Ilang kembot na lang pala eh Balentayms Day na.
Howel, as if naman eksayted akels. Di noh!
Mula ng nagkaroon ako ng di malilimutang karanasan sa araw ng mga puso na yan, tumiwalag na ako sa pananampalataya at pagiging deboto ko kay St. Valentine.
Mula noon wa na akey pakels sa balentayms chuchu na yan. Para sa akin, mas masaya at exciting pa pag sumasapit ang araw ng UNDAS kesa Balentayms Day. (Ganeeeeern!?)

Eh Mamaru, ano ba kasi ang nangyari noon at bitter-bitteran ang tono mo ngayon?
Am sure yan ang unang tanong sa isip ng mga tsismoso/tsismosa kong mga readers. Hihihi!
Paano ko nga ba naman mapo-forget ang February 14 na yan. Once upon a time ay hiniwalayan lang naman ako noon ng be-ep ko sa mismong sagradong araw na yun ng mga hopeless romantic.
Oh di vah, ang taray ng jowa ko noon. Hindi man lang ginawang advance na lang ang pakipag-break, tinaon na February 13 na lang sana (tutal sabi nila malas daw ang 13), o kaya hinintay na lang muna na lumipas ang isang araw at ginawang February 15 na lang sana.
Kaso waley talaga. Sa dinami-dami ng petsa na pwedeng pagpilian, yun pa! Talagang hindi nagpatawad. Halatang may halong POOT at pagkaSUKLAM yata sa akin…hindi na nagpa-awat o nagpatumpik tumpik pa. Break na tayey! Ganun ang drama ng lolo nyo.
I was dumped early morning ng Valentines Day mismo! Toink! Imbes roses ang ipadala sa akin noon, isang mensahe na punong-puno ng tinik ang napiling ipadala. Ang Tarush!
Aminin ko, sobrang nasaktan ako noon, Ate Charo.
Ang chakit-chakit!
Minsan pag naaalala ko yun, hindi ko alam paano ko nakayanan ang sakit na naramdaman ko noon. Tsura lang talaga ng isang artista sa teleserye na may eksenang unti-unti at dahan-dagan na dumadausdos ang likod sa pagkasandal sa dingding, sapo-sapo ang dibdib dahil sa sobrang kirot na nararamdaman at napapaupo na lang sa sahig sabay lupasay at hagulhol… Charoooot!
Di nga, isa yun sa mga araw ng buhay ko na wala akong ibang choice kundi ang magtapang-tapangan na lang at magpakatatag. Bow!
Pero wa istir yun, mga ateng! Hindi matatawaran ang intensity ng pain na ininda ko noon. Marahil naging ganun kasakit sa akin kasi nangyari pa mismo sa ARAW NG BALENTAYMS. Eh ako pa, aminado akong isang hopeless romantic din. Kaya panira ang pangyayaring yun sa araw na tinuturing kong sagrado. Lol!
Altho nagkapatawaran na kami, nag-iwan pa rin sa akin ng kakaibang peklat o kaya di kanais-nais na after taste ang Balentayms Day ko na yun.
Heniweys, para sa natitira pang mga deboto ni St. Valentine, wish ko pa rin sa inyo na nawa’y maging masaya pa rin kayo sa Araw ng mga Puso. Enjoy the kilig! Kanya-kanya lang talaga tayo ng kapalaran. Masarap pa rin naman ang ma-inlab. Nagkataon lang na nawalan na ng dating sa akin ang Balentayms.
Basta para sa akin, walang petsa na katorse ang buwan na to sa kalendaryo at planner ko. Deretso February 15 na agad! Araw ng sweldo na agad! Leches! Hihihi!
oOo
"Kapag iniwan nila tayo, kahit gaano pa tayo katapang at kalakas, iiyak at iiyak pa rin tayo."