Home And Beauty Uses For Mayonnaise

Nakaka-inez veneracion talaga kasi may pa-expire ako ngayon na isang malaking jar ng MAYONNAISE na halos 1/4 pa lang ng laman ang nagagamit ko. Grrrr!

Pero buti na lang at andiyan lang si bespren Google na tinuruan ako para maibsan ang kunsumisyon ko sa panghihinayang.

Andami pala pwedeng paggamitan ng mayonnaise bukod sa pagiging sangkap sa mga pagkain. Indeed, a mayonnaise is more than a condiment.

mayonnaise

11 HOME AND BEAUTY USES FOR MAYONNAISE

SOURCE: Reader’s Digest

1. Condition your hair.  Hold the mayo and massage it into your hair and scalp just as you would any fine conditioner! Cover your head with a shower cap, wait several minutes, and shampoo. The mayonnaise will moisturize your hair and give it a lustrous sheen.

Truleley! Ang resulta? Ang lembot nga sa buhok. Nasubukan namin gawin ‘to ng amo kong babae (na itago na lang natin sa pangalan na Keziah) netong mga nakaraang araw. Ako na mismo ang nag aplay sa buhok ng amo kong babae. Sulit, kasi mahaba ang buhok nya. Tenkyu naman kasi hindi na mapupunta sa pagka-sayang ang pa-expire kong mayonnaise. Ganito na ang gagawin namin once a week hanggang sa maubos ang laman ng garapon.

2. Give yourself a facial.  Why waste money on expensive creams when you can treat yourself to a soothing facial with whole-egg mayonnaise from your own refrigerator? Gently spread the mayonnaise over your face and leave it on for about 20 minutes. Then wipe it off and rinse with cool water. Your face will feel clean and smooth.

Sinubukan ko rin ‘to. Pagkatapos kong pahiran ang buong fez ko ng mayonnaise, kumuha ako ng dalawang pirasong sliced bread at yun ang pinangpahid sa mukha ko at presto -  may instant meryenda akels, agad-agad! Lol! Siempre charot-charot lang! Ang maniwala sa sinabi ko, walang karapatan mabuhay sa mundong ‘to.

3. Strengthen your fingernails.  To add some oomph to your fingernails, just plunge them into a bowl of mayonnaise every so often. Keep them bathed in the mayo for about 5 minutes and then wash with warm water.

Mga ateng, para maging matibay ang sandata mo sa pangkalmot kay mister pag may warla kayo, just make sawsaw of your fingernails sa mayonnaise regularly, then do the finger-licking na rin after you make sawsaw para walang sayang talaga. Joke!

4. Relieve sunburn pain.  Did someone forget to put on sunscreen? To treat dry, sunburned skin, slather mayonnaise liberally over the affected area. The mayonnaise will relieve the pain and moisturize the skin.

Now I know kung ano ang pang-remedyo ko sa susunod na magka-sunburn ulit ang amo kong lalaki (na itago rin natin sa pangalan na Kevin). Minsan kasi sa kalalaro ng frisbee ng buong araw -umuuwi ang amo ko na animo balat ng lechon sa pagkapula. Sunog ang balat!

5. Remove dead skin.  Soften and remove dead skin from elbows and feet. Rub mayonnaise over the dry, rough tissue, leave it on for 10 minutes, and wipe it away with a damp cloth.

Nag-try ako. Pero kelangan yata ang regular na application para makita at malaman kung epektib.

6. Safe way to kill head lice.  Many dermatologists now recommend using mayonnaise to kill and remove head lice from kids instead of toxic prescription drugs and over-the-counter preparations. What’s more, lice are becoming more resistant to such chemical treatments. To treat head lice with mayonnaise, massage a liberal amount of mayonnaise into the hair and scalp before bedtime. Cover with a shower cap to maximize the effect. Shampoo in the morning and then use a fine-tooth comb to remove any remaining lice and nits. To completely eradicate the infestation, repeat the treatment in 7-10 days.

Pass! Impernes, walang may kuto sa amin. Kahit ang alaga kong dog, waley na rin kuto. ** slow clap Applause

7. Make plant leaves shiny.  Professional florists use this trick to keep houseplant leaves shiny and clean. You can do the same thing at home. Just rub a little mayonnaise on the leaves with a paper towel, and they will stay bright and shiny for weeks and even months at a time.

Uy ha! Nunca ko ‘to sinubucan! Nalucring nga ako sa kaiisip nang mabasa ko ‘to. Ang tanong ko, bakit ko naman pakikintabin ang mga dahon? Aver!? Para que? Confused

8. Remove crayon marks.  Did the kids leave crayon marks on your wood furniture? Here’s a simple way to remove them that requires hardly any elbow grease: Simply rub some mayonnaise on the crayon marks and let it soak in for several minutes. Then wipe the surface clean with a damp cloth.

Attention: Para ‘to sa mga mudra na may mga makukulit na chikitings!

9. Clean piano keys.  If the keys to your piano are starting to yellow, just tickle the ivories with a little mayonnaise applied with a soft cloth. Wait a few minutes, wipe with a damp cloth, and buff. The piano keys will look like new.

Hindi ko pa ‘to nasubukan kasi hiniram yung piano namin ng kapitbahay ko kahapon. Chos!

10. Remove bumper stickers.  Time to get rid of that Nixon for President bumper sticker on your car? Instead of attacking it with a razor and risk scratching the bumper, rub some mayonnaise over the entire sticker. Let it sit for several minutes and wipe it off. The mayonnaise will dissolve the glue.

Pinagpaplanuhan ko na tuloy ang bumili ng car PARA LANG masubukan kung epektib nga ba talaga ang chika na itey.

11. Get tar off your car.  To get road tar or pine sap off your car with ease, slather some mayonnaise over the affected area, let it sit for several minutes, and wipe it away with a clean, soft rag.

Ganeeeern? Hokey, hindi lang isang car. Sige bibili na ako – not only one car but two! Smug

Good day, mortals!

 

 

oOo

"Ang babaeng di marunong magluto, kailangan makapangasawa ng lalaking di marunong kumain."

Tuloy Na Tuloy Ang Pasko

Kahit ilang araw na lang ay Pasko na, hindi pa rin ako nagpapaawat sa paggawa ng kung anik-anik na dekorasyon dito sa hauslalu ko. Parang ang OA ko na nga eh.

Pero dekorasyon lang naman na hindi ko na kelangan pagkagastusan ng bongga.

mini xmas tree

May bago akong mini-christmas trees na gawa sa balat ng plywood na nalaglag mula sa ceiling ko. Hehe!

Inaanay na kasi yata ceiling ko ah. Naglaglagan na.

mini xmas tree-001

May garland din.

 xmas garland

Ho! Ho! Ho!

xmas garland-001

Nag umpisa na rin kami ni Keziah magbalot ng gips.

 brown bag wrap

BROWN SUPOT. Para walang gastos sa krismas wrapperat tutal madami kaming brown supot na pang-microwave popcorn namin dito, eto na pambalot namin.

brown bag wrap-001

O di vah, para-paraan lang yan!

brown bag wrap-002

Hindi man sosyal ang dating ng pagkabalot eh wala akong pakialam! Lol!

Wala naman yan sa wrapper eh. (Nag-esplika.)

brown bag wrap-003

Matuloy man o hindi ang Gangnam Style Concert ni Psy dito sa Pinas, Kebs!

Basta tuloy na tuloy pa rin ang Pasko. 😀

Happy Wednesday everyone!

 

 

oOo

"Dear Inaanak, maglaro tayo ng tagu-taguan sa Pasko."

DIY Plastic Bag Xmas Wreath

Nakakatuwang tingnan at malaman na karamihan na ng mga malls sa Metro Manila ay natuto ng gumamit ng mga brown bags at pinababayaran na ang mga plastic bags na gagamitin sa pagbabalot ng mga pinamili pag walang dala na shopping bags ang customer. Ok yun, para maging menos na talaga ang plastic na basura at mahikayat na rin ang mga mamimili na magdala ng reusable shopping bags.

Dito sa kuta kowala pa kaming ordinansa na nagbabawal ng paggamit ng mga plastic bags sa tindahan. Pero kahit wala pa kaming batas na ganun dito, si Mamaru ay inugali na ang pagdadala ng reusable shopping bag kahit noon pa. Laging may lugar sa bag ko ang foldable shopping bag pag umaalis ako kasi bukod sa convenient sa pagbitbit ng mga pinamilieh para maging menos na rin ang mga tinatabi kong grocery plastic bags dito sa bahay.

Heniweys, mga totoo na nga kami dito sa bahay ngayon. Menos na ang plastic sa amin kasi ginawa ko na silang pang dekorasyon kahapon! 😛

Looky! Looky! My DIY Christmas Wreath na gawa sa plastic bags!

DIY Plastic Bag Xmas Wreath

Mga gamit ko: Pundidong circular light bulb (pwede rin alambre), at sandamakmak na kahit anong white grocery plastic bags (kasama na yung sando bags).

Paraan: Gugupit-gupitin lang ang mga plastic sa pare-parehong sukat at itali. Ganun lang!!! Yakang-yaka to gawin ng mga bagets nyo, mga ateng!

DIY Plastic Bag Xmas Wreath-001

Kung gusto mo ng dagdag na kaartehandepende sa gusto mo, ay pwede rin!

DIY Plastic Bag Xmas Wreath-002

Kung may mga alahas kang mga TUNAY na diamonds, gold, o pearls na hindi na ginagamit o napagsawaan mo na, pwede mo rin idikit dito bilang dagdag na palamuti! Eksaherada!

DIY Plastic Bag Xmas Wreath-003

 

DIY Plastic Bag Xmas Wreath-004

 

Dalawa ang pundidong circular light bulbs ko kaya dalawa rin ang ginawa kong korona na isinabit magkabilaan sa bintana ng entrance namin.

DIY Plastic Bag Xmas Wreath-005

😀 Happy Sabaders!

 

 

oOo

Habang may buhay may pag-asa, hindi yung habang may buhay may pinapaasa.

DIY Toilet Paper Rolls Wreath

DIY ToiletPaperRoll Xmas Wreath

Mga basyo ng toilet paper o kaya kitchen paper towel namin ay nunca kong itinatapon.

DIY ToiletPaperRoll Xmas Wreath-001

Eh kasi nga madami syang pwedeng gawin basta ba may tiyaga ka lang mag-ipon.

DIY ToiletPaperRoll Xmas Wreath-002

At konting paandar sa creativity chararat mo.

Akwali madami pwedeng gayahin na mga style ng TP wreath na nagkalat sa internet, i-Google mo lang.

DIY ToiletPaperRoll Xmas Wreath-003

Tadaaah! May unique Xmas wreath ka na!

DIY ToiletPaperRoll Xmas Wreath-005

Isinabit ko yung dalawa sa mga ginawa ko sa door ng 2 bedrooms namin.

DIY ToiletPaperRoll Xmas Wreath-006

 

 

oOo

“Yung mga babaeng pinangangalandakan na single siya! Anong gusto mo, landiin ka?”

Its Beginning To Feel A Lot Like Christmas…

Wala ng makakapigil pa. Matutuloy talaga ang Pasko sa pamamahay ko. Lol!

Bising-bisi akey sa mga kung anik-anik.

XmasDecor-001

XmasDecor

XmasDecor2012-003

XmasDecor2012

XmasDecor2012-001

XmasDecor2012-002

XmasTree2012

XmasTree2012-002

XmasTree2012-001

It’s so truelagen talaga. Christmas,  It’s the most wonderful time of the year. 😀

 

Happy weekend everyone!

oOo

“Kapag puro pangit na lang ang nangyayari sa buhay mo, tumingin ka lang sa salamin. Para makakita ka ng maganda.”

Pulot

May duda akong noong past life ko (noong hindi pa ako nare-reincarnate bilang josa), ay isa akong babaeng grasa o isang taong nangangalakal na mahilig mamulot ng basura sa kalye.

Kasi kaninang umaga lang, nang bumili kami ni Sang ng pandesal sa panaderya ay may nadaanan kaming mga tuyong sanga sa gilid ng kalye. Well,  ano pa nga ba ginawa ko kundi pinulot ko ‘to at inuwi sa mala-mansion kong bahay. Chos!

Pati aso ko nagtaka sa biglang pagbitbit ko neto at inamoy-amoy niya agad kung ano meron dito sa inuwi ko. Ewan ko ba, ang hilig-hilig ko mamulot.

xmas decom idea-003

Naisip ko lang kasi na tamang-tama ‘tong napulot ko mga sanga para pagsabitan ng mga ginawa ko kahapon. Ang mga kunya-kunyarian na snowflakes, na gawa sa mga disposable empty container ng jelly snacks.

 xmas decom idea

Imbes na itapon na lang ang mga plastic, kako pwedeng kong gawin dekorasyon itey.

xmas decom idea-001

Tapos ginamitan ko ng white spray paint.

White, kasi nga snowflakes kunyari, di ba?

xmas decom idea-002

Then I make sabit-sabit them to my pinulot na mga xanga-xanga.

xmas decom idea-004

O ha! Nagkaroon na kami instant DIY Christmas Tree na nakapwesto ngayon sa labas ng pintuan namin. Simple lang pero proud ang Mamaru kasi zero-gastos ako dito.

oOo

“Kung hindi niya pinapahalagahan ang effort mo, panahon na siguro para ipakita mo na hindi siya kawalan sa buhay mo.”

Simple Table Centerpiece

centerpiece idea

Gamit ang malikhaing isip, ganda at alindog… Charot!

centerpiece idea-001

Ay nakagawa ako ng simple table centerpiece na ‘to dahil sa…

vigil candles

May sobra akong vigil candles noong Undas. Hehe!

sushi plates

May sushi plates ako.

boracay sands

May buhangin akong imported from Boracay Island. (Oo, nag-uwi ako ng isang litrong buhangin ng Boracay ng nagpunta ako noong taong 2003 pa. :D)

centerpiece idea-002

O ha! Pwede na as dagdag dekorasyon pang-Krismas, di ba?

 

oOo

“Dalawang bagay na dapat gawin mo sa taong mahal mo. Una, mahalin mo siya ng buong puso. Tapos, ulit-ulitin mo lang yung una.”

Joy

Tapos na ang Undas kaya inilabas ko na lahat ang mga Xmas bling-blings ko. This year, baka wala akong Christmas Tree kasi bumigay na talaga ang 16-year old kong Xmas Tree. Puro mga recycled lang dekorasyon ko ngayon, puro luma. Wala pa akong nabili na bago as dagdag na palamuti.

Heniweys, nagsimula na rin ako mag-isip ng mga additional DIY Christmas Decor. Yung tipong hindi gagastusan.

Ginawa ko ‘to kagabi.

xmas deco idea-002

Nag-request ako kay doter Keziah na gawan ako ng letters J,O,Y, na mga one foot ang size.

Gawa lang sa kung anik-anik na cardboard.

xmas deco idea

Hmmmmn, hindi ko nagustuhan ang chura ng letter Y na itey. Pinalitan.

xmas deco idea-001

Ayan, nang matapos balutin ng mga scrap na ribbons ang letters , dinikit sa wall gamit ang double-sided tape.

Hindi man bonggels ang dating ng deco na ‘to, eh pwede na! Ang importante, may JOY na kami sa bahay! 😀

 

oOo

“Go for someone who’s not only proud and glad to have you, but will also take every risk and effort just to be with you.”

cerealbox003_thumb.jpg

Kwik Tip 05: Cereal Box As Book Holder

Uulitin ko, kung pwede wag po tayo tapon ng tapon ng mga bagay na pwede pa naman i-recycle. Para maka-menos na rin po tayo sa itinatapon na basura natin.

Naks! Kunyari Save Mother Earth and Recycling Advocate si Mamaru. Hehe! Iba ang tama ko ngayon. Normal-normalan ang trip! 😀

Enweys, may empty cereal boxes ba kayo diyan? Pwede kasi gawin book or magazine holder yan.

cereal box

Jupitin lang ng ganitey ang box. Mas bigger ang box mas better.

cereal box-001

Ganyan! Pero kung gusto nyo na mas chica tingnan ang book holder nyo, pwede rin balutin nyo ang ng used Xmas wrapper o ng kahit anik-anik na pambalot lang depende sa trip nyo.

cereal box-002

Napilitan akong gawin to kanina kasi naalibadbaran ako sa mga gamit pang-school ni Unica Hija na nakatiwangwang at kung saan-saan nakalagay.

Pag may nakalimutan kung saan nailagay, ako pa naman ang madalas na tanungan ng mga nawawala nilang gamit. Kakapikon minsan kasi nakakapagod din ang sunod ng sunod at magligpit lagi ng gamit nila.

cereal box-003

Ayan, nagawan ko rin ng paraan para maging maayos ang mga gamit nya. Tiyak ko matutuwa ang amo kong babae mamaya pag-uwi nya galing school.

Haay buhay-kasambahay nga naman

oOo

Yung feeling na magka-relasyon pa kayo pero hindi mo alam nag-LET GO na pala siya.

DSC07397_2_thumb.jpg

Kwik Tip 04: Spring Onions

Gusto mo bang mapakinabangan ulit ang Spring Onions mo ng 2-3 beses pa?

DSC07383

Madalas ay yung dahon lang nya talaga ang ginagamit natin para sa mga lutuing may sabaw at salad (ako madalas gumamit ng Spring Onions pang-garnish) tapos, tapon na yung parteng may mga roots.

Uy! Mula ngayon kung pwede ay huwag nyo muna i-deretso agad sa basurahan ang parte na may mga roots pa kasi mapapakinabangan pa yan, mga ateng!

Madali lang matuyo o manguluntoy ang sibuyas dahon kahit na nasa loob lang ng ref kaya hindi advisable na mag-stock ng marami. Pero may solusyon na ako ngayon para lagi akong meron abelabol na Spring Onions lalo na sa para fried rice ko. 😀

Ganito na ang ginagawa ko ngayon

DSC07384_2

TinuTULI ko sya! (watta term!)

DSC07385_2

Hindi naman kelangan na itanim ulit siya sa lupa. Pwede kasi na yung parteng may roots ay ilagay lang sa isang baso na may tubig gaya ng ginawa ko sa piktyur.

DSC07393_2

Tapos, inilalagay ko ang baso sa may bintana ng lababo ko kung saan tuwing umaga ay nasisikatan siya ng araw. Araw-araw ay nasa harap ko lang sya tuwing nasa lababo ako ng kusina ko.

DSC07397_2

Pagkatapos lang ng 2 or more daysayan, mapapansin na humahaba na ang buhay, may tumutubo ulit at nagkakaroon ng extension ang mga dahon.

DSC07404_2

O ha! Syet! Humahaba na talaga sya!

Kaya pag kelangan ko ng pang-garnish sa mga lutuin kosa may bintana ko na lang ako pumuputol ng 2-3 spring onion leaves. 😀

 

 

oOo

Kapag nagmahal ka ng palihim, ihanda ang sariling masaktan din ng palihim.