Bulok

Author: MARU  //  Category: Inner-self, Inner-thoughts, Life & Leisure

Sa edad kong ‘to, kahit papano kilalang-kilala ko na ang sarili ko. Alam ko na ang kahinaan ko at kung saan ang kalakasan ko. Alam ko na rin ang mga gusto ko sa buhay, kung anong mga bagay-bagay ang mahalaga at magpapasaya sa akin.

Bukod sa pamilya, importante sa akin ang mga kaibigan ko. Pero kabaliktaran ang lahat nung nag aaral pa ako kung saan sandamakmak ang mga friends ko. Noon,  ang mundo ko ay halos umiikot sa mga kaibigan at barkada lang. Pwede kong iwanan ang boyfriend ng dahil lang sa barkada.  Andun pa na mas pinipili kong makasama ang mga barkada kesa mga kapatid at magulang ko noon. Mas loyal pa nga ako sa barkada kesa boypren.

Kumusta naman daw akong kaibigan NOON? Magbubuhat na ako ng bench ha?

Read more…

Si Brokenman

Author: MARU  //  Category: Inner-thoughts, Life & Leisure

Sa Wordpress-Pinoys, marami naman siguro nakakakilala kay Brokenman. Si Lex aka Brokenman, sya yung may sakit na Leukemia na hanggang ngayon ay nagpapagamot at nagpapagaling. Kung nasubaybayan mo ang wento niya, kakaloka ang pakikipag bunong-braso nya sa sakit nya. Ayoko maawa kay Lex dahil alam ko na hindi naman nya kailangan yung awa galing sa akin. Bukod sa prayers, siguro naman mas gugustuhin ni Lex na i-treat syang normal - yung walang karamdaman at kadramahan. 

Mas gusto ko syang hangaan kesa kaawaan. Kakabilib naman talaga sya. Juice ko po, hindi basta-basta ang pinagdadaanan ng taong to. Kahit papaano ay alam ko ang nangyayari sa kanya kasi hindi man ako nag-iiwan ng bakas sa blog nya, nababasa ko naman lagi ang mga entries nya sa blog surfer ko. 

Kahapon, kinatok nya ako sa YM ko. Nakaka-excite ang makausap ulit ang isang kaibigan. Siempre, hindi nakakawala si Lex sa pagiging malandicious ko. Ako fah!

Read more…

May Mga Paraan Kung Gugustuhin

Author: MARU  //  Category: Family, Food, Home & Living, Inner-self, Inner-thoughts, Life & Leisure

Kapapanood ko pa lang kanina sa TV Patrol ang tungkol sa kahindik-hindik na ginawa ng isang ina sa kanyang dalawang anak edad 6 at 2. Pinagsasaksak lang naman ng nanay ang mga bagets nya dahil ayun sa balita, nasisiraan ng bait yung nanay dahil sa problema sa kawalan ng pera.

Kinikilabutan ako habang nanonood. Naknampating! Naghahapunan pa man din ako. Sa panahon ngayon, hindi imposible ang mawalan ka ng katinuan dahil sa sobrang hirap ng buhay. Kaya pag hindi talaga matibay-tibay ang pananampalataya mo dun sa itaas…taong-grasa ang kababagsakan mo.

Ako man ay nalulukring din sa mahal ng mga bilihin ngayon kaya para maka-survive, importante ang marunong ka talaga DUMISKARTE.

Share ko sa inyo ang pandadaya na ginagawa ko sa budget para lang medyo marami naman ang mapuntahan ng datung ko. Sa isang meal namin, maniwala ba kayong 35-50 pesos lang ang budget ko sa ulam? Howel, hindi kami nakaka-angat sa buhay kaya madalas paisa-isang ulam lang kami. Nagiging praktikal lang po, ang importante ay may quality ang nag iisang ulam at hindi kami pumapalya sa pagkain. Kunsabagay, 3 lang naman din kami at alam ko ang capacity ng bituka ng mga anak ko. May pagkakataon pa nga na sumusobra pa ang ulam namin. Lols.

Read more…

Coke Zero

Author: maru2  //  Category: Life & Leisure

coke-zero.jpg

Coke Zero – ang bagong kina-aadikan ko. Gustong-gusto ko lalo na pag super-lamig sya. Kaso sa madalas na pag inom ko madalas din ang mga side comments na naririnig ko na kesyo naka-kanser daw ‘to, kesyo yung sandamakmak na artificial sweetener na aspartame na nilagay dito kesyo magkaka-brain tumor ka daw ng dahil dun, kesyo can cause death daw, kesyo chuvarloo ek-ek, kesyo tsuk tsak tsuk at iba pang chuva chenes! Hays, Leche! Lahat na lang naka-kanser! Panu naman ako magkaka-brain tumor eh wala naman ako brain. Lol. Op kors di ako naniniwala kaya minabuti ko ang magbasa-basa ng mga articles sa magazine at internet about artificial sweeteners.

Eto yung mga nasagap kong infos at i-share ko na rin ang tungkol sa mga MOST COMMONLY USED ARTIFICIAL SWEETENERS:

  • Saccharin (Brand name: Sweet N Low) 300 times sweeter than sugar; comes in pink sachets.

sweet-n-low.jpg

  • Aspartame (Brand names: Nutra Sweet, Equal) 160 to 200 times sweeter than sugar; comes in blue sachets.

equal.jpg

  • Sucralose (Brand name: Splenda) 500 to 600 times sweeter than sugar; comes in yellow sachets.

splenda.jpg

1. WHAT ARE THEY?

An Artificial sweetener is a food additive that duplicates the effect of sugar in taste, but often with less food energy (i.e. calories). Most sweeteners are artificially synthesized compounds, and which is why the sensation of sweetness that they cause is sometimes notably different from real sugar. Thus, they are often used in complex mixtures that achieve the most natural sweet sensation. (For example, Equal is the sweetener aspartame mixed with maltodextrin, a chemical compound that provides the “sugar texture”.)

2. ARE THEY REALLY SAFE TO USE?

Many studies have suggested links between the use of artificial sweeteners – particularly saccharin and aspartame – and the development of a wide variety of health problems, like brain tumors. However, no link has, to date, been conclusively proven, and so the medical community continues to endorse the use of sugar substitutes to diabetes and weight-watchers.

3. NO, REALLY NOW, IS THERE NO DOWNSIDE TO USING SUGAR SUBSTITUTES?

The only problem I see with artificial sweeteners is how it lulls users into complacency – people who use sugar substitutes think that if they drink a diet soft drink during the day, it’s alright to gorge on a bag of M&Ms in the evening, but it doesn’t work that way! The artificial sweetener is supposed to help you cut down on the naturally sweet stuff, and not serve as the opening act to the main event.

*** Adapted from material sourced from <wikipedia.org>

Ayan, mabuti na yung medyo naliliwanagan sa mga kumakalat na tsismis at para hindi masyadong nagiging engot. Tsaka pwede ba, mas naniniwala ako na pag oras mo na…then you’ll die! Period!

Paynaleeeeee!

Author: Maruja  //  Category: Inner-self, Inner-thoughts, Life & Leisure

Isang tulog na langggggggg! At saberdey na! Excited ako dahil mula bukas ay mag-uumpisa na ang maraming pagbabago sa pang araw-araw na buhay ko. Grabe! Pakiramdam ko, tatlong taon na natutulog ang Diyos. 3 years Niyang denedma-dedma bago sinagot ang matagal ko ng ipinagdadasal sa Kanya. Kala ko nga wala na akong kalakas-lakas sa Kanya. Andun yung halos gusto ko syang kantahan ng kantahan noon na labas ang ngala-ngala ko nung Bring Me to Life ng Evanescence :

…all this time I can’t believe I couldn’t see
kept in the dark but you were there in front of me
I’ve been sleeping a thousand years it seems
got to open my eyes to everything
without a thought without a voice without a soul
don’t let me die here
there must be something more
bring me to lifeeeeee

(I’ve been living a lie, there’s nothing inside)
Bring me to lifeeeeeeeeee

Hindi ko mai-detalye ang dahilan kung bakit sobrang excited ako kasi sobrang personal. Usapang-pampamilya bagah.

Pero maihahalintulad na rin ang tinutukoy kong kalagayan sa sitwasyon na para bang nag asawa ako na labag sa kalooban ko. At sa dahilan na rin na gusto kong makatulong sa ibang tao ay pumayag ako makipag-live in dun sa tao at pinalipas ang mga taon na makisama ng maayos, umintindi, sumuporta, hanggang sa napapansin ko na hindi na talaga ako masaya sa pagsasama namin. Nararamdaman ko na unti-unting nawala yung zest ko sa buhay dahil sa nahihirapan na ako sa totoo lang.

Most of my days sa loob ng 3 taon, napilitan akong magkulong na lang sa loob ng kwarto ko. Mahabang panahon din ang 3 taon noh!. Isip-isip ko, ayoko na talaga ang magkunwari pa. Hindi talaga kami bagay at hindi talaga kami magkakasundo na magsama sa habangbuhay sa isang bubong. Kelangan umalis ang isa sa amin at siguradong hindi ako ang aalis dahil ko bahay ko ‘to noh! Hellooooo!

Tagal ko rin nagtiis at nagpaka-martir. Andun na ako sa puntong gustong-gusto ko na makipaghiwalay pero wala akong lakas ng loob na magsabi kasi naaawa ako kaya tiniis-tiis ko pa rin ang lahat. OA na kung OA pero ilang beses akong nag iiyak habang kinakausap ko si Lord na sana Siya na lang ang gumawa ng paraan para maghiawalay kami ng maayos ng kinakasama ko.

Howel, after 48 years eto naaaaaaa! Last week … may nakuha na akong signs sa hinihiling ko at paynaleeeee! Ang sagot sa mga panalangin ko ay binigay nung isang araw lang. Goshhhhhh! Praise the Lord talaga. Parang panibagong buhay to sa akin at sobrang excited ako.

Pero teka, baka ang iniisip nyo ay lalaki ang tinutukoy ko dito, ay! hindi po to tungkol sa lalaking kinakasama o jowa dahil wala po ako nyan – magkakaroon pa lang. Bwahaha!

Nways, magiging abala ako sa mga susunod na mga araw. Madami akong aayusin sa bagong buhay ko…sa bagong kalayaan ko sa sariling pamamahay ko. Basta, Lord…tenk yu po.

Lord: “yur welkam, mamaru. Kaw fah! Mwah!”

 

 

Sa NGAYON pa lang…

Author: maru2  //  Category: Inner-self, Inner-thoughts, Life & Leisure

I am happy today—want to join me?

Dami nagtatanong sa akin lalo na yung mga bagong kakilala kung bakit sa age ko na ‘to… ay di pa rin ako nag aasawa. Pag sinasagot ko naman ng tanong din kung bakit kelangan ko mag asawa eh sabi nila, para daw maging masaya at siempre daw… iba yung may kasama ka sa buhay.

Agree ako dun….iba siempre ang may partner sa buhay kasi nga daw, masaya. Pero paano kung wala? Hindi na ba masaya pag wala?

Di ako bitter dahil alaws ako bf o hubby. Aaminin ko…nakaka-miss din yung may nag aalaga sa yo o may inaalagaan. Yung may umaakbay, ka-holding hands, yung inaakap ka at kaasaran, kakulitan, kalandian, kadukutan, may nagtatanggol sa ‘yo pag nasa trobol ka, may napag-susumbungan ka sa mga angal mo sa buhay, etsetera-etsetera.

Masarap yung may SO (significant other) tuwing may special na okasyon gaya ng bertdey, pasko, new year, biyernes santo, april fools day, all saint’s day o all soul’s day. Yun bang may inaabangan ka na may mangyayari dahil hindi ordinaryo ang mga araw na yun.

Nways, basahin nyo ‘to… share ko sa inyo kasi gustong-gusto ko ‘to. Ilang beses ko na rin nabasa ‘to noon pa. Aktwali naisa-puso ko na rin yata ‘to. Importante sa akin ang NGAYON. Ayaw ko na talaga kumplikahin ang buhay o pamumuhay ko. Ayoko na mangunsumisyon kung may rice shortage man o wala. Pag natigok ako - maaagnas at maaagnas din naman ako kaya magpapakasaya na ako NGAYON pa lang — may bf/hubby man o wala.

“We convince ourselves that life will be better after we get married, have a baby, then another. Then we are frustrated that the kids aren’t old enough and we’ll be more content when they are. After that, we’re frustrated that we have teenagers to deal with. We will certainly be happy when they are out of that stage. We tell ourselves that our life will be complete when our spouse gets his or her act together, when we get a nicer car, when we are able to go on a nice vacation or when we retire.

The truth is there’s no better time to be happy than right now. If not now, when? Your life will always be filled with challenges.

It’s best to admit this to yourself and decide to be happy anyway. Happiness is the way.

So, treasure every moment that you have and treasure it more because you shared it with someone special, special enough to spend your time with….. And remember that time waits for no one.

So, stop waiting
Until your car or home is paid off.
Until you get a new car or home.
Until your kids leave the house.
Until you go back to school.
Until you finish school.
Until you lose 10 lbs.
Until you gain 10 lbs
Until you get married.
Until you get a divorce.
Until you have kids.
Until you retire.
Until summer..
Until spring.
Until winter.
Until fall.
Until you die.

There is no better time than right now to be happy. Happiness is a journey, not a destination. So work like you don’t need money, love like you’ve never been hurt, and dance like no one’s watching.”

Join me, now na!

Paminsan-minsan na lang ‘to…

Author: maru2  //  Category: Humor, Inner-self, Inner-thoughts, Life & Leisure

Hindi ko alam kung kelan ang huling panahon na nagtatatakbo ako sa labas para maligo sa ulan. Siguro mga 100 years na yata ang nakalipas. (Exajs siempre!)

Sobrang lakas ng ulan kahapon, hindi namin (ako, mga pamangkin ko at mga julaylay) mapigilan ang lumabas ng bahay para maligo. Tamang-tama hindi pa ako naliligo at naka-magic black kamison pa ako na pang-meme ko.

image034.jpg

Read more…

I keep coming back to Manila

Author: MARU  //  Category: Inner-self, Life & Leisure

” Manila, Manila
I keep coming back to Manila
Simply no place like Manila…

Manila, Manila…
Miss you like hell, Manila
No place in the world like Manila.”

Weeeee… it’s lakwatsa time! Makikilanghap na naman ako sa usok mula sa tambutso ng mga sasakyan ng Metro Manila.

Kahit mahal ko ang buhay-probinsya dahil tahimik dito, sariwa ang hangin, hindi kumplikado ang pamumuhay eh paminsan-minsan masarap din ang makigulo ng sandali sa buhay-maynila. Nakaka-miss din ang trapik at ang ingay nya.

Read more…

Sounds Of Semi-Silence

Author: MARU  //  Category: Inner-self, Inner-thoughts, Life & Leisure

Umalis noong wednesday papuntang Cebu ang panganay kong bagets para sa isang frisbee tournament. Ang dalagita ko naman nagpaalam to sleepover dun sa bahay ng bespren nya kaya medyo nakakabingi ang katahimikan ng mansyon ko ngayon. Walang makausap. Kahit sa internet wala rin makausap. Puro busy at nakatago ang mga tao na para bang nananadya. Halos buong araw akong pipi, pati boses ko hindi ko marinig kasi walang makausap.

Hindi ko naman sinasabi na nakakabaliw ang sobrang tahimikan ng mundo ko ngayon, in fact aylabit! Wala lang ako makausap at kasama pero hindi ako malungkot. Esmyus mi, paano naman ako malulungkot eh kasama ko naman sina Carrie Bradshaw, Samantha Jones, Miranda Nobbes, at Charlotte York dito sa kwarto ko at higit sa lahat nagkabalikan na kami ni ZUMA (thanks to bading88). Sila ang mga bago kong kabarkada ngayon.

Lamyerda

Author: MARU  //  Category: Family, Inner-thoughts, Life & Leisure, Photography

Ang iniiiiiit! Pucha! Pati kasingit-singitan ko pinagpapawisan sa sobrang humid. Lols! Sa sobrang init ng panahon, nagyaya ang iba kong mga kapatid na mag swimming sa isang resort noong weekend. Ayoko sana sumama kasi bukod sa hindi ako mahilig sa swimming…umiiwas talaga ako sa sikat ng araw. Hindi na kasi nakakatuwa ang init ng araw ngayon. Kaso baka masabihan akong KJ kaya join na rin ako. Tsaka NIGHT swimming daw kaya ayos lang. Umarkila kami ng isang cottage for an overnite stay.

Pagdating namin sa resort at pagbaba pa lang ng mga anak at mga pamangkin sa sasakyan, pucha! Walang lingon-lingon. Walang bihis-bihis o hubad-hubad! Takbukan na sa dagat ang mga kolokoy.

Eto sila.

Mga pasado alas kwatro na kami nakarating resort at tiyempo pababa na ang araw. Weeeee! SUNSET! Kaya mas ninamnam ko muna ang view ng pagbaba ng araw kesa maligo (na hindi naman talaga ako naligo).

Lungkot-lungkotan si Mamaru habang nanonood at siempre hindi ko pinalagpas ang kumuha ng kodak gamit ang wan en onli high end gadget ko - my selpon. ( Balang araw magkakaroon din ako ng maganda-gandang camera - pag nanalo ako sa huweteng. Bleh!)

Kasehodang hindi ok ang clarity at hindi mataas ang color resolution ng mga kuha ko, keber! Kung paano ko kinunan ang sarili ko habang nanonood ng sunset na gamit lang ay selpon? … Ay, di ko sasabihin - sekreet! (kunyari interesado kayo malaman).

Masaya ang naging kabuuan ng lamyerda namin nung weekend. Umaatikabong kainan at kwentuhan. Pa-morningan ang isa kong ate at iba kong pamangkin sa paglalaro ng baraha. Alas-5 na yata ng umaga sila natapos.

Lahat kami puyat. As in pati mga bata puyat pero ok lang kasi masaya naman kaya sulit talaga.

Eto pa isang magandang tanawin dun — cleavage ko. Bwahaha! Siempre kahit puyat ako, hindi naman mukhang puyat ang cleavage ko. Bah! Tunay yan ha! Loko! walang silicon yan. Lols!

Buntot Mo, Hila Mo

Author: MARU  //  Category: Family, Life & Leisure

Usap-usapan ngayon sa mundo namin sa showbisniz (lols!) ang maaga at madaliang pagpapakasal sa May 28 ng 18-year old Inah Revilla, daughter ni Senator Bong Revilla at Lani Mercado.

Howel, eh kasi buntis nga daw. Hehe! Chismax galore to-its! Medyo nakakagulat kasi the last time i saw Inah Revilla sa tv ay yung footage ng debut nya. Tapos biglang bubulaga na lang ulit na magpapakasal na - at buntis. Panis na ang mga ganitong klaseng balita. Pero napapailing pa rin ako ng ulo kasi dumadami na talaga ang kaso ng teen pregnancy.

Siempre, usap-usapan ‘to ngayon kasi mantakin mo nga naman…kung nagkataon din naging babae si Jolo Revilla noon, malamang at the age of 15 or 16 baka nabuntis din yun. Kaso lalaki sya kaya nambuntis na lang siya ng kapwa-bagets na anak ni Rosanna Roces.

Wala ako sa posisyon o kalayaan para manghusga. Hindi ako nakaramdam ng simpatiya dun sa nabuntis o sa ikakasal na si Inah. Mas naka-relate ako dun sa siguradong naramdaman ng mga magulang na Revilla. Sa kanila kasi ang hampas ng lahat.

Magulang din ako. May anak akong babae na dose anyos at God forbid, wag naman sana mangyari ang ganung kaso sa anak ko. Ako na lang! Ok lang sa akin kahit ako na lang ang mabuntis ulit. (bwahahaha).

Hindi nga, seryoso. Bilang magulang, sigurado kong durog ang puso ng mag-asawang Revilla pero humahanga ako kasi nagpakatatag din sila na hinarap ang publiko sa pag-amin na kesyo ganun nga, blah, blah, blah.

Ngayon ko lang din naiintindihan kung ano ang naramdaman ng magulang ko nung nalaman din nila na jontis ako out of wedlock. Pero iba rin naman ang kaso ko noon kasi nasa tamang edad na ako. May trabaho din ako at pinanindigan ko kahit mag isa ang sitwasyon ko. Hindi ako tinakbuhan ng nakabuntis sa akin kasi hindi rin naman ako naghabol. Pero hindi tungkol sa pagiging unwed mom ko ang topic dito.

Iba na talaga ang panahon ngayon. Gaya ng sabi ko…hindi ko pwedeng husgahan kung anong klaseng pagpapalaki ng anak ang mga Revilla kasi ang totoo…walang masasabing ultimate guide para sa TAMANG pagpapalaki ng anak. Kahit nga sa bookstore, wala akong makitang libro na “How To Raise A Perfect Child”, yung mga chuvang ganun. Hindi sapat ang kayamanan o pera para makasiguro na magiging matino ang paglaki ng anak. Hindi assurance na pag sa abroad nag-aral anak mo o kaya nagtapos sa magagandang school ay matitino na sila. Minsan nga kahit sa sobrang pagmamahal at pag aaruga ng magulang sa anak ay napapariwara pa rin ang anak.

Mahirap i-explain ang sakit at frustration na pwedeng maramdaman ng isang parent pag nagkakaroon ng maling desisyon or choices ang isang anak.

Ako mismo, hindi ko masasabing tama ang pagpapalaki ko sa mga anak ko. Masyadong maaga pa para magyabang o magpasikat para sabihin na isa akong mabuting ina o magulang. Maki-claim ko lang siguro ang ganung title o karangalan pag nagkaroon na ng maayos at matitinong buhay sina Kevin at Keziah… pag may sariling pamilya na sila at pag nakita ko na ang mga apo ko.

Tsaka ko pa lang masasabi na tama ang pagpapalaki ko sa kanila - pag naging maayos ang mga choices o desisyon nila sa buhay. Afterall, life is a matter of choices. Life is what you maketh, ‘ika nga.

 

UTAK: For Sale

Author: MARU  //  Category: Inner-self, Inner-thoughts, Life & Leisure

Sabi ng isang close friend ko mataas daw ang value ng utak ko. Kasi nga, “very slightly used”.

Siyempre joke lang nya yun. Erap joke yun di ba? Natawa ako sa totoo lang.

Kunsabagay, since nasa bahay lang ako lagi may tendency na ang impression sa akin ay boring ang buhay ko. Stagnant ang utak. Losyang kasi sobrang laid back ang lifestyle kasi nga tambay lang. Totoo rin naman at kung magpapabaya talaga, malaki ang tsansa na malolosyang ako gaya ng ibang stay-at-home moms. Bakit nga naman magja-japorms at magpaka-glamorosa pa ako eh mongha-mode naman ako lagi dito sa bahay. Isa pa sa katulad ko na walang jowa, kumbaga sino paseseksihan ko, aber? Sino papopormahan ko? Kaso hindi ako ganun kahit andito lang sa bahay. Hehehe! Malandicious pa rin ako ever kahit sa bahay lang.

Read more…

DVD, FD, Tea

Author: MARU  //  Category: Life & Leisure, Moo

Dahil bakasyon na, legal ang magpakatamad ngayon. Dedma na muna tayo sa mga suliranin sa buhay… at kung ano-anong kaguluhan sa mundo. Pa bondying-bondying na lang muna dapat tayo sa buhay.

Kami dito sa bahay, halos araw-araw kaming nanonood ng DVD ngayon dahil mahigit 100 pcs. of DVD ang pinamana sa akin ng pogi kong friendlalu na si Moo. Hanep! Ang gaganda pa naman. Pirated man sya, keber! Magagandang kopya naman lahat at ang mga lyrics subtitles nya ay tama naman dun sa sinasabi nung nagsasalita.

Nakakawindang kasi yung ibang pirated dvds, imbes na maintindihan ko yung pinapanood ko at i-enjoy yung pelikula…sumasakit ulo ko kasi iba ang nakasulat na subtitles dun sa sinasabi. Nakngpekpek!

Read more…

Paglaki Ko Gusto Ko Maging…

Author: MARU  //  Category: Inner-self, Inner-thoughts, Life & Leisure

Naalala ko ang pangarap dati ng tatay ko, na maging nurse ang bunsong anak nya na babae (dats me!). Madalas nya yun sabihin habang nakakandong ako sa kanya.

Read more…

Unang Bunga

Author: MARU  //  Category: Life & Leisure

After 48 years, sa wakas namunga na rin ang tinanim kong punong mangga na nasa likod lang ng kwarto ko!

Ops, minus 40 years pala kasi humigit-kumulang 8 years din ang hinintay ko na magkabunga ang puno.

Napapagod na nga ako nun sa kawawalis ng mga tuyong dahon nya at ngawit na rin ako sa katitingala sa kanya . . . nagbabakasakaling may makitang bulaklak na. Pucha! Akala ko nga noon baog ang puno ko kasi naman ang tagal nagkabunga!

green-mango.jpg

Read more…

Tuloy Ang Buhay

Author: MARU  //  Category: Inner-self, Inner-thoughts, Life & Leisure

Kung dati mainit na kape ang hanap ko, ngayon ay mga samalamig na ang gusto ko laklakin. Ang init naaaaa! Kaya nga netong nakaraan na mahal na araw, since nasa bahay lang kami ng mga junakis ko… di kami napigilan gumawa ng kahit simpleng halo-halo para pamatid-uhaw.

Bumili lang ng isang lata ng gatas na ebaporada at sweet corn, isang bote ng nata de coco, pumitas ng buko mula sa bakuran namin… ayun! solb na solb na kaming mag-iina! Pare-pareho kaming nakangiti habang nag uunahan sa pag ubos ng mga halo-halo namin.

image004.jpg

Read more…

Patabaing-Preso

Author: maru2  //  Category: Life & Leisure

(Day 1) : Sunday, February 24, 2008.

Whole day akong nakakulong sa bahay (ng iba).

Eto ang mga inatupag ko bukod sa blogging.

Ang magbasa ng sangkatutak na men’s magazines. dsc00523.JPG

 

Read more…