KAKANIN: Cassava Suman

Afternoon snack…cassava suman with buko filling.

cassava suman-004

Wag po magtaka kung bakit brown ang  kulay ng suman ko. Hindi po sunog yan. Lol!

Para may variation, dinagdagan ko ng cocoa ang kalahati ng cassava mixture ko para maiba naman at para – masaya!

cassava suman

Na-miss ko ang kumain ng cassava suman talaga.

Parte ang kakanin na ‘to ng kabataan ko dahil ‘to lagi ang binibili ko sa school namin noon.

cassava suman-005

CASSAVA SUMAN

Ingredients:

  • 1 cup grated coconut 
  • 2 cups grated cassava
  • 1/2 cup brown sugar
  • 1/2 cup grated young coconut (for filling)
  • 12 Blanched banana leaves ( serve as wrappers)

cassava suman-001

Cooking Procedure:

  1. Combine grated cassava, grated coconut and sugar.
  2. Place measured amounts of cassava mixture on each piece of banana leaf.
  3. Roll Banana leaf, enclosing filling and fold both ends.
  4. Arrange on steamer rack.  Steam for 30 minutes, counting time when live steam starts to form.

cassava suman-002

 

cassava suman-003

 

oOo

“Minsan, nagsasayang tayo ng napakaraming oras kaka-isip sa taong ni minsan hindi naman tayo naiisip.”

KAKANIN: Pichi-Pichi

Nakausap ko ang friend kong nasa Zurich, Switzerland noong Sunday at nagpaturo sa akin kung paano daw ang pag-bake ng cassava cake na hindi nasusunog ang toppings.

Bah! Gulat naman ako sa kanya. Ibig sabihin ba may kamoteng-kahoy sa Switzerland?!

Oo daw. Meron daw. Kaso ginto ang presyo. Sabi nya ang yung DALAWANG piraso ng kamoteng-kahoy eh parang mga P350.00 daw ang presyo dun! Santisima! Ginto nga!

Sakto naman nang biglang may naglako ng kamoteng –kahoy dito sa may labas namin.

At ang presyo?

P10.00 per kilo.  (Taray!)

Anong sinabi ng presyo nila dun sa Europa sa presyo ng kamoteng-kahoy dito sa Pinas! Hahaha!

Haynaku, basta! Ay lab Pilipayns pa rin.

kamoteng kahoy

Enweys, pinakyaw ko na. Binili ko apat na kilo lahat sa halagang P40.00. (Yaman!)

Kaya eto gumawa na agad ang Mamaru ng PITCHI-PICHI!

Xperia photos2

Ako na mismo ang nag-grate. (Sensya na, nakalimutan ko kung ano ang tagalog ng GRATE. Alam nyo ba? Share nyo nga sa akin. Tnx.)

grated cassava 

Sa lahat na yata ng kakanin….isa ang Pichi-Pichi sa pinakamadaling gawin.

Simple lang din ang mga sangkap.

Xperia photos9 Xperia photos7

Nilagyan ko food color ang Pichi-Pichi ko, pero OPTIONAL ‘to.

Xperia photos8

Pwedeng gumamit ng mga cuchinta molder sa pag-steam ng Pichi-Pichi pero mas pinili ko ang ganito….ang ilagay ang mixture sa dalawang baking pan.

Xperia photos6

Originally, sa grated coconut pinagugulong ang Pichi-Pichi.

Pero kahit pagkain ngayon eh nag i-evolve na rin.

Sa ngayon ang nauuso ay sa KESO or CHEESE na sya pinagugulong. Lol!  

Xperia photos1-001

Pichi-Pichi Recipe
Ingredients

  • 2 cups cassava, grated
  • 1 cup white sugar
  • 2 cups water
  • 1 cup grated coconut or cheese
  • 1/2 tsp lye water (lihia)
  • 1/2 tsp buko-pandan essence

Cooking Directions:

  1. Mix all the ingredients together, except the grated coconut.
  2. Add 1/2 tsp of pandan flavor into 2 cups of water
  3. Stir until well blended and no lumps remain.
  4. Pour into 2 pcs pans, put a drops of food coloring (optional)
  5. Steam for 45 minutes or until firm.
  6. Cool and scoop using a spoon.
  7. Roll each piece in grated coconut or cheese.

 

oOo

“Minsan kailangan mong manahimik para malaman nilang nasasaktan ka.”

Homemade Munchkins

I just did this today.

Homemade Munchkins or Choco Balls.

Gusto kong  i-share ‘to sa mga readers kong may mga makukulit na tsikiting dahil sure akong magugustuhan nila ‘to. O kaya para na rin dun sa mga SINGLEs diyan na ang hobby ay lumafang.

Heto ang Homemade Munchkins/Choco Balls para sa inyo, mga ateng!

Gawa kayo nitey. Super-dali lang at wala ng bake-bake chenelyn pa.

homemade munchkins-001

homemade munchkins

You’ll need:

  • 10 packs of Ace biscuits (or Graham)
  • 1 can condensed milk.

Method:

  1. Crush the biscuits, add condensed milk and then mix.
  2. Create to any shape of your choice.
  3. Dip in desiccated coconut.
  4. Chill and serve.

 homemade munchkins-002

homemade munchkins-003

homemade munchkins-004

homemade munchkins-005

Aktwali, pwede rin nyo ‘to ibenta kung trip nyo. Bahala na lang kayo sa packaging at costing. 😀

 

 

oOo

"Hindi baleng SINGLE, busog naman."

Na-Miss Ko ‘To

Na-miss ko ang gumawa neto. Mahal na mahal ko ang produktong to kasi eto ang bumuhay sa amin na mag-nanay noon. Dito sa Homemade Polvoron ko nairaos at napag-aral ang mga anakis ko mula noong elementary.

Siempre dumating din ang panahon na napagod ako at tumigil.

Lately eh may umorder sa akin na friendlalu ko ng Polvoron at Golden Macaroons. Hindi ko naman mahindian na gawan kasi dadalhin daw nya pabalik ng abroad. 😀

Heniweys, ibat ibang flavor ng polvoron ang ginagawa ko pero eto ang gusto ni prendship ko. Polvoron with chocolate chips!

polvoron1

Sa paggawa ng polvoron, halos pare-pareho lang naman ang paraan at measurement ng ingredients. Flour, sugar, powdered milk and shortening lang ang main ingredients.

polvoron5

Ang masasabi ko lang, napapaiba lang ang sarap ng polvoron depende lang talaga sa ginamit na klase at brand ng powdered milk.

I use Dairy Bake brand ng powdered buttermilk. At tsaka dapat maayos ang pagto-toast ng flour. Dapat ingatan na wag masunog habang tino-toast para hindi mapait at siguraduhin na hindi hilaw ang flour para hindi magpororot ang kakain.:D

polvoron2

Iba ang shape ng moulder at packaging ng polvoron ko NOON. Bilog ang moulder at mas malalaki ang sizes. Ngayon, iniba ko na at niliitan ang size.

polvoron3

At ibang klase rin ang wrapper ko noon, glassine paper ang gamit ko. Dis taym water cellophane na ang prefer ko. 

polvoron4

Masarap ang polvoron i-stock sa ref dahil habang tumatagal mas lalong sumasarap. Sarap balik-balikan. Matagal ang shelf life, mga 3 months basta nasa ref lang.

polvoron1-001

Dati, I sell this in 12s (in a box) kasi malalaki siya. Now, I sell this in 50s. (50 pieces in a pack). At sa murang halaga lang ang pricing ko.

Polvoron

Oorder din ba kayo? 😛

 

oOo

Wag mong pagpilitan ang taong ayaw sa yo. Pag yan pumayag at napilitan, ikaw din ang masasaktan.

Summer Cooler: Coffee Jelly

Hindi mapipigilan ng mala-pugon na init ng panahon ang pagiging adik ko sa kape! Sa ibang porma nga lang ang paglaklak ko ng kape ngayon at walang kasamang hotness ng water. Heniweys, hot naman daw akels kaya no need of hot wotah enmore! Charot!

Ang importante sa akin eh may caffeine akong naisasalin sa mga ugat ko para magkaroon ako ng staying super power everyday.

At eto ang sagot ko para kahit konti ay kontrahin na rin (na may kasamang sarap) ang init ng panahon.

Ang kasagutan? Malamig na gatas at gulaman na may kapeeeeee!

coffee jelly with milk1

empty glasses

COFFEE JELLY

  • 2 envelope unflavored gelatin (any brand of gelatin)
  • 1/2 cup sugar
  • 4 cups hot strong coffee ( i use brewed coffee)
  • Milk, chilled

coffee jelly mix

Mix gelatin and sugar, add hot coffee and stir until gelatin and sugar are dissolved.

glass-filled coffee jelly 

Ayan, ready to be placed in the ref to set.

coffee jelly with milk 

Pagkatapos ng mga ilang oras, pwede ng i-serve with cold/chilled milk.

I cut jelly into cubes, sa loob na ng baso mismo.

 coffee jelly with fresh milk

Makes 8 servings.

coffee jelly with milk-001 

😛 😛 😛 😛

 

oOo

True love is just around the corner, kaso bilog yung mundo.

Summer Cooler: Buko Pandan Ice Candy

Its official! SUMMER naaaaaa!

Whew! Ang init-init na ng panahon. Sarap-sarap magborles lagi. Hehe!

Kahit kauumpisa pa lang ng tag-init eh sinimulan ko na  agad ng paggawa ng summer cooler.

Eto, BUKO PANDAN ICE CANDY!

Kakabugin neto ang tinagurian nila dito sa Pilipinas na Social Climbers Ice Cream na Magnum! Charot!

Ewan ko ba, bakit ba overhyped ang ice cream na yan! Ano ba meron sa Magnum na yan at sobrang pinag usapan, pinagtalunan sa mga social networking? At ang mahal mahal pa ha!

May nakita ako sa FB, yung iba eh may pa-picture picture pa habang kumakain ng Magnum!  Ano yun? Pasosyal ang peg? Sus! If I know eh sanay lang naman sila kumain ng kinaskas na yelo galing sa gilid ng freezer nila noh. Haha!

Ang bitter ni Mamaru. Palibhasa walang pambili ng Magnum. Hmp!

buko pandan ice candy3

Dito na lang ako sa Buko Pandan Ice Candy ko. 😀

Malapit to sa puso ko kasi parte to ng kabataan ko. FYI, naglalako ako neto noon. Elementary pa lang ako, marunong na ako gumawa ng ice candy at impernes, magaling ako magtali. Hindi lambutin at talagang tigasin pag nagtatali ako ng ice candy wrapper.

buko pandan ice candy2

Mayaman ako ng buko dito sa bahay. May tanim kasi akong coconut tree dito kaya siksik at liglig sa sahog na buko ang ice candy kong to.

buko pandan flavored gulaman

Siempre, yung gelatin ko, pandan flavored din.

diced buko pandan gulaman

Enjoy ang Mamaru sa pagda-dice ng gelatin. 😛 Parang naglalaro lang.

diced gelatin 

Kelangan ang mga sumusunod na kagamitan na to para mas mapagaan ang buhay mo sa paggawa ng ice candy.

funnel, measuring cup, chopstick

Funnel, measuring cup at chopstick na pangsundot pag nagkaka-trapik ang buko at gelatin sa funnel.

Siempre, bukod sa buko meat, buko juice at gelatin, kasama sa main ingredients ang white sugar at evaporated milk. Nilagyan ko rin ng konting patak ng McCormick Pandan flavoring din.

icecandy making 

Gabi nang ginawa ko to. Tamang-tama kako para kinabukasan eh astig na ang mga ice candy ko.

  ice candies

Kinaumagahan.Dyaaraaaaaaan! 😛

buko pandan ice candy1

Kahit mga dalaga at binata na ang mga junakis komabenta pa rin sa kanila ang ganitong pampalamig.

 

 

oOo

"Huwag kang magsawang sumubok kung nasaktan ka, kasi masarap ang may minamahal."

 

Recipe: No-Bake Blueberry Cheesecake

Blueberry Cheesecake ang request na ipagawa sa akin ni Kevin noong New Year pa. Nabili ko ang mga ingredients maliban lang sa isa. Ang cream cheese! Ewan ko ba, as in nagkaubusan talaga ng cream cheese sa mga tindahan noong Bagong Taon.

Pinangako ko sa kanya, sa bertdey ko na lang sya gawan ng request nya. 

At noong Wednesday, bertdey ng junakis ko kaya I did this for him.

No-Bake Blueberry Cheesecake

 No-Bake Blueberry Cheesecake  

No-Bake Blueberry Cheesecake

No-Bake Blueberry Cheesecake ingredients

NO-BAKE BLUEBERRY CHEESECAKE
Crust:

  • 1 1/2 cups graham cracker crumbs
  • 1/2 teaspoon cinnamon powder
  • 1/4 teaspoon nutmeg
  • 1 tablespoon sugar
  • 1/2 cup softened butter
  • 1 teaspoon lemon juice (optional)

Filling:

  • 1 cup (1 brick) cream cheese
  • 1 cup (1 brick) all purpose cream
  • 1/2 cup sugar
  • 3 tablespoons liquid milk
  • 1 tablespoon or 1 sachet of Knox unflavored gelatin
  • 1 teaspoon lemon juice (optional)

Topping:

  • 1 can Comstock Blueberry pie filling

No-Bake Blueberry Cheesecake 

To prepare crust:

  • Crush graham crackers.
  • Mix all dry ingredients. Add butter to bind. Mash well.
  • Transfer and press evenly on bottom of ungreased springform pan.
  • Place in the freezer to harden crust.

To prepare filling:

  • Using a mixer, whip chilled cream with 2 tablespoon sugar until stiff. Set aside.
  • In a separate bowl, gradually mix remaining sugar into softened cream cheese. Beat until fluffy and set aside.
  • In a small sauce pan, combine milk and gelatin powder. Heat until completely dissolved. Remove from heat, pour and beat into cream cheese mixture.
  • Fold in cheese mixture to the whipped cream and beat on medium to high.
  • Add lemon juice to add some zest in your cream filling.

To assemble:

  • Bring out pan from freezer and pour in the cheesecake filling. Spread evenly.
  • Cover pan and chill.
  • Top with blueberry pie filling or fruit compote before serving.

Wala akong mabiling Graham crumbs kaya ginamitan ko ng food processor ang pagdurog ng crackers. Hindi lang yung pagdurog ng crackers ng pinong-pino ang kinarir ko. Pati yung pagporma ng crust sa springform, kinarir ko rin. Para hindi sabog-sabog ang crust pag ini-slice.

No-Bake Blueberry Cheesecake

Hindi to ang first time na gumawa ako ng cheesecake at napag-alaman ko na mas OK kung huwag muna ilagay ang toppings habang chini-chill sa ref. May tendency kasi na mag-dry at umitim ang toppings.

Tsaka na lang maglagay ng toppings kung ise-serve na.

No-Bake Blueberry Cheesecake

May iba kasi na gusto nila ng cheesecake na plain langnakahubad o naka- topless. 😀

 

oOo

Sana lumaban pa sya. Para sana hanggang ngayon, kayo pa ring dalawa.

Mangga at Suman

Nakaka-miss din kumain ng kombinasyon na to.

MANGGA at SUMAN

Masasabi kong pagkain-Tagalog talaga ang mangga at suman kasi napansin ko ang mga bisaya ay hindi gaano mahilig sa kombinasyon na to ng prutas na Mangga at kakanin na Suman. Ang namayapa kong padir at madir eh mga purong-Tagalog, kaya maalala ko noon, tuwing may handaanhindi nawawala ang mga kakanin lalo na pag fiesta at Pasko.

Hmmmnmay bahid-emotera ang mood ng Mamaru ngayon. Epekto siguro to ng dalawang araw ng mangga at suman lang ang breakfast ko, pati meryenda na rin. Hindi ko tuloy maiwasan ang maalala (insert Maalaala Mo Kaya theme song here) ang mga nag-Rest In Peace kong parents at mga kapatid. 🙁

oOo

Huwag nating saktan ang ating mga kaaway. Tandaan, tao din sila, hindi lang halata.

Mango Float

Parehong may sweet tooth ang amo kong lalaki at babae.

Chocolates, cookies, cakes, candies, pag meron kami nyan dito sa bahaywalang puwang ang amag! Ako naman, moderate lang sa pagkahilig sa sweets kasi nga eh di ko na kelangan ang sweets sa pagkatao ko – Im sweet enough noh. Tot!

Da last time na nag-grocery kami ni Keziah, nag-50% OFF ang isang brand ng all-purpose cream. Sinipat ko kung bakit, ayunlapit na pala ang expiration date nya. Sus!

Well, sinamantala ko na rin at pumik-ap ako ng dalawang paks, kako makapag-MANGO FLOAT nga.

mango float slice

graham crackers

mango float layering

mango float

mango float with chopped nuts topping

slice of mango float

M A N G O  F L O A T

Ingredients:

  • 1 cup heavy cream, chilled
  • 2/3 cup sweetened condensed milk, chilled
  • 1/2 cup mashed ripe mango
  • 1 tsp. vanilla extract
  • Thin slices of ripe mangoes
  • Graham Crackers

Garnish: (optional)

  • Mango slices or any chopped nuts you may prefer to use.

Instructions:

  1. Blend cream and sweetened condensed milk together. Add mashed mango. Add vanilla. Set aside, preferably keeping it chilled until needed.
  2. In a square 9 x 9-inch or a rectangular 9 x 13-inch Pyrex or any transparent dish, assemble graham crackers and cream mixture by arranging the crackers on the bottom of the dish.
  3. Spread one third of the cream mixture, arrange some mango slices, then put another layer of the crackers. Repeat the process, ending with the cream mixture on top.
  4. Sprinkle with chopped nuts (optional).
  5. Chill before serving.

oOo

Joey: "C.I.A…. Central Intelligence Agency?" Rene: "Dili man dong, Cebu Intelligence Agency" Smith & Wesson (1988)

Summer Cooler: Saba con Yelo

Sa sobrang init ng panahon kanina, hindi naiwasan na nag-init din ang bodylicious ko. Char!

Ang naging sagot naming mag-nanay sa init ng panahon kanina? Saba con Yelo!

Saba con Yelo

To make Minatamis na Saba:

In a pan combine 1 cup sugar and 1 cup water. Cook until the sugar is dissolved. Add 6 saba to the syrup. Simmer 10-15 minutes or until bananas are cooked. Cool then chill until ready to use.

In a glass, put some sliced saba with syrup.

Summer Cooler: Saba con Yelo

Dyaraaaan! Tig-isang baso kaming mag-nanay. Tsalap!

Summer Cooler: Saba con Yelo

SABA con YELO

oOo

"Kung nasaktan man ako, masaya ako na I took the risk" – Kim Chiu, I’ve Fallen For You (2007)

 

.