Category Archives: Holiday Craft

Tuloy Ang Buhay

Tapos na ang Pasko at may bagong Taon na ulit.

Umalis at balik-trabaho na ulit ang unico hijo ko sa Manila at balik-eskwela naman si Doter ko kanina.

Haw abawt si Mamaru?

Eto…balik din sa dating gawi. Hehe.

Balik ulit sa normal everyday na gawain at iba’t-ibang kashitan sa buhay. Wala akong reso-resolution kiyeme ngayong taon. Basta para sa akin….tuloy-tuloy lang ang buhay.

Heniwey, nagbaklas at nagligpit na ako ng mga Xmas abubots ko.

MaruXmasDIY-001

Eto ang ilan sa mga Xmas abubot ko na puro D.I.Y. karamihan.

MaruXmasDIY

Puro mga sariling gawa ko lang ang mga dekorasyones ko dito sa mansiones ko dahil…siempre,  wala akong panggastos eh iba na ang matipid sa gastos, di ba? Sus, ako feh! Ganyan naman talaga kaming mayayaman, kaming mga nasa alta sosyedadAu naturel na sa amin ang pagiging matipid. Chos!

MaruXmasDIY-002

Kahit nga yung mga pambalot ko ng mga gips noong Pasko…mga recycled ribbons lang ang ginamit ko. Again, nagtitipid eh.

Kaya mga ineng, wag nyo itatapon yung mga ribbon na ipinangtatali sa box tuwing bibili kayo ng cake gaya nang sa Red Ribbon. :D Dahil sa panahon ng kapaskuhan…may paggagamitan kayo ulit ng mga yun.

MaruXmasDIYwrap

Pattern paper lang din ang ginamit ko as gift wrapper last Xmas kasi sa halagang P1.50 lang ang isa, eh madami na ang nababalot. Sticker paper naman ang ginamit ko as gift tag. More or less mga P70.00 lang lahat-lahat ang nagastos ko sa gift wrapping tralala ko. Sabi nga nung pauso na kasabihan, diska-diskarte din pag may time.

Again, it’s a brand new year! So. . .

today

Ewan ko sa inyo kung ano mga plano nyo sa buhay nyo. ‘La ako paki! (Joke!)

Basta ako. . .simple lang ang plano ko. Gusto ko lang mabuhay. Hahaha! Meynteyn!

Happy New Year, bitches en sonabagans!

 

 

oOo

“Matuto sa nakaraan, maghanda para sa kinabukasan, mabuhay sa kasalukuyan.”

Tuloy Na Tuloy Ang Pasko

Kahit ilang araw na lang ay Pasko na, hindi pa rin ako nagpapaawat sa paggawa ng kung anik-anik na dekorasyon dito sa hauslalu ko. Parang ang OA ko na nga eh.

Pero dekorasyon lang naman na hindi ko na kelangan pagkagastusan ng bongga.

mini xmas tree

May bago akong mini-christmas trees na gawa sa balat ng plywood na nalaglag mula sa ceiling ko. Hehe!

Inaanay na kasi yata ceiling ko ah. Naglaglagan na.

mini xmas tree-001

May garland din.

 xmas garland

Ho! Ho! Ho!

xmas garland-001

Nag umpisa na rin kami ni Keziah magbalot ng gips.

 brown bag wrap

BROWN SUPOT. Para walang gastos sa krismas wrapperat tutal madami kaming brown supot na pang-microwave popcorn namin dito, eto na pambalot namin.

brown bag wrap-001

O di vah, para-paraan lang yan!

brown bag wrap-002

Hindi man sosyal ang dating ng pagkabalot eh wala akong pakialam! Lol!

Wala naman yan sa wrapper eh. (Nag-esplika.)

brown bag wrap-003

Matuloy man o hindi ang Gangnam Style Concert ni Psy dito sa Pinas, Kebs!

Basta tuloy na tuloy pa rin ang Pasko. :D

Happy Wednesday everyone!

 

 

oOo

"Dear Inaanak, maglaro tayo ng tagu-taguan sa Pasko."

DIY Plastic Bag Xmas Wreath

Nakakatuwang tingnan at malaman na karamihan na ng mga malls sa Metro Manila ay natuto ng gumamit ng mga brown bags at pinababayaran na ang mga plastic bags na gagamitin sa pagbabalot ng mga pinamili pag walang dala na shopping bags ang customer. Ok yun, para maging menos na talaga ang plastic na basura at mahikayat na rin ang mga mamimili na magdala ng reusable shopping bags.

Dito sa kuta kowala pa kaming ordinansa na nagbabawal ng paggamit ng mga plastic bags sa tindahan. Pero kahit wala pa kaming batas na ganun dito, si Mamaru ay inugali na ang pagdadala ng reusable shopping bag kahit noon pa. Laging may lugar sa bag ko ang foldable shopping bag pag umaalis ako kasi bukod sa convenient sa pagbitbit ng mga pinamilieh para maging menos na rin ang mga tinatabi kong grocery plastic bags dito sa bahay.

Heniweys, mga totoo na nga kami dito sa bahay ngayon. Menos na ang plastic sa amin kasi ginawa ko na silang pang dekorasyon kahapon! :P

Looky! Looky! My DIY Christmas Wreath na gawa sa plastic bags!

DIY Plastic Bag Xmas Wreath

Mga gamit ko: Pundidong circular light bulb (pwede rin alambre), at sandamakmak na kahit anong white grocery plastic bags (kasama na yung sando bags).

Paraan: Gugupit-gupitin lang ang mga plastic sa pare-parehong sukat at itali. Ganun lang!!! Yakang-yaka to gawin ng mga bagets nyo, mga ateng!

DIY Plastic Bag Xmas Wreath-001

Kung gusto mo ng dagdag na kaartehandepende sa gusto mo, ay pwede rin!

DIY Plastic Bag Xmas Wreath-002

Kung may mga alahas kang mga TUNAY na diamonds, gold, o pearls na hindi na ginagamit o napagsawaan mo na, pwede mo rin idikit dito bilang dagdag na palamuti! Eksaherada!

DIY Plastic Bag Xmas Wreath-003

 

DIY Plastic Bag Xmas Wreath-004

 

Dalawa ang pundidong circular light bulbs ko kaya dalawa rin ang ginawa kong korona na isinabit magkabilaan sa bintana ng entrance namin.

DIY Plastic Bag Xmas Wreath-005

:D Happy Sabaders!

 

 

oOo

Habang may buhay may pag-asa, hindi yung habang may buhay may pinapaasa.

DIY Toilet Paper Rolls Wreath

DIY ToiletPaperRoll Xmas Wreath

Mga basyo ng toilet paper o kaya kitchen paper towel namin ay nunca kong itinatapon.

DIY ToiletPaperRoll Xmas Wreath-001

Eh kasi nga madami syang pwedeng gawin basta ba may tiyaga ka lang mag-ipon.

DIY ToiletPaperRoll Xmas Wreath-002

At konting paandar sa creativity chararat mo.

Akwali madami pwedeng gayahin na mga style ng TP wreath na nagkalat sa internet, i-Google mo lang.

DIY ToiletPaperRoll Xmas Wreath-003

Tadaaah! May unique Xmas wreath ka na!

DIY ToiletPaperRoll Xmas Wreath-005

Isinabit ko yung dalawa sa mga ginawa ko sa door ng 2 bedrooms namin.

DIY ToiletPaperRoll Xmas Wreath-006

 

 

oOo

“Yung mga babaeng pinangangalandakan na single siya! Anong gusto mo, landiin ka?”

Its Beginning To Feel A Lot Like Christmas…

Wala ng makakapigil pa. Matutuloy talaga ang Pasko sa pamamahay ko. Lol!

Bising-bisi akey sa mga kung anik-anik.

XmasDecor-001

XmasDecor

XmasDecor2012-003

XmasDecor2012

XmasDecor2012-001

XmasDecor2012-002

XmasTree2012

XmasTree2012-002

XmasTree2012-001

It’s so truelagen talaga. Christmas,  It’s the most wonderful time of the year. :D

 

Happy weekend everyone!

oOo

“Kapag puro pangit na lang ang nangyayari sa buhay mo, tumingin ka lang sa salamin. Para makakita ka ng maganda.”

Pulot

May duda akong noong past life ko (noong hindi pa ako nare-reincarnate bilang josa), ay isa akong babaeng grasa o isang taong nangangalakal na mahilig mamulot ng basura sa kalye.

Kasi kaninang umaga lang, nang bumili kami ni Sang ng pandesal sa panaderya ay may nadaanan kaming mga tuyong sanga sa gilid ng kalye. Well,  ano pa nga ba ginawa ko kundi pinulot ko ‘to at inuwi sa mala-mansion kong bahay. Chos!

Pati aso ko nagtaka sa biglang pagbitbit ko neto at inamoy-amoy niya agad kung ano meron dito sa inuwi ko. Ewan ko ba, ang hilig-hilig ko mamulot.

xmas decom idea-003

Naisip ko lang kasi na tamang-tama ‘tong napulot ko mga sanga para pagsabitan ng mga ginawa ko kahapon. Ang mga kunya-kunyarian na snowflakes, na gawa sa mga disposable empty container ng jelly snacks.

 xmas decom idea

Imbes na itapon na lang ang mga plastic, kako pwedeng kong gawin dekorasyon itey.

xmas decom idea-001

Tapos ginamitan ko ng white spray paint.

White, kasi nga snowflakes kunyari, di ba?

xmas decom idea-002

Then I make sabit-sabit them to my pinulot na mga xanga-xanga.

xmas decom idea-004

O ha! Nagkaroon na kami instant DIY Christmas Tree na nakapwesto ngayon sa labas ng pintuan namin. Simple lang pero proud ang Mamaru kasi zero-gastos ako dito.

oOo

“Kung hindi niya pinapahalagahan ang effort mo, panahon na siguro para ipakita mo na hindi siya kawalan sa buhay mo.”

Simple Table Centerpiece

centerpiece idea

Gamit ang malikhaing isip, ganda at alindog… Charot!

centerpiece idea-001

Ay nakagawa ako ng simple table centerpiece na ‘to dahil sa…

vigil candles

May sobra akong vigil candles noong Undas. Hehe!

sushi plates

May sushi plates ako.

boracay sands

May buhangin akong imported from Boracay Island. (Oo, nag-uwi ako ng isang litrong buhangin ng Boracay ng nagpunta ako noong taong 2003 pa. :D)

centerpiece idea-002

O ha! Pwede na as dagdag dekorasyon pang-Krismas, di ba?

 

oOo

“Dalawang bagay na dapat gawin mo sa taong mahal mo. Una, mahalin mo siya ng buong puso. Tapos, ulit-ulitin mo lang yung una.”

Joy

Tapos na ang Undas kaya inilabas ko na lahat ang mga Xmas bling-blings ko. This year, baka wala akong Christmas Tree kasi bumigay na talaga ang 16-year old kong Xmas Tree. Puro mga recycled lang dekorasyon ko ngayon, puro luma. Wala pa akong nabili na bago as dagdag na palamuti.

Heniweys, nagsimula na rin ako mag-isip ng mga additional DIY Christmas Decor. Yung tipong hindi gagastusan.

Ginawa ko ‘to kagabi.

xmas deco idea-002

Nag-request ako kay doter Keziah na gawan ako ng letters J,O,Y, na mga one foot ang size.

Gawa lang sa kung anik-anik na cardboard.

xmas deco idea

Hmmmmn, hindi ko nagustuhan ang chura ng letter Y na itey. Pinalitan.

xmas deco idea-001

Ayan, nang matapos balutin ng mga scrap na ribbons ang letters , dinikit sa wall gamit ang double-sided tape.

Hindi man bonggels ang dating ng deco na ‘to, eh pwede na! Ang importante, may JOY na kami sa bahay! :D

 

oOo

“Go for someone who’s not only proud and glad to have you, but will also take every risk and effort just to be with you.”

DSC05503

Pundidong Light Bulb

May busted o pundidong light bulb ba kayo na gaya nito?

Kung meron, wag agad-agad itapon mga teh! Kasi sa mga panahon na tulad ngayon, mapapakinabangan yan para sa paggawa ng DIY Christmas wreath.

I just made one today.

 

oOo

The best revenge is not karma. There are Prayer, Forgiveness, & SMILE.

decoidea6_thumb.jpg

Puno Ng Biyaya

Sa mga hindi nakakaalam, may isang coconut plantation ako dito sa pinagkukutaan ko sa Mindanao. Wish ko lang, more than ONE sana ang coconut tree ko para maging plantations talaga. Kaso nag-iisa lang talaga ang puno ko kaya plantation lang. Lol!

coconut tree

More than 10 years na ‘tong puno ko at impernes madami na akong na-harvest na BUKO dito. Wagas ang biyaya kaya dapat lang na tawagin na ito ay puno ng biyaya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na rin ako nakapag-buko salad at timba-timbang Buko Juice na rin ang nalaklak ko. Paminsan-minsan, humihingi rin sa akin ang mga nebors ko ng buko.

Bukod sa mga bunga, sa ngayon ay napapakinabangan ko na rin ang mga TANGKAY ng pinagkakapitan ng mga bunga.

Gamit ulit ang malikhaing isip, talento, alindog, ganda, kakyutan at pagiging sariwa ko, eh eto ang mga nagawa ko sa mga nalalaglag na tuyong tangkays. (Madami kaya with “s” – plural!) Hindi ko alam kung ano talaga ang tawag sa mga ‘to. Heniweys, imbes na itapon, ginawa kong pang-dekorasyon dito sa balur.

deco idea1

deco idea2

deco idea3

Nadagdagan ko ng kaartehan ang bintana sa kusina, sa may bandang lababo ko. Ang saya!

Continue reading