Garlic Bread

GARLIC BREAD – ang panimula kong lafur para sa isang napakagandang araw ng Lunes.

garlic bread.57

Eto lang at isang tasang coffee, talo-talo na ang almusal ko kanina.

garlic bread.10

Paano gumawa ng garlic bread?

Ganito. . . isang lumang sliced french bread. . .

garlic bread.14

Softened butter na may pinong-pino, minced garlic at onion leaves. . .mix-mix lang. . .

garlic bread.40

Ipahid sa mga tinapay. . .

garlic bread.51 

At i-toast.

Yun na yun!

garlic bread.55

 

oOo

“People come and people go. That’s life. Stop holding on to people that have let go of you.”

From Palpak To Wapak!

Kailan lang, inambisyon kong gumawa ng Hamburger Buns. Kaso sa kasamaang palad, minalas ako. :( 

Naging isang malaking FLOP ang breadmaking project ko. Hindi ko alam kung ano ang mali sa ginawa kong dough, basta hindi ko nagustuhan ang tsura at texture ng mga BUNS na nagawa ko.

Alam kong hindi magugustuhan ng mga amo kong bagets ang kinalabasan ng mga tinapay ko at nanghinayang naman akong itapon ang mga pinaghirapan ko.  Kaya ang naging solusyon ko?

HOMEMADE CROUTONS!

croutons1

Madali lang naman. Pinaghiwa-hiwa ko lang ang tinapay. Tinimplahan ng olive oil at salt & pepper, at ibinalik ulit sa oven para i-toast.

Wapak! Napakinabangan din ang mga palpak kong burger buns. Hehe!

 croutons2

Natuwa naman ako at hindi nasayang. Bukod sa ipinanghahalo sa salad, masarap din pala ang Croutons gawing meryenda, i-partner sa soup at ngatain na parang popcorn lang habang nanonood ng TV.

Pati nga ang doggie kong si Sang enjoy na enjoy sa lutong ng croutons ko. Panay pasubo sa akin ng lekat. :P

 

How To Make Homemade Croutons

Ingredients:

  • bread, cut into about 1-inch cubes
  • about 1/4 cup olive oil
  • salt and pepper

Method:

In a large bowl, evenly drizzle or spray olive oil over the bread.  Toss until well mixed, and the bread is evenly coated.  Season with salt and pepper. 

Spread bread cubes in a single layer on a baking sheet and bake until golden, turning to brown all sides.  Cooking time will depend on the thickness of the cubes. Remove from oven, and let cool completely.  Store in an air-tight container.  Use within one week, or freeze for up to 6 months.

oOo

Do you know what is hard about being too strong? Nobody might care to ask if you’re hurt. And no one will believe that you’re seriously wounded.

Today’s Brekky

Sharap talaga pag bakasyon at walang pasok. Pwedeng late matulog sa gabi at pwedeng late din ang gising kinaumagahan. (Di baleng late, ang importante eh nagigising.)

Wala ang unico hijo ko at nasa Manila. Binubuno nya ang 400 hours para sa Practicum nya. Sa ibang salita, kasalukuyan nasa On The Job Training ang Kevintot ko sa Ortigas at mga dalawang buwan din namin syang hindi makikita.

Kami lang ni Keziah ang naiwan dito sa kuta namin kaya naman laging good for two lang ang mga niluluto kong meals ngayon.

Eto ang maganda pag kami lang dalawa ni Ziah dito. Dahil ibang-iba ang bituka ng mga babae sa lalaki, hindi kelangan heavy ang mga lafang namin.

Gaya na lang sa almusal namin na to kanina. Tig-isang SANDWICH lang kami ni Keziah eh solve na ang mga tiyan namin. :P

egg and cheese sandwich

Apat na piraso ng lumang white bread lang ang kelangan

2 eggs

tsaka 2 eggs

baked eggs

(Bineyk ko ang mga betlogs sa oven toaster namin for 15 minutes)

quickmelt cheese  

at konting quickmelt cheese lang

egg and cheese sandwich1

Gusto ko sana gayahin ang egg mcmuffin ng McDo kahit kunyari lang. Kaso wala pala akong burger patties. :P

mamaru's mcmuffin

Kaya ganito na lang sya simpleng egg and cheese sandwich na lang. Pwede na to!

Ipinasok ko ulit ang sandwiches sa mini oven para i-toast saglit ang bread at para na rin mag-melt yung cheese.

brewed coffee and egg sandwich   

Siempre, mawawala ba naman ang coffee ko sa brekky ko? Take note, brewed coffee yan. Asensado na akels ngayon, mga teh. Lels! :P

Next time, gagawa na talaga ako ng real egg mcmuffin. Abangan! Charot!

 

 

oOo

Ang tunay na maganda hindi ginagawang coloring book ang mukha.

30 Minute Rolls

Mainit-init pa to at kahahango ko lang ngayon galing sa oven. As in napaka ikli lang po talaga oras para gawin tomore or less 30 minutes nga!

Naging madali na sa akin ang paggawa ng tinapay ngayon. Eh kasi nga di ba, may heavy duty stand mixer na akong naipamana sa akin ng pamangkin ko. (angas!)

30 Minute Rolls

  • 1 cup plus 2 Tbsp warm water
  • 1/3 cup oil
  • 2 Tbsp yeast
  • 1/4 cup sugar
  • 1/2 tsp salt
  • 1 egg
  • 3 1/2 cup flour ( I used 50% all purpose flour, 50% wheat flour)
  1. Heat oven to 400 degrees.
  2. In your mixer bowl combine the water, oil, yeast and sugar and allow it to rest for 15 minutes. Using your dough hook, mix in the salt, egg and flour. Knead with hook until will incorporated and dough is soft and smooth. (Just a few minutes)
  3. Form dough into 12 balls and then place in a greased 9 x 13 pan and allow to rest for 10 minutes. Bake for 10 minutes at 400 degrees or until golden brown.

Recipe Source:http://www.yourhomebasedmom.com

Mahigit sandosena ang nagawa ko kasi maliliit lang na bola-bola ang hinulma ko.

 

oOo

There’s no such thing as being too busy. If you really love something, you’ll make time for it.

Banana Bread

Pinaka-dabest na recipe ng Banana Bread to para sa akin

banana bread

banana bread in a panbanana bread  banana bread slice of banana breadbanana bread slices  

BANANA BREAD

Ingredients:

  • 1 1/2 cups all purpose flour
  • 1 cup plus 2 tablespoons sugar
  • 2 teaspoons ground cinnamon, divided
  • 1 teaspoon baking soda
  • 1/2 teaspoon salt
    1 cup mashed ripe bananas (2 to 3 medium)
  • 2 large eggs
  • 1/2 cup vegetable oil
  • 1/4 cup honey
  • 1/4 cup water
  • 2 1/2 tablespoons (packed) golden brown sugar
  1. Preheat oven to 350F.
  2. Whisk 1 1/2 cups flour, 1 cup sugar, 1 teaspoon cinnamon, baking soda, and salt in medium bowl. Whisk next 5 ingredients in large bowl until smooth. Add dry ingredients; stir to blend. Transfer batter to pan (9x5x3). Mix 2 tablespoons sugar, 1 teaspoon cinnamon, and brown sugar; sprinkle over batter.
  3. Bake bread until tester inserted into center comes out clean, about 1 hour.

oOo

Julia Child didn’t start cooking until she was thirty-seven.

Luto-Lutuan

Dahil sa isa akong yummy na Tangeng Ina (chos!), nitong mga nakaraang araw, pinagsilbihan at ipinagluto ko ang dalawang amo ko ng mga sumusunod

1. TILAPIA CURRY WITH STRING BEANS

tilapia curry with string beans

  • 1/2 kilo Tilapia, sliced
  • 1 small bundle string beans, cut into 2 length
  • 1/2 head garlic chopped
  • 1 thumb size ginger, cut into thin strips
  • 1 small size onion, chopped
  • 1 pieces red/green chili pepper, sliced
  • 1 cup coconut milk
  • 1 tbsp. fish sauce
  • 1-2 tbsp. curry powder
  • salt and pepper
  • cooking oil

In a pan using half quantity of garlic, ginger and onion saut the fish for about 1 to 2 minutes, remove from pan keep aside. Using the same pan add more oil and stir cook the remaining ginger, garlic and onion until fragrant. Add in half quantity of the coconut milk, fish sauce and curry powder bring to a boil and simmer. Add in the remaining coconut milk, string beans and chili pepper. Add in the fish, season with salt and pepper to taste.

2. PORK GINATAAN

Ano ini? Ginataan tapos orangey ang kulay? Hehe! Sorry naman, dahil po yan sa bagoong alamang gisado na ginamit ko na medyo mapula ang pagka-gisa. Tsaka powdered coconut kasi ang ginamit ko. Siguro kung fresh coconut cream ang ginamit ko eh mas magata o creamy white ang kulay.

pork ginataan

In a pan, heat 2 tablespoons oil then saute 3 cloves crushed garlic and 1 chopped onion. Add 1/2 kilo diced pork. Cook until browned. Add 1/4 cup bagoong alamang gisado . Pour 1 cup coconut cream. Simmer until pork is tender. Add 1/2 cup sliced siling pansigang. Cook until the sauce has thickened. Adjust seasoning, if needed.

3. HONEY ROLLS

honey rolls

  • 2 teaspoons active dry yeast
  • 1 cup barely warm water
  • 1/4 cup honey + 1 tablespoon
  • 1 teaspoons salt
  • 1 egg
  • 3 cups all-purpose flour, plus extra if necessary
  • 1 tablespoon butter, melted

In a large mixing bowl, sprinkle the yeast over the warm water and let sit for 5 minutes.

Add the honey, salt and egg. Stir until blended. Add 3 cups of flour and mix until the dough comes together. It will be sticky! On a lightly floured surface knead the dough until soft and elastic (about 8 minutes), adding more flour to keep the dough from sticking if necessary. Do not add too much flour! The dough will become more workable the longer you knead. Or, if you have a standing mixer, knead the dough with the dough attachment for 5-7 minutes, or until elastic.

Transfer the kneaded dough to a lightly oiled bowl. Cover with plastic wrap and a clean kitchen towel. Let the dough rise in a warm area until it doubles in size, about 2 hours.

Punch dough down, divide into 12 equal portions, and shape each portion into a round ball. Place in a pan (or on baking sheets) coated lightly with cooking spray. Cover with a kitchen towel and let it rise for another 20 minutes.

Preheat oven to 400 degrees F.

In a small bowl, combine the melted butter and 1 tablespoon honey. Brush over the rolls. Bake for 10-13 minutes or until lightly browned. Serve warm or at room temperature.

oOo

Mamaru’s Homemade Pandesal

Good morning lovelies!

Ano almusal nyo?

Naks! May patanong-tanong pa kunyari ako. Ang totoo nyan eh gusto ko lang naman ay kunyari tatanungin nyo rin ako kung ano almusal ko. :P Para naman hindi halata na gusto ko lang magyabang sa sagot ko na kahit kapet tinapay lang ang brekky ko SARILING GAWA ko naman ang pandesal ko! Hihihi! (Im so Julius Babaw talaga!)

Sa wakas, nakagawa din ang Mamaru ng pandesal. Buong pagmamalaki kong masasabi ngayon na isa nga akong tunay na Pinoy! Tatak-pinoy ang pandesal di ba?

Parang gusto ko tuloy kumanta ng

Sabi nila may anting-anting ako.Hoy! Pinoy ako!. . .Buo ang aking loob. . .May agimat ang dugo kooooo!  Charot! Umo-OA na aketch!

Dali!! Looky-looky nyo ang pics ng gawa kong pandesal.

freshly baked pandesal

pandesal

bread doughpandesal dough in bread crumbspandesal dough in a baking sheetpandesal in a basket

Homemade pandesal + kapeng barako with creamer and dash of ground cinnamon = MAGANDANG UMAGA!

pandesal with kapeng barako

Have a HAPPY WEDNESDAY, everyone!

 

oOo

Whole Wheat Dinner Rolls

May idea ako kung paano ang breadmaking (babymaking nga alam ko, breadmaking pa kaya?), pero yung gumawa talaga ng aktwal na tinapay ay hindi pa. Not until yesterday.

Matagal na akong atat subukan kung paano gumawa ng tinapay lalo na ang homemade pandesal. Minsan sa kalilibot ko sa cyberspace kasama si bespren Google, may nakita akong recipe  – hindi ng pandesal. Natuon ang atensyon ko dun sa recipe ng DINNER ROLLS.

Ang chika ng site na napuntahan ko, eh Worlds Best Dinner Rolls daw itetch. Bah! Talaga lang ha! Sige nga, masampolan nga!

Pero imbes na All-Purpose flour, Whole Wheat flour ang ginamit ko para lang maiba. Tsaka kumpara dun sa pinagkopyahan ko, mas malalaki ang size ng dinner rolls ko. Hindi ako sure kung malaki ang hiwa ko (hmmn..bakit parang ang laswa pakinggan?) sa dough o maalsa lang talaga ang whole wheat flour.

Heniweys, saludo ako dito sa recipe na to. Totoo ang claim, mga ateng! Dabest sha! These rolls – so soft and light indeed. Ang lembot pisil-pisilin, parang ako. Hihi!

Kahapon ko to ginawa.

freshly baked whole wheat dinner rolls

Kung papansinin, hindi makinis ang ibabaw ng dinner rolls ko dahil yan sa wheat flour ang ginamit ko.

whole wheat dinner rolls

Siempre, sinunod ko naman ang mga instructions dun pinagkuhanan kong site.  Gaya ng sabi na takpan ang dough ng malinis na tela at paalsahin ng 1 hour. Tsek!

cover with a clean towel

Kakatuwa silipin na after an hour, halos doble na nga ang itinubo.

 allow to rise 1 hour

Deat Ate Vicky Morales, wish ko po magkaroon ng Breadmaker machine. Penge po. Yung maganda ha? Labs, Mamaru, Hehe!

Hays tama na muna ang wish-wish na yan.

Since isang magandang poorita lang si Mamaru at walang breadmaker machine, mano-mano lang muna ang ginawa kong paghahalo at pagmamasa ng tinapay ko.

roll dough and cut to 12 equal-sized pieces

Pagkatapos hiwa-hiwain ang dough at naipwesto sa kahit anong baking pan (depende sa trip mo) tinakpan at pinaalsa ulit sa loob ng 30 minutes tas isinalang ko na sa oven.

cover and let dough rise for 30 minutes

Mula pagkaluto at pagkahango, mga ilang minuto lang ay tinapyasan ko na agad ng dalawang piraso ang tinapay. Hindi na nakayanan ang pagtitiis, lafang na agad ang Mamaru habang mainit-init pa.

Nagustuhan to ng unico hijo kong si Kevin. Hindi na siya nagkanin kagabi at kaninang umaga. Kumain siya ng dinner rolls na may palaman na corned beef and with corned tuna naman kanina ang naging trip nya. (Tanong: pag kumain ba ng dinner rolls sa breakfast, dinner rolls pa rin ang tawag?)

O ha! Marunong na ako ngayon gumawa ng dinner rolls! Pwede na akong mag-asawa ng porener! Weeee! Sa sunod yung pandesal naman. :P

whole wheat dinner rolls

Kahapon, habang pinagmamasdan ko ang mga nagawa kong tinapay, nangingiti ako na may halong yabang sa sarili akong naramdaman. 

Seryoso, mas lalo akong nakumbinsi ngayon na madali lang talaga ang humanap ng HAPPINESS sa buhay. Kahit sa pagluluto lang, may makukuha ka na.

 

Recipe source here.

oOo

"Ang tao dapat sulitin ang buhay. Gawin ang gustong gawin. Maranasan ang dapat maranasan" – Roldan Aquino, Pagdating Ng Panahon (2001)

Avocado Toast

Na-try nyo na ba to?

Juice ko! Eto ang brekky ko ngayon. Pagka-lafang ko, ensigueda eto ang nasambit ko: Lord, nasa langit na ba aketch? Charot! 

Wa istir, di ko akalain na magugustuhan ko to. Havey na havey para sa akin (o baka naman gutom lang ako). Lol!

avocado toast

Kalahating avocado lang naman ang need mo. Tas mga dalawang pirasong tinapay, kahit anong tinapay. Toasted bread ang meron si Mamaru kanina.

avocadotoasted bread 

Ganito lang: slice da avocado in chunks, make patong-patong sa bread, tas sprinkle it with S & P (salt and pepper). Yun na yun!

avocado toast sprinkled with salt and pepper

Pagka-lami gayud! (Ang sarap talaga!)

avocado toast

Pero kung ayaw mo naman ng chunky dahil nuknukan ka ng arte, pwede mo rin i-mash at i-spread.

mashed avocado spread

Mapapadalas ang paggawa ko neto kasi mura lang naman dito sa kuta namin ang avocado. Ideal din to na pang snack para sa mga health-conscious o kaya sa mga nagda-diet.

avocado spread in a toast 

Masarap na. Nutricious pa! San ka pa?! Chos!

 

 

oOo

Thursday Thoughts

Toasted Garlic Bread

Mainit-init na toasted garlic bread. . .para sa isang magandang Lunes ng umaga.

garlic bread

I want my garlic breadhomemade.

toastedbread

Garlic bread na binudburan ng brown sugah!

garlicbread

 

Thanks God Its Monday!

 

oOo

Always be thankful to God for all blessings. Good or bad, there’s always a reason and it’s always for the best!