Sew Happy 8: (DIY: Upcycled T-Shirt Sundress)

May bago akong costume! Bagong attire ko para sa pang araw-araw kong mga gawaing pang-muchacha dito sa haus.

tshirtdress14

Aktwali, hindi naman sya bagong bili. Galing lang sya sa isang lumang t-shirt na inarbor ko kay KUPS noon. Hiningi ko ‘to sa kanya. Sabi ko padalhan nya ‘ko ng T-shirt nya, yung luma lang ‘kako.

Ewan ko, siguro nagtataka din si Kups noon kung bakit lumang T-Shirt niya ang ni-request ko. Pero since labs nya ako noon, eh granted naman ang request ko. Kaso, I really doubted na kanya talaga ‘tong shirt. Kasi parang double XL ang size eh. (See below pictures). Hindi naman pang-dambuhala ang wankata ni Kups ‘noh.

Hmmmn…siguro may duda sa akin si Kups noon na baka gamitin ko lang sa hobby kong pangkuKULAM against sa kanya ang shirt kaya hindi sa kanya ang pinadala nya sa akin. Wais yun a! Naisahan ako. Hehe!

tshirtdress11-001

Mula ng ipinadala sa akin ang shirt, mga dalawang beses ko lang yata naisuot ‘to, as PANTULOG! :D

Kaso mainit sya dahil sa medyo makapal ang tela. mahaba ang sleeves at nasisikipan ako sa kwelyo. Nasanay kasi akong gawa sa lambat o fishnet lang ang suot ko pag natutulog. Dyoks lang!

Matagal na ‘tong nakatupi lang sa closet ko at nakakapanghinayang na hindi nagagamit lagi. Ayoko naman ipamigay. Kaya eto, finally nagawan ko na rin ng paraan para mapakinabangan ko ang remembrance na ‘to ni Kups. At para na rin siguro maalala ko sya lagi. Uyyyy! Charot!

Again, gamit ang pagiging maalindog, maganda, bata, at sariwa, at sa tulong na rin ng gunting, sinulid, pins, at sewing machine,nakagawa ako ng Upcycled T-Shirt Sundress.

tshirtdress13

Angkop na angkop ang disenyo sa maalinsangan na klima ng Pinas. Preskong-presko! Malaya na ngayon ang hangin na magpakasasa sa mura at inosente kong katawan.

tshirtdress12

Napag isip-isip ko ngayon, sana yung gamit na BOXER SHORTS na lang ni Kups ang hiningi ko noon. Para in case na hindi kasya sa akin, sigurado magagawan ko pa rin ng paraan yun. Nakarinig na ba kayo ng Upcycled Boxer Shorts Panty? Lol! :P

HAPPY SUNDAY!

oOo

“Pahalagahan kung anong meron ka dahil hindi lahat ay nabibigyan ng second chance.”

Sew Happy 7 – (DIY: Throw Pillow Cover)

Sa mga sewing craft ko, ang paggawa ng punda ng mga throw pillows ang isa sa mga pinaka-paborito kong gawin kasi nga napakadali lang tabasin at tahiin ng tela.

pillow project

Ewan ko ba, bigla ko na lang na-miss ang pananahi kaya naman napagdiskitahan ko ‘tong mga used clothing na shirt, blouses and skirt na nakatambak lang dito sa bahay.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung kanino ang mga ‘to at kung paano napunta sa amin. :D

Pero may duda akong kasama ‘to sa mga Sendong relief goods na binigay noon sa ate ko at iniwan dito sa bahay.

Parang wala naman balak ang ate ko na kunin ang mga damit na ‘to kaya eto. . .

pillow project1

. . . pagkatapos kong pagpilian, ginawa kong punda ng mga throw pillows ko ang ang mga damit para naman mapakinabangan. (Tuwing pinipiktyuran ko, hindi ko alam kung ilang beses ko paulit-ulit na inayos dahil laging rin ginugulo ni Sang ang pagkalatag ng shirt na ‘to. Ang kulit talaga ng alaga ko! Sarap pektusan! :P )

pillow project2

pillow project3

pillow project4

pillow project5

throw pillows

Sey nyo? :P

 

 

oOo

“Masarap ang walang ginagawa. Madalas wala akong ginagawa. Kaya ang sarap ko.”

Cheapipay Kong Hulmahan

Tinatanong ako ng FB buddy kong si Ruz of Ruzikeks kung saan ko daw naharbat ang ginagamit kong springform pan sa mga cheesecakes ko.

Ruz dear, cheapipay lang ‘tong mga springform pans ko. Nabili ko ‘to dito sa pinagkukutaan ko sa halagang P179.00/set of 3, two years ago. Mura noh? Ewan ko lang kung meron pa until now.

set of 3

Nakaka-relate ako sa pinagdadaanan mo ngayon. Uu, medyo mahirap maghanap ng mga hulmahan na ‘to. Maalala ko, tuwing lumuluwas ako ng Manila noon, hanap din ako ng hanap ng mga affordable springform pans. Kaso lintek naman, ang nakikita ko sa mga department stores eh ginto ang presyo!

Pinakamura na yata sa nakita ko yung tig P1,200.00 ang isa! Mga imported kasi. Wa-afford ni Mamaru ang mga ganung presyo. Kunsabagay hanep din kasi sa quality ang mga yun. Non-stick at anonized aluminum ang pagkayari. Para sa pang-matagalan na gamitan talaga.

tag price

46 years muna ang hinintay ko bago ako nagkaroon. Ang tagal! Ang lagay eh hindi pa mamahalin ang mga hulmahan na meron ako ngayon.

Oo, chipipay lang. P179 pero tatlong piraso na, iba’t ibang sizes. Nang makita ko ‘to noon, hindi na ako nag-sekantot. Buy ko na agad. Kako, Ok na ako dito! Hindi ko naman kelangan ang mamahalin kasi pang-okasyon ko lang naman din gagamitin. Bibigyan ko na lang sila ng alagang-Mamaru para humaba ang buhay nila. :P

Aminado akong mumurahin lang ang mga springform pans ko pero labs ko sila. Yari lang sa ordinary aluminum na madaling mayupi! Manipis ang base at madaling mangitim pag hindi aalagaan ng punas. Impernes, di naman sila tumutulo. Pero sabi nga nila, kahit anong mahal ng gamit mo, kung di mo naman bibigyan ng kaukulang TLC� eh madali rin masisira. Again, wala sa presyo yan. Nasa pag-aalaga.

Haweber, Ruz dear, kung gagamitin mo ‘to sa negosyo, I suggest na bumili ka na ng trustworthy na springform pans. Mag invest ka na dun sa may quality. Tutal mababawi mo naman ang puhunan mo pag bonggels na ang orders sa ‘yo, di ba? Try mo pumunta ng Trinoma, madami din silang mga bakingwares dun na affordable, baka maka-tyempo ka.

springform pans

Sabi ko nga, iingatan ko na lang ‘tong mga cheapangga kong mga hulmahan. Kaya naman everytime matapos ko silang gamitin, bago itabi eh pinupunasan ko muna then kinukumutan ng plastic tsaka ibinabalik sa orig nilang kahon. :P Tsura lang ng mga mamahaling springform pans na libo-libo ang halaga!

 

oOo

“Too much love will kill you, sometimes it makes you pregnant."

Kitchen Deco

Kaya kinakarir ko ang gumawa muna ng kodigo o shopping list pag namamalengke ako ay dahil may paminsan-minsan akong ugali na napapabili ng items na hindi ko naman kelangan.

Napapariwara ako sa loob ng supermarket pag walang listahan. Nawawala ako sa budget. Bili ako ng bili ng wala sa testamento.

Veggie pasta3

Gaya na lang netong veggie pasta. Eye candy kasi. Natuwa lang ako sa mga matitingkad kulay nya kaya binili ko pero wiz naman akong idea kung paano iluluto. At sa tagal na nya dito sa bahay, wala na talaga akong planong lutuin pa sya.

Veggie Pasta1

Kaya ang nangyari eh talagang natingga at nagiging pang-dekorasyon ko na lang sya sa kusina ko gamit ang reusable coffee jar ko.

brown rice and pasta

Magkatabi sila ng brown rice ko na 48 years na yata sa tagal dito at hanggang ngayon ay wala pa rin sa plano ko ang isaing sya. Tsaka ko na lang siguro isasaing pag magda-diet ako. Sa ngayon, magda-diet pa ba ako eh pababa nga ng pababa ang timbang ko. Pakiramdam ko malnourished na nga aketch. Currently I’m only 90 lbs. Kaya nagmumukha na naman akong togue. Dati 98 lbs ako.

Impernes, kahit papano ay nakadagdag-sigla naman sa paningin ko ang mga “dekorasyon” na ‘to sa kusina ko.

 

oOo

“Nood sine mag-isa. Kain mag-isa. Salita mag-isa. Tulo-laway mag-isa. Sex mag-isa. Buhay single. Mag-isa.”

Queso De Bola Leftover

May leftover pa ba kayo na Queso De Bola?

Hmmmn..January 17 na ngayon, kaya malamang eh WALA NA.

Ako meron pa. :P

Wala pa akong naiisip kong ano gagawin ko dito sa natirang keso. Gusto ko sana ipa-lafang sa daga kaso wala naman kami alagang daga. Naks! Ang sushal at ipapakain lang sa daga!  Hehe! Sus, takot lang ng mga daga kay Sang.

Heniweys, alam ko marami akong paggagamitan ng leftover cheeseball ko sa mga darating na araw kaya  itinabi ko na lang muna sa ref.  Siempre sinunod ko ang tamang paraan ng storage, courtesy of Yummy.ph.

 Keso De Bola2

Base na rin sa experience ko, nag i-iba talaga ang lasa ng Queso De Bola pag pinabayaan ng matagal at nakatiwangwang lang sa loob ng ref.

Keso De Bola1

Kaya naman, binalot ko ng maayos ang sobrang keso. Kelangan balutin mo sya ng wax paper at isilid sa plastic wrap o kaya sa isang ziplock para maiwasan ang pagtigas ng keso, tsaka ipasok sa ref.

oOo

“Panatang Makabayan. Iniibig ko ang PAN. Kahit walang palaman. Basta mabusog lang.”

Organizing Idea 5: Spaghetti Storage Can

Empty Pringles can? Opppps! Huwag itatapon, mga ateng!

Pringles1

Dahil pwedeng paglagyan ‘to ng uncooked spaghetti noodles.

Pringles5

Wag din basta-basta itatapon ang mga used gift wrappers.

Pringles2

Dahil pwede i-recycle yan as pambalot ng mga anik-anik gaya ng ginawa ko sa Pringles can na itetch.

Pringles3

O ha! Ayan, di na ako magkakamot ng ulo kung saan ilalagay ang mga natirang spaghetti noodles ko.

Pringles4

Have a happy Tuesday everyone!

 

oOo

“Matapang ka kung kaya mong ipaglaban ang taong mahal mo. Pero mas matapang ka kung kaya mo siyang pakawalan.”

Pundidong Light Bulb

May busted o pundidong light bulb ba kayo na gaya nito?

Kung meron, wag agad-agad itapon mga teh! Kasi sa mga panahon na tulad ngayon, mapapakinabangan yan para sa paggawa ng DIY Christmas wreath.

I just made one today.

 

oOo

“The best revenge is not karma. There are Prayer, Forgiveness, & SMILE.”

Puno Ng Biyaya

Sa mga hindi nakakaalam, may isang coconut plantation ako dito sa pinagkukutaan ko sa Mindanao. Wish ko lang, more than ONE sana ang coconut tree ko para maging plantations talaga. Kaso nag-iisa lang talaga ang puno ko kaya plantation lang. Lol!

coconut tree

More than 10 years na ‘tong puno ko at impernes madami na akong na-harvest na BUKO dito. Wagas ang biyaya kaya dapat lang na tawagin na ito ay puno ng biyaya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na rin ako nakapag-buko salad at timba-timbang Buko Juice na rin ang nalaklak ko. Paminsan-minsan, humihingi rin sa akin ang mga nebors ko ng buko.

Bukod sa mga bunga, sa ngayon ay napapakinabangan ko na rin ang mga TANGKAY ng pinagkakapitan ng mga bunga.

Gamit ulit ang malikhaing isip, talento, alindog, ganda, kakyutan at pagiging sariwa ko, eh eto ang mga nagawa ko sa mga nalalaglag na tuyong tangkays. (Madami kaya with “s” – plural!) Hindi ko alam kung ano talaga ang tawag sa mga ‘to. Heniweys, imbes na itapon, ginawa kong pang-dekorasyon dito sa balur.

deco idea1

deco idea2

deco idea3

Nadagdagan ko ng kaartehan ang bintana sa kusina, sa may bandang lababo ko. Ang saya!

Read More »

Baking Soda

Pag mga ganitong klase ang sofa nyo sa bahay, at sa tipo ng panahon na meron tayo dito sa Pilipinas na madalas ay humid o maalinsangan, hindi talaga maiwasan na minsan ay parang nagkaka amoy-pawis din ang mga upholstered seat natin.

Pero alam nyo ba ang solusyon ko sa problema ko para maalis ang amoy-ewan sa sofa namin at maging amoy-fresh ulit ang mga upuan? BAKING SODA, mga teh!

Isa ‘to sa ipinagpapasalamat ko sa pagka-imbento ng BAKING SODA. Hindi lang ang sofa namin ang binubudburan ko ng Baking Soda, pati matris namin este mattress ng higaan namin. Usually, sa umaga ang pag-sprinkle ko ng deodorizing agent na ‘to at hinahayaan ko sya na ganyan sa buong araw (o kaya overnight) para masipsip nya ng todo ang amoy na dumidikit sa cover ng sofa o kama. Sa hapon o kinabukasan either i-vacuum mo o kaya pagpagan mo lang ng mabuti ang sofa hanggang sa mawala yung pulbora. Ayun, solb na agad!

Alam nyo mga kapwa ko madir, solusyon ‘to lalo na kung may mga babies o kaya mister (?) kayo na nagwe-wewe pa sa kama. Para maalis ang panghi sa kama, baking soda po ang kasagutan.

Kung sino man ang maylikha ng BAKING SODA, TENKYU PO!

 

 

Eto pa ang sandamakmak na gamit ng BAKING SODA sa kabahayan.

Baking soda can do a lot more than just sit in the back of the fridge. Try these easy tips and put baking soda to work in every room of your house!

  1. Skip produce washes—just put some baking soda on a damp sponge, scrub and rinse.
  2. Soak hair brushes and combs in a mixture of 1 teaspoon baking soda and a small amount of warm water. Rinse and dry.
  3. Before you store your patio furniture for the season, scatter baking soda under chair cushions.
  4. Keep your grill clean all summer long by putting some baking soda on a damp brush, scrubbing the grate, then rinsing.
  5. Freshen rugs by sprinkling baking soda on carpet, wait at least 15 minutes (preferably let sit overnight), then vacuum up.
  6. Add 1 cup of baking soda to your next load of laundry (along with your regular liquid detergent) to get clothes cleaner and brighter.
  7. Remove baked-on residue by shaking a generous amount of baking soda on pots and pans. Then add hot water and dish detergent, let sit for 15 minutes and wash as usual.
  8. Deodorize a funky-smelling hamper. Sprinkle baking soda in the bottom of the hamper (or over dirty clothes) to keep items fresher until laundry day.
  9. To brighten a dull floor finish, dissolve ½ cup baking soda in a bucket of warm water. Mop and rinse for a shiny floor.
  10. Make your own bathroom scrub by mixing ¼ cup baking soda with 1 tablespoon liquid detergent. Add vinegar to give it a thick, creamy texture.
  11. To put out a grease fire, scatter baking soda over it by the handful to extinguish flames.
  12. Clean the dishwasher and coffeemaker by running an empty cycle with baking soda.
  13. Add ½ cup baking soda to your bath for an at-home spa treatment.
  14. To shine tarnished silver, combine three parts baking soda with one part water. Rub onto silver with a clean cloth or sponge. Rinse thoroughly and dry.
  15. Sprinkle baking soda in the kitty box, then add litter on top to keep smells to a minimum. Or make a DIY litter, mixing a small box of baking soda with 3 inches of sandy clay.
  16. Use baking soda to brush your pets’ teeth.
  17. For instant relief from bug bites, sunburn and poison ivy, mix baking soda with a little water and apply it directly to the sore.
  18. Pour in 1 cup baking soda followed by 1 cup hot vinegar to quickly unclog the kitchen drain.
  19. Fight dandruff by tabling the shampoo for a few weeks and massaging your wet scalp with a handful of baking soda instead.
  20. Gargle with baking soda, or use it as mouthwash.
  21. Soak toothbrushes in a mixture of ¼ cup baking soda and ¼ cup water; let brushes stand overnight for a thorough cleaning.
  22. Make a fluffier omelet by adding ½ teaspoon baking soda for every three eggs.
  23. Use a pinch in a gallon of freshly-brewed iced tea, to take out the bitterness and prevent cloudiness.
  24. Scatter baking soda on icy sidewalks?it’s not as corrosive as salt.
  25. Discourage weeds by sprinkling baking soda into the cracks on your driveway and walkways.
  26. Surround Fido’s food bowls with baking soda to keep pests away.
  27. Mix a little baking soda into your conditioner and lather on your hair to keep it healthy and resistant to split ends.
  28. Have heartburn? Create an antacid by mixing ½ teaspoon of baking soda with ½ cup of water.
  29. To clean a toilet, add ¼ cup baking soda to the bowl, swirl, then scrub.
  30. Exfoliate your skin with a paste of 3 parts baking soda to one part water. Apply gently with your fingertips in a circular motion, then rinse
  31. To deodorize a drain, pour about ½ cup baking soda down the drain, followed by ½ cup vinegar. After 15 minutes, pour in boiling water to clean residue. NOTE: Use this method only if your pipes are metal. And never mix with other cleaning solutions. Don’t try this if you’ve recently used a commercial drain product.

 

oOo

“They say if you love someone let them go to see if they come back, but let’s face it, if you really love them you’re not letting them go.”

Sew Happy 6 (DIY: Snowflake Pillows)

Hindi po totoo ang sabi-sabi ng iba na kaya may mga araw na hindi ako makapag-blog ay dahil busy ako sa panonood ng porn. Susme! Ako fa! Ako fa ang pagbibintangan ng mga ganung gawain! Ako fah na walang kalibog-libog sa katawan. Ako fa na isang inosente at mangmang sa kamunduhan?! Charot!

Da truth is, kung hindi man ako nakakapag-blog minsan, yun ay dahil sa busy ako sa pag i-imprenta ng pekeng papel na pera. Hehe! Istir lang.

Waaaah! Lapit na talaga ang Pasko at mukang tuyong-Pasko na naman kami. Ang hirap maging stay-at-home mom, walang maaasahan na krismas bonus at 13th month pay :(

Heniweys, tuyong-Pasko man kami dis year, ginagawan ko na lang ng paraan na medyo maging festive ang ambiance ng mention namin. (Use mention in a sentence:  “Ganda ng bahay ko! Parang MENTION!”) Sa ganitong paraan man lang ay ma-feel namin nina Kevin, Ziah at Sang na Pasko na nga!

Snowflake Pillow1

Double time ako ngayon sa pananahi. Kelangan matapos ko na ang mga tatahiin ko kasi anytime ay pwedeng kunin na sa akin ang hiniram kong sewing machine.

Eto ang katatapos ko lang sa mga sewing project ko. New cushion covers na pang-Krismas ang design.

Snowflake Pillow2

Sa panahon ngayon, kahit anong kulay na ang pwede mong gamitin na color motif ng Pasko. Hindi yung lagi na lang red, green, gold, silver at white na lang lagi.

 

Read More »