Tuloy pa rin ang petiks mood ko. Pakape-kape, pabasa-basa ng magazines, paamoy-amoy ng paa, nood ng dvd, lamon, bunot ng 2 maliliit na buhok sa kili-kili, at pasilip-silip sa mga blogs na matagal ko ng hindi nabibisita.
Sa paglilibot, napansin ko ang daming dumating na mga bagong sibol na bloggers pero mabibilis pa sa alas kwatro na nagsi-alisan din. Yung iba, inagiw na ang mga blogs at pinamahayan na yata ng mga nilalang na “not like us”.
Mga ningas-kugon naman yung iba, parang gumawa lang ng blog account dahil sa naki-uso o nainggit sa ka-upisina. Sows, nagsayang lang sila ng bandwidth ng Wordpress at pinagsikip lang nila ang blogroll ko dati.
Kakapanghinayang yung mga nakilala ko kasi magagaling din yung iba talaga. Kaso siguro wala lang silang oras na magblog o siguro kulang lang ang passion nila sa pagbo-blog. Kelangan kasi kasama ang puso mo pag nag-umpisa ka mag blog. Kelangan din dito ng tyaga at sipag. Enways, dun sa mga umalis…nakaka-miss din kayo, totoo.
Ako naman, hanggat may pambayad ako sa monthly internet connection at sa web host ko, may sariling computer at hanggang kaya ng mga daliri ko ang tumipak sa keyboard - wala akong balak tumigil o isara ang blog ko.
Bubuhayin ko ‘to hanggang sa abutin ako panahon na may mga apo na ako at kung sakaling hindi man nila ako maabutan na buhay….eh balang araw ay dito nila ako makilala sa blog ko.
Wala akong balak na alisin ang mga litrato kong nagkalat dito. Walang mangingialam sa akin dahil sinadya ko yan para sa mga apo ko.
Someday, cool para sa akin ang marinig mula sa mga apo ko na ibibida ang, “wala kayo sa lola ko, pinkish ang nipols!” Wahaha! O di ba, ang saya!
Someday, mababasa din ‘to ng mga apo ko.
Kaya, oist! mga future hijos at hijas na aponess ko… eto ang blog ko… at alam nyo bang katulong ko ang blog na ‘to sa pagtustos ng pag aaral ng mga tatay Kevin at nanay Keziah nyo? Eto ang pagmumukha ko…ganito ako kalandi (lols) ganito ako mag isip… eto ang mga pananaw ko sa mga bagay-bagay… ang mga pinagdaanan ko sa buhay… dito, dito sa blog ko mismo kilalanin ang agwela nyo!
At sana balang araw ay hindi nyo ko ikahiya dahil sa totoo lang…wala kayong karapatan na ikahiya ako. Lols.
Tapatan na, pag ikinahiya nyo ko….ikinakahiya ko na rin kayo! Wag na tayo magplastikan. Wag na kayo mag anu-ano diyan dahil may K magtaray ang lola nyo!
Hehe! At sana nga, balang araw kung maging bloggers din kayo - wag kalimutan na isama ang puso sa pagbo-blog nyo.