Sew Happy 12: Scrabble Pillows

Habang humihilab ang tiyan at hinihintay ang pag-iri ng nanganganay na Prinsesa ng Cambridge kagabi, at para hindi antukin sa pag aabang ng announcement sa TV, sumabay na rin ako ng pagtatahi ng scrabble pillows para sa home sweet home ko. O ha! Ako na ang pinaka-productive kuno!

Resulta: I’m feeling ngarag sa ngayon.

Sana lang ay makarating sa royal couple ng Britanya na kasalanan nila kung bakit puyat ang royal beauty ng Iligan sa ngayon. Charot.

scrabble pillows-004

 

scrabble pillows-003

 

scrabble pillows-002

 

scrabble pillows-001

 

scrabble pillows

 

 

 

oOo

“Mas simple, mas maganda.”

 

 

Sew Happy 11: (Envelope Pillow Case)

Tahi-tahi din ng bagong punda ng mga sofa cushion pag may time.

DIY Pillow Envelope 

SAKO ng ARINA at mga reta-retasong kulay-tsokolate na tela ang ginamit ko kaya wala akong ginastos dito.

DIY Pillow Envelope-003

Mga isa’t kalahating oras lang ang ginugol ko sa pagtatahi sa lahat ng 4 pieces of cushion cover. Taray!

DIY Pillow Envelope-001

Wala na akong ginamit na zipper, snaps o buttons sa likod kasi envelope-type of pillow cases ang mga itey. Again, no gastos.

DIY Pillow Envelope-004

Haays…ako na talaga si Inday Tipid.

DIY Pillow Envelope-002 

Happy weekend!

 

oOo

“Happiness is found by living your life day to day, smiling and surrounding yourself with positive and loving people.”

Sew Happy 10: (DIY: Kitchen Linens)

Dati bumibili pa ako ng commercial kitchen towels para gamitin pamunas ng kamay, ng mga pinggan at para sa kung anik-anik pa. Hindi naman mamahalin ‘tong ang mga binibili ko pero lumalaki na kasi ang pamilya ko ngayon. Eh kelangan magtipid-tipid na naman si Mamaru.

kitchen towels Nadagdagan ang mga pinapakain at inaalagaan ko mula noong pinanganak ni Sang ang pitong tuta na ngayon ay lumalaking makukulit na. At hindi birong gastos yun ha! Kaya naman diska-diskarte muna sa pag-manage ng gastusin ngayon.

Isa ‘to  sa naiisip kong paraan para mas makatipid. Nag DIY kitchen linens na lang akey.

kitchen linens-004

Go ako last week sa Julie’s Bakeshop at bumili ako ng mga empty flour sacks.

They sell 1 dozen of empty flour sacks for P75.00 only.flour sackAng ginawa ko, binabad ko ang mga sako sa tubig na may sabon at chlorine overnight. Kinabukasan, nilabhan, binanlawan ko ng maigi, sinampay at pinatuyo.

‘Tas tinastas ko ang mga tahi. Ginupit-gupit at pinalantsa.

kitchen linens Pinaghiwalay ang side ng sako na may imprinta . . .

12 pieces hand towels . . . sa wala.

24 pieces dish towels

Sa isang dosenang sako ng arina, nakagawa ako ng 24 pieces of plain dish towels at 12 pieces of printed hand towels. Lahat-lahat sa halagang sibinti payb petot! Bungga!

Yung ibang dish towels inartehan ko simpleng disenyo lang naman sa pamamagitan ng pinakamamahal kong kulay pink na Brother sewing machine.

kitchen linens-003

Sa dami ng nagawa ko….malamang after 48 years pa ulit ako bibili ng mga pamunas sa kusina.

 

 

oOo

“Buti pa sila maganda ang lovelife, ako maganda lang.”

Sew Happy 9: (DIY: Tee to Tank)

Pag ganitong panay ang repair, upcycle, recycle, refashion ko ng kahit anong lumang damit na nakikita ko dito sa aparador ko, isa lang ang napaghahalata sa akin nyan. Isa akong PURDOY na nanay!

Napaghahalatang wala akong pang-shopping ng bagong damit kaya tiyaga-tiyaga na lang ako sa pinaglumaan. Tsk tsk! Wawa naman me. Hehe!

teetanks1-001

Mga oversized polo at shirt ni Kevin na hindi na ginagamitpinakialaman ko na rin para maging pambahay ko.

Mainit sa Pilipinas kaya wag magtaka kung puro de-TALI ang mga pambahay na ginagawa ko.

teetanks

Tutal nasa bahay lang din naman ako at madalas mag-isa, hindi ko na iniintindi pa ang magsuot ng BRA sa mga ganitong damit. Mas presko!

Kadalasan, hinahayaan ko na lumaylay ang mga dapat lumaylay! Opppps! Paalala: Sa puntong to, wag kayo makinig sa akin, wag nyo ko gayahin. :D

teetanks2-001

teetanks3-001

Siempre, pag umaalis ako ng bahay eh hindi naman ganito ang suot ko. Conservative din naman ang attire ko pag nasa publiko. Naka-TOGA lang naman ang lola nyo pag may lakad. Har! Har!

Enweys, kung interesado kayo malaman kung paano i-magic ang mga lumang shirt nyo, click nyo ang Tee To Tank Tutorial na itey.

oOo

Minsan may mga taong mahal mo na hinihintay lang na magkamali ka para may dahilan sila kapag gusto ka na nilang iwan.

Sew Happy 8: (DIY: Upcycled T-Shirt Sundress)

May bago akong costume! Bagong attire ko para sa pang araw-araw kong mga gawaing pang-muchacha dito sa haus.

tshirtdress14

Aktwali, hindi naman sya bagong bili. Galing lang sya sa isang lumang t-shirt na inarbor ko kay KUPS noon. Hiningi ko ‘to sa kanya. Sabi ko padalhan nya ‘ko ng T-shirt nya, yung luma lang ‘kako.

Ewan ko, siguro nagtataka din si Kups noon kung bakit lumang T-Shirt niya ang ni-request ko. Pero since labs nya ako noon, eh granted naman ang request ko. Kaso, I really doubted na kanya talaga ‘tong shirt. Kasi parang double XL ang size eh. (See below pictures). Hindi naman pang-dambuhala ang wankata ni Kups ‘noh.

Hmmmn…siguro may duda sa akin si Kups noon na baka gamitin ko lang sa hobby kong pangkuKULAM against sa kanya ang shirt kaya hindi sa kanya ang pinadala nya sa akin. Wais yun a! Naisahan ako. Hehe!

tshirtdress11-001

Mula ng ipinadala sa akin ang shirt, mga dalawang beses ko lang yata naisuot ‘to, as PANTULOG! :D

Kaso mainit sya dahil sa medyo makapal ang tela. mahaba ang sleeves at nasisikipan ako sa kwelyo. Nasanay kasi akong gawa sa lambat o fishnet lang ang suot ko pag natutulog. Dyoks lang!

Matagal na ‘tong nakatupi lang sa closet ko at nakakapanghinayang na hindi nagagamit lagi. Ayoko naman ipamigay. Kaya eto, finally nagawan ko na rin ng paraan para mapakinabangan ko ang remembrance na ‘to ni Kups. At para na rin siguro maalala ko sya lagi. Uyyyy! Charot!

Again, gamit ang pagiging maalindog, maganda, bata, at sariwa, at sa tulong na rin ng gunting, sinulid, pins, at sewing machine,nakagawa ako ng Upcycled T-Shirt Sundress.

tshirtdress13

Angkop na angkop ang disenyo sa maalinsangan na klima ng Pinas. Preskong-presko! Malaya na ngayon ang hangin na magpakasasa sa mura at inosente kong katawan.

tshirtdress12

Napag isip-isip ko ngayon, sana yung gamit na BOXER SHORTS na lang ni Kups ang hiningi ko noon. Para in case na hindi kasya sa akin, sigurado magagawan ko pa rin ng paraan yun. Nakarinig na ba kayo ng Upcycled Boxer Shorts Panty? Lol! :P

HAPPY SUNDAY!

oOo

“Pahalagahan kung anong meron ka dahil hindi lahat ay nabibigyan ng second chance.”

Sew Happy 7 – (DIY: Throw Pillow Cover)

Sa mga sewing craft ko, ang paggawa ng punda ng mga throw pillows ang isa sa mga pinaka-paborito kong gawin kasi nga napakadali lang tabasin at tahiin ng tela.

pillow project

Ewan ko ba, bigla ko na lang na-miss ang pananahi kaya naman napagdiskitahan ko tong mga used clothing na shirt, blouses and skirt na nakatambak lang dito sa bahay.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung kanino ang mga to at kung paano napunta sa amin. :D

Pero may duda akong kasama to sa mga Sendong relief goods na binigay noon sa ate ko at iniwan dito sa bahay.

Parang wala naman balak ang ate ko na kunin ang mga damit na to kaya eto. . .

pillow project1

. . . pagkatapos kong pagpilian, ginawa kong punda ng mga throw pillows ko ang ang mga damit para naman mapakinabangan. (Tuwing pinipiktyuran ko, hindi ko alam kung ilang beses ko paulit-ulit na inayos dahil laging rin ginugulo ni Sang ang pagkalatag ng shirt na to. Ang kulit talaga ng alaga ko! Sarap pektusan! :P )

pillow project2

pillow project3

pillow project4

pillow project5

throw pillows

Sey nyo? :P

 

 

oOo

Masarap ang walang ginagawa. Madalas wala akong ginagawa. Kaya ang sarap ko.

Sew Happy 6 (DIY: Snowflake Pillows)

Hindi po totoo ang sabi-sabi ng iba na kaya may mga araw na hindi ako makapag-blog ay dahil busy ako sa panonood ng porn. Susme! Ako fa! Ako fa ang pagbibintangan ng mga ganung gawain! Ako fah na walang kalibog-libog sa katawan. Ako fa na isang inosente at mangmang sa kamunduhan?! Charot!

Da truth is, kung hindi man ako nakakapag-blog minsan, yun ay dahil sa busy ako sa pag i-imprenta ng pekeng papel na pera. Hehe! Istir lang.

Waaaah! Lapit na talaga ang Pasko at mukang tuyong-Pasko na naman kami. Ang hirap maging stay-at-home mom, walang maaasahan na krismas bonus at 13th month pay :(

Heniweys, tuyong-Pasko man kami dis year, ginagawan ko na lang ng paraan na medyo maging festive ang ambiance ng mention namin. (Use mention in a sentence:  “Ganda ng bahay ko! Parang MENTION!”) Sa ganitong paraan man lang ay ma-feel namin nina Kevin, Ziah at Sang na Pasko na nga!

Snowflake Pillow1

Double time ako ngayon sa pananahi. Kelangan matapos ko na ang mga tatahiin ko kasi anytime ay pwedeng kunin na sa akin ang hiniram kong sewing machine.

Eto ang katatapos ko lang sa mga sewing project ko. New cushion covers na pang-Krismas ang design.

Snowflake Pillow2

Sa panahon ngayon, kahit anong kulay na ang pwede mong gamitin na color motif ng Pasko. Hindi yung lagi na lang red, green, gold, silver at white na lang lagi.

 

Read More »

Sew Happy 5 – (DIY: Grocery Bag Holder)

Naglamyerda ako kagabi sa cyberspace kasama si bespren Google at na-sight ko ang step by step Grocery Bag Holder tutorial na itetch DITO.

Grocery Bag Holder

Kako gusto ko magkaroon nito kasi kelangan ko ng organizer para sa malalaking reusable grocery bags na madalas ginagamit ko pambalot ng basura namin.

 

Grocery Bag Holder

Hugot-hugot lang ng plastic sa butas sa ilalim ang drama ng holder na to. Iniisip ko nga, gawa kaya ako ng isa pa. Para lagayan o organizer naman ng mga SALAFI ko? Charot!

Haysang saya siguro no? Kumbaga, huhugot-hugutin ko lang ang nakausling pera sa ilalim. Olats sa astig ang tunay na ATM ?! Kaso dapat paper money lang ang ilalagay. Eh panu naman yun, puro baryabols lang ang mga SALAFI ni Mamaru. :(

Heniweys, bago ko ang inihimlay sa malembot na papag ang mala-josa kong pangangatawan para ipahinga kagabi (Hihihi!), kinalap ko muna ang mga reta-retaso kong tela at pinagtagpi-tagpi.

retasong tela

Kagabi ko na rin to tinahi. Siempre sinundan ko ang tutorial.

Grocery Bag Holder

Medyo malaki tingnan sa piktyur pero may haba na 20 inches lang ang holder na to.

Grocery Bag Holder

Taaa daa!

Me super-likey this project! Haylabit! :D

 

oOo

Hindi ka nasaktan dahil manhid siya.. nasasaktan ka dahil UMASA KA.

DIY Project: Cushion Cover

BAGO ang lahat. . . ako pa rin ang LUMA. Chos! Gasgas na intro ko.

Seryusli, gusto ko humingi ng paumanhin dun sa mga libo-libo kong mga subscribers. Libo-libo? Istir lang. Hehe!

Da truth is, LIMA lang yata ang email subscribers ko. Kaya baka gusto nyo dagdagan, gawin nyo na NOW na! :D Siempre hindi rin kayo maniniwala na lima lang kasi likas na charotera ako. Heniwey, kung nagkaka-doble man ang delivery ng mga blog post ko sa mga email nyo ay dahil nag-repost po ako kagabi. Nagka-problema kasi kahapon ang blog ko kaya SENSYA na po ha. Yun lang. Bow.

Uy! May bagong mga CUSHION COVERS ang lola nyo!

DSC04412_2

Again, mga retasong tela lang to. By the way, bumibili ba kayo ng mga damit galing sa ukay-ukay? Ako kasi karamihan ng mga damit ko galing sa ukay-ukay. At karamihan ng mga dress galing ng UK eh may mga lining na tela na parang silk pero hindi naman sila silk. Lol. Sori na, di ko kasi alam ang namesung ng mga tela na yun.

Minsan inaalis ko yun kasi ang init nun sa wankata lalo na pag palda. Ayokong pinagpapawisan ang mga luscious singit ko.

Madaming naipon na mga lining ang lola nyo at ni-recycle ko sila bilang cushion cover.

cushion cover1

Ang naging gastos ko lang sa apat na CUSHION COVERS na itetch ay:

  • Rick-rack trimmings (4 yrds x P3.00) = P12.00
  • Zipper (4 pcs x P5.00) = P20.00

Bale P32.00 lang lahat ang nabawas sa limfak-limfak kong salafi.

Bah! Kung bibili ka ngayon ng cushion cover sa depatment store, pinakamababa na yata ang P50.00 bawat isa.

cushion cover2

Aber! Sino may sabing puro pang-kama lang ang mga taglay kong God-given talent/skill? Chos!

cushion cover3

Ayos ba? *wink*

 

 

oOo

Sew Happy 4 – ( DIY: Altered Bed Spread)

Napagdiskitahan ko to last week. My old white lacey bed spread na ginagamit ko noong virgin pa ako. Wa istir! :P

BEFORE

DSC04170_2

Matagal ng hindi nagagamit to kasi pang single bed ang size nya. Nanghihinayang naman ako na ang tagal na nyang nakaburo sa baul (kaya amoy-naptalina sya habang tinatahi ko) kaya ginawan ko na ng paraan para mapakinabangan.

DSC04169_2

#1 pang single bed ang spread, hindi kasya sa bed namin.

#2,3,4,5 pinagtatastas/inalis ko mga yan.

#6 ginupit ko sa gitna para madugtungan.

AFTER

DSC04209_2

Sensya na kung hindi ko na nakuhang plantsahin muna bago kinodakan. Hindi naman dahil sa excited ako. Nagtitipid lang talaga ako ng kuryente. Wahaha!

DSC04211_2 DSC04214_2 DSC04213_2

Eto ang mga lace na inalis ko dati sa may laylayan at pinaggupit-gupit ko. Nilagyan ko pa rin ng lace ang bagong laylayan kung mapapansin nyo.

DSC04171_2DSC04172_2

At siempre, gaya ng dati kong punchlinesa pamamagitan ng paggamit ko ng angking-kagandahan, alindog, kabataan at sentido-kumon, ang ibang lace ay ginawa kong bulaklak. :P

DSC04174_2 DSC04175_2

Nagkataon na marami akong retasong white tetoron na tela kaya nakagawa din ako ng pang-pillowcase at cushion cover to match the altered bed spread.

DSC04200_2DSC04215_2

Hulaan nyo na lang kung saan ko pa pinaglalagay ang mga binutingting kong mga bulaklak at ibang mga tinabas na lace.

DSC04206_2

O ayan! Ready na ang kama. Lalaking maikakama na lang talaga ang kulang. Lalaking mapaglalaanan ko ulit ng virginity ko. Hihi!

oOo