Pasasalamat Mula Sa Pusss…o

Bago ang lahat (ako lang ang luma), pasasalamat muna ang gagawin ko sa araw na ‘to.

To: James Tan a.k.a. Smythballs, Koreanmine, and Roderick (wow_kalabaw) - sa walang sawang pagpo-forward sa kin ng mga SMS Jokes. Hindi lang ako ang napapangiti ng mga jokes na pinapadala nyo kundi pati na rin ang lima na sumusubaybay ng blog ko. Hanggang lima lang kasi ang nakikita kong online na nasa loob ng blog ko. 

Pero seryoso, ang dami nagppm sa akin para magpasalamat sa mga SMS jokes na galing sa inyo at pino-post ko dito lalo na yung mga OFWs na hindi nakaka-receive ng SMS galing dito sa Pilipinas. Kahit papano daw eh “updated” sila sa mga kakulitan ng pinoy sa texting. 

Read the rest of this entry »

Burger King’s Steakhouse Burger

Walang Burger King dito sa kuta ko kaya pag nakaluwas ako ng Maynila… ahermmm! kelangan matikman ko na to!

Steakhouse Burger

The new Steakhouse Burger is packed with Angus beef, melted cheese, crispy onions, lettuce and tomatoes, all smothered in A.1® Thick & Hearty Steak Sauce. It’s the burger you can’t wait for. 

steakhouse-burger.jpg

Ewan ko ano meron sa BK, siguro sawa o nauumay lang kami sa lasa ng mga burgers ng McDonalds at Jollibee. Mga bagets ko lalo na si Kevin eh gustong-gusto nya ang mga burgers ng BK. Kasehodang akyatin namin ang tuktok na floor ng Galleria. Kahit yung ka-berks kong pamangkin na si Tweetums ganun din.

Hmmmn.. kaso mahalia jackson sya. P180 petot kasama sopdrink tsaka fries. Hindi ko pa sya natitikman kasi ang mahal nga. Eh barat ko pa naman. Pero tantiya ko, di ko sya mauubos at babalutin ko na naman ang kalahati para i-uwi sa bahay. Lols.

Ayos din sa ads ha!

Si Lucio Tan: Ninong Ko?

Kilala mo pa ba ang mga ninong at ninang nyo sa binyag? Close ba kayo? Kung OO, mabuti pa kayo. Inggit ako! Pero dapat mas inggit kayo sa iku-kwento ko ngayon.

Ako kasi, lumaki akong (lumaki nga ba?) walang nakilalang ninong o ninang. Kaya naman nung kabataan ko tuwing Pasko ay olats o betlog ako sa aginaldo mula sa ninong/ninang. Pero narinig ko minsan nung nabubuhay pa si Mader ko, yung nag-iisang sikat na doktor daw sa Samar ang ninong ko. Abah! Madatung kung ganun! Kaso kever! walang silbi rin kasi hindi naman kami magkakilala.

Kakainis, bakit kaya hindi tayo pwedeng pumili ng mga ninong at ninang noong bininyagan tayo?

Pwes! Hindi pa naman siguro huli ang lahat dahil yan ang gagawin ko sa ngayon. Hindi po ako magpapabinyag ulit pero pumili na ako ulit ng ninong ko. At siempre, pipili na rin lang ako abah eh yung bonggang-bongga na! Sa lagay ba eh…. kukuha ba ako ng pipitsugin at kung sinetch-sinetch lang na ninong? Abah!

Read the rest of this entry »

Iwas Kutis-Betlog

Bisi-bisihan ako sa pagdeliver ng mga polvoron ko dun sa Cagayan De Oro Airport kahapon.

Uy, pipol of da pilipins! Baka makapag-biyahe kayo papuntang Cagayan do Oro at baka maghanap kayo ng maipa-pasalubong nyo pauwi…abelabol po ang polvoron ko sa isang pasalubong stall dun. Hehe! Shameless plugging ang hitad!

O, baka magkaroon kayo ng business trip o kaya gusto nyo maki-fiesta sa CDO on August 28, abah eh tikman nyo naman ako este yung polvoron ko. Madali lang hanapin ang LaFemme Polvoron kasi dadalawa lang naman ang tindahan dun sa mismong pre-departure area ng airport.

Tangkilikin nyo ang kumikitang-pangkabuhayan ni Mamaru ng may maipang-tustos naman ako sa mga lalaki ko. Joke!

Read the rest of this entry »

Breakfast In Bed

Someday I’m going to be a rich woman. And when I’m stuffed with lots of moolah the first destination that I am going to visit is Paris, France. It’s my ultimate dream country and definitely I am going to fulfill my long time fantasy of having bed breakfast Paris with the view of Eiffel Tower. I will stay in a Hotel Paris and of course the bed and breakfast Paris won’t be complete without a lover beside me. :)

 

Hiatus?

Yari ako neto. Mawawalan daw ng ilaw ang buong siyudad namin ng dalawang araw mula mamaya. Amp! Trulili ba itetchhhhh! Sana tsismis lang. 

Natataranta tuloy ako mag ipon ng tubig. Mawala na yung kuryente wag lang mawalan ng tubig. Mahirap ang hindi nakakapang-hugas ng pekp*k! Hays… hanunabato!

Ibig sabihin hindi ako makakapanood ng Gala Night ng PDA mamayang gabi?

Dalawang araw na walang internet? Aywanaday na talaga!

Pwersahang hiatus sa pagbo-blog? Hindi kaya ako lagnatin? Naks! OA ko na! Kala mo naman dalawang linggo aabutin.

 

Fight Lang Ng Fight

Quarrel, squabble, disagreement, fight, argue, dispute, debate — ok lang ‘to sa kahit anong relasyon basta ba naaayos agad.  Mag-syota man kayo, mag-asawa, mag-kaklase, magka-upisina, mag-kaibigan, magka-barkada, hindi talaga maiiwasan ang paminsan-minsan na magkakalabuan. Eh kasi nga magka-clash talaga ang mga personalidad dahil hindi pare-pareho ang mga tao lalo na pag iba ang mga kinalakhan. 

Read the rest of this entry »

Muted Days

muted_days_0.jpg
days are too busy, hours are too few, seconds are too fast, but there is always a time for me to say hello to him. 

you see, in this world of odds and ends, he is the last person to inhabit my thoughts at night and the first name that wake me up in the morning.

he is funny in a gawky, clownish kind of way. how uncontrollable his passions are! will i understand the crazy things he does? i kept his sleepy kisses given at night. i have his smile etched in my soul. i have his laughter and i will never let it go.

i’m not very good with words. i can only wish that he felt what i couldn’t say. i would like to listen not only to what he is saying but to what he is not saying or trying to say but cannot.

i have a rather odd feeling that the more i see him the more i like him, and the more i like him, the more i want to show him things and get his reactions.

right now i just want someone i can get along with, someone fun to be around. someone i can laugh with and hang out with, someone like him.

Bulok

Sa edad kong ‘to, kahit papano kilalang-kilala ko na ang sarili ko. Alam ko na ang kahinaan ko at kung saan ang kalakasan ko. Alam ko na rin ang mga gusto ko sa buhay, kung anong mga bagay-bagay ang mahalaga at magpapasaya sa akin.

Bukod sa pamilya, importante sa akin ang mga kaibigan ko. Pero kabaliktaran ang lahat nung nag aaral pa ako kung saan sandamakmak ang mga friends ko. Noon,  ang mundo ko ay halos umiikot sa mga kaibigan at barkada lang. Pwede kong iwanan ang boyfriend ng dahil lang sa barkada.  Andun pa na mas pinipili kong makasama ang mga barkada kesa mga kapatid at magulang ko noon. Mas loyal pa nga ako sa barkada kesa boypren.

Kumusta naman daw akong kaibigan NOON? Magbubuhat na ako ng bench ha?

Read the rest of this entry »

Si Brokenman

Sa Wordpress-Pinoys, marami naman siguro nakakakilala kay Brokenman. Si Lex aka Brokenman, sya yung may sakit na Leukemia na hanggang ngayon ay nagpapagamot at nagpapagaling. Kung nasubaybayan mo ang wento niya, kakaloka ang pakikipag bunong-braso nya sa sakit nya. Ayoko maawa kay Lex dahil alam ko na hindi naman nya kailangan yung awa galing sa akin. Bukod sa prayers, siguro naman mas gugustuhin ni Lex na i-treat syang normal - yung walang karamdaman at kadramahan. 

Mas gusto ko syang hangaan kesa kaawaan. Kakabilib naman talaga sya. Juice ko po, hindi basta-basta ang pinagdadaanan ng taong to. Kahit papaano ay alam ko ang nangyayari sa kanya kasi hindi man ako nag-iiwan ng bakas sa blog nya, nababasa ko naman lagi ang mga entries nya sa blog surfer ko. 

Kahapon, kinatok nya ako sa YM ko. Nakaka-excite ang makausap ulit ang isang kaibigan. Siempre, hindi nakakawala si Lex sa pagiging malandicious ko. Ako fah!

Read the rest of this entry »

Theme Brought to you by Directory Journal and Elegant Directory