Siomai

Matagal ko ng gustong gumawa neto: SIOMAI. (tsaka yung fried pork dumplings din)

Eh kasi naman sa resto, ewan ko ba at para bang bitin ako sa tig-tatlong piraso lang ang nalalamon ko. (watta word! lamon!) Pwera na lang kung dun ako lagi lalafang sa Eat-All-U-Can Merienda ng DADs kung saan pwede ka magpakabundat ng Siomai nila at ibang kakanin sa halagang 300 hundred petot lang.

Kanina, ayun at natupad na rin ang simpleng gusto kong lumamon ng sariling gawa na Siomai hanggang sa naumay ako sa dami! Hahaha! Siempre masarap Siomai ko, gawa ko eh! Masarap dahil may sangkap na pagmamahal. Echoos!

Yung pic ng Siomai na nasa steamer… di pa yan luto.

Read the rest of this entry »

Iwas Kutis-Betlog

Bisi-bisihan ako sa pagdeliver ng mga polvoron ko dun sa Cagayan De Oro Airport kahapon.

Uy, pipol of da pilipins! Baka makapag-biyahe kayo papuntang Cagayan do Oro at baka maghanap kayo ng maipa-pasalubong nyo pauwi…abelabol po ang polvoron ko sa isang pasalubong stall dun. Hehe! Shameless plugging ang hitad!

O, baka magkaroon kayo ng business trip o kaya gusto nyo maki-fiesta sa CDO on August 28, abah eh tikman nyo naman ako este yung polvoron ko. Madali lang hanapin ang LaFemme Polvoron kasi dadalawa lang naman ang tindahan dun sa mismong pre-departure area ng airport.

Tangkilikin nyo ang kumikitang-pangkabuhayan ni Mamaru ng may maipang-tustos naman ako sa mga lalaki ko. Joke!

Read the rest of this entry »

Watch Out For Sales

The best way to get deal on furniture is to window shop first or when buying stuff, it always pays to know when they are on sale. On sale items in furniture stores are not necessarily rejects. Inventory sales are good because these are the stuff that stores are trying to let go to make new room for the new one. 

 

Lighting Fixtures

Many people want their homes customized according to their tastes to express their personalities. I want my room painted beige because it is my favorite color. I also had my cabinet and drawers designed to my taste. Even my bookshelf reflects a part of my personality. In short, having a home that has sprinkles of my personality has always been a dream for me.

Read the rest of this entry »

Living In A Studio

Living in a studio-type unit is very popular among college students and young professionals because of the convenience and privacy that it offers. However, its limited space ranging from 20 – 30 square meters, gives a different challenge in terms of space planning and design.

Read the rest of this entry »

Cozier Ambience

The living room is the place in our house where our family spends most of the time together. It is in this area where we use lot of time on choosing furniture, colors and accessories to match the area. To add cozier ambience, installing the right lighting fixtures is important.

Read the rest of this entry »

Dahil Sa Nagmamahalan

Sa pagpapatuloy ng Austerity Program ko, naghalungkat at pinag-aralan ko ang mga previous utility bills ko. Nagkwenta-kwenta ako at nag isip-isip na may kasamang tsk tsk tsk!

Eto ang mga binabayaran kong monthly bills para mabuhay kami ng kahit papano ay komportable sa bahay:

  • SMARTBro (internet)  : P999.00
  • PLDT  (landline phone):  P362.50
  • Electricity: P1000-1200.00
  • Water: P55-60.00
  • LPG:  P414.00 (7kgs)

Napag-desisyunan ng hukom este ko na yung SMARTBro internet connection at PLDT phone ko - tsugihin na! Lipat na ako sa GLOBE dun sa bundle package nila na for only P995.00 a month ay may  unlimited internet service ka na may kasamang landline pa. Ayos para sa akin ang Globe kasi yung brader ko sa Cainta at isang pamangkin sa Metro Manila ay mga Globe subscribers din. Pwede na kaming magtawagan gamit ang landline phone ng walang long-distance charges. Sa paglipat kong to sa Globe, hmmmn… makakatipid ako ng  P366.50 kada buwan. Panalo na di ba?

Sa kuryente namin, nalalakihan ako dito sa bill namin. Dati nasa 600-700.00 petot lang ang binabayaran ko. Since ngayon ay  tatlo na lang kami ulit dito sa bahay , siguro naman ay mas menos na ang consumption ko. At dahil ako na ulit ang mamamahala sa mga gawaing-bahay siempre makakagawa ako ng mga paraan para mas makatipid. Halimbawa:

  •  Kung hindi naman madalian ang pagsasaing - pass muna paminsan-minsan sa pag gamit ng rice cooker.
  • Huwag hayaan na matambakan ng maruruming damit para maiwasan ang pag gamit ng washing machine.

Aktwali, mas gusto ko talaga kinakamay ang paglalaba kesa washing machine basta wag yung marami dahil tiyak masusugatan ang manipis na balat ng kamay ko. Naks!

Hindi ko alam kung alin ang mas malakas ng kain sa kuryente…ang desktop ba o laptop? Basta  sigurado akong hindi na aandar ngayon ang PC desktop namin ng mahigit 12 hours araw-araw na gaya ng dati.

Iniisip ko para mas makatipid pa sa kuryente baka bibili na lang ako ng plantsang de uling! Joke! Waaaa! Naalala ko tuloy… ganun ang plantsa namin nung elementary pa ako. Bigat pa naman nun at ako palagi nauutusan sa paglalagay ng uling.

O kaya para mas makatipid baka gayahin na lang namin mag-iina yung TV commercial ng Philips Lighbulbs kung saan iisang ilaw lang talaga ang binubuksan ng isang pamilya sa bahay nila para lang makatipid. Hehehe!  Ayoko naman yata ng ganun. Sisipagan ko na lang mag-unplug ng mga appliances pag hindi naman ginagamit.

Mura lang ang tubig dito sa amin. Bihira lang na lumampas sa P100.00 ang monthly bill ko. Howel, maraming mapagkukunan ng tubig ang  Iligan City. City of Waterfalls kaya kami. Angas!

‘Tong lintek na LPG ang mabilis magtaas ng presyo. Olats! Dati P350.00 lang ang tangke na 7kgs. Lately P414.00 na! Syetness!

Hayyys…sa daming pagkakasyahin at sa hirap ng paghahanap ng paraan para makatipid, iniiisip ko paano pa kaya ako makakapanlalaki neto? Nagmahal na rin kaya ang presyo ng lalaki ngayon? Owe’ Lord!

 

Cozy Patio

To live in a tropical country like Philippines is a desire to some foreigners. The climate here is very ideal to have an open air dining or to spend relaxing moments in a garden at home and that if you have one. If none, then creativity and skills is all that is needed to create your own cozy home garden with modern patio furniture and accessories to match.

 

May Mga Paraan Kung Gugustuhin

Kapapanood ko pa lang kanina sa TV Patrol ang tungkol sa kahindik-hindik na ginawa ng isang ina sa kanyang dalawang anak edad 6 at 2. Pinagsasaksak lang naman ng nanay ang mga bagets nya dahil ayun sa balita, nasisiraan ng bait yung nanay dahil sa problema sa kawalan ng pera.

Kinikilabutan ako habang nanonood. Naknampating! Naghahapunan pa man din ako. Sa panahon ngayon, hindi imposible ang mawalan ka ng katinuan dahil sa sobrang hirap ng buhay. Kaya pag hindi talaga matibay-tibay ang pananampalataya mo dun sa itaas…taong-grasa ang kababagsakan mo.

Ako man ay nalulukring din sa mahal ng mga bilihin ngayon kaya para maka-survive, importante ang marunong ka talaga DUMISKARTE.

Share ko sa inyo ang pandadaya na ginagawa ko sa budget para lang medyo marami naman ang mapuntahan ng datung ko. Sa isang meal namin, maniwala ba kayong 35-50 pesos lang ang budget ko sa ulam? Howel, hindi kami nakaka-angat sa buhay kaya madalas paisa-isang ulam lang kami. Nagiging praktikal lang po, ang importante ay may quality ang nag iisang ulam at hindi kami pumapalya sa pagkain. Kunsabagay, 3 lang naman din kami at alam ko ang capacity ng bituka ng mga anak ko. May pagkakataon pa nga na sumusobra pa ang ulam namin. Lols.

Read the rest of this entry »

Kelangan Ko Neto

Noong alaws pa akong mga junakis at isang dakilang alila lang sa pagta-trabaho sa opisina, eto ang mga tools na gustong-gusto ko na magkaroon. Wish ko noon ang makatanggap as pa-bertdey o kaya ibigay sa akin ni Santa Claus pag pasko ang mga pang- kikay gaya ng make-up,  at mga tools ng pang make-up. Noon yun.

Read the rest of this entry »

Theme Brought to you by Directory Journal and Elegant Directory