DIY Project: Twig Vase 2

Ang isa sa mga nagawa ko kahapon habang naglilinis ng bakuran, ay ang mamulot ng mga tuyong sanga para magawa ulit ng ganito…

twig vase

Hindi ‘to ang pers taym na gumawa ako ng Twig Vase.

twig vase-001

Paano gawin ‘to?

Pag may time….KLIK nyo to: DIY Project: Twig Vase

 

 

oOo

"Your life can go on without a partner. It’s not compulsory."

Homemade Pancake Syrup

Usually, bago ko ilatag ang wankata ko sa bed para matulog ay pinag-iisipan ko na muna kung ano ang lulutuin o ihahanda kinabukasan na pang-breakfast ng mga amo ko.

Kagabi, isip ko, magpa-pancake akels bukas.

Tsek-tsek ko ang mini-pantry cabinet ko kung may natira pang naka-stock na pancake ready mix na ako na mismo ang nagre-repack.

Homemade Pancake Mix. TSEK!

Eggs. TSEK!

Oil. TSEK!

Butter. TSEK!

Pancake Syrup. WALEY!

Sus! Wala na palang laman ang Hotcake Syrup bottle na itey. Hindi man lang ako na-inform! Charot!

hotcake syrup

Sigurado akong maghahanap ang mga amo ko ng syrup pag nagpancake ako.

Ang lagay ba eh lalabas pa ba ako ng bahay sa dis-oras ng gabi para bumili lang ng Pancake Syrup? Naku! Ayaw ni bespren Google nyan! Siempre, to the rescue si bespren, gawa na lang daw ako at sagot na nya ang impormasyon kung papano. :D

how to make pancake syrup

Susme! Ang dali-dali lang pala.

HOMEMADE PANCAKE SYRUP

1 cup brown sugar
1 cup white sugar
1 cup water
1/2 tsp. vanilla flavoring

Combine 1 cup brown sugar and 1 cup white sugar to 1 cup water in a saucepan. Bring to a boil on high heat. Once boiling, stir for 2 minutes as it continues to boil. After 2 minutes, remove from heat and add flavorings. Yields 2 cups syrup.

homemade pancake syrup

Hindi ko na hinintay ang paglamig ng syrup kagabikasi antok na antok na ako.

Iniwan ko na sa mesa at nag-meme na ako. Basta ang alam ko, SOLVED na problema ko.

homemade hotcake syrup

So kaninang umaga ko lang ni-refill ko ang empty Pillsbury Hotcake Syrup bottle ko.

At sobra-sobra pa dahil 2 cups ang naging yield ng syrup recipe.

O ha! Nakatipid na naman ako!

Winnnuuur!!

oOo

Kung mahal mo talaga ang isang tao. You will win that person back kahit kainin mo pa ang pride mo.

DIY Project: Homemade Fabric Conditioner

.

Nakagawa na ako ng Homemade Liquid Hand Soap pati na rin ng Homemade Laundry Soap. Dis taym Homemade Fabric Conditioner naman.

UY mga palangga, wag na wag kayo bibitiw sa pagsubaybay dito sa blog ko. Kasi baka next time, Homemade Paper Money o Salapi/Datung/Atik/Anda naman ang gagawin ko. Magpapayaman tayo! Isi-share ko sa inyo paano mag-imprinta ng sariling pera (Dollars ha!) na pwedeng nyo rin gawin diyan mismo sa bahay nyo. Charing!

Heniweys, matagal ko na gusto i-try ang homemade fabcon na to pero hinintay ko lang na maubos ang commercial fabcon namin para hindi na ako maghanap pa ng sisidlan.

homemade fabric conditioner

Tatlong ingredients lang ang paggawa ng fabcon. Napakadali gawin.

Hot water + conditioner + white vinegar = Fabric Softener/Conditioner.

Nagka-interest talaga ako gumawa kasi tamang-tama meron akong White Rain Conditioner sa banyo namin. 48 years na yata naka-standby ang conditioner na to sa banyo. Hindi namin maubos-ubos kasi Pantene o kaya Cream Silk ang gamit namin ni Keziah na hair conditioner.

Nga pala, dito sa website na to ang SOURCE ko.

hairconditioner+white vinegar

Eto ang mga kailangan:

  • 3 cups hot water
  • 1 1/2 cups white vinegar
  • 1 cup White Rain Conditioner (pwede kahit anong brand, depende sa trip mo)

water+conditioner+vinegar

Eto ang paggawa:

  • Paghaluin ng mabuti ang conditioner, hot water tsaka white vinegar.
  • Palamigin at isalin sa empty fabcon container.

Ganun lang!

fabcon

 

 

oOo

Kapag iniwan ka ng syota mo, ‘wag kang umiyak, ‘wag kang malungkot. Sumigaw ka na lang ng… “NEXT!”

DIY Project: Pen Holder Canisters

Resaykel! Resaykel! Resaykel! Chos!

pen holder canister

Pen holders gamit ang mga malalaking lata ng sardinas para sa mga abubot ni Keziah ko.

 

painting the canisters

Shet! Napaghahalatang sardinas ang ulam namin lagi. :(

 

painted canisters

Heniweys, matiyaga talaga akong mag-ipon ng mga lata. Mega-hugas ko agad ang mga itetch pag wala ng laman, pinatutuyo then itinatabi hanggang sa dumami. :D

 

DIY pen holder canisters

At pag napinturahan at naartehan na ng kung anik-anik, eh kahit papano napapakinabangan din di ba?

 

pen holder canisters

o ha!

 

DIY kitchen canister

Meron din ako para sa mga sandok ko sa kitchen. Dito, hindi na lata ng sardinas ang ni-recycle ko. Lata naman ng oatmeal. Lol.

 

 

oOo

Sa love:
Walang bulag
Walang pipi at
Walang bingi pero
TANGA marami.

Homemade Coffee Body Scrub

Sa mga nasubukan kong mga body scrub, ang Coffee Body Scrub ang pinaka-paborito ko. Marahil dahil sa adik din talaga ako sa coffee. Eh kasi naman, aroma pa lang ng kape eh nakakagising na talaga ng katawang-lupa.

Once a week ako kung mag-exfoliate ng belat balat. Ina-advise talaga na mag-exfoliate tayo ng katawan para matanggal ang mga dead skin natin. Heniweys, sabi ko nga, pinaka-dabest sa akin ang coffee body scrub kasi bukod sa madaling gawin to sa bahay, mura pa at talagang epektib. Nakagamit na rin ako ng mga commercial body scrub na ang mamahal pa pero parang sa masarap na amoy lang sila panalo. Sa coffee body scrub lang talaga ako naso-solb.

Homemade Coffee Body Scrub

Coffee Body Scrub

Sabi nga sa pag-aaral ng mga dalubhasa, (naks! ang deep ng tagelog kowda-lub-ha-sa!) dalawa sa mga benepisyo ng coffee body scrub ay pag inaplay sa balat at ikinuskos, nakakatulong ang caffeine content ng kape sa pag-redisribute ng fat cells at nakakatulong din to sa pagbawas ng formation ng cellulite sa katawan natin.

Madali lang ang paggawa ng coffee body scrub. Tatlong sangkap lang.

coffee grounds

1. 1 cup Coffee Grounds

Yung gamit na giniling kapeng barako ang ginamit ko dito.

brown sugar

2. 1/4 cup Brown Sugar

coffeegrounds sugar olive oil

3. 2/3 tablespoon Olive Oil

Good for one month use ang madalas na pinaghahalo kong coffee scrub. Pwede din magdagdag ng ibang essential oil para pampabango pero I like my body scrub simple and all natural.

I feel squeaky clean every time I step out the bathroom after I do body scrubbing. Sobrang kinis, animo bagong liha at varnish ang skin ko, as in! Parang pangontra-Dengue na nga rin yata to kasi kahit lamok, hirap na hirap dumapo para mangagat. Na i-slide lang naman ang mga insekto sa sobrang dulas ng balat ko tuwing bagong scrub ako. (Exajs!)

Nga pala, alam nyo bang nakakatulong din ang coffee scrub para mabawasan o maglaho ang mga varicose veins? Hmmmnang sabi, bukod sa namamana sa lahi, isa sa mga dahilan kung bakit tayo nagkakaroon ng varicose veins sa binti ay yung madalas at matagal na pagtayo.

Abah! Nakapag isip-isip tuloy ako. Dapat pala ay nire-rekomenda din ang coffee scrub sa mga lalaki – para sa pototoy nila! Yun ay para maiwasan ang pagkakaroon ng varicose veins ang pototoy. Ang pototoy kasi pag laging pinapatayo malamang nagkaka-varicose veins din, di ba? Hehe! Oist! Huwag nyo na lang seryosohin ang mga huli kong sinabi.

oOo

body

DIY Project: Twig Vase

 

Kasama ko si Sang kahapon nang mamulot kami ng mga tuyong sanga ng punong mangga ko sa likod ng bahay. Mga tuyong sanga hindi para panggatong namin kundi para gawin TWIG VASE.

Nanggaling ang idea na to mula sa gandalicious kong lola na si Martha Stewart. Doon sa site nyamedyo malaki ang twig vase nya dun. Gusto ko naman eh maliit lang.

twig vase

Wala akong pruning scissors kaya hindi pantay-pantay ang mga twigs ketch. Pinagbali-bali ko na lang ang mga sanga tutal gaya ni Mamarusiya ay marupok lamang. :D

twigs9twigs8

Malaking lata ng sardinas ang gamit ko dito. Kung wala kayong lata ng sardinas, pwes mag ulam kayo mamaya ng sardinas. Hehe!

Tsaka sa tulong ng dalawang rubber band, pinaikutan ko ng mga twigs ang lata hanggang sa hindi na sya ma-sight.

twigs7twigs6

Buti na lang at may naitago akong mga Raffia para pangtali. At sa papamagitan ng laway at kaning-lamig glue gun ay naidikit ko ang 3 flowerettes ko.

twig vase

Weeeeeee! Nang matapos, hindi ko malaman kung saan ko sya ipu-pwesto.

Kung DITO ba. . .

twig vase

O DITO. . .

twig vase

Aktwali, pinang-centerpiece ko siya sa dining table namin.

 

 

 

oOo

DIY Project: Homemade Laundry Soap

Ipagpatawad nyo kung puro DIY ek-ek na lang ang mga post ko dito sa blog ko. Kasi naman masisisi nyo ba naman ako, sabi nga ni Vice Ganda (sa pinapauso nyang word ngayon), SEVERE na talaga kung magtaasan ang presyo ng mga bilihin ngayon! Kalurkey! Eh isang pobreng alindahaw lang naman ako. Kaya naman kinakarir ko talaga ang paghahanap ng paraan kung saan ako makakatipid sa mga gastusin ko.

Matay man, kung kaya ko nga lang mangitlog tuwing umaga ay ginawa ko na. At kung kaya ko lang gatasan ang sarili kong dede ay ginawa ko na rin para lagi kaming may fresh milk. Haha! Oo, para hindi na ako bibili pa ng itlog at gatas. At kung pwede nga lang magtanim ng palay sa paso namin para hindi na ako bibili ng bigas, ay ginawa ko na rin! Lelz! Exajs!

Heniweys, tama na ang paliwanagan tutal wala naman ako sa presinto.

Sa seryosong hangarin kong mabawasan pa ang mga items na nasa grocery/shopping list ko, nag-ikot ako sa cyberspace kasama si bespren Google para alamin ang mga bagay-bagay sa dako pa roon. (Hanudaw?) At eto nga, napadpad ako sa ibat ibang site ng mga nanay at napag-alaman ko kung paano gumawa ng Homemade Laundry Soap.

Dalawang klase ang homemade laundry soap ang natagpuan ko at pareho kong ginawa – ang powder at liquid. Para malaman ko rin kung alin sa dalawa ang magugustuhan ko.

Para sa POWDERED DETERGENT ang recipe source ko ay DITO.

Homamade Laundry Soap

Tatlo lang ang sangkap para sa POWDERED DETERGENT:

Medyo mahirap nga lang hanapin ang Zote Laundry Soap kasi hindi to available sa mga supermarket. Swerte ko at may nakita akong Zote sa isang stall sa mall kung saan puro imported items ang mga binebenta nila. P39.00 ang bili ko ng Zote. Laundry soap sya at ambango! Bangong malinis!

ZOTE Laundry soapZote, borax, soda wash

Para sa Borax at Washing Soda/Soda Ash, hindi rin to basta-basta makikita sa mga supermarket lalo na dito sa probinsya namin. Sa isang baking supply store sa palengke ko sila nakita at per kilo ang benta nila. Bumili ako ng tig-kalahating kilo lang muna. (Borax: P58.00/kilo; Soda Ash: P38/kilo)

Ayan, paghahaluin lang daw ang tatlong sangkap.

ONE TABLESPOON per load lang ang ilalagay sa washing machine.

grated Zote laundry soapDSC04137_2

Para sa LIQUID DETERGENT, galing DITO naman ang recipe source ko. Ang sabi ng source ko, pwede kahit anong bar soap na kinudkod ang ihalo. Tiempo naman may mga sample bath soap ako galing sa sister ko. :D

Aktwali, bukod sa 2 gallon na tubig, pareho lang sila ng sangkap at sa klase lang ng bar soap nagkakaiba.

  • 1 bar of soap (any kind you want)
  • 1 cup of Borax
  • 1 cup of washing soda
  • 2 gallons of water

Homemade Laundry Soap

Kung sanay ka sa commercial laundry soap, malamang hindi mo magugustuhan ang homemade soap na to kasi hindi to bumubula. Pero pakaisipin mo (at agree ako sa sinabi ng source ko) na SUDS don’t equal clean. Hindi bula ang nakakalinis ng damit. Ang mga commercial laundry soap, may borax at wash soda din na kahalo ang mga yundinagdagan nga lang ng pabango at sangkap na pampabula.

ONE HALF CUP per load naman sa washing machine ang pag gamit ko dito sa liquid.

soda ash and boraxborax and soda ashvaseline bar soapgrated bar soap DSC03897_2DSC03899

Mahigit dalawang linggo ko ng gamit ang parehong laundry soap na to. Hindi ko agad pinost dito sa blog ko kasi inobserbahan ko muna kung talaga bang nakakalinis ang mga ek-ek na to.

Howel, yes! Epektib sila na nakakalinis ng labada at higit sa lahat malaking tipid sa presyo kumpara sa commercial laundry soap. Impernes, tipid din sa consumption ng tubig dahil wala masyadong bula na tatanggalin sa pagbabanlaw.

Homemade Laundry Soap

So, alin sa dalawa ang mas nagustuhan ko?

Sa LIQUID detergent, nakakalinis ng damit siempre dahil may Borax at Soda wash pero parang pampabango lang ang naging papel ng bar soap na inihalo ko. Kunsabagay pampaligo naman talaga ang sabon na ginamit ko. Patuloy ko pa rin ginagamit ang liquid soap ko pero para doon lang sya sa mga hindi heavily stained clothes. Para sa mga pambahay na damit lang at hindi ko mairerekomenda para panglaba sa mga maong na pantalon.

Mas nagustuhan ko ang POWDERED DETERGENT. Dahil na rin siguro sa Zote. Malaking tulong dahil pang laundry talaga ang Zote. Mabango. Pareho sila ng liquid na matipid gamitin pero mas madaling gawin nga lang to kasi magkukudkod lang ako ng Zote.

Dati every week ako bumibili ng sabon panglaba. Ngayon, parang medyo matatagalan pa siguro bago ako mag-refill ng Homemade Powdered Laundry Soap ko. :D

Dito na siguro ako sa Homemade Laundry Soap na to. Matipid na, nakakatulong pa ako kay Mother Earth. Charot! :P

oOo

DIY Project: Liquid Hand Soap

Malakas ako gumamit ng liquid hand soap. Lalo na sa kusina namin.

Kahit sa pagligo, mas gusto ko ang gumamit ng liquid soap. Kasi sabi nga nila eh mas hygienic ek-ek daw ang paggamit ng liquid soap kontra bar soap.

DIY Liquid Hand Soap

Paubos na ang mga liquid hand soap namin. Sa Watsons ako madalas bumibili kasi mas mura. The last time na bumili ako, tig-P99.00 ang isang bote. :D Tatlo ang binibili ko para tig-isa para sa 2 bathroom namin at isa naman para sa lababo sa kusina.

Eto yung peborit ko ang amoy-strawberry na liquid soap. Kaya naman mapapansin sa pic sa ibaba na nangangalahati pa lang yung nasa GITNA kasi inu unti-unti ko lang ang paggamit at baka maubos agad. :P

Watsons Liquid Hand Soap

Walang Watsons dito sa Iligan City at kinakailangan ko na mag-refill ng liquid hand soap sa may kusina namin. Sa kakuriputan konaghanap ako ng paraan para makapag save.

Sa tulong ni bespren Google, nalaman ko kung pwede naman pala gumawa ng liquid soap mula sa bar soap. Tamang-tama naman, may mga naipon akong bar soap na FREE na ikinakabit mula sa ibang produkto pag nag go-grocery ako. Tipid!

Eto ang mga kailangan sa paggawa ng liquid hand soap:

  • 1 cup grated bar soap,(kahit anong brand, depende sa trip mo)
  • 1.5 liter water
  • 1 tablespoon glycerin

Extract Papaya Calamansi Bar Soap

Para mapakinabangan, etong freebie na EXTRACT Papaya Calamansi bar soap na ginamit ko. This is 65 grams. Isang bar lang ang kinudkod ko kasi first time pa lang at bale expirement ko pa lang to.

Grated Bar Soap

Wag kalimutan siempre ang glycerin. Nabili ko ang glycerin na to sa Mercury Drugstore sa halagang P30.25. Ang glycerin ay madalas na sangkap sa mga sabon, shampoo, moisturizers at iba pang beauty products.

Pure Glycerine

Ihalo ang 1 cup grated bar soap sa 1.5 liter na tubig + 1 tbsp glycerin. Isalang sa mahinang apoy lang o kaya sa loob ng microwave oven ng mga 1-2 minutes hanggang sa matunaw yung mga flakes.

500ml water

Palamigin at isalin sa empty containers. Ganun lang!

Liquid Hand Soap

500ml lang ang empty container ko kaya sobra-sobra ang isang litrong liquid hand soap na nagawa ko. Ayan at may stock na akong pang refill din.

Kaya wag nyong itatapon yung mga empty container with dispenser ng mga lotion nyo kasi may paggagamitan din kayo nyan balang araw.

Liquid Hand Soap

P99.00 ang 500ml liquid hand soap kung bibilhin to sa merkado. Ang total na gastos ko dito? P30.25, yung glycerin lang. Moneysaver talaga!

Next time, susubukan ko ang DOVE soappara pang-body wash naman. :D

 

 

oOo

TUESDAY THOUGHTS

DIY Project: Deco Vase

One reason for me to smile today. Ang makita ang mga to

DIY flower vases

Kinilig ako dito sa project kong to. Gawa to ni Mamaru na sinimulan noong weekend.

Re-styled recycled bottles parang maging flower vase na pwedeng pang-dekorasyon o centerpiece sa mesa. Marami akong naipon na mga bakanteng bote ng ketchup at oyster sauce. Bukod sa pwede silang ibenta sa mga magbobote aba eh pwede rin pala mapakinabangan para sa ibang bagay ang mga itetch.

DIY deco bottles

May nakita na akong ganitong kaartehan sa isang magazine at dun ako nagka-inspirasyon na gumawa din. Kaso dun sa mags, spray paint ang ginamit.

Since wala akong spray paint at ayaw kong bumili at gumastos pa, yung mga naitabi kong tirang pintura na lang noon ang pinagdiskitahan ko. Nakatiwangwang din lang ang mga yun sa likod ng bahay ko.

Konting pintura lang naman ang kelangan. Halos mga 3 kutsara lang ang ilalagay bawat bote then you make ikot-ikot da bote na hanggang sa mapinturahan ang buong loob.

recycled bottles

Ayan, mukha na silang mga milk bottles. Hihi! Ibinilad ko sa araw ang loob ng bote for one day.

painted bottles

Kanina pagkagising, mega pitas-pitas naman ng mga ligaw na bulaklak sa labas ang Mamaru.

decorative vases

Voila! :P Cute naman di ba?

 

 

Source: etsy.com via Maru on Pinterest