08
Feb
Author: MARU // Category:
Humor,
Moo
Na miss ko ang site ng blogthings.com kaya sinilip ko kanina kung may mga bago silang quiz.
Hmmmn… Penis Name Generator? Hindi ko pa ‘to na try a.
Since wala naman akong etits para alamin ang pwede nyang nickname…. kaya sinubukan ko ilagay ang name ni Moo.

Eto ang na-generate na name ng mini-me ni Moo.
Read more…
03
Feb
Author: MARU // Category:
Moo
Naikwento sa akin ni Moo aka Defpotec Jones ang tawag/utos ng bossing nya habang nasa Cubao sya kahapon:
Bill Gates (code name ng bossing ni Moo): “Bilhan mo ako mac…abonohan mo muna…”
Defpotec Jones: “big mac?”
Bill Gates: “Bobo muka ba akong kumakain ng burger? Yung laptop!”
Defpotec Jones: “sori sir! Asap po!” “(malay ko ba? Mas lalo naman wla sa muka mo na marunong ka mag computer! At nasa muka ko bang kaya ko mag abono ng Mac?)”
Kahit DVD player ay hindi marunong mag play bossing ni Moo. Text naman agad sa akin si Moo.
Defpotec Jones: “Moo, pachek naman magkano ang Macbook Pro 17″ sa Apple.com yung pinaka high end.”
Read more…
08
Nov
Author: Maruja // Category:
Moo
Kung may pinagsisihan man ako sa araw na ‘to ay kung bakit pinagkakausap ko pa ‘tong si moo tungkol sa “Tag-Tag” na yan. Leksyon na yata ‘to sa pagiging inggitera ko.
Pinagbigyan nga ako sa kapritso ko eh para naman “attendance sheet” ang ipinasa sa akin. Bwahaha!
Read more…
24
Oct
Author: MARU // Category:
Moo
Eto na naman sya at pinanindigan na naman ang pagiging kengkoy. Walang kakupas-kupas talaga.
Kopya ng Transformer DVD lang ang inaasahan kong matatanggap na laman ng Air21 envelope kahapon galing sa ever funny guy na si Defpotec Jones aka Swami. O’ di ba, ang taray ng apelyido, J-O-N-E-S. Imported!! Laging puno ng aliw at sorpresa ang taong ‘to. At palagay ko hindi yata ako magsasawa na isama si Moo sa mga blog entries ko lagi.
Naka-box ang cd na natanggap ko kahapon. Sus mariano ka indo! May ibang laman pa pala ang maliit na kahon ng kung anik-anik pa. Pucha! pinagpawisan ako sa katatawa habang binusisi ko isa-isa ang laman. Nakaka-sorpresa kasi!
Read more…
19
Oct
Author: MARU // Category:
Moo
Natatandaan ko pa ang sinabi sa akin noon ng isang manghuhula o mangkukulam yata yun na nabanggit ko sa entry kong “5 Craziest Me In My Life”. Sabi nya:
“Magkakaroon ka ng maraming tsikot. . .mapapangasawa mo ay naka-uniporme na puti kaya malamang siya ay doktor, o piloto, basta nakaputi. Magkakaroon ka rin ng building na pag-aari mo. Magiging rich ka.”
Rich my ass! Hahaha! Kung alam ko lang na katawa-tawa pala ang magpahula eh sana kay Swami na lang ako lumapit.
Yeah, Swami is in Wordpress now. Click mo sya here.
Gusto mo ba magpahula ng libre? Eto ang panawagan ni Swami:
Send in scanned pics of your hand/palms, foot, feet.. or kahit pictures of a body part…basta clear… and you might make it to the pilot episode of ‘SWAMI’ …
send it to defpotecjones@yahoo.com
Send na!
************************

10
Oct
Author: MARU // Category:
Moo,
Quotes & Poetry
Mga isang linggo mahigit pa lang yata nang nalaman ko na nadagdagan na naman ang Wordpress ng isang matalino at talented na blogger. Si Jeckass ng KalyeVenteSyete ang isa sa pinakabagong adik ng Wordpress.
Nung binisita ko blog nya, entry nya nun ay tungkol kay Shaider at ang Alamat ng Panty Ni Annie. Na-amuse ako kasi kunyari pa kuno na peborit nya si Shaider pero ang gusto lang naman nya tumbukin dun sa post nya ay kung paano sya naaliw sa pamboboso sa mahiwagang panty ni Annie habang sumisipa sa mga kalaban. Speaking of mahiwang ty-pan ni Annie, nag second the motion naman din naman tong si Gasti dun sa post ni Jeck. Weeeee… at ayun, nagka intindihan nga ang mga betlogins.
Read more…
08
Oct
Author: MARU // Category:
Moo
Nakow! Makiki-usyoso daw si hip ‘n cool momma Girlie ng workstation ko. Eh labs ko ang babaeng ‘to kaya dehins ko pwede isnabin ang tag nya sa akin.
Nai-post ko na ‘tong pic dati sa Friendster blog ko. Pareho pa rin naman ang ayos hanggang ngayon maliban sa naiba ang wallpaper ng desktop pc ko kaya hindi ko na kinunan ulit ng pic. Ganito lang naman tsura ng paboritong tambayan ko sa bahay:

Aber, kayo naman. Pasilip naman ng workplace nyo:
- Moo - ‘yan ha, baka isipin mo iniisnab ka pagdating sa tagging ek-ek. Medyo nasilip ko na konti ang mesa mo at nanggigil ako sa kalat. Pakita mo naman sa amin ang kabuuan ng workstation mo. Wag mo ko iisnabin sa tag na ‘to.
- Jovi - patingin naman ng workstation ng isang hottie.
- Trish - bongga naman kaya tsura computer ng isang new yorker?
- Jeckass - sali kita ha?
- Isagani - doc, pasilip din ng sa ‘yo.
29
Sep
Author: MARU // Category:
Inner-self,
Moo
Tapos na PMS ko at siguradong wala akong mood swings ngayon. Pero mahal ang smile ko netong mga araw.
Inaatake ako ng mga worries and fears at lahat na yata ng negative thoughts eh nakasaksak ngayon sa utak ko.
Kahit saan ako lumingon wala akong makitang pwedeng takbuhan o mapuntahan. Walang magulang, walang kapatid, walang kamag-anak, walang barkada, at walang kaibigan na mapaglalabasan ng hinaing.
Gusto ko sana magsumbong kay Tulfo kaso di naman nya ako kilala. Baka mamaya eh maipakulong pa ako nun dahil sa mga kabaliwan ko dati sa buhay. Lolz!
Read more…
24
Sep
Author: MARU // Category:
Humor,
Moo
Less than 100 days na lang at meri krismas na. Naalala ko dati noong hindi pa nauuso ang internet, pagsimula pa lang “ber” month mabenta na agad ang mga christmas cards sa mga bookstores at supermarkets.
Ang laki na ng pinagbago ng panahon natin. Last week lang napag usapan namin saglit ni Moo ang tungkol sa mga snail mails.

Read more…
04
Sep
Author: MARU // Category:
Inner-self,
Moo



Last month lang lumipad ako from Cagayan De Oro to Manila via Cebu Pacific Air.
Nai-blog ko na rin ang hinaing ko tungkol sa ka-kuripotan ng eropleyn na ‘to. Pero impernes naman, kunswelo na rin ang palaging pag-assign nila sa akin sa may window seat kahit hindi ko nire-request upon check-in. Peborit ko kasi umupo sa may bandang bintana.
Nagkaroon din ako ng memorable moment sa huling sakay ko ng CebuPac kasi naman, sa pagkakataon na yun I was able to witness the grandeur of God’s creation - the view of the SUNSET sa ere! Ganda! Iba talaga ang dating sa akin ng sunset. Habang pinapanood ko ang paglubog ng araw sa himpapawid, para na rin akong nakaharap sa isang napakalaking canvass ng pinakamagaling na pintor ng sanlibutan - si God.
Read more…
07
Aug
Author: maru2 // Category:
Moo
I posted an entry tungkol sa pagpapahaba ng hair ko a while ago.
And speaking of long hair, eto naaaa .. sumayad yata sa floor ang haba ng hair ko today. Winner ako ngayong araw dahil sa pi-em ni neybor moo sa YM:
[07:August:] def: may taga hanga ka
[07:August:] def: andami nga pala
[07:August:] def: bwahahahah
[07:August:] maruja: sino?
[07:August:] def: si sawn
[07:August:] maruja: bakit?
[07:August:] maruja: ano meron?
[07:August:]def: http://pasakalye.wordpress.com/2007/08/07/if-maruism-is-a-cult-count-me-in/
[07:August:] maruja: bwahahhahahahahahahahahaha!
[07:August:] def: ang ganda ganda mo no?
[07:August:] maruja: nakiliti tingg*l ko
[07:August:] def: i know
[07:August:] maruja: ang haba ng hair ko
[07:August:] def:
If Maruism is a cult, count me in. - by Sawn of Pasakalye
. . . Her most obvious form of introduction is too captivating to ignore. Sexual themes. It would be an understatement to say that her blog is hot. In same way it is an understatement to say she is hot. And it’s not uncommon to see bloggers alike, or lurkers, or chatters, to view her as nothing but flesh. But take a closer look. Listen to what she is saying, read her entries well and good. And you will find a treasure within.
It’s rare to know someone like her. Hot with wits and profoundness in one. But above all I specially admired her humility. Being in the limelight and all… read more
Jos mio perdon! Por Jes por siento! Binasa ko ang binigay na link at huwaw! kinilig fekfek ko (excuse my french) dun a! Sobrang haba ng hair ko talaga! Pramis!
Hmmm… hindi kaya may pagnanasa ‘tong si Sawn sa akin? Nyahaha! Seryoso, nakakausap ko na rin tong si Sawn . . . totoong tao yan.
Sawn, maraming salamat. I lab Yu. You made my day!
24
Jul
Author: maru2 // Category:
Humor,
Moo
Di ko akalain na isang umaga ay magigising akong natupad na pala ang matagal ko ng pangarap na maging isang model.
Ginawa akong official endorser ng aking pinakamamahal na neybor moo na si DEFPOTEC ng isang produktong ek-ek! Instant product endorser na ako ngayon ng JJJ Papaya Whitening Cream. Please see/read more about the below product at www.defpotec.wordpress.com. Garantisadong magugustuhan nyo.

Nways, ayoko masabihan na wala akong utang na loob. Kaya bilang pasasalamat, nirerekomenda ko rin ang aking Kaskas Whitening Soap sa pogi kong neybor. Sana maging obsesyon nya rin ‘to.

Kaskas Na!
18
Jul
Author: maru2 // Category:
Humor,
Moo
i can already feel that i’m losing weight by merely talking online to my blogkada almost everyday.
ayos! sabi ko, no need for me to shell out molaah just to workout in a gym and no more dieting to trim down my waistline. kasi ba naman parang nagkakaroon na rin ako ng internal workout by just sitting down in front of my ‘pyuter! what i mean is that i already have this good belly laugh exercises almost every single day of the week. sabi nga dun nung isang site na na-browse ko:
A good belly laugh exercises the diaphragm, contracts the abs and even works out the shoulders, leaving muscles more relaxed afterward. It even provides a good workout for the heart.
kay neybor moo pa lang feel na feel ko na contraction ng abs (read: bilbil) ko everytime he crack his funny antics na hindi ko alam kung saan niya natutunan ang ganung klaseng talent. this guy is not only hilarious. he’s smart ass as a whip! read nyo latest post nya ’bout his boss’ “berdie bash“. literally, natanggal isang turnilyo ng pc chair ko sa katatawa nung nabasa ko yung entry nyang yun. i dunno maybe it is just me, madali kasi akong matawa. sabi nga ni moo…easy girl ako. easy to please daw. whatevah!
madami na akong complains about life’s frustrations. eh ayaw ko naman maging bitter din sa buhay at di ko hahayaang maging kutis-bayag ang face ko sa kunsumisyon. libre tayo gumawa ng choices sa buhay at eto ang choice ko - i wanna approach life in a mirthful experience. linsyak, eh minsan na nga lang ako mabubuhay dito sa mundo eh mas mabuting itodo ko na ang tawa at saya.
same goes to idol joncabron at bespren azrael . there are moments that by merely reading their blog post eh nawawala talaga ang physical at emotional stress ko. eh mas lalo na pag nakakausap ko sila sa YM ko. josko! para silang members ng 3 stooges para sa akin. they never fail to drive me bursting into laughters. with their rib-tickling choice of words, no wonder madali nilang mapamahal sa kanila ang mga chickiebabes. hirit ng pick up lines pa lang laglag-funtee na.
naka-ilang beses ko na rin nabanggit ang mga betlogs na ‘to at malamang yung ibang regular na nagbabasa ng blog ko eh nananawa na . meyn, i can’t help it. they are my friends with benefits. di ko mapigilan ang sarili ko na hangaan at pasalamatan sila ng todo. isa pa blog ko ‘to kaya alang pakialamanan. weeeee!
10
Jul
Author: maru2 // Category:
Humor,
Moo,
Uncategorized
habang si neybor moo ko ay walang kasawa-sawa at naka 3 balik na sa sinehan para manood ng movie na Transformers… ako naman ay nagtitiyagang nakatingala pa rin sa poste sa kanto namin. Transformer din naman yung pinapanood ko eh kaso sa kanto namin yun at eto yun:

Transformer - Da Movie Poste
06
Jul
Author: maru2 // Category:
Moo
… dami ko gagawing trabaho at mga aasikasuhin but i can feel 100-ton weights are in my feet.
… gloomy ang panahon parang nakikisakay sa mood ko.
… kulay-abo ang langit.
… am short of sleep na naman.
… gusto ko kumain ng saging na turon.
… maraming saging na turon.
… naiinis ako.
… my hormones are out of control again.
PASASALAMAT
thank you neybor moo (DEFPOTEC) for sending me this book, Alamat ng Gubat. hindi lang ako mag isa ang natawa at nakiliti sa bigay mo na ‘to. kevin and keziah as well. i will really cherish this stuff. bait mo talaga neybor moo. sana…wag ka muna kunin ni Lord. mwehehe. again, thank u very much.

Bob Ong’s Alamat ng Gubat
ANG LIBRONG PAMBATA PARA SA MATATANDA!
29
Jun
Author: maru2 // Category:
Moo
Masyado yata nabagbag damdamin ko nung nabasa ko ang blog ng neybor kong si DEFPOTEC. Tungkol dun sa misteryoso at walang awat na pagdagdag ng timbang nya kahit hataw na sya sa pag gi-gym para matunaw lang yung mga namumuong mantika sa wankata nya. Tsk! tsk! tsk! Tapos todo-diet pa sya ngayon. Kaya wala kwentang ayain ko ngayon makipag-date at kumain sa labas tong si neybor kasi siguradong puro dahon lang at sabaw ang oorderin nya na kakainin namin. Dusa!
Balak ko sana sponsoran ko na lang to si DEFPOTEC sa pagpapa-lipo kay Belo para ensigueda eh solb na problema nya kaso naalimpungatan naman agad ako at naalala ko wiz naman pala ako datung.

si neybor ko
Malamang worid na tong si neybor ko at palagay ko aware sya sa mga sabi-sabi na pag tumataba ang katawan ng lalaki eh pihadong kabaliktaran na resulta nun ay liliit din etits nya. nyahahaha! At pag nag wewe sya malamang hindi rin makita yung “mini-me” nya sa laki ng tummy nya. Nakow! Bangungot yun. nayahaha ulit! Peace neybor! Wag magalit. Labyu!
True yun na ang hindi natutunaw na calories sa katawan eh nadadagdag talaga sa timbang natin di kalaunan. Kaya dapat lang na magkaroon tayo ng activities na makakatulong sa pagsusunog ng calories. Nways, eto…. baka mapakinabangan tong listahan na to na hinango ko pa mula sa libro ng isang hinahangaan kong writer na si Bob Ong, ika nga nya, eto daw ang mga bagay na pwede nating pagkaabalahan gawin at ang mga katumbas na calories na nagagamit sa bawat oras:
Basketball …………………………………………….800 calories per hour (cph)
Volleyball …………………………………………….500 cph
Jueteng: …………………………………………….100 cph
Panonood: Survivor…………………………………..60 cph
Panonood: pelikula ni Aubrey Miles…………………300 cph
Panonood: pelikula ni Aubrey Miles (no cuts ……..950 cph
Panonood: SONA ng pangulo………………………..1 cph
Tennis …………………………………………….…..410 cph
Judo…………………………………………….……...900 cph
Riot …………………………………………….………1,000 cph
Table, chairs, and party needs……………………..FOR RENT
Web browsing…………………………………………40 cph
Paglalaro ng Gameboy ………………………………540 cph
Paglalakad sa tabing – dagat……………………….50 cph
Paglalakd sa Recto…………………………………...350 cph
Paglalakad sa Recto, alas-onse ng gabi……………890 cph
Mountain Climbing…………………………………….600 cph
Social Climbing ……………………………………….710 cph
Chht sa Internet……………………………………..1 cph
Chat sa text …………………………………………1 cph
Chat sa telepono…………………………………….1 cph
Pagtulog ……………………………………………. 1 cph
Swimming …………………………………………….300 cph
Swimming with sharks……………………………….980 cph
Skiing………………………………………………….600 cph
Pag-a-apply ng visa para makapag-skii …………..1,600 cph
Cycling ………………………………………………..210 cph
Running………………………………………………..500 cph
Running for public office ……………………………1,584.73 cph
Arraignment ………………………………………….26,250 cph
Lethal Injection …………………………………….. 26,251 cph
Chopped walnuts …………………………………… ½ cup
Flour …………………………………………….…… 1 cup
Margarine ……………………………………………. ½ cup
Cream cheese……………………………………….. 8 0z.
Confectioner’s sugar ………………………………... 1 cup
Cool whip ……………………………………………...1 cup
Instant vanilla pudding………………………………..1 ea.
Instant butterscotch pudding ……………………….1 ea.
Milk …………………………………………..………… 2 ¾ cup
Haluin ang margarine at flour sa isang mixing bowl. Idagdag ang ¼ cup na walnut. Ilagay sa 9”x13” na pan. Lutuin sa oven na may init na 350 degrees sa loob ng labinlimang minuto. Palamigin. Paghaluin ang sugar at cream cheese. Idagdag ang ½ cup na cool whip. Ipahid sa malamig na crust. Paghaluin ang pudding mixes at milk. Haluin hanggang sa tumigas nang kaunti. Ipahid sa crust at cheese mixture. Ipahid ang natitirang cool whip sa ibabaw at idagdag ang natitirang ¼ cup na nuts. Palamigin sa refrigerator sa loob ng isang oras. Kainin sa kama habang nanonood ng TV… mmmmm, sarrrrrap! (Repeat 2x then fade). AYUUUSH!