Golden Macaroons

A dear friend wants me to bake macaroons for her.

golden macaroons

 

macaroons1

 

macaroons2

 

macaroons3

GOLDEN MACAROONS

  • 1 pack 500 grams Desiccated Coconut
  • 1 large can Condensed Milk
  • 3 Eggyolks
  • 1/2 cup Brown Sugar

Mix all the ingredients, blend until sticky. Pour mixture in desired paper cups molder. Bake in a low temperature at about 30 minutes.

 Golden Macaroons1

 

Golden Macaroons2

Ang lahat ng macaroons na ‘to ay tanging para sa kanya lang daw.

 

oOo

“Minsan ang relasyonay parang tubig sa timba. Ang daming nakikisawsaw kaya ang LABO.”

 

Chicken Teriyake

Isang panibagong chicken recipe na naman na kinagiliwan ng mga amo kong bagets.

Napapansin nyo bang panay chicken ang niluluto ko lately? Eh kasi naman, pag manok ang nakahain sa mesa namin…hindi nagrereklamo ang mga amo ko. Kahit siguro araw-arawin ko ang pagluluto ng manok, sila ay wa-pakels.

Pag fish kasi ang niluluto ko, kahit hindi ko sila nariringgan na nagrereklamo, pero napapansin kong hindi sila gaanong excited kumain.

Haysss…ang hirap mangamuhan talaga. Pero oks lang yun, labs ko naman mga amo ko.

chicken teriyake2

CHICKEN TERIYAKE

Ingredients:

1 pack Chicken Thigh Fillet
1 tbsp grated ginger
1/3 cup sugar
2 tbsp rice wine
¼ cup water
½ cup soy sauce
1 tbsp cornstarch, dissolved in
1 tbsp water

Topping:

1 tbsp sesame seeds, toasted
2 tbsp chopped spring onions

Procedure:

In a saucepan, combine ginger, sugar, rice wine, water and soy sauce. Cover and allow to boil. Add chicken pieces and cook covered for 10 minutes over moderate heat. In a small bowl, dissolve cornstarch in water. Mix well. Pour into chicken mixture and stir. Cook for another 2 minutes or until sauce lightly thickens. Remove from heat, transfer to a serving dish and top with toasted sesame seeds and chopped spring onions.

Makes 3 to 4 servings.

 chicken teriyake1

 

 

oOo

“Masarap na feeling? Simple lang, yung mahal mo, mahal ka rin.”

Mon Favori Porc et Haricots

“Mon favori porc et haricots!”

Uy, ang sushal ko na! I’m learning and spokening French today! :P (Tenkyu bespren Google) Hehe!

Sa wikang sariling atin, ang ibig sabihin nyan ay. . .

“Ang Paborito Kong Pork and Beans.”

porkbeans

Maalala ko noong batang gusgusin pa aketch…ang sarap lang pag nagkakasakit. Kasi pag maysakit kahit lagnat-laki lang, eh laging may Hunt’s Pork and Beans, Sky Flakes at Royal Tru-Orange na pinapabili si Ina para sa bagets nyang may sakit. Espesyal na yun para sa amin noong araw…noong mga 1930’s. (Oo, reincarnation na lang ‘tong si Mamaru)

Kalokah! Nakakainom lang kami dati ng Royal Tru-Orange noon pag maysakit. At pag may Hunt’s Pork and Beans, pakiramdam ko, parang bertdey ko na rin noon.

Nakaka-imbyerna lang sa de-latang Pork and Beans, iisang PORK lang talaga ang makikita mong laman ng lata! Iisang piraso na kalahati ay taba at kalahati ay laman. Bitin! Hindi ko talaga maintindihan kung bakit iisa lang lagi ang laman. Kapiranggot pa.

Kaya naman, pag kumakain ako ng Pork and Beans noon, inuuna ko muna ubusin ang mga beans at tsaka ko na kakainin ang pork. Save the best for last bagah. :D

homemade pork and beans

Kahapon, por da pers taym, nagluto ako ng Homemade Pork and Beans!

At matigok na ang sinungaling, dahil para sa akin mas masarap pa ‘to kesa dun sa kinalakihan kong Hunt’s Pork and Beans! At ang daminnnnnggg PORK!!!  Ang daminnnnnnggg KARNE!!! Hindi ka na babalik sa de-lata pag na-try mo ‘to.

Medyo kelangan nga lang ng maraming time pag magluto ka nito kasi yung white beans ko ay 12 hours kong binabad muna sa tubig at overnight kong pinalambot muna sa slow cooker.

Well, quever naman kung may katagalan bago maluto, oks lang yun tutal mayaman naman ako sa TIME! Lalo na pag para sa pamilya ko, marami po akong GOLD. Di ba sabi nga nila…TIME is GOLD? Charot!

Heniweys, kinain ng mga bagets ko ang niluto kong Pork and Beans na ganito lang. Walang kanin kanin at tina-tinapay. Ako naman, with matching garlic toasted bread ang pag-lafur ko nito. :P

HOMEMADE PORK AND BEANS

Ingredients:

  • ½ kilo white beans
  • 2 tablespoon  oil
  • 3 cloves garlic, minced
  • 1 medium sized onion, chopped finely
  • ½ kilo pork belly or liempo, sliced ½” thick
  • teaspoons soy sauce
  • 1 ½ to 2 cups water
  • ½ cup tomato catsup
  • 1 ½ teaspoons salt
  • 3 tablespoons sugar
  • 2 tablespoons cornstarch, dispersed in 1 tablespoon water

Procedure:

  1. Soak the beans in enough water overnight. Drain and rinse.
  2. In a saucepan, heat oil then sauté garlic and onions.
  3. Add sliced pork and cook until brown.
  4. Add soy sauce and water.
  5. Add the beans and cook covered until tender. (You can also do this in a slow cooker or pressure cooker.)
  6. Add catsup, salt, and sugar. Stir carefully to prevent beans from getting mashed.
  7. Thicken sauce with dispersed cornstarch.
  8. Cook 1 minute more.

Bon Appetit! :D

 

oOo

“Wag na tayong pumasok sa isang relasyon na para lang nakikiuso.”

Chicken Adobo Aloha

Tonight’s ulam: Chicken Adobo Aloha.

.

.

BRB.

Our dinner is ready na. :D

chicken adobo aloha2

chicken adobo aloha1

Ingredients:
1/2 kg    chicken, cut into serving portions
1 can     Pineapple Tidbits, drained (reserve syrup)
6 cloves    Garlic,sliced and fried

MARINADE
3 cloves     Garlic, crushed
1/4 cup      Cane Vinegar
1 Tbsp     Soy sauce
1 tsp     Iodized fine salt
1/2 tsp     Peppercorns

Procedures
1. MARINATE chicken for 30 minutes. Drain and reserve marinade.
2. FRY chicken in oil until golden brown.
3. COMBINE chicken with marinade then simmer until chicken is tender.
4. ADD Pineapple Tidbits. Top with fried garlic.

oOo

“Minsan kahanga-hanga din yung mga taong alam nilang wala na pero kumakapit pa din sila kasi MAHAL talaga nila.”

 

Buto-Buto

Patuloy kong inaabuso ang paggamit ng Slow Cooker ng sis ko habang andito pa sa akin.

Kung noon ay panay lean meat lang kami at umiiwas ako bumili ng karneng may mga buto-buto dahil tamad ako magpakulo ng matagal at magpalambot, hindi na ngayon uy! Lume-level up ng konti ang Mamaru!

DSC06919_2

Panay kopya ko ngayon ng mga recipe na may kinalaman sa paggamit ng Slow Cooker. Para maiba naman ang nilalafang namin ‘kako.

DSC06921

At eto ang isa sa mga natripan kong recipe na i-try, ang FIVE SPICE SLOW ROAST PORK BONES.

Happy-happy kaming pinagsaluhan ang mga buto-buto nang maluto. Pero wala nang mas hihigit pa yata sa pagiging happy sa naging share nya kundi si Sang!

More bones more happiness para kay Sang. Pati yung mga tira namin na mga buto, kanya na rin! Hehe! Parang bumebertdey lang ang tsura ng dog namin sa tuwa. :D

 DSC06913_2

DSC06915_2

Again, pinakagusto ko sa paggamit ng slow cooker ay yung ilalagay mo lang lahat ng sangkap ng sabay-sabay.

 DSC06916_2 

Takpan at iwanan lang ng hindi na kinakailangan na bantayan o halu-haluin pa. Pwede ka ng pa petiks-petiks lang na hindi inaalala ang niluluto.

DSC06917_2

Matapos ang saktong bilang ng oras ng pagluluto, ayan, reding-redi na ang ulam at talagang nakakagigil ang lambot ng karne.

FIVE SPICE SLOW ROAST PORK BONES

  • 1/2 kilo Pork Bones with little meat
  • 1 Tbsps Five Spice Powder
  • 2 Tbsps Soy Sauce
  • 2 Tbsps Brown Sugar
  • 2 Tbsps Tomato Sauce
  • 1 whole bulb Garlic
  • 1 pc Lemon, juiced (or kalamansi)
  • 1 tsps Pepper
  • Salt to taste

Marinade the pork bones with all the ingredients. Put pork bones in slow cooker and cover the top tightly. Slow cook on High for 4 hours or until very tender.

 

oOo

“Hindi lang naman siya ang namimiss ko, nami-miss ko kung ano yung dating kami.”

Hapunan Ngayon

What’s on your dinner plate tonight, people? Naks! Napapa-ingles si Mamaru.

Kami?

Howel, pa-barbekyo-barbekyo lang naman kami ng Pork Ribs. Hehe! Ang angas!

O ha! Busy pa ako nyan kaninang maghapon ha? Eto ang sinasabi kong ginhawa pag may slow cooker. Salpak lang lulutuin at ang mga panimpla sa slow cooker, i-ON, at pwedeng IWANAN na!

Pagbalik mo pagkatapos ng mga ilang oras…dyaraaaaaan! May ulam na! Kainan na! At mainit-init pa! :D

porkribs1

 porkribs2

porkribs3

porkribs4

porkribs5

porkribs6

porkribs7

SLOW COOKED BARBECUE RIBS

 

 

 

 

 

 

 

  • 1/2  cup ketchup
  • 1 1/2  tablespoons molasses
  • 1/2  tablespoon vinegar
  • 1/2  tablespoon Worcestershire sauce
  • 1/2  tablespoon dark-brown sugar
  • 1  teaspoons Dijon mustard
  • 1/4  teaspoon hot pepper sauce (such as Tabasco)
  • 1 kilo pork ribs

Directions:

1. In a small bowl, stir together ketchup, molasses, vinegar, Worcestershire sauce, sugar, mustard and hot sauce.

2. Place pork ribs in the slow cooker, insert and pour sauce over top. Cover and cook on HIGH for 4 hours or until very tender.

 

 

oOo

“Hindi sukatan ang KAMA para sabihing mahal ninyo talaga ang isa’t-isa. Kasi kung totoo kayong nagmamahalan SAHIG lang, eh ayos na.”

Lechon Manok Leftover

Dami kong leftover na Chooks-To-Go lechon manok noong isang gabi. Kinaumagahan, imbes na initin lang sa microwave gaya ng nakasanayan namin,  naisip kong ibahin naman ang pagluto ng mga tira-tirang manok para saktong maiba naman ang almusal namin.

Ang naging solusyon ko para hindi mahalatang leftover lang sya? CHICKEN ADOBO FLAKES!

Pinatuyong luto nga lang ng pag a-adobo.

chicken adobo flakes

stir-fry lechon manok flakes

lechon manok leftover

Aminin ko, masarap ako. Pero MAS masarap talaga ‘tong Chicken Adobo Flakes na itey! Charot!

omelette and adobo flakes

Perpek ang fried rice at fried egg na i-partner dito.

corned tuna omelette 

Kaso imbes na fried egg, mas trip ng mga amo ko ang Corned Tuna Omelette.

Chicken Adobo Flakes

Next time magkaroon kayo ng tira-tirang lechon manok, try nyong i-flake at adobohin. As in LANGIT ang sarap! Chos! :P

CHICKEN ADOBO FLAKES

You will need:

  • 2 tbsp cooking oil
  • 3 gloves garlic, minced
  • 250 grams leftover chicken meat, shredded/flaked
  • 1/2 cup vinegar
  • 1 tbsp liquid seasoning
  • salt and pepper to taste

Instruction:

  1. Saute garlic in oil until light brown in a hot skillet.
  2. Add shredded meat and the rest of ingredients.
  3. Stir-fry the meat until golden brown.

 

oOo

“Ang pag-ibig, parang mahika. Hanggat hindi mo nahuhuli ang pandaraya, patuloy at patuloy ka pa rin maniniwala.”

Slow Cooked BBQ Pulled Pork

hamilton-beach-slow-cooker Nag i-enjoy ako sa kagagamit ngayon ng Hamilton Beach SLOW COOKER ng sister kong si Millette. Inarbor ko pansamanta since wala naman time para magluto si Sis. (At sana hindi na bawiin.)

Aktwali, never pa nya talaga nagagamit ang cooker nya, as in brand new pa itey. Nasa kahon pa nga noon kaso nabaon ng putik nang masalanta ng bagyong Sendong ang bahay ng ate ko.

Noong Holy Week lang namin ‘to na-recover mula sa pagkabaon sa putik nung naglinis kami dun sa bahay nila.  Sa awa ni Lord, nang hiniram at pinauwi ko dito sa bahay, ok pa naman at gumagana pa. Ang swerte nga naman!

Grabe! Kung may datung lang ako, gusto ko magkaroon pa ng at least 3 units of Slow Cooker! Napaka-convenient kasi gamitin, time and energy saver  pa. As in! Para sa mga working moms kong mambabasa, naku! mamahalin nyo talaga ang gamit na ‘to pag nasubukan nyo.

Heniweys, eto ang isinalang ko nang bininyagan ko ang latest beybi ko sa kusina -

SLOW COOKED BBQ PULLED PORK 

Ingredients:

  • 1 kilo Pork loin
  • 2 Onions- Chopped
  • 12 oz BBQ Sauce
  • Season with Salt and Pepper to Taste

Instructions:

  1. Place loin in your slow cooker.

 DSC06894

2. Season with salt and pepper.

DSC06895

3. Place onions on top.

lean pork in a slow cooker1

4. Pour BBQ sauce on top.

marinade  

For homemade Barbecue Sauce:

  • 1 cup Ketchup
  • 1/4 cup Vinegar
  • 1 Tablespoon Worcestershire Sauce
  • 2 cloves Garlic, minced
  • 2 Onion, chopped
  • 2 Tablespoon Brown Sugar
  • 1 Tablespoon Paprika
  • Salt and Pepper

pork in slow cooker 

5. Cook on low for 6-8 hrs.

slow cooked lean pork 

slow cooked pork 

6. Shred pork with two forks and mix with sauce.

rice topping

Serve as rice topping…

pork flakes sandwich

Or serve on buns or sliced bread. :D

Gabi ng tinimplahan ko ang meat at isinalang sa slow cooker. Hinayaan, iniwan at tinulugan ko para tamang-tama paggising ko ay may ulam na kami na bagong luto.

 

oOo

“Madaling sabihin na maraming lalaki, pero di lahat madaling mahalin.”

 

Chocolate Frosting Recipe

iamlonelytoes
9 May, 2012 at 11:06 pm 

mamu! pahingi ng recipe sa chocolate frosting. thanks!

 

Ateng, eto na request mo. Pasensyahan mo na ang pic…ang chaka ng kuha ko.

choco frosting

CHOCOLATE FROSTING

  • 2 tablespoons All-Purpose Flour
  • 1 cup Fresh Milk
  • 1 tablespoon Cornstarch
  • 1/2 Cup Condensed Milk
  • 1 teaspoon Vanilla
  • 1/4 cup Cocoa
  • 1/2teaspoon Baking Soda
  • 2 tablespoons Oil

Cook over stove top, beat until mixture is spreading consistency. Spread on while hot.

Bagong Bundt Pan

May bago akong nabiling Silicone Bundt Pan dito sa may amin sa tabi-tabi lang sa halagang wan pipti (P150.00). Siempre, dahil bago, excited akong gamitin. Kelangan mabinyagan na agad ‘kako. Kaya nanghalungkat ako ng recipe ng Bundt Cake sa internet.

silicone bundt pan

Hanep sa kulay ng bundt pan ko – neon green! Kalurkey! Eto na lang kasi ang natirang kulay.

Heniweys, naghanap nga ako ng bundt recipe at gusto ko yung simple lang dahil gusto ko lang i-try ‘tong bago kong gamit. At may nakita naman agad ako.

silicon bundt pan2

Para sa recipe ng Chocolate Bundt Cake na ‘to, click HERE.

Napakadaling gawin, ni hindi ko na ginamitan ng electric mixer.

Pero aminado akong hindi  pa rin expert sa pagbi-cake at alam kong marami pa akong dapat matutunan. Medyo nagulat kasi ako dito sa pagtubo ng cake. Parang ang OA! Lol!

chocolate bundt cake  

Hindi ko alam kung “excited” lang ang Baking Powder at masyadong syang umalsa. Eh one teaspoon baking powder lang naman ang nilagay ko. Hindi kaya dahil sa wire whisk at hindi electric mixer ang ginamit ko kaya nagkaganito? :D May konek kaya yun?

chocolate bundt cake1 

Heniweys, nang binaliktad ko na ang bundt molder ko, ok naman ang cake.

choco bundt cake

Natawa ako sa sinabi ng niece kong si Tweetums habang nilalagyan ko ng chocolate frosting at binudburan ng chocolate chips ang bundt cake ko.  Biro nya, parang isang malaking DONUT daw ang chura! Hahaha!

bundt cake with choco frosting

Pero nang matikman ang cake, two thumbs up ang sarap, impernes!

 

 

oOo

“Nakakainis yung mga magagandang babae. Minsan bitin mag…”