. Usong-uso na naman kasi ngayon ang kulot-kulutan na buhok di ba?

Ziah In Pink Rollers

Ayan! Hindi nya alam eh kinodakan ko sha kagabi habang namamangha sya sa nangyayaring APPARITION sa harap nya. Hehe! Joke lang, nanonood po sya ng Gandang Gabi Vice sa TV dito.

 

oOo

I smile because youre my DAUGHTER. I laugh because there is nothing you can do about it.

From My Keziah

An artwork…”portrait” ni Mamaru, pinadala sa Gmail galing sa unica hija kong si Keziah. Pang-Mother’s Day artwork niya sa akin. Hehe! Di ko napigilan mangiti kasi yung gupit ng hair ko ngayon ay kuhang-kuha dito sa drawing nya. At ang payat ko dito ha! Eyelabit! Kunsabagay, nabawasan din talaga ako ng timbang. Higit sa lahat, natawa ako kasi naka-dress nga ako pero naka-tsinelas naman. Howel, ang totoo ay madalas kasi naka-tsinelas lang talaga ako. (Mas kalurkey naman kung nasa bahay lang naman ako tapos naka-heels lagi?!)

 Picture-2 (1)

H A P P Y  M O T H E R’s  D A Y

oOo

Tuesday Blah Blah

Martes na pero sure na sure ako, may hangover pa ang iba mula sa mahabang break dahil sa semana santa. Ako nga ay may hangover din eh. Charot! Siempre, ako at ang mga bagets ko, we spent the holiday at the happiest place on earth. Where else? Our home!

Noong Easter Sunday, nag-celebrate din kaming magnanay sa resurrection ni Jesus ditey sa mansiones namin sa pamamagitan ng simpleng salu-salo  ng spaghetti at garlic bread. At dahil pamilyang-pinoy kami, siempre may hotdog na sangkap ang spaghetti namin. Lol! Tabi ka muna Jollibee, mas yummy ang spag ni Mamaru.

Pinoy Style Spaghetti

As usual, walang labasan ng bahay ang arte namin noong Holy Week (at kahit naman hindi Holy Week eh). DVD marathon, lafang, internet at tulog lang ako. Hah! Sino may sabi na hindi ako pwede magbuhay-reyna? Sinoooo? Hihi!

Si unica hija ko naman. Eto ang inatupag.

Artwork nya.

Ewan ko kung sino ang nasa isip nya dito.

Ako yata? Lol! Char lang!

DSC03032_2

DSC03066_2

DSC03069_2

DSC03068_2

DSC03071_2

DSC03072_2

H A P P Y  T U E S D A Y everyone!

oOo

 

Nothing is permanent in this wicked world. Not even our troubles ~ Charles Chaplin

.

Cheese Cupcake

Ang mahal na ng birthday cake ngayon. Almost 600 petot na yata ang mga cake ng Red Ribbon o Goldilocks. Susme, mas mahal pa pag made-to-order ang birthday cake.

Ang totoo masakit sa bulsa para sa isang single mom na gaya ko na solong nagtataguyod ng dalawang anak ang mga ganung presyo. Bato na ang damdamin ko pag nasasabihan na ang barat o ang kuripot ko naman. Ay, keber ko naman! Buti sana kung pensionada ang Mamaru mula sa fadir ng mga anak, kaso waley. Ni singkong duling.

Heniways, sa kagustuhan kong makatipid ng pambili ng birthday cake ni Keziah last month. Dumiskarte ako ng paggawa ng birthday cupcakes. Tutal, bukod sa talent ko sa cartwheel tumbling with matching split, may skill din po ako sa pagbi-bake. Marunong na rin lang ako magluto, nagsipag na lang aketch nong bertdey ng unica hija ko. Mahigit kasi sa kalahati ng presyo ng isang commercial cake ang matitipid kong datung.

Siempre, I talked to my daughter muna kung ok lang sa kanya ang cupcakes. At dahil mana sa nanay ang kabaitan ng mga anakis ko, hindi naman sila garboso eh oks lang daw at waley problema. Mas ok pa nga ang naging desisyon ko kasi nagkaroon pa tuloy kami ng bonding moment ng doter ko.

Ako na ang gumawa ng mga cupcake at ng butter cream icing, si Ziah na ang hinayaan ko maglagay ng sprinkles/confetti at iba pang burloloy sa bawat cupcake. Hinayaan ko sha sa diskarte nya.

birthday cupcakes

cupcakeKeziah and her cupcakes

 cheese cupcakes cheese cupcakes with butter frosting cheese cupcakes with butter frosting birthday caupcakes 

birthday cupcakesbirthday cupcakes

Yummy naman tingnan ang mga cupcake ko di ba? Lol!

Uy! Wag ismolin, may halong pagmamahal ng ina ang pagkagawa nyan. 😛

Ok, lemme share you the recipe. 

CHEESE CUPCAKE

Ingredients:

  • 1 cup Butter
  • 2 cups Sugar
  • 4 Eggs
  • 41/2 cups Cake Flour
  • 3 tsp Baking Powder
  • 1 can tall Condensed Milk
  • 2 cups grated Cheese
  • 2 tsp Vanilla Essence

Procedure:

  1. Cream butter. Add sugar gradually.
  2. Add eggs one at a time.
  3. Add flour alternately with condensed milk.
  4. Fold-in grated cheese.
  5. Transfer to prepared mold or greased and dusted tray.
  6. Bake in moderate oven for 20 minutes.

BUTTER CREAM ICING

  • 1 cup Butter
  • 1 cup All Purpose Cream
  • 1 cup Confectioner Sugar

Cream butter, add confectioner sugar. Then add cream, beating well after each addition.

oOo

I am not a perfect mother and I will never be. You are not a perfect daughter and you will never be. But put us together and we will be the best mother and daughter we would ever be.Zoraida Pesante

Kinse

Karga-karga lang kita noon. . .

2011-01 (Jan)3

. . . akap-akap kahit bungi-bungi ka,

2011-01 (Jan)2

Pagkatapos ng 1,2,3,4,5,6,7,8,9,10,11,12,13,14,15 na taon. . .

Parang si Kuya mo…eto ka na ngayon. . .

Keziah@15

. . . ayayay! youre so laki-laki na!

Ako na lang talaga ang hindi lumaki sa atin tatlo ng kuya mo. 🙁 At baka maunahan mo pa ako makapag-asawa ha?! Crying Char!

HAPPY BIRTHDAY, TEH!

oOo

There is only one pretty child in the world, and every mother has it.